webnovel

Chapter 1- Mistake

Tinignan ko yung langit. Iniisip ko lang... Kapag hiniling ko ba na may malaglag na pera, uulan kaya ng ganun? Phenomenal yun kapag nangyari. As in buong mundo magigimbal, mas malupit pa sa sermon ng nanay mo. Nakatambay ako sa may gilid ng school namin. Ang kasama ko lang eh yung mga libro ko saka ang lunch box ko na ang laman ay tinga lang ng pritong isda saka konting kanin. Nag di-diet ba ko? Hindi ah.

Poverty.

Yan ang sagot na kahit hindi ko gawing pinoy henyo, gets lahat ng mga tao dito. Hindi sa pag mamayabang ah? Brace yourself. Number 1 scholar ako dito sa prestigious international school at dahil yan sa utak ko na espesyal. Mas espesyal pa sa ensaymada. 200 kaya ang IQ ko.

"Boss, anu na?" Sa madilim na sulok ng school, kinumusta ako ng lalaki na mas matangkad sa 'kin at hinawakan nya ang bewang ko habang halos mag kapalit na kami ng mukha sa sobrang lapit ng hininga namin.

Yung utak na green, hinay hinay lang hehe.

"Di ko lang makuha yung equation para sa exam natin next week." Truly yours. Binitawan na nya ko tapos umupo lang din sya. Btw, best friend ko pa la. Kapag may pinatay ako, sabay namin ililibing. Ganyan kami katibay. He's Van. Short term for Vanilla.

"Alam ko kung bakit di mo masagot yan." Sagot nya tapos tinabihan nya lang ako.

"Bakit?"

"Kasi nag skip tayo ng last class. Wala sa book yung hinahanapan mo ng equation." Yep. Definitely. Kapag nasa libro kasi yan, easy lang naman hanapan ng sagot. Pero dahil sa mga sidelines namin, may mga times na kahit scholar ako, kelangan ko mawala ng parang bula sa klase.

Di mo ba alam?

Kilala ako as gangster for hire ng school na to, I'm Sour. Kapag may gusto kang ipabugbog o ipapatay (half joke), bayaran mo kaming dalawa at tapos ang problema mo. Iniwan ka ba ng lalaki? Sumakabilang buhay este, bahay ba ang partner mo? O di kaya naman may kinaiinisan ka lang na wala lang, gusto mo lang mawala sa mundo?

Di ka nagkakamali ng pupuntahan. Ako ang solusyon mo. Ayos di ba? Pwede na ba akong news anchor? Pwede kasi nasa akin na ang lahat. (internal glorification intensifies)

"Hah. Papasok naman na tayo ngayong hapon." Yes. Malapit na mag afterlunch. Sa pag kaka alala ko, eto yung na skip ko na class last meeting. Makikita ko nanaman si Mr. Galunggong. G for short. Bakit galunggong? Hulaan mo.

"Di mo palalampasin to kung ako sayo." Sinabi ni Van. Kumunot ang noo ko kasi parang may pinapahiwatig yong ungas na to.

"At bakit???"

"Sinabihan ako ni Ginger na nakita nya kaninang umaga na sinalvage yung Student Council President natin." Ngingisi ngisi, sinagi nya yung balikat ko. Actually ako din. Feeling kinikilig na din.

Bakit? Pera ang pinag uusapan eh. Hindi ako charity swifts takes na nag vovolunteer or bibida bida na ililigtas ko ang tao na walang kapalit? Hell noeees.

"Yung mayaman na only son ni Principal??" Shet. Nag bublush na ko. Minsan talaga noon ko pa naiisip na baka ikakasal lang ako sa pera eh hehe.

"Di muna namin sinabi sa mga teachers kasi syempre, kung sino unang makakuha sa kanya ang kwarta." Kinindatan ako ni Van. Alam nya talaga ang nagpapagana ng engines ko.

"So... Papasok ba tayo?" Tanong nya.

"Hahaha. Ano ba ang dahilan sa pag kidnap saka taga saang school yung nag nakaw ng poong maria natin?" Kelangan ko muna malaman ang details. Not like di namin kaya. Gusto ko lang malaman ang haharapin namin syempre. Preparation for the money bait YES.

"St. Anthony Integrated School. Balita ko all boys school yun kaya medyo mahirap mga kalaban dun. Kakasa ba tayo boss???" Pfft. HAHAHAHA. Kahit mamatay ako dun at least sinubukan ko. OF COURSE.

