webnovel

Chapter 2 - Enrollment

Sakay kami ni Mike ng limousine ni Dad, papunta na kami sa Wizardome School of Magics, kasalukuyan nasa mahabang highway kami papunta sa Wizardrome, tanaw na tanaw ko kahit malayo ang gusaling isla, malaki na ito kahit malayo palang paano kaya kapag nasa loob na kami nito.

"Expected ko na talaga ang mag-aral dito pero hindi ko inaasahan na mapapaaga" napalingon ako sa kasama ko

"Thanks to my Dad" natawa naman si Mike sa sinabi ko "By the way, kamusta na ang business niyo Mike?"

"So far? Medyo naging triple ang sales namin." ngumiti si Mike, kamukhang kamukha talaga siya ng Mother niya, maputi, skinny, matangkad at chinito, pinagmamayabang ko na bestfriend ko ang crush ng bayan. Both of parents niya ay Caster, at may pagawaan sila ng Magic Wand dahilan para yumaman sila

Nakarating na kami sa gate ng school at inaasahan ko na malaki talaga ito, hindi ko matanaw ang pinakatuktok ng school. Kusang bumukas ang gate at pumasok na ang limousine na sinasakyan namin. Napakaganda ng lugar, sa kanan may garden maze at sa kaliwa naman namin ay may plaza na puno ng mga estudyante, siguro breaktime nila ngayon.

"Young master, nandito na po tayo." wika ng driver at lumabas siya para pagbuksan kami ni Mike ng pinto ng kotse.

Agad naglakad sa amin ang isang matipunong butler, yumuko siya sa amin bilang tanda ng paggalang

"Magandang umaga, hinihintay na po kayo ng Headmaster, hayaan niyo na po kami na magasikaso ng mga gamit niyo." pumalakpak siya ng isang beses at ang ibang butler ay kinuha lahat ng gamit namin "Sumunod po kayo sa akin"

Nagkatinginan kami ni Mike at sabay kaming tumango, naglalakad kami sa hallway, nakikita namin ang mga classroom, yung iba simpleng classroom lang, yung iba ay lab kung saan naghahalo ang mga estudyante ng chemicals, yung iba may malaking talyer at nakakasilaw ang mga magic welding nila, sa dami hindi ko na mabanggit ang iba. May mga hilera ng chandelier ang kisame ng dinadaanan namin at gawa sa diyamante ang sahig na may nakalagay na red carpet na sobrang pino.

Tumigil ang butler sa isang pinto "Nandito na po tayo" binuksan niya ang pinto at nakita namin ang isang middle ager na lalaki at naka coat ito.

"Nandito na pala kayo, maupo kayo" bigla kaming lumutang at kusa kaming pinaupo sa upuan. Ang lambot ng upuan! Bakit nagtipid pa si Dad sa pagbili ng upuan sa bahay! 

"Mr. Bites and Mr. Montero, your both came from a well known family, pero Mr. Bites, may request ang papa mo" napukaw ng pansin ko ang huling litanya ng Headmaster

"What is it?"

"Gagamitin mo ang  apelyido ng Mommy mo"

"What?" actually hindi naman talaga Bites ang apelyido namin, my Daddy manipulated it at lahat magagawa ng pera, tinawag siyang Darwin Bites dahil kinagat niya ang isang oppurtunity na maging mayaman. Naging legal family name namin ito ng nagtagal ang panahon

"Narinig mo naman ang sinabi ko, Mr. Reyes" hindi niya na ginamit ang Bites "Hindi sinabi ng papa mo ang dahilan pero nalaman ko na maraming nais kang ikidnap ng masamang tao for money, sana naintindihan mo, never mong sasabihin na papa mo siya"

"Opo, malinaw po"

"Malinaw ba? Mr. Montero?"

"Yes, i can keep a confidential issue" nakangiting sinabi ni Mike

"You can call me, Headmaster Claim, dahil sa connection ng mga magulang niyo, hindi kayo nahirapan pumasok dito, pero walang special treatment kayong makukuha."

"Yes po!" sabay naming sinabi ni Mike at tumango kami

"Okay, wala na tayong pag-uusapan, you may leave and go to the Specification Room"

Tumango kami ni Mike at nagpasalamat, lumabas na kami ng kwarto at nagpasama kami sa butler upang hanapin ang Specification Room.