webnovel

♥ CHAPTER 86 ♥

♥❀ BRUTALLY ROMANTIC OR ROMANTICALLY BRUTAL? ❀♥

✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿

✿ Syden's POV ✿

Waking up in a place where everything is black.

Surrounded with darkness.

Being brought in a place where I don't even have an idea where.

It's always me.

The victim.

But why am I still alive?

Bakit sa mga pagkakataong gusto ko ng mamatay, lagi akong nagigising sa isang lugar na hindi ko alam. Tama nga siguro ang kasabihang, matagal mamatay ang masamang damo. All types of torture, napagdaanan ko na ata.

But here we are again.

Nagising nanaman ako sa isang madilim na lugar ngunit hindi rin nagtagal ay nagliwanag dahil sa kaisa-isang ilaw na nakasabit sa tapat ko. Lahat ng bagay sa paligid ko ay kulay itim maliban sa ilaw na tanging nagbibigay ng liwanag. I am in the middle of a small room. Tanging ang tunog ng kadena ang naririnig ko habang nakatingin sa nag-iisang ilaw.

Nakaupo ako sa sahig at nakagapos ang dalawang kamay gamit ang mga kadena. Tinignan ko ang sarili ko at napansin kong wala ng dugo. Wala ng kahit na anong dugo ang nasa katawan ko. Napatingin rin ako sa kamay ko kung saan ako nagkaroon ng malalim na sugat at nakabalot ito ng panyo. Napahawak na lang ako sa ulo ko at napansin kong may benda ito kaya wala na akong makitang dugo sa katawan ko.

Last time I just saw myself na punung-puno ng dugo, pero ngayon sobrang linis ko na. Pero bakit ako nandito at nakagapos?

Napatingin na lang ako sa biglaang pagbukas ng pintuan sa tapat ko ng may pumasok na dalawang lalaki at muli nilang isinara ang pintuan. Nagtaka na lang ako ng makita ko sina Stephen at Caleb ang dalawang lalaking pumasok, "Anong ginagawa niyo dito?" kinakabahan kong tanong sa mga ito at sinubukan kong umatras dahil ayaw kong lapitan nila ako. Medyo mahaba naman ang kadenang nakatali sa mga kamay ko kaya nagawa kong umatras kahit papaano.

Tinignan nila akong dalawa mula ulo hanggang paa kaya't lalo pa akong umatras, "B-bakit ako nandito?! Anong gagawin niyo sa akin?!" kinakabahan pa rin ako dahil sa mga tingin nila.

"Huwag kang mag-alala. Wala naman kaming gagawin sa'yo" saad ni Caleb at napangiti pa ito kaya hindi ako naniniwala na wala silang gagawin.

"Kung talagang wala kayong gagawin sa akin hindi niyo ako dadalhin at igagapos dito!" sigaw ko sa mga ito.

"Pwede ba kumalma ka. Kung may gagawin kami sayo, kanina pa namin ginawa" sambit nito na parang naiirita sa akin.

"Ano ba kasing kailangan niyo? Pakawalan niyo na ako dito!" pagmamakaawa ko sa kanila dahil ayaw ko ng magtagal pa dito.

"Hindi nga pwede" pagpupumilit niya.

Nilapitan ako ni Stephen at umupo para tapatan ako kaya't tinignan ko siya. Maayos lang itong nakatingin sa akin at nagsalita, "We're really thankful kasi tinulungan mo kami laban sa ungas na grupo nito..." sambit niya sabay turo kay Caleb kaya't sinamaan siya ng tingin ni Caleb, "Pero kahit gustuhin man naming pakawalan ka, hindi pwede dahil kami ang malalagot sa kanya" saad nito kaya nagtaka ako.

"Sinong tinutukoy mo?" tanong ko dito.