"Haha, *censored words* pakakawalan mo ba ang pera?? May commission ka din dito worry not." Yes. Let the battle begin. Kahit na magkaroon ako ng isang mali sa exam paper, di naman babagsak ang grades ko agad. So long afternoon class!

⭐ ⭐ ⭐

"Mpppffff!!!" Nagpupumiglas yung lalaki na naka tali sa may poste. Naka tali kasi yung puting makapal na bimpo sa bibig nya tapos maalinsangan pa yung amoy ng bodega na pinag dalhan sa kanya. May pasa sa left eye pero sa buhok pa lang, kilala mo na kung sino sya.

Si Marcus Funtabella lang naman. Anak ng prestigious International School kung saan nag aaral si Sour. Sa amoy ng kalawang saka sa mga pangit na nilalang na nasa harap nya, halata mo yung disgusted look in his face. Kaya yung isa sa grupo ng mga gunggong, tinanggalan sya ng takip sa bibig.

"Anong tinitingin tingin mo ah?!" Sinigawan sya ng isang lalaki na maitim, mas maitim pa sa black hole. Actually, may mga bente lang naman sya na underling tapos lahat sila mga naka uniform, mga rule breakers nga lang. Sa malaking bodega na yun, andun yung mga lumang upuan, lamesa at iba pang gamit ng school. Paano napunta yung mga sirang parts ng sasakyan dun? Ask them how. LOL.

"Bakit nyo ba ko kinaladkad dito???" Pag tataray ni Marcus habang sinusubukan nya kumalas. Kaso kahit na yung katawan nya eh di naman ganun kahina, makikitaan mo sya ng may pagka malamya. Kapalit ata yun ng gwapo nyang mukha eh.

May isa sa mga underling na sumagot sa tanong nya. Seksi sya na babae pero halata mong below 100 ang IQ. Bakit? Yung expression says so daw. Ganyan ka judgmental si Mr. President.

"Nag nanakaw ka kasi ng babae na hindi para sayo." Yung boses nya may pagka flirty na di mo mawari kung natataeng ibon o haliparot lang talaga. Kasi ba naman, tinanggal nya yung sapatos nya tapos sabay pag himas sa legs ng nakatali na lalaki. Paa yung pinang hihimas nya which made Marcus even more pissed off.

"Sinong babae ba yan?! Wala naman akong girlfriend! A.K.A. Masyado akong busy sa buhay ko para mag lalandi sa kung sino man yung babae!" Pagalit na nyang singaw. Gusto na nyang maka alis kasi at natatakot

na kasi sya. Tipong don't feel, conceal. Pero may bigla lang kasing pumasok sa utak nya. Babae? Sa all boys school? Di nya maiwasan na hindi itikom ang bibig nya sa mga bagay na curious sya. Kaya ayan. Sige lang.

"Uhh... Babae?" Napatanong sya na parang tulaley nung tinitignan pa nya ng mabuti yung kausap nya. Niyakap sya nung mukhang tinapa na nasa harapan nya tapos dun nya lang napansin.

May naka umbok sa skirt nung akala nya na babae.

"LALAKE KA DIN PA LA?!?!??!" Sigaw ni Marcus. Laglag mata saka panga, napa yuko sya ng ulo saka nalang napa iling.

"Geh, gawin nyo na ang gusto nyong gawin sa akin." Parang niliparan ng kaluluwa, pinikit nalang nya ang mata nya nung narinig nya ang tawa ng bakla. Legit. 100% ika nga nila.

"Ninakaw mo ang puso ko pretty boy!" Sabay kinilabutan si Marcus na parang wala ng bukas. Di nya alam kung ano yung mas maigi. Mamatay nalang o kainin ng kapwa nya bakla.

Halos lahat sila pinalibutan na nila yung lalaki na naka tali sa poste. May mga dalang pang bugbog. Kapag tinamaan ka, patay ka ganun. Siya si Marcus. 18 years old, Grade 12th, Senior high school at ang cause of death: di umano'y nilamon ng bakla.

Pero bago pa siya simulan pang gigilan, nakarinig sila ng balibag ng napakalaking gate. Tipong kapag lumingon ka, patay ka rin. Rinig pa nila yung mga yabag. Dalawang anino lang naman ang nakita nila.

