35 ♥ CHAPTER 82 ♥

✿ Nash's POV ✿

At a time like this, sino bang makakatulog ng maayos kung alam mong may nangyayari ng hindi maganda kaya hindi ko na pinlano na bumalik muna sa Black House para magpahinga dahil hindi rin naman ako makakatulog.

Pagkatapos ng nangyari kina Julez at Syden, from Building 003 dumiretso ako agad sa club. The rules of that d*mn club have changed. Many things are confusing. Sa sobrang dami ng nangyayari, hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

Nang matanaw ko na ang club, tinignan ko muna ito ng maiigi at sadyang malaki na nga ang pinagbago nito kumpara sa dati kasabay ng paglipat nito sa bago niyang pwesto. Dumiretso ako agad sa entrance ng club and I expected na haharangan nila ako but they did not. Dati, strikto ang pamamalakad dito at hindi basta basta nakakapasok ang kahit na sino unless you have connections inside this d*mn place. But now, because rules have changed, kahit sinu-sino na lang nakakapasok.

Maraming tao at mas magulo. Hindi na ito ang club na katulad ng dati na kahit papaano ay may kontrol pa sa mga sarili nila. But now, they don't have control and students are slowly becoming crazy and out of control. What is he doing at nagkakaganito ang lahat? Habang tinitignan ko ang paligid, patuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa pinakadulo ng club kung nasaan ang kwarto niya.

Nang makalapit ako doon, good to know na may mga nagbabantay pa rin sa kaisa-isang room ng club kung nasaan siya. Tinignan ko ang pintuang 'yon, at alam kong nasa loob siya kaya kinausap ko ang nagbabantay doon, "Pwede ko ba siyang makausap?" tanong ko sa lalaki na kung tignan ako ay parang gusto akong patayin. Dalawa silang nagbabantay sa may pintuan at nakaharang sila doon para masiguradong walang magbabalak na makapasok.

"Ayaw ni boss ng bisita kaya makakaalis ka na"  sagot nito sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ba nasabi ng boss nila na dadalaw-dalawin ko siya paminsan-minsan? Mukha yatang nakalimutan na niya ang pinag-usapan?

"Then tell him that he's friend is here" saad ko sa mga ito pero mukhang wala pa rin silang balak na papasukin ako.

"Marami ng nagbago sa club ngayon. Pinagsabihan niya kami na wala na raw kaming dapat na papasukin na kahit sino para lang makausap siya kahit daw kaibigan niya pa" pahayag nito na ikinabigla ko ngunit hindi ko ipinahalata. F*ck him! Seryoso ba siya? Baka nakakalimutan niya kung sino ako? I can't believe this!

"Are you kidding?!" tanong ko ng hindi makapaniwala. I think I trusted the wrong person.

"Bakit naman kami magbibiro? Mas maganda kung umalis ka na" sagot ng mga ito sa akin. If I could just tell them kung sino ako, gagawin ko. But I remember, oo nga pala hindi nila ako kilala at never nila akong nakita. But I could just say one thing, wala sila sa kinatatayuan nila ngayon kung hindi dahil sa akin.

That friend of mine inside this door promised na walang magbabago. But even the rule binago niya na wala nang pwedeng papasukin sa room niya. I think I was deceived.

"Just let me talk to him!" pakiusap ko sa mga ito ngunit matapang ko silang tinignan.

"Hindi nga pwede!" sagot ng mga ito kaya pinigilan ko na ang sarili ko dahil baka makagawa pa ako ng gulo sa lugar na ito.

Muli kong tinignan ang buong club. Hindi ko palalagpasin 'to. He broke the promise and I won't let him enjoy this place. Tinignan ko sila ng masama at binalaan ito, "Babalikan ko siya. Sabihin niyo sa kanya, babalikan ko siya! Hindi pa kami tapos!" tinignan lang nila ako kaya umalis na ako sa lugar na 'yon dahil baka makagawa ako ng bagay na hindi niya magugustuhan. Enjoy that place, babalikan kita! I thought you're a good friend but I was wrong.