"Leader namin" sagot niya kaya nataranta ako, "Sinong leader? Members din ba kayo ng Venom?!" tanong ko pa dito ngunit napangiti na lang siya at tumayo.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" saad naman nito na parang hindi makapaniwala. Pagkatayo niya ay umiling na lang ito at lumabas kaya sumunod na rin si Caleb sa kanya at sinamaan ako nito ng tingin kaya't sumigaw ako ulit bago pa man sila tuluyang makalabas at narinig ko ang pagsara ng pintuan, "Pakawalan niyo 'ko dito!" itinuloy ko pa rin ang pagsigaw kahit na alam kong hindi nila ako papakinggan. Ano nanaman ba 'to?!

Muli kong tinignan ang kadenang nakagapos sa akin at mahirap makawala dito kaya hindi ako basta-basta makakatakas. Muli na lang akong napatingin sa pintuan ng bumukas ito at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot ng makilala ko ang lalaking pumasok.

"Raven?" sambit ko habang nakatingin siya sa akin at bahagya siyang napangiti ngunit kitang-kita ko sa mga mata nito na malungkot siya.

"I'm glad you're finally awake" saad nito at nanatili akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. May kinalaman ba siya sa pagkakagapos sa akin dito?

"A-anong ibig sabihin nito? Bakit ako nakatali? Ikaw ba ang nag-utos sa kanila para igapos ako dito?" hindi makapaniwalang tanong ko dito at dahan-dahan akong tumayo dahilan upang gumawa ng ingay ang kadenang nakagapos sa akin.

Tinignan niya muna ako ng ilang segundo bago ito nagsalita at nakita ko ang pagiging seryoso nito, "Oo" sagot niya at dahil sa narinig ko ay muli akong nataranta.

"B-bakit? Ayaw ko dito! Tanggalin mo 'to!" pagmamakaawa ko sa kanya habang sinusubukang alisin ang kadenang nakatali sa kamay ko.

"I'm sorry" sambit nito kaya natahimik ako at muling napatingin sa kanya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nakita kong malungkot pa rin ang mga mata nito pero wala akong pakielam basta ang gusto ko lang ay makaalis na sa lugar na 'to, "Seeing you like that, nasasaktan ako. Alam ko nasasaktan ka din kaya ka nagkakaganyan but it's the only way para hindi makagawa ng masama sa iba at sa sarili mo" pahayag niya na ipinagtaka ko.

"H-hindi naman ako masamang tao Raven dba? Hindi mo naman kailangang gawin 'to sa akin!" saad ko dito. Bakit ba siya ganito? Feeling niya ba nababaliw na ako? Hindi ako baliw!

"Sy, wala ka na sa sarili mo!" nakita kong nasasaktan ito habang nakatingin sa akin pero bakit.

"Ano bang sinasabi mo? Eto pa rin naman ako dba? Alam ko ang ginagawa ko!"

"Hindi! Hindi mo na alam ang ginagawa mo!" sigaw niya kaya muli akong natahimik. Ano bang pinagsasabi niya? Tingin niya ba talaga nababaliw na ako?!

"Raven ano ba?! Pakawalan mo ako dito? Hindi mo na ba ako tinuturing na kapatid kaya nagawa mo 'to? Hindi mo na ba ako mahal?" nakita ko na lang na may tumulong luha sa kanyang mga mata kaya diretso ko itong tinignan. Bigla niyang kinuha ang kutsilyong nasa bulsa niya at inihagis 'yon papunta sa pader kaya nagulat ako at nakita ko rin napahawak ito sa ulo niya bago ako muling tinignan, "Mahal kita dahil kapatid kita kaya pumayag akong igapos ka dito! Hindi naging madali sa akin na piliin ang desisyong 'to pero ito lang ang paraan!" nanatili lang akong nakatingin dito habang lumuluha siya ngunit agad niya rin 'yong pinunasan, "Iniisip ko lang ang makakabuti sa'yo at ikaw mismo ang nagtutulak sa akin para gawin 'to! Sabihin mo nga sa akin, ano ba talagang nangyari at nagkaganito ka?!"

Hindi ko na lang sinagot ang tanong nito dahil hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi niya. Ang gusto ko lang makaalis na sa lugar na 'to, "Ayaw ko na dito! Please paalisin mo na ako dito Raven!" pagmamakaawa ko dito at napansin kong ayaw niya akong tignan at tila nasasaktan siya.

