webnovel

Chapter 2: Unang Pagkikita

May magandang plano na nga si Roy para sa dalawa. Gagawin nya kunong escort si Ervan para sa dalaga sa gagawing parada ng mga huwarang idolo ng probinsya. Nang makarating sila sa probinsya, pansamantala silang nanuluyan sa isang hotel habang inaantay ang naturang okasyon sa pagsapit ng hapon bago ang ganap na palatuntunan sa gabi.

Hindi talaga mawari ang pakiramdam ni Ervan sobra syang excited sa maaring pagkikita nila sa unang pagkakataon. Siya ay kilalang kilala na ni Ervan base sa mga kwento ni Roy ngunit c Elisse ay ngaun pa lang ito makilala. Ngaun lang ulit nakaramdam si Ervan ng kilig maliban nung high school sya na nagkaroon sya ng crush sa isa nyang kaklase.

Naganap na nga ang pagkakataon na kinasasabikan ni Ervan magkikita na sila. Sakay ang mga VIP sa isang mahabang float at lilibutin nila ang buong kalsada ng naturang lungsod para masulyapan ng mga residente nito. At sa pagkakataong iyon ay andun na nga si Elisse kasama pa ang mga ibang VIPs at nakahanda na sa naturang parada. Inaya agad ni Roy na sumampa na sila sa float ni Ervan at ng makapwesto sya ng malapitan kay Elisse. Si Roy naman ay abala din bilang close in security ng kanyang boss na heneral. Gumawa agad ng paraan si Roy para mapalapit ang dalawa. Manghang mangha si Ervan sa kagandahan ni Elisse, sa suot nitong napaka simpleng gown pero nagmumukha syang prinsesa sa isang fairy tale sa pakiwari ni Ervan. Si Ervan naman ay naka casual na maong pants lang, chuck taylor designed old shoes at polong nakatupi ang manggas na bakat ang matipunong katawan nito.

Giit ni Roy " insan pakilala ko sayo si Ervan sya yung nakalaan sayo ngaung escort at bodyguard hah" natatawang saad ni Roy.

"Hi" sambit ni Elisse. Si Ervan naman ay akala moy kandilang nauupos sa kinatatayuan at nawala ang katapangan nito bilang alagad ng batas.

"Hi din. Kumusta? nauutal na sagot nito.

"Parang nanginginig at pinagpawisan ka? Naiinitan ka ba dito samin?may halong birong tanong ni Elisse.

"Ahh medyo naiinitan lang ng konti" dali daling sagot ni Ervan.

Si Elisse naman ay pansin agad ang kakaibang karisma ng binata. "May dating din ha" saad sa isip nito.

Hindi rin nakakapag usap ng sarilinan ang dalawa sa dalang ingay ng mga manood ng parada at kanya kanyang boses din ng mga VIPs na kasama sa float. Si Ervan naman ay abala din talaga sa pagsecure sa dalaga na akala mo ay prinsesa talagang maituturing. Nagpamahangha din ito sa dalaga lalot inalalayan talaga sya ng husto ng binata. Napaisip tuloy ito magkanu kaya ang ibinayad ng pinsan nito para ganun kasigasig itong umalalay sa kanya. Wala din naman talagang ideya ang dalaga kung ano ang pagkakilanlan ng binata at kung kaanu ano ng pinsan nyang si Roy ito.

May maganda kayang kahihinatnan ang tagpong pagkikita at pagkakilala ng dalawang ito? Masabi kaya ni Ervan ang matagal nya ng pagnanais sa dalaga?