1 My Stress Free Life

Sawa na ako sa buhay ko! Kung itinatanong ninyo kung bakit, yun ay dahil sa isang kadahilanan na isa lang akong mahirap at pangkaraniwang nilalang na hindi rin kagwapuhan. Nakatira lang ako sa isang napakaordinaryo ring apartment. At higit sa lahat, nakakaasar ang mga boss ko sa trabaho lagi nila akong pinapahirapan na para bang sila ang may kontrol sa buhay ko.

Sana matapos na ang Stressful Life na buhay ko. Pero hindi ko inaasahan na noong sinabi kong tapusin ang Stressful Life ay namatay talaga ako.

Nasagasaan ako ng isang truck habang naglalakad ng naka-earphone sa kalsada, Punyemas! Pero mabuti na rin siguro ito. Ang hiling ko lang sana sa langit ay maginhawa na ang buhay ko.

Pagkadilat ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang isang napakalaking bundok ng pera! Anong nangyayari dito?! Ito ba ang langit?!

Lumangoy ako sa bundok ng pera ng isang oras at may biglang kumatok sa pinto.

At sinabi niya ang mga salitang ito:

"Master Maliaford, handa na po ang inyong hapunan, maari na po kayong kumain kahit na anong oras nyo po gustuhin."

Anong pinagsasabi ng mukhang butler na lalaking ito? Hindi naman Maliaford ang pangalan ko. Martin ang pangalan ko eh. Pero sumakay na lang ako at nagsabi sa kanya:

"Sige, pupunta rin ako diyan."

Umalis agad ang lalaking mukhang butler ng marinig niya iyon. Meron din palang butlers sa langit. Hayaan mo na, nagugutom na rin lang ako, kakain na rin ako.

Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang isang napakalaking kuwarto at mukhang nasa loob ako ng mansyon.

The Best Ang Langit!!

O' ano? Ano ka ngayon?! Akala ninyo isa lang akong middle aged man na virgin pa at mahirap lang! Nagkakamali kayo! Bigshot na ako simula ngayon!

Sa wakas, hindi na ako magkakaroon ng stress sa buhay ko! Paalam Stressful Life!

Kumusta Maginhawang Buhay!

Ang sarap ng pagkain ng langit! Nabusog talaga ako ng sobra-sobra! Pumasok sa isipan ko ang bulok na ideya. At sinabi ito sa butler:

"Butler, nasaan ba ang diyos? Gusto ko siyang makita?"

"Natatakot ako na hindi ko alam ang inyong pinagsasabi, Master Maliaford, ipagpatawad nyo po ang aking sasabihin pero... napakaimposible po para sa inyo ang makita ang diyos dahil tiyak po na sa impyerno kayo babagsak."

Ang sagot ng butler.

Teka lang, ang salbahe naman niya. Sa pagkakatanda ko wala naman akong ginawa na puwedeng maging dahilan ng pagbagsak ko sa impyerno. Sa totoo lang, galit na galit na ako sa kanya pero nanatiling akong kalmado at tinanong siya kung bakit at sumagot siya ng ganito:

"Sa tingin ninyo po ba si Clover Maliaford na isang tagapamahala ng illegal na black market kung saan itinitinda ang mga drugs at iba pang illegal na gamit ay pupunta sa langit, napakalabo po non."

Teka lang ano? Pero ang pangalan ko ay Martin Hoover. Paano nangyaring ako si Clover Maliaford?

At dito nagsisimula ang kuwento ng buhay ko.

Sa isang di maipaliwanag na paraan ay napunta ko sa kabilang mundo kung saan sa mundong iyon ay ako si Clover Maliaford na tagapamahala ng isang illegal black market.

avataravatar
Next chapter