Dahan-dahan na lang niya akong tinignan at nakikita kong nasasaktan siya habang nakatingin sa akin. Unti-unti itong lumapit at kasabay naman noon ay unti-unti ako napayuko hanggang sa maramdaman kong niyakap niya ako kaya hindi ako nakagalaw. Bigla na lang niyang hinalikan ang noo ko at alam kong lumuluha siya. Bakit ba siya ganito sa akin?

Lumayo ito sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko upang tignan ako ng maayos kaya't ganon na rin ang ginawa ko, "Kasalanan ko kung bakit nagkaganyan ka. Hayaan mong bumawi ako sa'yo. I'm sorry but you need to stay here, para sa'yo ang ginagawa ko. Kung kinakailangang ikulong ka namin, gagawin ko para lang hindi ka na masaktan at mapahamak" sambit nito habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Hindi ko pa rin siya maintindihan. Ano bang pinagsasasabi niya?

"Ano bang sinasabi mo? Okay lang ako! Kaya pakawalan mo na ako!" pagmamakaawa ko ulit dito.

"Bliss Syden, hindi na ikaw 'yan. Hindi ka pwedeng umalis dito hanggat hindi ka bumabalik sa sarili mo" sagot niya at dahan-dahan niya akong tinalikuran. Tuluyan siyang naglakad papalabas at nakita kong muli ang pagsara ng pintuan.

Dahan-dahan akong napaupo at kusang tumulo ang mga luha ng hindi ko alam kung bakit, "Paalisin niyo na ako dito!! Ayaw ko dito!" sigaw ko habang umiiyak na nakatingin sa may pintuan.

"Parang awa niyo na! Ayaw ko dito!"

"Ayaw ko na dito! Palabasin niyo na ako!"

Inulit-ulit kong sabihin ang mga 'yon habang hinihintay na magbukas ang pintuan. Hindi naman ako baliw para itali at ikulong dito. Alam ko ang ginagawa ko! Bakit nagawa ni Raven sa akin 'to? Paano niya 'to nagawa?!

Tinignan kong muli ang buong paligid habang umiiyak at umaasang makakalabas ako sa lugar na 'to ngunit napatingin na lang ako sa biglaang pagbukas ng pintuan at dahan-dahan akong napatayo dahil baka nagbago na ang isip niya at papakawalan na niya ako.

Napatingin ako sa pagpasok nito at nabigla ako ng makita kong hindi si Raven ang pumasok. Seryoso itong nakatingin sa akin habang dahan-dahan itong lumalapit sa akin at napapahakbang ako paatras. Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay natigilan na rin ako. Tinitignan niya lang ako kaya't ganon na rin ang ginawa ko. Habang tinitignan ko ang mga mata niya ay tila may kung anong pumapasok sa isip ko kaya't sa mga mata niya lang ako nakapag-focus. Na parang may sinasabi ang mga matang 'yon kaya't hindi ko maalis ang tingin ko dito. Naririnig ko na lang ang kaisa-isang boses sa loob ko habang tinititigan siya.

This man standing infront of me, was the man I'm totally inlove with just before Blake came back into my life. I hated him for a long time but that hatred turned to love. I started to love him. I don't know if he feels the same pero sino ba ako para magustuhan niya? Nasaktan ko siya at mas nasaktan ako sa nagawa ko sa kanya. I saved him once, and I can always save him as much as I want. He saved me not just once, but many times. I feel safe when I'm with him but I also fear him.

I should have chose him than Blake.

Dean Carson...

Everyone is afraid of him. Masama man siya sa paningin ng iba, pero siya ang pinaka-kakaiba sa paningin ko. Masamang tao man siya, pero para sa akin mabuting tao siya. My feelings are starting to change again. Ilang beses akong nagalit sa kanya pero kahit kailan yung pagmamahal ko hindi napalitan ng galit kagaya ng nararamdaman ko ngayon para kay Blake.