Lumabas ako sa napakaingay na club para bumalik na sa Black House. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya 'yon sa akin. I trusted him at sinabi niya sa akin na kahit kailan, hindi niya makakalimutan ang pagtulong na ginawa ko sa kanya, pero eto ang ibabayad niya sa akin. He deceived me!

Niloko niya ako!

Pumasok akong muli sa building dahil ito ang pinakamadaling paraan para madaling makabalik sa Black House. Since nasa likod ng building ang club. Hindi man ako makakapasok ngayon sa lugar na 'yon, pero sa susunod, sisiguraduhin kong makakapasok ako at muli kaming maghaharap. Just make sure na tama ang isasagot niya sa akin dahil kung hindi, baka mapatay ko siya. Habang naglalakad ako, natigilan na lang ako ng makaramdam ako ng hindi maganda. Bahagya akong napatingin sa gilid ko para tignan ang likuran ko and I felt it. Someone's following me. Pagkapasok ko pa lang kanina, ramdam ko na na may nakasunod sa akin.

Itinuloy ko ang paglalakad at binilisan ko ang pagtatago para hulihin ang taong nakasunod sa akin. Pagkaliko ko pa lang ay nanatili akong nakasandal sa may pader habang hinihintay siya. Unti-unti kong narinig ang mga yapak nito na papalapit sa akin kaya unti-unti ko na ring inilabas ang kutsilyo mula sa bulsa ko.

Nang maramdaman kong napakalapit na niya sa direksyon ko, agad ko itong itinulak sa pader at tinutukan ng kutsilyo para siguraduhin na hindi niya ako matatakasan, "Tell me. Anong kailangan mo sa akin?" matapang kong tanong dito. Hindi ko siya magawang mamukhaan dahil natatakpan ng hood ang mukha niya dahil sa suot nitong jacket. Tanging nakikita ko lang ay ang bibig nito. Pero hindi rin magtatagal ay hindi niya ako mapagtataguan. 

Nakita kong ngumisi lang ito kaya muli kong inilapit sa kanya ang hawak kong kutsilyo dahilan para hindi ito makagalaw sa posisyon niya, "Clever as always, Nash" nakita ko ang paglapad ng ngiti nito pero ang boses niya ang nakakuha ng atensyon ko. That voice is familiar. Narinig ko na ang boses na 'to dati.

"Tell me, sino ka?" mas lalo ko pang inilapit sa kanya ang kutsilyo at konting galaw na lang ay masusugatan na ito.

"Sino ba sa tingin mo Nash? Remember who you saved once" sambit nito sarcastically kaya nagsalubong ang mga kilay ko habang  nakatingin pa rin sa kanya. Unti-unting pumasok sa isip ko ang tungkol sa sinasabi niya kaya kusang bumaba ang mga kamay ko dahilan para mabitawan ko siya. There's only one person I managed to save pero hindi ako sigurado kung nailigtas ko ba talaga siya.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago" sambit pa nito na halatang tuwang-tuwa. Tumayo ito ng maayos habang tulala pa rin akong nakatitig sa kanya. I can't beleive this!? How?! His voice....

"Follow me" sambit nito bago ako tinalikuran. Napatingin ako sa direksyong tinatahak niya at sa kanya mismo, pero hindi rin nagtagal ay sumunod ako. It's the only way para malaman ko kung tama ba ang hinala ko.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa isang classroom. Nauna siyang pumasok doon ngunit tinignan ko muna ang paligid bago ako sumunod sa kanya sa loob at isinara ang pinto. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang siya naman, nakatalikod sa akin dahil nakaharap siya sa may bintana.

"Tell me, sino ka?" tanong ko dito habang masama ang tingin sa kanya kahit na alam kong nakatalikod pa rin siya sa akin.

Unti-unti nitong itinaas ang kamay niya para tanggalin ang suot niyang hood at habang pinapanood ko siya, hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil hindi ako handa na makita kung sino siya.