"Oy, sino nag papasok sa inyo dito?" Tanong ng leader na lumingon habang hawak nya ang bakla nya na girlfriend. Di naman nag tagal at nakilala nila agad kung sino sila. The witch and her servant— Sour and Van. Yan ang pagkakakilala ng mga gangster ng ibang school sa kanila, kesyo defender daw pero sa totoo lang, extortionist lang silang dalawa.

"Hi Peanut. Long time no see." Kindat ni Sour habang nag lalakad sa likod yung sidekick nya.

"*cursing words* Bakit ka andito?" Tanong sa kanya. May pagka bugnutin ang bida natin kaya nung may lumapit na alipores ni Peanut, sinapak nya ng pagilid. Bakat ang kamao nya habang hinipan nya lang yung umuusok nya na kamay.

"Haaaay. Wag na natin pahabain ang usapan. Alam mo naman na ayokong pinag hihintay kami." Habang nag sasalita si Sour, may tatlo pang mga alipores na sumuntok sa kanilang dalawa pero parang wala lang nangyari kasi naka ilag sila tapos sabay sipa at suntok pabalik. Walking in the park lang daw.

"F*ck. Kilala nyo ba tong lalaking to??!" Napa atras si Peanut nung tinuro nya si Marcus na naka yuko. Sakto namang pag lapit ni Sour, inakbayan nya ang nangangatog na leader sa St. Anthony with a smile.

"Oo, money source ko yan. Pakakawalan nyo yan o papatayin ko kayo? Pili ka lang." Bumulong sya na parang nakikipag deal lang sa online store. Usap. Ayos. Deal.

"Pa-papaano naging money source ang guy na to? Kami kasi ang unang naka kita sa kanya kaya alam mo yun..." Sinubukan ni Peanut na mag reason out. Pero hindi na din sya makatingin kay Sour as if parang nasisilaw na sya sa araw.

Narinig naman siya ni Sour. Yung ngiti nya abot langit pero yung patience nya ay parang natunaw na sa kandila. In short Ubos na ang pasensya ni Ms. Witch.

"Nakita mo na ba yung mukha mo sa salamin?" Tanong nya tapos umiling yung leader ng gang from the other side. Ramdam mo yung tapik ni Sour sa balikat nya, as if may pang aasar na magaganap galing sa cheshire grin nya.

"Yung tigidig mo sa mukha mas malala pa sa pagkahinog ng grapes kaya tinawag ka naming lahat as 'Peanut'. Pero yung hostage mo, syang tunay na anak ng Diyos. Pinagpala sa lalaking lahat. Tingin mo sinong pipiliin ko sa inyong dalawa? Do the math." Nakuha agad ng leader nila yung ibig sabihin ni Sour kaya nainis sya. Feeling trampled daw siya so babawiin nalang nya ng suntok pero ang di nya alam— naka abang na ang left fist ni Sour.

Imaginine yung tambutcho ng train

tren tren pot pot. Ganun ang na feel

Peanut sa suntok ni Sour bago sya

binawian ng malay.

Time of death: 2:30 PM

This man is a fighter, may

his soul rest in peace.

(ang lapida dedicated

para sa mga tigidig na

pumutok sa suntok ni

Sour kay Peanut)

Kumurap si Marcus. Yuck. Nakita nya yung pag rapture ng pimples ni Peanut as if yung mga hinog na buto nag burst out. Kelangan ng disinfectant kasi hindi pa sya handa for new years eve pero nag putukan na bigla, di ba?

"Sa... Salamat." Awkward yun. Sobrang awkward sa naiwan na tatlo. Halata kasi yung disgusted looks ng student council president nila. Alam mo yung nag hihintay na yung na kidnap na pakawalan sya kasi tapos na yung rambulan nila. Marcus thought na safe na sya with cherry on top kaya medyo nag smile nalang sya.

He doesn't know who is he dealing with.

"Kung ang choice mo kanina is mamatay o i-rape ng bakla, bibigyan kita ng bagong options." Sinabi ni Sour ng naka cross arms ang both hands nya. Hindi naman magpapahuli ang ka tandem in disguise nya sa likod, as if nag hahanda na sya ng contract to be signed by.

"Mag babayad ka sa 'professional fee' namin o pag sisisihan mo na nangyari pa sayo ang buong araw na to." Smirk ni Van. Pareho sila ngumingisi sa laki ng imagination nila. Pero yung mga pangarap nila parang na shattered ng tuluyan nung nag reklamo si Marcus.

