webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · General
Not enough ratings
557 Chs

Chapter 19

PANGLIMANG ulit nang nilagpasan ni Saskia ang tree log na nasa forest na may background ng falls. "Perfect!" sa wakas ay sigaw ng director sabay palakpak.

Hinaplos niya ang leeg ng stallion na sinakyan niya. "Good boy, good boy," bulong niya dito sakay siya bumaba ng kabayo. She was wearing the Artemis Equestrian Center's uniform.

Hindi pala madali ang paggawa ng commercial. Kung ilang take ang ginawa niya sa iba't ibang location. Iba ang concept ng bagong Stallion Shampoo and Commercial kumpara sa mga nauna nang commercial. Matagal na daw naghahanap ang mga ito ng babae na may kakaibang personality. A woman with both the power and the beauty. Iyon ang ipino-promote ng naturang shampoo.

Tinanggal niya ang helmet nang lapitan si Paz Dominique. Her long hair cascaded down her back. "Ah! That hair is not just for the show. Nakakainggit."

"Maganda rin naman ang buhok mo, ah!"

"Kung kukunin daw akong model ng shampoo ni Kuya Neiji, hindi daw niya ako babayaran. Tutal naman daw magkamag-anak naman kami."

"Buti na lang hindi ko siya kamag-anak," nausal niya. Nag-e-enjoy siya sa paggawa ng commercial dahil naiisip din niya ang mga bata na makaka-benefit sa commercial na iyon. Nagsisimula na silang maghanap ng mga scholars. Sampung babae at sampung lalaki ang kukunin nilang scholar.

"May isang scene ka pa na isu-shoot. Sana kinunan ka na lang nila kaninang tinanggal mo ang helmet mo. Para di na sila mahirapan."

"Nasaan si Reichen?" tanong niya at luminga-linga. Dati kasi ay lagi lang itong nakabantay sa kanya kapag may eksena siya.

"Nasa may cottage. Kausap si Kuya Neiji."

"Pupuntahan ko lang," wika niya. Naalis kasi ang pagod niya kapag nakikita si Reichen. She didn't know why. But his smile was enough to relax her. She also wanted to listen to his voice. Di kasi niya napapansin ang mga snide remarks sa kanya. Pagala-gala pa rin kasi ang mga fanatics nito na naiinis sa kanya.

"Are you sure, Reichen? Ipapagamit mo si Favory sa commercial?" di makapaniwalang usal ni Neiji. "Hindi ba ayaw mo ngang pahahawakan si Favory kahit na sa Kuya Reid mo. Mahal na mahal mo ang kabayong iyon."

Favory was Reichen's Lipizzan horse. It was a very fine horse. Siguro ay gusto lang ni Reichen na ipagmalaki ang kabayo nito.

"Kami lang si Saskia ang may karapatan na sumakay sa kanya."

"I know that you want to make the commercial more beautiful. Pero may iba namang white horse dito sa riding club. I am not asking you to sacrifice your horse."

"Sino ang may sabi na isinasakripisyo ko si Favory sa commercial mo? Naisip ko lang na walang ibang babagay na kabayo para sa eksena namin ni Saskia kundi si Favory lang. Ipapahanda ko na siya sa groom ko bukas ng umaga."

"Akala ko walang importante sa iyo kundi ang mga kabayo mo," sabi ni Neiji. "It looks like you are really hooked to Saskia."

"She is really special. Maghahanda pa ako para sa shooting namin bukas." Kumaway ito nang makita siya. "Saskia! Tapos na ang eksena mo?"

"Mamaya may isa pang scene na isu-shoot."

"Pinahihirapan ka yata nila."

Ngumiti siya. "Of course not. I am happy with what I am doing." Bagong experience sa kanya ang paggawa ng commercial. Napapagod lang siya kapag paulit-ulit nang isinu-shoot ang isang eksena.

Kinintalan siya nito ng halik sa noo. "Saan mo gustong pumunta pagkatapos ng shooting? Gusto mong dalawin si Teacher Emie? O mag-European tour tayo?"

Inayos niya ang kuwelyo ng polo nito. "Hindi na. Marami pa akong gagawin sa riding school. Alalahanin mo ang boarding school at ang mga scholars natin."

Hinapit nito ang baywang niya. "Puro na lang ba sila ang iintindihin mo? Kahit dito sa riding club hindi kita masolo. I just want to spend more time alone with you."

Tumikhim si Romanov, ang director ng commercial nila. "Saskia, bukas pa natin isu-shoot ang eksena na iyan. You have to retouch your make up for the next scene. Bukas na kayo mag-practice para diyan."

Reichen tentatively let her go. "Bukas. Humanda sila sa akin bukas."

IT WAS the last part of the shooting and the commercial. Saskia was riding the horse side saddle. Nakasandig siya sa katawan ni Reichen. Naghihintay pa sila ng hudyat ng director dahil inaayos pa ang camera. "Reichen, are you sure it is okay if we ride Favory. Balita ko di mo siya pinahahawakan kahit sa kuya mo."

"Ang alam ko, sa isang tao lang ako nangako na isasakay ko Favory. Pero nang pumunta siya dito sa riding club, ni hindi niya ako pinansin o tiningnan."

Kumunot ang noo niya. "Sino?"

Idinikit nito ang noo sa kanya. "Ikaw!"

"Ako?" gulat niyang usal.

"Hindi ba sinabi ko sa iyo noong nasa Spanish Riding School tayo? Na kapag dumalaw ka sa Alleje Farm, isasakay kita kay Favory. Pero masungit ka na sa akin noon pa lang. Parang hindi nga tayo nagkakilala. Akala ko gusto mo ako noon."

Noon niya nalaman na playboy si Reichen. And she despised him since then. Hindi niya alam na naaalala pa pala nito ang pangakong iyon.

"Ni hindi ko na nga iyon matandaan."

"But I remember everything. I don't know why. But back then you are the only girl whom I can't forget. Maybe because of your blue green eyes…" Isinuklay nito ang daliri sa buhok niya. "Or your hair or…"

Pinutol nito ang iba pang sasabihin nang angkinin ang labi niya. It was so passionate that she forgot where they were. Yumakap siya sa leeg nito. She just opened her lips and let him set the tempo of the kiss.

Bakit niya ito pinapayagang halikan siya? Sinabi niya sa sarili niya na di na mauulit pa na magpailalim siya sa kapangyarihan nito. Pero di man siya nito utusan, kusa nang gumagalaw ang katawan niya. Subalit wala siyang maramdaman na kahit anong pagtutol. Maybe because she was his slave. Kahit di pa siya nito utusan, gagawin niya ang kahit ano para sa kanyang panginoon.

"Okay! Perfect take!" sigaw ni Romanov.

Gulat siyang napatingin doon. Maging si Reichen ay nagulat dahil nakatutok sa kanila ang camera. "T-Teka, hindi iyon kasama sa script," tutol ni Reichen. Hindi naman kasi siya dapat hahalikan nito. Magdidikit lang ang mukha nila.

"Hindi ba ninyo napansin na kanina pa ako nag-take?" tanong ni Romanov. "Well, it was perfect. Sa tingin ko ito ang magiging pinakasikat na Stallion commercial. Pack up na ang shooting. Magkita tayo para sa party mamaya!"

Pack up na sila pero ako hindi pa.

Ready na ba kayo sa last two chapters?

Hey! If nagugustuhan po nila ang kwento, paki-share din po sa ibang friends. Thank you!

Sofia_PHRcreators' thoughts