webnovel

Spice and Beer

Si Cinnamon ay isang dalagang nais lamang mag-aral, pinagkaitan man ng magulang tuloy parin siyang nagsisikap. Simple lamang ang buhay niya, walang masiyadong echos echos. Sa umaga'y maglalako ng diyaryo, sa gabi nama'y sisigaw ng balot upang makabenta. At oo, lahat ng sinabi ko ay biro lamang. Cinnamon Pepper, hindi spices ah, isang dalagang ipinanganak sa marangSiyang pamilya. Kumbaga sa mga aso pawa siyang shit-zu este shih tzu na alagang alaga at walang ibang ginawa kundi humilata. Charot, kidding aside, Si Cinnamon ay happy-go-lucky girl ng Manila, ehem big brother baka naman. Hindi man siya matino kausap, matino naman ang buhay niya bago dumating ang lalaking beer, si Heineken. Hindi man ako si tu-ko, tamang panahon AldubForever, abangan kung paano gugulo ang buhay ng isang spice ng dahil sa isang beer. Oh ano tinitingin-tingin mo d'yan? Basahin mo na!

daneeee_e ยท Teen
Not enough ratings
1 Chs

Spice

"Cinnamon! Halika na dine at nang makakain na tayo!" sigaw ni granny, tumayo na ako at naglakad pabaliktad. Pero narealize kong hindi ko pala kaya, kaya nag-normal na lakad nalang ako. Pagsakay ko ng elevator, yes may elevator kami, sabihin niyo sana all. Habang hinihintay kong bumaba ang elevator narinig kong sumigaw ulit si Granny.

"Aba! Bata ka wala tayong elevator, huwag kang ambisyosa!"ย  at ayon na nga basag trip ang lola ko, naghagdan nalang ako pababa kasi ayaw nila magpakabit ng elevator. Pagbaba ay bumulaga sa'kin si granny na naka-wheelchair. At eto na nga--

"Kay tagal tagal mong bumaba dine! Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na wala nga tayong elevator, kaya ka natatagalan. Hala sige maupo ka na nang maka-kain na 'yang lolo mo." kamot ulo kong binalingan si lolo na nakikipagtigasan sa ulam este sa pustiso niya. Kung hindi nga naman eng eng si lola, alam niya na ngang bungal si lolo matigas pa ang niluto, hai bohai.

At ayon in-umpisahan ko na nga kumain pero bago 'yon siyempre na dasal ako, injel kaya ako hindi tulad niyo, chor. After mag-pray nagdasal ako este kumain, the struggle is real talaga para kay lolo. Ewan ko d'yan magi-isang dekada nang naka-pustiso hindi pa rin siya komportable at tinatanggal niya pa rin eto bago kumain.

Pero mind your own dishes nga raw kapag kumakain so dedma. Matapos kumain umakyat na ako uli para maligo, kasi nga lalabas ako sa school, oo lalabas para maiba naman puro kayo papasok.

Suot ang aking uniform lumabas na ako uli ng kwarto ko dala dala ang bag na dinekwat ni mommy sa paris, dinesign pala. So, ayon binati ko na sina lola tsaka lumabas ng bahay, kasabay kong pumapasok ang nga kaibigan ko. Well, kapitbahay ko lang naman sila.

Nakita kong kumakaway si Leaf Oil, oha akala niyo ako lang? siya ren. Kasabay ni Leaf Oil lumabas na rin si Onion, ewan bffs ata mga nanay namin at napagtripan ang mga pangalan namin.

Lumabas na rin ang van nina Onion na siyang sasakyan namin, excited na ako first day of school, owemji. May papatid kaya sa'kin? Or baka naman bully, yie. Tinignan ko ang suot kong blazer tsaka above the knee skirt, kaurat naman yung school na 'yon pagka-ikli ikli ng uniform. Paano na pag pinatid ako? Baka makita ang pwit ko!

"Mars to Cin, Mars to Cin." nabalik ako sa reyalidad nang maalala ko ang pinsan ko na first crush ko ren, joke. Nabalik ako sa reyalidad hindi dahil sa pinags-sabi ni Onion kundi dahil sa pagpalo palo ni Leaf Oil sa likod ko na akala mo nama'y nabubulunan ako. Litse.