"What?! Hindi pagtulong ang tawag dyan kung lalagyan nyo ng fee yung kapalit yung good will nyo! Just let me go bago ako magalit!"

"HAHAHA." Tumawa si Sour tapos hinawakan yung smooth chin ng gwapo nilang hostage. Pinagtabi pa nga nya yung noo nya sa noo ng bago nilang biktima.

"Natatakot ako, grabe! Di mo ba kami kilala?" Tanong sa kanya. Now to think about it— hindi naman kasi biro yung mga garapata na nang hostage sa kanya. Pero dalawa lang sila na naka patay... Este naka pag patulog sa mga oranggutan ay ehem... Sa mga bad guys.

"Kung gusto mo ng charity sa simbahan ka mag hanap ng kasama mo." Sa pag ngisi ni Van, medyo nakaramdam na ng bad vibes si Marcus. Actually madali lang naman mag bayad, just name the price. Ang hindi lang nya masikmura is yung ginagawa ng dalawa is as if...

"Pag e-extortion na yung ginagawa nyo sa tingin ko!" And yes, di sya nagkakamali. Extortionist naman talaga silang dalawa kasi. Sa way ng expressions nila na both serious, it made Marcus think na it's a real deal.

"Co-come on... Ok. I get it. Name the price."

⭐ ⭐ ⭐

Before Lunch Break

Sinasabi ko lang sayo. Hindi ako

susunod sa sinasabi ng parents

natin regarding sa engagement

na 'to!

Naalala ni Madeline yung sinabi ni Marcus sa kanya last two days ago. It breaks her heart kapag iniisip nya yung nangyari kasi hindi alam ng guy na matagal na talaga syang may gusto sa kanya. Kaya being alone sa shade ng puno from the school ground, napa tingin nalang sya sa malayo somehow.

Ano na ang gagawin nya?

Hindi na sila katulad ng dati. Kapag lunch break, pinupuntahan sya ni Marcus. Kapag may media na kumukuha ng secret shots nya from afar like paparazzi, tinatakas sya as if nag tatanan sila. Maybe exaggerated ang memories nya pero yung feelings nya as hers is for real. Inayos nya yung black cap nya tapos nag face mask din ng itim with shades. Madeline knew na may mga nag aabang sa kanya in the labas and masyado na syang nag aalala nung napansin nya na umalis ang fiancé nya with strangers.

Bawat kanto ng street is a challenge sa escapade nya. That porcelain like skin saka petite body really screams like "A PRETTY MODEL" which is her career kahit nasa Senior high school pa lang sya. Yes, the Apple of their International School— Madeline Hernandez. Ang problema lang kasi sa kanya is masyadong syang naive pagdating sa mga bagay na kailangan di sya maging oblivious. Example nalang yung mga black van sa tabi ng kalsada. Mukha syang pang media type ng van pero ang tingin nya dun is just a normal one. Sa mga estudyante ng all boy's school, may isa syang nakita na pwede nya mapag tanungan.

"Excuse me..." Kalabit ni Apple sa blank head guy. Bakit ganun? Kasi extra lang sya sa story. Background sya ganun.

"Ano po yun?" Tanong sa kanya.

"May nakita po ba kayong gwapo ng lalaki na ganito katangkad???" Ganda ng description. Eto yung mga description kapag nabubulag ka sa pag ibig. Este, wala na bang mas ayos na way to describe?

"Ay! Si Marcus ba yan ng International School nyo? Naku. Kasama nya si Peanut kanina. Wala pa namang lumalapit dun." Nag alala yung blank character natin which made Madeline even more unsettled.

"Ta-talaga?"

"Ang laki kaya ng takot namin na mahawaan kami ng digidig nun. Kapag nakita mo in person matatakot ka talaga. Hahaha!" Kanina pa takot yung babae actually.

"Ha-hala! Nasaan na sila!?" Hinawakan niya yung kwelyo ng blank character habang pinag papawisan yung kamay nya sa nerbyos. Halata ng worried teh.

Tinuro nung guy yung entrada ng school. Alam nya kasi na seryoso na yung stranger na nag tatanong sa kanya and kahit naka pang disguise, he can tell na she's Apple. The most popular model sa media industry right now.

"Pasukin mo lang yung school, tapos makikita mo yung bodega na agaw pansin talaga kasi luma na yun sa East Building. Good luck Madona!" Parang tinalunan ng pusa sa kaba si Apple kaya napa shhh sign sya sa extra character background bago sya tumakbo. From left to right and vice versa, nag try hard talaga sya till halos umabot na ng afterlunch ang journey nya.

