1 Chapter 1

Elaya's POV

"Good morning, I am Elaya Perez, 18 years old, a new student in Rosewood University. Nice to meet you all."

sabi ko habang magkapalad ang aking dalawang kamay at medyo nakayuko dahil sa hiya. Hindi kasi ako sanay magsalita sa harap ng maraming tao. Well, kaya ko naman once na makapag-adjust na ako.

"Welcome in Rosewood University Ms. Perez, you can sit at the back next to Ms. San Diego. Ok, enough na sa introduction kailangan na natin makahabol sa lessons lalo na't graduating students kayo kaya dapat mas mauna kayong matapos sa lessons kaysa sa ibang year level. Open your modules on page 7 and read it well. I have a short meeting to attend pero I'll be back para magpasagot ng mga exercises, maliwanag?" pahayag ni Sir Carlo.

Siya pa lang kilala ko dito sa school na 'to. I'll admit medyo boring kaysa sa school ko sa probinsya. Lahat kasi doon kasundo ko at di hamak na mas maganda kaysa dito sa siyudad.

Hays. Module? Anong module? Oh, crap! paano ako makakapagsagot wala pa akong modules. Nakalimutan kong daanan kanina sa office. Tiningnan ko ang paligid ko at kita ko ang mga kaklase kong tahimik na nagbabasa. Sana all.

Huminga ako ng malalim at ni-gather lahat ng lakas ng loob ko para kausapin itong kalapit ko at magtanong kung pwede maki-share muna. Tahimik lang itong nagbabasa. May pagka-nerd style siya dahil sa mga salamin niyang sobrang kapal ng lens at braces sa ngipin. Sa unang tingin mukha naman siyang bookish. Ok heto na kakausapin ko na siya huhu. Guide me po.

"Hi pwedeng makishare--" naputol ang pagsasalita ko nang biglang bumukas ang pinto ng classroom at may pumasok na isang lalaki. Celebrity ba 'to? kanina lang sobrang tahimik ng mga kaklase ko pagbabasa tapos ngayon halos mabingi ka na sa lakas ng bulung-bulungan.

Nagulat naman ako ng mapatingin ako sa lalaking dumating kasi nakatingin rin siya sa akin. Kilala ko ba siya? Medyo familiar pero impossible kasi bago lang ako dito sa siyudad. Natulala na lang ako ng bigla siyang tumigil sa gawing kaliwa ko at muli akong tinitigan na wari mo'y kilalang-kilala ako. Anong ginagawa mo? Ramdam ko naman sa loob ko na sobrang bilis ng tibok ng aking puso hays ikaw ba naman ang titigan ng ganon kabago-bago ko pa lang dito. Infairness, gwapo naman siya ehe. Winaksi ko yung last kong sinabi sa aking isipan kasi ang weird. Muli ko ng tinuon ang aking atensyon sa paghiram ng module para picture-an at makapagbasa na para may masagot ako mamaya. Ramdam ko naman na umupo siya sa bakanteng upuan sa kaliwa ko. Ginawa ko lahat ng aking makakaya para hindi na muling lumingon sa gawi niya. Kinublit ko ang kalapit ko na si...Micah? basa ko sa pin na nakalagay sa dibdib ng uniform niya. Micah San Diego. Lumingon naman ito sa akin. Lahat yata ng babaeng kaklase namin napukaw ang atensyon sa lalaking late pumasok pero si Micah tahimik pa rin nagbabasa. Dalawa na kaming walang pake.

"Hi, Micah. I'm Elaya Perez, uhm ano kasi hindi ko pa nakukuha yung modules ko sa office baka pwede naman makishare ng module mo? pipicture-an ko lang nang mabilis ibabalik ko rin." sabi ko ng may pagkamalambing na boses.

"Sure—" sagot nito. Iaabot na sana nito yung libro niya ng biglang may nagpatong ng module sa desk ko. Wow, hulog ba 'to ng langit? Thank God!

Napalingon naman ako kung sinong mabait na nilalang ang nagpahiram sa akin ng module niya. At least hindi ko na maiistorbo ang sobrang focus na si Micah hehe. Gulat ako ng makita ko kung kaninong kamay yung nakahawak sa libro.

"Salamat." hiya kong sabi habang nakatungo na naman.

Elaya anong meron sa pagtungo? hiyang-hiya girl?

"Follow your schedule. Paano ka nakaabot ng 4th year college ng ganyan? Napaka-irresponsible talaga."

sabi ng lalaking kalapit ko pero yung last na sinabi niya di ako sure kung tama pagkakarinig ko kasi medyo pabulong. Irresponsible? who? me? Sino ba siya at kung makapagsalita siya parang kilala na niya buong pagkatao ko. Paano niya nalaman na hindi ako nakapunta sa schedule ko ng pagkuha ng modules? baka coincidence lang.

Ngumiti na lang ako ng pilit. Nagbasa na siya sa phone niya at hindi na ako muling nilingon. Tiningnan ko naman yung pin na nakakabit sa polo niya para malaman pangalan nitong lalaking ito.

Kai Alexander? Sobrang familiar talaga.

Iwinaksi ko na lang sa aking isipan kung saan ko ba nabasa yung pangalan na 'Kai Alexander' kailangan ko na rin kasing matapos itong binabasa namin para mabalik ko na kaagad sa kaniya yung libro.

30 minutes na yata nakakalipas ng dumating na ulit si Sir Carlo. Wala naman masyadong nangyari sa subject niya at hindi ko na rin ulit nakausap yung Kai. Basta inabot ko na lang ulit sa kaniya yung libro niya nang walang imik. Sobrang attitude kasi.

Lunch time na. Ang hirap naman kapag walang kaibigan. Miss ko na tuloy yung mga kaibigan ko sa probinsya. Malaki ang cafeteria ng Rosewood University at mukhang masarap at mamahalin ang mga pagkain pero iba pa rin talaga sa probinsya. Miss ko na lahat sa probinsya namin kung hindi lang talaga ako napilit ni Daddy na dito grumaduate sa Rosewood University, hindi sana ako mag-isang kakain sa cafeteria.

Buffet style ang pagkuha ng pagkain diba ang bongga? agad akong pumila kasi wala naman akong friend na hinihintay. Hindi ko mapigilan hindi malungkot huhu.

Kumuha na ako ng tray kung saan ipapatong yung mga foods na gusto mo. Mas better pa rin yung mga simple foods sa probinsya mas masarap at mas masustansya. Mas malasa pa rin siguro magluto si Aling Bebang kaysa sa mga professional Chefs dito.

Sinisilip ko yung mga pagkain sa may glass para makapamili na agad. Ayoko na matagalan sa pagpili kasi gusto ko ng makaupo, kumain at bumalik na ulit sa room kaso ang tangkad ng nasa unahan ko hindi ko makita.

Sinimulan ko na kumuha ng kung anu-anong pagkain. Hindi naman ako bago sa mga ganitong sosyal na pagkain kasi mayaman din naman kami sa probinsya kaso nga lang mas gusto ko ipahanda kila yaya yung mga lutong Pinoy lalo na Caldereta na recipe ni Mommy. Yummy gusto ko na tuloy lalong umuwi.

avataravatar