"Ano ba 'yon?" tanong ko kay Onion, habang pinapalo ko ren yung likod ni Leaf Oil, litse siya ah.

"Sabi ko, Anong section ka? Kasi kami ni Leaf Oil magka-section, section spice kami."

"Section Beer ako, ang daya!" nag-pout pa ako para akalain nila malungkot ako pero ang totoo ang saya ko, plastic ako eh. Joke, siyempre malungkot ako. Sino kaya ang may ari ng school? aabangan ko lang sa kanto, chos. Section Beer? Ang korni naman nila. Pero walang sinabi yung section makahiya sa dating school namin, okay enough na.

At ayon nang papasok na ang van sa school, bumaba na agad ako. Kaya ang ending napasubsob ako pero keri lang hindi naman masakit. Kaso tatayo pa lang sana ako nang makita ko si Leaf oil na nakapasubsob den, aba gaya gaya ah.

Nakita ko ang mga estudyante na dumadaan lang at walang pake sa'min. Ano ba 'yan! Dapat pinagbubulungan na nila kami tapos pagtatawanan. Ganun ba sila mambully? Siguro Rare Spisis sila. So Anyways, tumayo na ako kasi wala naman ako sa mood gumapang papasok.

Hinila ko na ren patayo si Leaf oil kasi wala ata siyang balak tumayo, pagtayo ay binatukan ko siya.

"Why mo naman ako binatukan?" nakapout na tanong niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Maya maya ay nakita ko na si Onion tatawa-tawa siyang naglakad papunta sa'min na akala mo nama'y may ginawa kaming katawa-tawa.

Inilibot ko ang mata ko sa paligid, napakalaki naman ng school na 'to! Ilang building ang nadaanan namin at nasira, charot. Hindi rin kami pinagtitinginan ng mga tao, diba pag transferee pinagtitinginan? Bahala nga sila, maya maya nasa harap na kami ng main hall, hindi ko sigurado.

"Titignan ko lang kung saan ang papunta sa room. May mapa oh." turo ni Leaf Oil sa malaking bulletin board, tumango naman si Onion habang ako, "Sml?"

At dahil masamang nilalang si Leaf Oil tinaas niya ang kanyang gitnang daliri at sinaluduhan ako, pero wala akong pake kasi injel ako. Tiningnan ko nanaman ang paligid nang biglang mahagip ng mata ko ang tatlong lalaki. Pero mas nakapukaw ng tingin ko ay ang nasa gitna, may hawak siyang libro na animo'y hindi siya madadapa at basa siya ng basa. Gwapo siya at mukhang masingit? este masungit.

Pero witty si ako nang dadaan na siya sa harap namin ay inabante ko ang aking kaliwang paa.

BOOOGSH!

Instead of tawanan, namayani ang katahimikan. Iniintay kong tumayo yung lalaking nagbabasa. At naramdaman ko naman ang pagkurot ni Onion, pero wala akong pake malay niya magkajowa na ako.

"I'm sorry" sabi nung lalaki tsaka umalis kasama ang mga kaibigan niya. Jusko! I'm sorry? bakit siya pa ang nag-sorry?! Abnormal yata ang mga tao dine eh!

"Hoy! Bakit mo pinatid yung lalaki!" tanong ni Leaf Oil tsaka binatukan ako, nagpout naman ako nang maalala ko ang I'm sorry nung lalaki.

"Walang pumatid sa'kin eh, kaya ako nalang ang papatid." hinabaan ko pa ang nguso ko pero tinawanan nalang nila ako. Ano ba naman kasi 'tong school na 'to! Kay tahi-tahimik ng mga estudyante, wala man lang mga bitchin! Oh baka naman maling school yung pinasukan ng van?

"Cin, sa second floor first building ang room namin ni Leaf Oil. Yung sa'yo naman sa fourth building third floor." nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Onion, ba't parang anlayo ng sa'kin? Bakit nilalayo nila ako sa mga kaibigan ko? Alam ko na! Siguro kinausap nina granny yung principal, mga taksil!