The Princess and the Damsel in Distress Prince

Yan ang description nila bago nya makita ang crush nya na kasama ang #1 scholar ng international school nila. Alison Crizelda Crisostomo. She knew her kasi as secretary ng student council, lagi nyang tinitignan ang records ng mga exemptional students— even the part kung saan gangster ang kaharap nya. Surely wala syang laban pero para kay Marcus, she can do anything.

If real life is just that easy

"Wow, look at those legs!" Cat calling ni Van. Trip nya kasi ang mga girls with pearly white skin. Tingin nya para silang white kittens na kelangan protektahan like princesses. Of course napansin sya ni Marcus.

"Apple?! Bakit ka andito?!!" Gulat 360° to the point na jaw dropping na, nahalata ni Sour na may connection tong dalawang to.

"Cherry!!!" Sigaw ni Apple. Yes. His nickname is Cherry. Good looking yet fragile, influencial and delicious. Yan ang description ng mga babae at lalaking uhaw sa kanya.

"Kung maari lang sana, pakawalan nyo na sya. Please. I can do anything..." Yung click bait na yun was enticing enough na sa bright shining sun, kahit di mo hulaan ang balak ni Van, may sinister thoughts na sya agad na naka ready. Just like a wolf. Rawwr.

"Lahat talaga?" Tinanong nya as final confirmation. Nakaramdam ng hard grip si Vanilla nung hinawakan sya ng mahigpit ni Cherry with the glare.

"Kung ako sayo, mag iingat ka." Thump. Nakaramdam ng beating heart ang model of the year. Alam naman nya kasi na kaya lang ganun si Cherry is because of their parent's partnership. Pero that husky like voice and kahit the odds is hindi for them— she kinda admired that. U n f o r t u n a t e l y naka receive lang ng suntok si Cherry sa stomach nya at ramdam nya yun. Para syang tinalunan ng malakas, to the point na napa upo sya sa sakit.

"Pretty boy ka and money source ko pero di ibig sabihin pwede ka mag salita ng ganyan kay Van." Bago pa lumapit si Apple, pinigilan sya ni Van.

"Remove that disguise. Patingin ng cute face na yan." Nakaramdam ng fear si Apple. Konting tingin sa nasa sahig na Cherry at tinanggal nya yung cover-up nya. Nanlaki ang mata ng Witch and her servant at legit na model yung nasa harap nila ngayon. L E G I T.

"Ma-Made—" Bago pa makasingit si Van, nabulag sila ng shining lights galing sa iba't ibang direction. Yes. Nagsilabasan na ang mga kabote na kanina pa nag hihintay para may mailagay sa headlines nila. She stood still and ang isa sa mga media dun were filming live para sa afternoon news ng entertainment section.

"O-okay na ba yan? Let him go..." Glaring sa dalawang stunned statues, even si Sour was speechless, dumeretso ang tingin nya kay Marcus. Medyo nag zoom in ang camera sa gangster natin nung nag tanong sya out of pure curiosity lang naman.

"Boi... Ikaw ba yung na feature na blind item sa school newspaper last week?" Tumayo si Marcus, obviously mas matangkad sya kay Sour na medyo nakaka intimidate for both sides.

"Blind item?"

"Yung naka arrange marriage sa isang celebrity pero di matuloy tuloy ang engagement kasi BAKLA yung guy?" At dun tumigil ang mundo. Nalaman lang ng buong bansa under sa flashing lights and buzzing live news ang sikreto na pinaka tinatago ni Cherry. Kahit si Van kinilabutan sa narinig nya na nalimutan nya pag piyestahan si Apple na once in a life time nya lang makikita ng ganun ka malapitan he thought.

....

"Mr. Henry?"

Malumanay na kalabit ng isang sekretarya sa kanilang Principal. Nakaupo sa red and comfy couch, pero nabasag nya ang cup of tea nya. Di na nya kelangan mag halloween costume sa lagay na yan kasi nadedemomyo na sya ng anak nya na gumagawa ng kalokohan sa screen right now.

"Punyeta. MARCUS ANO NANAMAN TO?!" Medyo natawa nalang ang seksi nya na secretary habang nililinis ang kalat na ginawa ng boss nya. Live na naka air yung nangyari, kahihiyan na mas masaklap pa sa permanent ink ng lolo mo.

Tuluyang tumigil ang Universe.