Tuwing nakikita ko siya, wala na akong ibang maisip kundi siya lang.

This d*mn feeling! I still love him.

Mahal ko pa rin pala siya at nakalimutan ko ang pagmamahal na 'yon ng makita ko si Blake, but not anymore.

"Base sa pagkakasabi ni Sean kanina, gustung-gusto mong pakawalan ka niya. Hindi pa man ako nakakalapit sa kwartong 'to dinig na dinig ko na ang pagsigaw mo. Bakit ngayon natigilan ka?" sa ilang segundong nagkatinginan kami ay bigla itong nagsalita.

Ngunit hindi ko pa rin nagawang makapagsalita lalo na't mas lalo ko pa itong tinitigan ng makita ko ang sarili ko sa mga mata niya. Dahan-dahan na lang niyang hinawakan ang baba ko dahilan para mapatingala ako at mas matignan ko pa siya ng malapitan. Nakita kong napatingin siya sa labi ko at muling nagsalita, "Hindi ka man lang ba magmamakaawa sa akin para pakawalan kita?" tanong nito at muling tumingin sa mga mata ko ngunit hindi pa rin ako nagsalita. His eyes are slowly hypnotizing me. What should I do? The feeling is becoming deeper at parang ayaw ko ng mawala siya sa paningin ko. Tuluyan na niya akong napasunod gamit lang ang mga mata nito.

Ibinaba niya ang kamay niya at napatalikod sa akin bago niya hinawakan ang ulo niya at muli akong hinarapan, "You're such a pain. Kahit kailan talaga hindi kita maririnig na tawagin ang pangalan ko" nakita kong naghihintay siyang magsalita ako ngunit hindi ko pa rin talaga magawa. Bigla siyang lumapit ulit sa akin, sobrang lapit kaya nagtama ang mga mata namin at parang hindi siya makapagpigil, "Just call my name and I will do everything you will say!"

Nakita ko na lang na parang pinipigilan niya ang sarili niya ngunit hindi siya nakapagpigil at may kinuhang kutsilyo mula sa bulsa niya. Napatingin ako doon at nakita kong puno ng dugo ang kutsilyong hawak niya habang tinitignan niya 'yon ng maigi at pati na rin ako.

Napalunok na lang ako at kinabahan ng maalala ko lahat ng nangyari. Lahat ng ginawa ko. I killed them. Yung dalawang redblades, nasaksak ko si Roxanne, yung phantoms at higit sa lahat, si Leigh. Muntik ko na siyang mapatay. Why did I do that?! Paano ko nagawa 'yon sa kanila? P-paano nangyari.....

Muli na lang akong napaluha habang nakatingin sa kutsilyong hawak niya dahil 'yon mismo ang kutsilyo na ginamit ko ng marealize ko lahat ng nagawa ko. Wala sa plano ko ang pumatay, wala akong balak na gawin 'yon. Hindi ko ginustong mangyari 'yon!

"Do you know why I gave you this?" seryoso akong tinignan nito bago ulit nagsalita, "To defend yourself" sambit nito at napatingin doon habang patuloy pa rin ako sa pagluha.

Bigla na lang akong napatingala at napatingin sa kanya ng itutok niya sa akin ang kutsilyong 'yon. Nakita kong naging masama ang pagtingin nito sa akin, "Hindi ko binigay sayo 'to para pumatay ka" dagdag pa nito kaya mas lalo pa akong naiyak.

Ngayon ko lang narealize kung bakit ikinulong nila ako dito. Dahil hindi ko na alam ang ginagawa ko at hindi ko masisisi si Raven kung bakit mas pinili niyang ikulong ako dito.

Mas lalo na lang akong naiyak dahil sa sinabi niya and this time, pinilit kong magsalita, "S-sorry. I thought I made the right decision...pero mali pala ako. Akala ko nagbago na siya, pero hindi pa rin pala!" pahayag ko dito at tuluyan ng bumagsak ang maraming luha at sadyang napaiyak na ako at hindi ko na napigilan.

