webnovel

The beginning

Narinig mo na ba ang kwento patungkol sa isang batang bituwin? Sigurado akong hindi pa dahil ang kaniyang kwento ay nakasulat sa isang makapal na libro ngunit wala namang nakatala dito nakakapagtaka lamang dahil ang kaniyang kwento ay nakalipas na ng napakahabang panahon ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nalilimutan ng mga tao dito sa ating bansa at maging sa karatig nating bansa dahil ang kaniyang kwento ay masasabing mahirap paniwalaan at naparaming pangyayari ang walang kasagutan.

May ilang taong nagsasabing ang batang bituwin ang nakatakdang pumatay sa susunod na hari kaya naman siya ay hindi magiging ligtas kahit saan man siya magpunta ngunit niisang tao ay hindi kilala kung sino nga ba ang taong papatay sa susunod na hari maraming bata ang pinapatay ng kasalukuyang hari dahil sa takot na baka ito ay magkatotoo may ilan din namang nagsasabi na ang batang bituwin ay hindi naisakatuparan ang sinasabing nakatakdang kaganapan ngunit walang nakakaalam kung bakit dapat mamatay ang susunod na hari tanging mga sabi sabi lamang ang pinapaniwalaan sa kasalukuyan pero ang tumatak na parte sa istorya ng batang bituwin ay ang pakikipagsapalaran niya sa pagitan ng kapangyarihan at pagmamahal.

Ngunit iba ang paniniwala ng mga tao sa karatig nating bansa dahil sabi sabi sa kanilang lugar na ang batang bituwin ay may malupit na parusang kinakaharap kaya naman kahit anong gawin niyang desisyon ito'y nagtatagumpay ngunit may hinding magandang pangyayari ang agad na bumubungad sa kaniya tiyak na ito ay isang sumpa ngunit siya ay swerte pagdating sa pagibig dahil napakaraming tao ang agad na napapaibig sa taglay niyang liwanag.

Nagtataka rin kayo kung papaano nalaman ang kaniyang kwento? Nagsimula nanaman umingay ang kwento ng batang bituwin ng biglang nagbukas muli ang kaniyang libro agad na kumalat ang usap usap patungkol dito dahil ang unang pahina nito ay nagkarooon bigla ng sulat ngunit sa mga sumunod na pahina ito'y nanatiling blangko na siyang pumukaw ng atensyon ng mga tao ang tanging nakakapagtaka lamang dito ay bakit ito nakalagay sa museum at tila kinakatakutan ng lahat dahil ang nakatala sa unang pahina ay talaga palang nakapanlilimo.

"Ang aking kwento ay magpapatuloy na muli ngunit sa pagkakataong ito akoy hindi na magiging ako dahil ang aking mga kahilingan ay napaboran na ng kalawakan at pinahintulan ng kalangitan kaya naman isang batang bituwin ang muling magbibigay kaligayahan sa probinsya ng chinami ika'y laging magiingat dahil ang taong labis na nagaalala mula sa kaniyang naging nakaraan ay madali lamang mapasuko kahit pa sa maliit na digmaan maswerte ang inyong bansa dahil sa lugar na ito magmumula ang taong muling magiging itinalaga." Ito ang nakalagay sa unang column ng unang pahina napakaraming tao sa ating bansa ang natakot dahil baka sila ang sinasabi sa libro ang ilan ay natuwa lalo na ang mga taong wala nang patutunguhan ang buhay.

"Hindi matatawaran ang kahusayan ko pagdating sa paggamit ng espada ngunit tiyak akong hindi ko na muli itong magagawa sana'y ito ay iyong pagkakatandaan tama ang sinabi ni ginang kohaku huwag kang magtitiwala kahit kanino man dahil ang inaakala mong kaibigan ang siya palang iyong malapit na kaaway" nakasaad dito at sa baba naman nito ay nakatala ang katagang.

"Simula ngayon hindi na magiging balangko ang binuo kong aklat dahil sa kaparehas kong kahilingan na hiniling ng mga tao dito sa inyong bansa" nasakad sa dulo ng unang bahagi maraming tao ang nagtatangkang sunugin ang libro o di kaya ay nakawin ngunit hindi ito umamaalis sa museyo kahit pa anong gawing paglipat dito kaya naman upang hindi matupad ang nakalagay sa libro napagdesisyunan ng lahat na mula noon ay hindi na lamang papansinin ang aklat at hindi na ito dapat pagusapan maging sa ibang bansa ngunit ang katahimikan at takot ng mga tao ay muling bumalik ng muling nagbukas ang ikalawang pahina ng libro.

~Sora Hoshiko~

Next chapter