Nasa kanang direksyon ang kina Onion, habang ang akin pakaliwa. Nagmamartsa akong naglakad papunta sa kaliwa, pero natigilan ako ng may makasalubong akong estudyante. Para siyang coloring book, ang kapal kapal ng make up! Sinubukan kong bungguin siya pero ang ikinagulat ko ng nag-sorry lang siya tsaka umalis. What the fries! Ang weird.

Hindi ba uso dine ang mga bitch? Pero napansin ko lang na magkaiba ang uniform na suot namin, asul ang akin habang sa kanila pula. Bahala na, sa paglalakad ko napansin ko malaking building pabilog siya, at may nakalagay sa taas na Cafeteria?! Ang laki naman.

At ayon ng makarating na ako sa fourth building, grabe anlayo. Para ngang nahati itong school kase sa pinanggagalingan ko puro pula, ngayon dito sa fourth building and the rest, puro asul na?

Pagpasok ko sa building, na-shook ako ng may elevator! Dali-dali akong sumakay at habang tumataas ito mas nakikita ko ang ganda ng school. At tama ako! Sa side nina Leaf Oil, puro pula. Anong meron? Nang tumunog na ang elevator, lumabas ako at bumungad sa'kin ang mga nakakalat ng mga estudyante, pare-parehas ang kulay ng uniform namin.

Pero mas ipinagtaka ko nang dumapo ang mata nila sa kulay gold na tag sa left side ng damit ko. Eh? Namutla ang mga mukha nila mukha silang espasol. Imbis na pansinin naglakad na lang ako sinimulan suyudin ang bawat room. At nang nasa pinaka-dulo na room na ako, nakita ko na ang sign na Section Beer.

Pagpasok ko onti pa lang ang mga nandoon, kaya madali akong nakapili ng upuan. Siyempre pinili ko ang likod para hindi ako mapansin ng teacher. Ibinaba ko ang bag ko tsaka umupo, inilibot ko ang paningin ko mga lima pa lang yata kami rito? At nang tignan ko ang tag nila ay silver lang? Bakit magkaiba nanaman! May something talaga sa school na 'to. Baka naman school of gangster 'to at ipinasok lang kami ng mga magulang namin dito para maprotektahan! Oh baka naman school of elementals? Yung may powers powers! Malapit na rin ako mag-18 posible 'yon! Nako, sina lola talaga! Akala nila maiisahan nila ako? Ako na sobrang talino? Tsk, asa sila.

Padami na ng padami ang pumapasok, at karamihan sakanila may silver na tag. Pero nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pinatid ko kanina, destiny ba ito? Ohmygosh! Ano ba iyan Cinnamon, ang harot ah. So back to topic, kasama niya pa rin yung dalawang lalaki pero hindi na siya nagbabasa.

Kasunod nilang pumasok ang prof, ewan ko kung prof ba talaga namin assuming ako e. Umupo sa harap yung tatlo, mukhang hindi pa nila ako nakikita.

"Good Morning Everyone! Okay, I am Miguel Santiago at ako ang magiging adviser niyo. And huwag kayong mag-alala hindi ako terror, so you can enjoy your stay here. And oh, we have a transferee! She's the heiress of Reinastre Empire." whut the heal? okay na sana pero bakit kailangan pang banggitin ang heiress chuva! No choice ako, kaya tumayo na ako at taas noong naglakad papuntang harap.

"Buenos dรญas! Cinnamon Pepper, 17. From Southeast Harlington International School." siyempre pasikat ko lang yung buenos diaz chuva ko, nabasa ko 'yon sa mga papeles ni granny e. Nakita ko ang paghanga sa mga mukha nila, pwe, kung alam lang nila kung gaano ako katarantado sa SHIS.

"Oh, you may now seat Miss Reinastre." nakita ko ang nakangising mukha nung pinatid ko kanina habang papunta ako sa upuan ko, mukha siyang aso. Edi iyon pagkaupo may ipinamigay na papel si San Miguel, at nang tignan ko iyon schedule pala. Wait, half day lang? astig ah, ano kami kinder? tsh.