"Ang sakit! Sobrang sakit kaya hindi ko na alam ang gagawin ko at nawala ako sa sarili ko!" pahayag ko sa kanya at noong mga oras na 'yon ay nakita kong unti-unti na niyang binitawan ang kutsilyo kaya't nahulog ito sa sahig. Napansin kong nasasaktan siya dahil sa paraan na tignan niya ako. Unti-unti niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa nitong kamay kaya't diretso akong napatingin sa kanya habang nanlalabo ang paningin ko dahil sa pagluha, "I'm not mad at you. Galit ako sa sarili ko kasi pinabayaan kitang ganyan. Just seeing you full of blood is slowly killing me inside! Nasasaktan ako! Tell me, paano nag-umpisa 'to at sinong gumawa niyan sayo para magkaganyan ka?" tanong nito ng may pag-aalala. Pero bakit nakikita kong nasasaktan siya?

Instead na sagutin ko ang tanong niya ay naalala ko lahat ng ginawa nila at gusto kong ilabas lahat ng 'yon ngayon, "H-he betrayed me! They betrayed me- "

"Who?" natahimik na lang ako ng makita kong nag-iba ang itsura nito habang nakatingin sa akin.

"I want you to give me names. Just their names. Who are they who made you like that?" mas naging seryoso ito at nakita kong hinihintay niya akong magsalita. Nag-iba ang mga mata nito at tila nakatingin ako sa napakagandang demonyo ngunit sadyang napakadelikado.

"Maxine and Blake! They betrayed me- akala ko nagbago na siya pero- " muli akong nataranta habang nagsasalita ngunit pinipigilan niya ako lalo na't hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak.

"Just tell me what you want! Ngayun-ngayon din kaya ko silang dalhin sa harapan mo at kayang-kaya ko silang patayin kung gugustuhin mo!" seryosong sambit nito kaya natigilan ako. Just by looking at his eyes, I want to say it, to say their names! Nauutusan niya ako sa pamamagitan lang ng mga matang 'yon, pero pinigilan ko ang sarili ko. But words came out of my mouth that I did not even expect na masasabi ko, "I want them to suffer. All of them. Each and every one of them!" diretso kong nasabi 'yon sa kanya habang seryoso kaming nakatingin sa isa't-isa and his eyes became dangerous as hell. He, is actually death. At hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sabihin 'yon at hindi bawiin ang lahat ng sinabi ko. 

And again, I cried.

"I won't let them be happy! Hindi ko palalagpasin ang ginawa nila sa akin! I won't be stupid again- " hindi ko na napigilan na sumigaw at umiyak dahil ramdam ko pa rin ang sakit. All of those tortures na naranasan ko, pumasok sa isip ko at muli kong naramdaman ang pinagsama-samang sakit! But he did not let me feel the pain because he wants me to calm down.

"Calm down" sambit nito na hinahawakan pa rin ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa nitong kamay ngunit hindi ko pa rin nagawa kahit seryoso siyang nagsalita.

"They've always been making me suffer! All I did is to trust them- " tuluy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak habang sinusubukan niyang patigilin ako.

"Just calm down!" pakiusap pa nito.

"No, I can't! It hurts! You don't know how much it really hurts De- " sigaw ko sa kanya ngunit natigilan na lang ako at tila tumigil ang oras at biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko when he suddenly kissed me habang hawak niya pa rin ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay biglang nawala at wala akong ibang maramdaman kundi ang halik niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng ginawa niya 'yon but I did not do anything to stop him.

Why? I can't resist.

Unti-unti na lang akong napapikit because I just realized that the man I still love is kissing me right now. 

Bigla ko na lang naalala si Roxanne at biglang nag-iba ang mga mata ko at nawala ang pagkabigla sa mga ito. What if maagaw siya sa akin ng iba? What if iwan niya ako, umalis siya at balikan niya si Roxanne? I don't just love him. I want him, even though I don't know if he feels the same, gusto ko siyang angkinin. 

