1 Chapter 1 - Preparing to transfer

"Dad naman! Bakit mo ako palilipatin ng school? Mataas naman ang grado ko! Hindi naman ako napapaaway o sumasali sa mga fraternity?" ewan ko ba talaga rito sa tatay ko, masyadong diktador, sabagay may karapatan naman siya dahil nabubuhay ako sa pera niya, and I get popularity dahil ikaw ba naman ang maging anak ng pinakamayamang tao sa buong Utopia

"Dexter, you are the best of all my kiddos..." tumaas ang isang kilay ko "...kahit only child ka lang, pero anak, lagi ko naman kasing sinasabi sayo na ang alma matter ko dapat ang nakalagay din sa diploma mo"

"For that reason ipapalipat mo na ako?" napakamot nalang si Dad ng ulo

"And your latter school ay para lang sa mga low class wizards" yeah, that magic thingy, this world is a mess because of magics, lahat kasi ng tao rito may kapangyarihan.

"Ang school mo ba Papa ay para sa mga elite students?" napatango nalang si Papa.

"Nakakahiya naman na ang anak ko ay nag-aaral sa Public School na pinagawa ni Queen Hue"

"Ok" maikli kong sagot, hindi naman ako tulad ng ibang anak na OA kung makipagtalo pa ako sa tatay ko.

"Pumapayag ka na?"

"Hindi parin..." napaface-palm nalang si Daddy "...and my decision is final" umalis na ako sa harap niya at nagsipagtabihan na ang mga tauhan sa daraanan ko, medyo nakalayo layo na ako sa tatay ko.

Paakyat na ako ng grand stair at napagisipan ko ang sinabi ni Papa, hindi talaga ako aalis ng school ko, ayokong iwan ang mga kaibigan ko kahit isa lang naman siya. Lumalalim pa ang isipan ko ng biglang may mabunggo akong katawan

"Ano ba! Diba protocol ng mga tauhan dito na tumabi sa dadaa-" napahinto ako nang mapagsino ko ang nabunggo ko.

"Bakit ko susundin ang protocol na ako mismo ang gumawa?" nakalimutan ko ang powers ni Daddy

Kami ni Daddy ay Dimensioner, sa kasamaang palad, kami nalang dalawa ang natira. Noong nagkaroon kasi ng malawakang gyera sa Utopia, ang mga Dimensioner ang unang naubos, may kakayahan kasi kaming magmanipula ng oras, distansya, at lahat ng space magics.

Balik tayo kay Papa, kapangyarihan niya ang teleportation delivery, kaya ni Papa ang magteleport ng bagay o may buhay sa kahit na anong lugar, walang kwenta kung tutuusin dahil siya mismo ay hindi niya magawa na magteleport. Nagkakaroon lang ng maliit na portal sa pagitan ng lugar niya at ang lugar na papadalhan niya and also he can do that vice versa. Hindi kayang lumaban ni Daddy kaya ligtas siya sa gyera, nagnegosyo nalang siya, kaya kami yumaman dahil nakagawa si Papa ng makina sa tulong ni Mama at lalong lumago ang Delivery Business namin sa pagdaan ng panahon.

"Ano napatunganga ka riyan? Wag mo akong aalisan kasi kinakausap pa kita" siguro habang nagmumuni ako nakagawa si Daddy ng portal papunta sa kinatatayuan niya kaya nabunggo ko pa siya

Gamitin ko kaya powers ko? "Wag mong susubukan na gamitin ang abilidad mo, kaya pa rin kita ibalik dito" teka lang... kaya na rin ba ni Daddy magbasa ng isip?

"Spill your thoughts now Dad"

"Ayokong umabot pa tayo sa punto na kailangan ko pang ipasara ang lahat ng accounts mo o magtakutan tayo para lang lumipat ka" inabot niya ang isang brown envelop "Naasikaso ko na rin lahat ng files mo, ikaw nalang ang lilipat"

"Ibig sabihin, umoo man ako o hindi, lilipat ako?" tumango si Daddy "Magulang ka talaga."

"Nakausap ko rin si Karen, sasama sayo si Mike"

"Wht? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Kasalan ko pa na atat kang umalis?" Napakamot nalang ako ng ulo as a sign of frustration, I got the best Dad ever. Napaisip ako na siguro kay Mama ako nagmana.

"Kailan pasok ko?" ngumiti si Daddy ng pagkalapad lapad

"Bukas"

avataravatar
Next chapter