Puro mga rules and regulations pinagsasabi ni San Miguel, like nabasa ko na kaya iyan sa bahay, ulit ulit. Maya maya ay tumunog na ang bell, im not sure tho. Dala-dala ang bag ko, lumabas na ako at nagtungo sa cafeteria. Buti nalang hindi hiwalay ang cafeteria, pero may dalawang cafeteria. Pagdating ko sa cafeteria na nakita ko kanina bungad agad sa'kin sina leaf oil.

Patakbong pumunta sa'kin si Leaf Oil, akala mo naman hindi kami nagkita kanina. Nag-cling siya sa braso ko tsaka ipinatong ang ulo sa balikat ko, well mas matangkad kase ako sakaniya. Tumatawa nanamang lumapit sa'min si Onion, bakit?

"HHAHAHAHA, buti wala ka roon kanina Cin! Laughtrip etong si Leaf Oil, nagdrama nanaman sa harap kanina? HHAAHAHAHAA!" natatawa naman akong bumaling kay Leaf Oil na kala mo'y umiiyak.

"Bakit ka naman nag-drama aber?" pigil-tawa kong tanong kay Leaf Oil, ganun din kasi ginawa niya sa mga dati naming school. "Pinapakita ko lang naman yung talent ko" nakanguso niyang sagot, oo ganun kasi talent niya, magdrama HAHAHA.

Imbis na kausapin pa si Leaf Oil, inaya ko na sila umorder. Kinapa ko ang bulsa ko, tsaka kinuha ang wallet ko. "Ehem, baka naman lasagna lang." parinig ni Onion, letse. Nang kami na ang oorder inihanda ko na ang black card ko, wews.

"Isang chicken spaghetti and apple juice po. Then, lasagna isa ren. Ikaw Leaf Oil, anong gusto mo?" dahil injel ako pati si Leaf Oil tinanong ko na rin, "Chocolate Cake nalang, tenchu!" pagkasabi niya non, inabot ko na roon sa cafeteria staff yung card ko.

Umalis na kami roon kasi ihahatid nalang daw sa table namin. Habang nakaupo, puro tawanan lang kami.

"Alam niyo ba, kaklase ko yung pinatid ko?" natatawa kong sabi habang pinaglalaruan ang number na ibinigay ni ate.

"Eh, Paano iyon? Nakilala ka niya?" tanong ni Onion, ngumisi naman ako. "I think so, nginisihan niya nga ako. Mukha siyang aso, lol."

"Naku! Baka siya na talaga ang para sa'yo, yie ship." kinikilig na sabi ni Leaf Oil, pero inirapan ko lang siya.

"Half day pala tayo ngayon, Anong plano?" excited kong tanong, at dahil gala si Leaf Oil magmall daw kami. Puwede naman yung suggestion niya, i have spare clothes naman sa van.

"Libre mo?" buraot talaga kahit kailan si Onion, "Huwag na pala tayo mag-mall. Tangina buraot ka Onion!" mabilis na sagot ni Leaf Oil. Puro asaran lang kami hanggang sa dumating na ang order namin. Wala rito sa Cafeteria yung tatlong lalaki, siguro nasa kabila sila.

Mind your own dishes din kaming tatlo, kaya sarili-sariling mundo muna habang nilalantakan ang pagkain.

$#@&

๐——๐—œ๐—ฆ๐—–๐—Ÿ๐—”๐—œ๐— ๐—˜๐—ฅ: ๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—ถ๐˜€ ๐—ฎ ๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐—ธ ๐—ผ๐—ณ ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป. ๐—ก๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐˜€, ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜€,ย  ๐—•๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€, ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€, ๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€, ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—œ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฒ๐—ถ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฎ๐˜‚๐˜๐—ต๐—ผ๐—ฟ'๐˜€ ๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ฟ ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—ฟ. ๐—”๐—ป๐˜† ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—น ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ, ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—น ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€ ๐—ถ๐˜€ ๐—ฝ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐˜† ๐—ฐ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น.