webnovel

Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys

Maxi_Minnie · Sci-fi
Not enough ratings
23 Chs

Chapter 10: Keys to Fears Part 3

MIXXIA

Iminulat namin lahat ng aming mata. Laking gulat namin na "lie" lahat ang nakasulat sa mga screen kung saan nakalagay ang mga pangalan namin.

Hindi to maaari.

Totoo yung sinabi ko.

Lumabas ang humahalakhak na si Miss A. Tila nagwagi ito sa kaniyang mga plano.

"Paano ba yan my dear students? Mukhang hindi kayo makakalabas dito." Malakas na sabi niya sabay tawa uli ng sobrang lakas at sobrang tinis.

"Miss A may mali yang lie detector test machine niyo!" Mataray na singhal ni Venice kay Miss A.

"Ikaw! Ikaw ang sinungaling Miss A! Kasi ayaw mo kaming lumabas dito." Hindi ako nagpatalo at hinarap ko rin siya.

"Sus! Paano naman kayo nakakasiguro doon?"

"What do you mean?" Curious na tanong ko sa kaniya.

"Do you trust each other?" Nagkatinginan kaming lahat sa isa't-isa.

Bigla akong napaisip. Oo, maaaring hindi maganda ang pakikitungo ni Venice sa akin. Pero naniniwala pa rin ako na hindi masama si Venice. Lahat kami ay gustong umalis rito, at kahit kaunti ay pinagkakatiwalaan ko siya.

"May tiwala kami sa isa't-isa Miss A, di ba Venice?" Ngumiti si Venice sa akin kaya medyo nagulat ako.

"Yes, Miss A, tama si Mixxia kaya kung may sinungaling man rito ikaw yon at hindi kami."

Tumingin sa amin si Miss A na parang nakumbinsi namin siya.

"Well, pwede ko pa naman kayong pahirapan..." Tumawa uli siya nang napakalakas at nawala na parang bula.

Kasabay ng kaniyang paglaho ay ang pagbagsak ng isang susi at isang scroll.

Binuksan namin ito at tinignan ang nakasulat.

"Congratulations! You've completed the second mission entitled "Keys to Fears". You may now get the key and quit this game."

Tinignan Kong muli ang mansion. Dito ko na-overcome ang takot ko sa dugo. Pagkatapos ay nag-quit na ako sa game.

Lahat kami ay nakahinga ng maluwag dahil nakabalik na kami sa haunted house na mukhang hindi haunted. Iniisip ko kung ano ang third mission namin. Pero mas gusto kong magpahinga dahil sobra akong napagod sa misyon.

Pagkatapos naming maghapunan ay kaagad akong pumunta sa kwarto ko upang magpahinga at maghanda na matulog.

Pinaghuhugas uli ako ng plato ni Venice ngunit inako iyon ni Von. Akala ko ay magiging kaibigan ko na si Venice Pero mukhang matigas ang puso niya.

Pinikit ko ang aking mata at inalala ang mga nangyari sa mansion.

"Mixxia, nangako ako sa mga magulang mo na po-protektahan kita at sasamahan kahit saan ka magpunta."

Tumingin ako kay Von nang may pagtataka.

"Kakilala ng parents mo ang parents ko. Magkakaklase sila nung college at naging magkakaibigan. Ayoko sila biguin." Mahabang pagpapaliwanag ni Von.

"Kaya please Mixxia, don't stay away from me. Para akong mamamatay sa sobrang kaba sa tuwing nag-aalala ako sa iyo."

I smiled at him. He hugged me. Parang kuya ang turing ko kay Von at hindi magbabago iyon.

Nabaling ang tingin ko kay Sam na abalang naghahanap ng papel.

Akala namin ay may pagsubok pa, ngunit wala namang dumating na ipis, data or kahit anong nakakatakot.

Bawat kilos ni Sam ay tinitignan ko. He's so attractive kahit saang anggulo mo siya tignan.

Nararamdaman ko na naman ang kakaibang feeling kapag anjan siya.

Ang tangos ng ilong niya. Ang tangkad. Pero ang pinaka-paborito ko ay ang smile niya. Nakakatunaw. Sa tuwing ngumingiti siya ay parang humihinto ang oras at bumabagal ang paggalaw ng lahat.

Nahanap niya ang huling papel sa likod ng canvas.

Nakapikit pa rin ang mga mata ko nang may marinig akong katok.

Binuksan ko ang pintuan at naramdaman ko na naman iyong weird na feeling na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Iisang tao lang ang nakakapag-paganun ng sistema ko.

"Sam..."

Seryoso siyang tumingin sa akin at may inabot na chocolate.

"Para saan to?"

Hindi siya sumagot at dali-daling pumasok sa kwarto ko.

Wow ha. Parang sa kaniyang kwarto.

Umupo siya sa couch at tumitig sa akin. Umupo lang sya doon para titigan ako.

Nakakatunaw.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam ang ginagawa ko. Pero kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa kaniya.

Umupo ako sa couch at napayuko.

"May sasabihin ka ba sakin Sam?" Nahihiyang tanong ko habang nakayuko pa rin.

"Bakit? May gusto ka bang marinig sa akin?" Sabi niya sabay marahang hinawakan ang mukha ko upang iharap sa kaniya.

Pakiramdam ko ay malulusaw ako sa mga titig niya.

He hugged me.

Nagulat ako.

I hugged him back.

"Mixxia, hindi ko na dapat sasabihin dahil gusto kong ikaw mismo ang makaramdam at magsabi."

Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagyakap.

"A-ano Sam... H-hindi kita m-maintindihan..."

"I like you. And I will do everything para mahalin mo rin ako..."

Biglang pumasok sa isipan ko si Kent.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong sabihin kay Sam na gusto ko rin siya. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang hindi ko kayang sabihin.

Dahil ba yun yung takot ko?

Na takot akong mawala si Kent?

"Mixxia may d---"

Parehas kaming nagulat ni Sam na parang may ginawa kaming napakalaking kasalanan.

Nakita ko ang nahulog na chocolate dahil nabitawan niya ito.

Tumingin siya kay Sam nang masama at umalis. Hinabol ko siya. Iniwan si Sam sa kwarto. Tumakbo ako papunta sa kusina kung saan doon ang tungo ni Kent.

But there I saw him, and Venice. They're hugging each other. He kissed Venice's forehead.

Hawak niya ang kamay ni Venice at napalingon silang dalawa sa direksyon ko.

Dapat wala lang sa akin di ba? Kasi si Sam ang gusto ko at hindi siya. Dapat masaya ako dahil hindi na ako aawayin ni Venice. Pero bakit ganto? Bakit naiiyak ako.

Pinigilan kong maiyak sa harapan nila. Tumingin ako kay Kent ngunit walang akong nababasang emosyon sa kaniya.

Tumakbo ako ng mabilis. Sobrang bilis makapasok lang ako sa kwarto ko.

I saw Sam. He's still there.

I hugged him, then I started crying.

He hugged me back and he combs my hair using his fingers.

"It's okay to cry Mixxia. I'm here for you. Hindi kita iiwan."

"Thank you Sam. I like you too."

"Huwag mong sabihin yan Mixxia. Kasi mas masasaktan ako. Alam kong si Kent ang gusto mo. Pero gaya nang sinabi ko, hindi kita iiwan. Hanggang sa ako naman mamahalin mo. Sa ngayon ay maghihintay muna ako, dahil hinding-hindi ako makapasok sa puso mo, kung may isang taong nananatili diyan. I understand you. Don't say sorry."

He gave me a smooch on my forehead.

'Someday Sam...'