So I kissed him back at dahan-dahan kong hinawakan ang mga kamay niya na nakahawak sa pisngi ko dahilan para gumawa ng ingay ang mga kadenang nakatali sa akin. I've never been like this before. I'm not just inlove, I'm obssessed!

And the feeling is so different.

Umabot 'yon ng ilang minuto at unti-unti siyang lumayo sa akin habang hawak-hawak niya pa rin ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay. Alam kong nakatingin siya sa akin at napayuko na lang ako dahil sa nangyari habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya at mahigpit kong hawak ito.

"I know how much it hurts, dahil minsan na akong napunta sa posisyon mo. Just be with me and I will teach you how to be a queen, where no one would even dare to touch you or hurt you. Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako. Alam mo ba kung bakit pinapunta kita sa rooftop? Alam mo ba kung bakit sinabi ko sa kapatid mo na igapos ka dito? Because I love you and I want you all by myself!" bigla na lang akong napatingin sa kanya ng marinig kong sabihin niya 'yon, "At ayaw na kitang pakawalan dahil nasasaktan ako tuwing may nangyayaring masama sayo. Just please stop crying cause you're killing me slowly. Just stop crying!" pakiusap nito sa akin at kitang-kita ko 'yon sa mga mata niya.

Did I just hear that? He loves me? Am I not dreaming?

Sandali akong natulala habang nakatingin sa kanya habang iniisip ko lahat ng sinabi niya.

If it is true, then I want to be with him. I don't want to be a queen because I want to be like him. If being with him would mean to kill and be a killer, I won't hesitate to kill anyone who would try to destroy him.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at kusang tumigil ang mga luha na kanina ko pa inilalabas, "Now that you know everything..." pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang dalawa niyang kamay at naramdaman kong unti-unti niyang ibinaba ang mga kamay niya habang nakatingin pa rin kami sa isa't-isa.

Narinig ko na lang na tumunog ang kadenang nakatali sa akin kaya napatingin ako dito at nakita kong hindi na ito nakatali sa kamay ko kaya muli akong napatingin sa kanya, "Baka ako naman ang tuluyang mawalan ng kontrol at tuluyan kitang ikulong dito para sa akin ka lang. You still have time to escape from me dahil baka hindi na kita pakawalan. And I'm afraid to do that! I love you and I don't want to hurt you. Escape with your twin brother, I won't stop you" pahayag nito habang seryosong nakatingin sa akin at tila nakikiusap.

Pero kahit sinabi niya 'yon, ni isang hakbang papalayo sa kanya hindi ko ginawa dahil nanatili lang akong nakatingin sa kanya, "If you really love me, you won't hurt me. Just do whatever you want at kahit ikulong mo ako dito, hindi kita tatakasan" sambit ko.

All along, all you did is for me, only me. Nagkamali na ako ng pinili at hindi ko hahayaang mangyari ulit 'yon. Makita ko lang siyang hindi nasasaktan, masaya na ako kahit pa ikulong niya ako dito.

Hinawakan nito ang baba ko at nagtapat kami. Nakita kong masama itong nakangiti at nakatingin sa akin, "Hindi ka pa man napupunta sa akin, inaangkin na kita. Hindi mo pa ako kilala. Im selfish, I want you at hanggat pwede mo pa akong takasan, do it now" saad nito. Pero kahit anong sabihin niya, hindi ako aalis. Kahit patayin niya ako, hindi pa rin ako aalis.

"I will never escape from you. Just take me with you and I won't stop you. I'm willing to enter your world" matapang kong sabi sa kanya. I don't know if I should feel so happy when he said na mahal niya ako o dapat akong matakot dahil sa mga gagawin niya para lang makuha ako. Pero hindi na niya kailangang gawin 'yon, dahil ako na mismo ang lalapit at mananatili sa tabi niya.

"Do you know why they always say, there is still a mask behind my mask? Dahil wala pa talagang nakakakita kung sino talaga ako at ano ang kaya kong gawin. I will give you time para makapag-isip. Pagbalik ko dapat wala ka na or else I'm gonna torture you in a way na magugustuhan at hahanap-hanapin mo sa akin Bliss Syden. Huwag mong hintaying magawa ko sayo 'yon because I've been craving for your love" pagbabanta nito sa akin ngunit tinititigan ko pa rin siya ng diretso. Ibinaba na nito ang kamay niya para talikuran ako at naglakad papalabas ngunit agad kong kinuha ang kutsilyong nahulog kanina sa sahig.