Tuluyan na nitong naialis ang hood na suot niya at sinubukan ko siyang kilalanin habang nakatalikod pa rin siya sa akin. Ngunit unti-unti rin itong humarap sa akin. Hindi ko pa man nakita ang buo niyang itsura ngunit nakilala ko na siya. Kinabahan ako dahil sa nakita ko ngunit pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Tuluyan na siyang nakaharap sa akin kaya't mas nakita ko pa ito, siya nga talaga. He's alive. Nakita ko ang pagngisi mula sa mga labi nito at ang mga mata niya na magdadala ng panibagong gulo. Takot ang lahat sa mga ito dahil tingin pa lang niya, nangungusap na at naghahatid ng babala.

"That's impossible. H-how? You're already dead!" sambit ko dito na halos hindi na ako makapaglabas ng boses dahil sa pagkabigla. Seeing the dead alive will always be a threat.

"Really? Huwag mo akong lokohin Nash. Since from the start, you knew that I am still alive but you kept quiet because of one reason, right?" pahayag nito ngunit tinignan ko lang siya.  I don't have to answer all of his questions.

Muli itong nagsalita at ganon pa rin ang pagtingin ko sa kanya, "But what's the consequence of your action. You saved one's life, but will let others suffer"

Pagkarinig ko pa lang sa sinabi nito ay sumagot na ako habang nagtitimpi ng galit, "I saved you just because of her!"

"At bumalik ako para patayin ang isang taong minsan na akong pinatay" sambit nito kaya napangiti na lang ako ng masama dahil hindi ako makapaniwala.

"Wala ka ng babalikan, patay na siya" sagot ko dito.

Nawala ang pagngisi nito at sa halip ay sinamaan niya ako ng tingin. Bigla itong lumapit sa akin at tinapatan ako that's why I also did the same, "Hindi ako tanga Nash! Tell me the truth, umalis ka sa sarili mong grupo just to join another group na magagamit mo laban sa kanya, right? Kasi alam mo na buhay siya. Alam mong buhay ang mga taong inaakala ng lahat ay patay na, pero pinili mong manahinik kasi may balak ka"

Hindi ko pa rin sinagot ang tanong nito kaya ibinalik ko na lang sa kanya ang isa pang tanong, "Sabihin mo nga sa akin, sino sa inyo ang may kagagawan ng nangyayari ngayon sa campus?" napalitan ng masamang ngiti ang pagiging seryoso nito ng sabihin ko 'yon sa kanya.

"Sino ba sa tingin mo Nash?" nainis na lang ako sa sinagot nito kaya hinawakan ko ng mahigpit ang damit niya at tinapatan ko siya ngunit hindi pa rin napalitan ang masamang pagngiti nito habang nakatingin sa akin.

"I didn't save you just to do something like this!" sambit ko dito gamit ang mahinang boses dahil nagpipigil ako ng galit ngunit alam kong alam niya, na nagagalit na ako dahil sa mga ginagawa niya.

Itinulak ako nito dahil para mabitawan ko siya. Bumalik ito sa pagiging seryoso at muli akong sinamaan ng tingin, "Baka nakakalimutan mo Nash...it's you who started everything" saad nito kaya natahimik ako.

Hindi ko ginusto lahat ng nangyayari ngayon. Sadyang napunta lang talaga sa maling tao ang kaisa-isang bagay na ginawa ko. At ngayon, ang bagay na 'yon ang ginagamit niya para pumatay.

"Don't worry I've plans at ang kailangan mo lang gawin ay ang manahimik. People from Chained School will come once again at ngayon alam mo na, na mas magiging malala ang sitwasyon ng campus kapag dumating na siya!" babala nito kaya nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang balak niya. Sigurado namang hindi niya sasabihin sa akin ang mga plano niya.

"But this I tell you..." lumapit ito sa akin at mahinang nagsalita habang seryoso pa rin akong nakatingin sa kanya, "What happened between your sister and me in Chained School, will also happen here in Curse Academy. And we will find out kung sino ang bibiktimahin niya" simula ng marinig ko 'yon, mas nakaramdam ako ng galit dahil ayaw ko ng maulit pa lahat ng nangyari dati. At sisiguraduhin kong hindi na magagawa ng taong 'yon ang plano niya.

