webnovel

Chapter 17

Chapter 17

"Anong balita? Nahanap niyo na ba ang anak ko?" tanong ng isang ginang.

"I'm sorry Ma'am, mailap mo masyado si Ms. Shaina, sa tingin ko po ay nagpalit na ito ng pangalan. Wala ni isa mang nakakakilala sa taong ito Ma'am, huwag po kayong mag-alala ginagawa na po namin ang lahat ng makakaya namin para mahanap ang anak niyo." sagot ng Pulis.

"Hah! Almost 17 years na akong naghahanap, naghihintay, wala pa rin kayong ni isang lead sa taong 'yan? Ano bang klaseng mga pulis kayo?" gigil na sabi ng ginang.

Agaw atensyon ang pag-iiskandalo ng isang ginang. Umaalingawngaw ang sigaw nito sa mga pulis, marahil na rin sa pakiramdam niya'y nawawalan na siya ng pag-asang makita o makapiling pa ang kaniyang anak.

"Sweetie, huwag ka magiskandalo please? Baka kailangan na talaga nating tanggapin na hindi na natin makikita ang anak natin, huwag mo silang sisihin." pag-aalo ng asawa nito.

"Tanggapin?! Hindi! Hi-hindi ko ka-kaya, bakit balewala lang ba sayo ang anak natin?" garalgal na sabi ng ginang.

"Hindi naman sa gano'n pero....."hindi na natapos sa pagsasalita ang lalaki ng nagsalita na ang asawa nito .

"Kung hindi dahil sa pagiging babaero mo, hindi sana mawawala ang anak ko.....sana hindi anak ko yung nawala, bakit ba hindi na lang ikaw?" sisi ng ginang at pinaghahampas ng bag ang asawa nito.

Kent's Pov

"Good morning chief!" bati ko

"Masyado namang pormal 'yan, magkaibigan kami ng Daddy mo kaya tito na lang ang itawag mo sakin." natatawang sabi ng chief.

"Anong atin?" dagdag pa ni Chief.

"About dun po sa case na alam niyo na hehe." sagot ko.

"Ah 'yon ba? Walang problema, halika!" aya ni Chief sa kaniyang office pero bago pa man kami makapasok sa office niya ay naagaw ng atensyon ko ang isang ginang na nagiiskandalo.

"Hay naku! Nandiyan pala ulit si Mr. and Mrs. Villarin. Almost 17 years na yang naghahanap sa anak nila hanggang ngayon hindi pa rin natatagpuan." salaysay no Chief.

Nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig at agad ay kinabahan. Parang Xerox copy niya si Aj. Sila kaya ang tunay na magulang ng babaeng aking minamahal?.

"Halika na Kent, pagusapan na natin sa office ko ang mga basic info ng hinahanap mong tao." aya ni Chief.

"Tito sa tingin ko, sila yung hinahanap ko." sabi ko kay Chief na hindi inaalis ang tingin sa ginang.

Nilapitan ko ang ginang na patuloy sa pagsisigaw. "Ah Ma'am excuse me po." magalang na sabi ko.

"Wala kang pakielam, hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko. Lumayo ka! Kung ayaw mong masaktan." nagpupuyos sa galit ng ginang.

"Gusto ko lang pong itanong kung ano pong pangalan ng anak niyo na matagal ng nawawala?" magalang na tanong ko.

"Ano bang pakielam mo? Chismoso ka? Gusto mo rin makuha yung pabuya? Manahimik ka na lang, wala ka ring maitutulong!" galit na sabi ginang.

Wow! May pera ako no? Hindi ko kailangan ng pabuya! Kung hindi lang talaga para kay Aj, ewan ko na lang!.

"Sofia Clare hijo." sagot ng asawa nito.

Nanlaki ang mata ko ng maconfirm na sila nga ang hinahanap ko. "Ka-kayo nga!" masiglang sabi ko.

"A-nong ibig mong sabihin hijo?"takang tanong ng asawa ng ginang.

"Kayo po ang hinahanap ko na matagal na." masiglang sabi ko.

"Pe-pero babae ang anak namin."  nalilitong sabi ng lalaki

"Hindi nga po ako...hehe, ang girlfriend ko, si Sofia Clare." natatawang sabi ko

"A-ang a-anak ko? Ki-kilala mo ang anak ko" biglang bago ng mood ng ginang.

"Pasensya ka na hijo kung nasungitan kita, na-nasaan ang anak ko?" natatarantanv sabi ng ginang.

"Sumama po kayo sakin" nakangiting sabi ko.

Tumango sila at sumusunod sa akin, trenta minutos lang ay nakarating na kami sa bahay ni Aj, natutuwa ako at the same time ay kinakabahan din. Sana matuwa siya sakin.

Nakatatlong pindot pa ako sa doorbell bago lumabas ng isang babaeng nasa mid40's. "Anong kailangan nila?" usisa ng babae.

"Nandiyan po ba si Aj?" tanong ko.

"Na-nandito, te-teka mga magulang mo ba sila? Bakit nabuntis mo ba si Aj? Mamanhikan na kayo?"sunod sunod na tanong ng babae na nakapagpatawa sakin. Maging sa mga totoong magulang ni Aj.

"Hi-hindi po! Hahaha may kailangan lang po akong sabihin kay....."biglang lumabas si Aj sa pintuan at ng makita niya ako at ang mga magulang niya ay tila naestatwa siya.

"Ke-nt?" nasambit ni Aj.

Pinapasok naman kami ng kaniyang Mommy at napagusapan narin namin ang tungkol sa tunay na pakay namin.

"Hi-hindi ko akalain na magkita-kita tayong muli at sa ganitong sitwasyon pa." saad ni Mrs. Villarin.

"Ako din, ilang years na nga ba? 20 years. Gusto ko ding humingi ng tawad sa nagawa ko sa'yo." sabi ng Mommy ni Aj.

"Wala na 'yon, dapat nga akong magpasalamat dahil sa inalagaan at minahal niyo ang anak namin. Ang nakaraan ay nakaraan na." sabi ni Mrs. Villarin.

"Why don't we hangout? Like the old times?" aya ni Mrs Sajana.

"Sure!" sang-ayon ng nila.

Nabigla naman ako ng hilahin ako ni Aj sa labas at yakapin, naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya. "Sa-salamat Kent!" umiiyak na sabi niya.

"Basta para sayo! Ikaw pa? E mahal kita." sabi ko

Aj's Pov

Sobrang saya ko at talagang nagpapasalamat ako kay Kent! Dahil sa paghahanap niya ng sa mga tunay kong mga magulang. Days past at kahit papaano ay nakakapag-adjust na ako na dalawa ang magulang ko. Napakaprotective nila sakin.

Para nga akong manika na pinag aagawan nila. Hahaha! Tunay nga na everything happens for a reason and ito, ako yung nagsilbing dahilan para magkaayos  ang apat na magkakaibigan.

"Grabe ka, naglilihim ka na samin ha! Ang daya mo!" ungot ni Shen.

"Oo nga, hindi porque nagkaroon lang kami ng misunderstanding ni Shen ay hindi ka na magsasabi samin." sabi naman ni Gold.

Nagkaayos na sila kahapon, well siyempre namiss din nila ang isa't isa. Kaya ayon hindi rin nila natiis ang isa't isa.

I'm happy na nabawasan na  yung bigat sa dibdib ko kahit wala ako nun! Char! Hahahha.

Sana ganito na lang palagi.....

A/N: Don't forget to vote and comment. Thank you for reading my story.

Ending is near last 3 chapters!! !!!

------------End of Chapter 17-----------