Bago pa man siya makalabas ay binalak kong sugurin siya dahil sa sobrang pagkainis ngunit nagawa niya akong pigilan kaya muli kong nabitawan ang kutsilyo at ngayon ay hawak-hawak niya ang isa kong kamay. 

"What's wrong with you?! Then just love me. Bago ko pa man nakita si Blake, I'm totally inlove with you kaso dumating siya kaya nalito ako! I had the chance to choose you pero mas pinili ko siya kasi ang buong akala ko mahal ko pa siya! But I realized maling tao pala ang pinili ko. Nung mga panahong siya ang kasama ko, may nararamdaman akong kulang!" sigaw ko dito habang nakatingin lang siya sa akin, "Pero ngayon wala na akong maramdaman na kulang sa buhay ko dahil ikaw na ang kaharap ko. I used to hate you because you rule everything!  But now, I love you because you are slowly ruling my heart just like a king who always get what he wants!"

Nakita ko na lang ang pagtingin at pagngiti nito ng masama sa akin pero wala akong pakielam. Mas nilapitan niya ako at ginamit ang isang nakakatakot na tingin pero seryoso ko lang siyang tinignan, "I told you. Hindi mo man ako piliin sa umpisa pero sa huli, sa akin at sa akin pa rin ang bagsak mo" sarcastic na sabi nito and his face turned to demon. 

Hinawakan niya ng maayos ang kamay ko at lumabas kami sa kwartong 'yon kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya hanggang sa makalabas kami sa building. Napapasunod pa rin ako dahil sa mabilis na paglakad nito at napansin kong gabing-gabi na at wala ng katao-tao maliban sa amin. Nanindig na lang ang balahibo ko ng makita kong dinala niya ako sa isang lugar na maraming patay. Pumunta kami sa pinakagitnan noon at binitawan niya ako kaya tinignan ko ang paligid at napapalibutan ako ng mga patay na estudyante. Muli ko siyang tinignan ngunit wala na siya sa kinatatayuan niya kanina kaya't tinignan ko ulit ang paligid para hanapin siya habang nanginginig ako.

Napatingin na lang ako sa harapan ko ng makita ko siya sa medyo malayong distansya mula sa akin. Nakatalikod siya sa akin at unti-unti rin siyang humarap kaya't nagtama ang mga mata namin. He suddenly spread his hands habang nakatingin pa rin sa akin, "The number of students you're seeing now around you is the same amount of students I've killed. I will give you one last chance. Would you still love me?" tanong nito at ibinaba na niya ang kamay niya.

No matter how bad you are. No matter how many people you've killed. For me you will always be the one and only devil who made me realize that hell can also be a beautiful place.

"N-no. Because I'm afraid to have someone like you"  maikling sagot ko dito.

"See I told you. Hindi mo ako mahal, mahal mo lang ako kasi takot ka sa akin. Am I right? It's always easy to say I love you, but not all I love you's are true. But in my case, I really really love you. I'm obssessed with you!" seryosong sabi nito ngunit kahit na malayo kami sa isa't-isa, alam kong nasasaktan siya dahil sa sinabi ko.

Napatango na lang ito at napangiti hanggang sa unti-unti itong tumalikod at humakbang papalayo ngunit hindi ko na hahayaan pang masayang ang pagkakataon na 'to, "But I am more afraid to lose someone like you" natigilan ito dahil sa sinabi ko at dahan-dahan siyang humarap, "To lose you" dagdag ko pa at unti-unti akong napayuko.

Ilang segundo rin kaming natahimik at bigla na lang may humila sa akin at mahigpit akong niyakap nito,

"From now on, you can't escape from me. Sa akin ka lang Bliss Syden"

To be continued..

Next chapter