Pinalagpas ko man siya sa nangyari dati sa Chained School, pero hindi na ngayon. I will keep my mouth shut and let this guy infront of me do his plans.

Nagkatinginan muna kami ng masama bago siya tuluyang lumabas sa classroom kaya't napatingin na lang ako sa may pintuan habang nararamdaman ko pa rin ang galit. Nagpasya na akong bumalik sa Black House dahil oras na rin at nasabihan ako kaninang umaga ni Dave na may pag-uusapan daw ang grupo kaya kailangan ko na talagang bumalik.

Nagmadali akong pumunta sa Black House at pagkarating ko doon ay nag-uusap na sila. Nakaupo silang lahat sa may kusina at tahimik na nakatingin kay Dean. Hindi ko na lang naituloy na magpakita sa kanila dahil narinig kong nagsalita si Dean kaya nakinig na lang ako,  "I need to tell you something, I got a signature of the last student council president of Chained School" sambit nito na ikinabigla ng mga members.

"Imposible!" saad naman ni Dustin na halatang hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Dean, he's already dead!" sambit naman ni Dave. Lahat sila nakatingin kay Dean at halatang hindi naniniwala sa sinasabi niya.

"I know Dave . But I also know his signature. It was really from him. Ang masasabi ko lang, buhay siya at hindi siya babalik dito kung wala siyang babalikan" that's how intelligent Dean Carson is.

"Then, sinong babalikan niya?!"

"That's all I could say, kailangan ko munang alamin kung totoo ba ang hinala ko. Just be ready, he intentionally did that para warningan tayo" dagdag pa nito.

"Warning for what?" -Dave

"Warning na tayo ang babalikan niya or maybe..." nagkatinginan silang lahat bago niya itinuloy ang pagsasalita, "Because of unknown enemies" sagot nito sa members niya.

Tumalikod na ako dahil hindi ko na rin kinakaya ang mga naririnig ko. Magmula sa club, sa lalaking kausap ko kanina at pati dito. Wala na rin naman akong balak na kausapin sila ngayon dahil sa dami ng nangyari, "Nash?" hindi ko na naituloy ang balak kong pag-alis dahil narinig kong tinawag niya ako. You can never hide from Dean Carson.

Unti-unti akong humarap sa kanila at nakatingin silang lahat sa akin, "Saan ka galing?" muli niyang tanong at nagtama ang mga mata namin. And the way Dean Carson looks at me, he knew na nakinig ako sa usapan pero hindi ako nagpakita kaya iba ang tingin niya sa akin.

"I went to the club" maikli kong sagot.

"Are you sure?" tanong niya kaya muli akong nagsalita, "I felt bored that's why I went there, pampalipas ng oras"

"Fine. Kanina ka pa namin hinahanap dahil may pag-uusapan ang grupo"

"Dont worry, I heard all about it" saad ko.

"What's your opinion about it?"

"Kung nakita mo nga ang signature niya, then..." tinignan ko muna silang lahat bago itinuloy ang pagsasalita, "He might really be alive"

Nakita kong tumayo ito at unti-unting lumapit sa akin. Tinignan ko pa rin ito ng diretso kagaya ng pagtingin niya sa akin, "You do know something, don't you?"

"Why do you say so?" tanong ko naman.

"Because it involves you and your sister" nanatili lang akong nakatingin dito dahil hindi ko ikakaila sa kanya na involve nga ako, pero hindi ako magsasalita. Kaya kahit alam kong nakatingin silang lahat sa akin para sa sagot ko, hindi pa rin ako magsasalita.

"We can't force you to speak up Nash. But we hope, na hanggang sa huli kami pa rin ang kakampi mo" pahayag niya.

Things are just starting to change.

The battle between Chained school and Curse academy will unite menacingly.

To be continued...

avataravatar
Next chapter