webnovel

Unang Kabanata

AN: Sorry po sa mga errors! Kung gusto nyo po akong makilala. Add nyo po si Pherrel Magnus. Nag E-edit pa ho ako eh. I love you TULIPS! ❤️🌷

Now Playing: Enchanted by Taylor Swift

———————————————————

Filipinas 1872

"Ginoong Andres Gonzales, bakit hindi ka nakagawa ng iyong takdang gawain? Mahirap ba ang ipinapagawa ko na pagpipinta ng isang rosas!? Kahit na lalaki ka dapat gawin mo iyan para sa ikabubuti ng marka mo!" sabi ng kanilang maestro na si Don Flores.

Nakatingin ang mga estudyante ni Andres na nakaupo sa isang silya na pinapagalitan ni Don Flores.

"Kawawa naman."

"Ano ba iyon?"

"Si Andres ba iyon?"

Iyon ang mga salitang binitawan ng mga estudyante sa Eskwela de San Juan. Binabalewala na lang ni Andres ang mga estudyante kahit masakit man sa kanyang puso.

Ang Eskwela de San Juan ay ang paaralan ng mga lalaki. Ang mayayaman laman na pamilya ay nakakapag aral rito. Malaki ang paaralang ito maraming puno sa palagid at may lawa rin sa likod into na simbolo ng San Juan.

May isang babae na nakatingin lang sa kanya sa malayo, kahit na malayo ito sa kanya kitang kita parin ni Andres ang mukha ng babaeng nakatingin lang sa kanya. Hindi nya nakilala ang babae, nagtataka nga si Andres kung bakit may babae sa eskwelahan nila. Inakala ni Andres na isa lang yong ilusyon o sanhi ng kanyang pangagamba dahil pinagalitan sya ni Don Flores.

Si Andres Gonzales ay kilala sa Munisipyo ng San Juan. Galing sya sa kilalang pamilyang Gonzales na mga nakakapagtapos ng abogaysa.

Matatamis na mga ngiti, mapupungay na mga mata, mataas na ilong, at may magandang hubog na katawan. Maraming humahabol na babae kay Andres pero hindi nya ito pinapansin dahil pala-aral si Andres at bata pa sya. Hindi niya gusto at hilig ang pagpipinta dahil gusto niya ay any asignaturang Matematika.

Kinahapunan umuwi si Andres sa kanilang hacienda na tinatawag na Hacienda Gonzales at doon natagpuan niya ang kanyang ama na nakasimangot.

"Andres Gonzales! Ano namang katarantadohan ang ginawa mo sa eskwelahan? Bakit puro mga ano-ano ang inaatupag mo? Diba sinabi ko na wag pabayaan ang pag-aaral? Isa talaga kang iresponsable na anak! Isa ka pa namang Gonzales. Nakakahiya!" sabi ni Don Antonio Gonzales.

Narinig ni Isa Gonzales ang mga salitang binitawan ng kanyang ama na pinapagalitan niya si Andres.

"Ama tama na po, maawa ho kayo sa kalagayan ni Andres!" sabi ni Isa.

Si Isa Gonzales ang panganay na anak ni Don Gonzales. Dalawamput-anim na taong gulang na si Isa at naghihintay na lamang sya sa kanyang kasal. Si Isa lang ang nakakaintindi ni Andres at nagkakasundo talaga ang dalawa. Si Carlito naman ang pangalawang anak ni Don Gonzales. Dalawamput-apat na taong gulang pa si Carlito at kasalukuyang nag-aaral sa larangang abogasya. Hinding hindi sila nagkakasundo ni Andres dahil hindi doon lumaki si Carlito.

Agad na pumunta si Andres sa kanyang silid at doon umiyak siya ng umiyak. Bigla nyang naalala ang babaeng nakatingin sa kanya kaninang hapon. Hindi man nya kilala kung sino ang babaeng iyon sigurado siya na mayaman at kilala ang babaeng iyon sa buong bayan dahil sa kasuotan nyang mukhang mamahalin na baro't saya.

Kinaumagahan nagmamadali si Andres na pumunta sa eskwelahan. Kayat hindi na sya nag almusal at pumunta na kaagad. Wala pa namang ka tao-tao sa Eskwela de San Juan pero nag-antay sya sa kanilang silid-aralan. Tulala lang sya sa isang pisara, unti unti ng dumami ang tao sa

eskwelahan. Lumabas sya at sinilip ang bawat silid-aralan kung nandoon ang babaeng nagpabagal ng takbo sa kanyang mundo.

"Ginoong Andres anong ginagawa mo rito? Magsisimula na ang klase ko bumalik ka na sa inyong silid-aralan" sabi ni Don Martinez.

"S-sige po maestro, paumanhin".

"Mag-ingat ka iho!" "Salamat maestro!" sabi ni Andres.

"Ama! Ama! Mahuhuli na po yata ako sa klase, hindi ko pa alam kung saan ang silid ko" sabi ng isang babaeng anak ni Don Martinez.

"Anak nakalimutan mo na yatang hindi mo ito paaralan" sabi ni Don Martinez.

"Ahh eh kung mamasyal nalang po kaya ako?" tanong ng kanyang anak.

Si Don Vicente Martinez ang isa sa mga dakilang guro sa paaralang Eskwela de San Juan. Kilala itong palangiti at mabuting guro. Kilala rin ito sa buong bayan dahil galing sya sa pamilya ng mga guro na Martinez.

Tumingin si Andres sa babaeng lumapit kay Don Martinez. Ang mga mapupungay nyang mata, ang morenang balat, ang matatangos na ilong, ang mga matatamis na ngiti na pinakawalan nya sa kanyang ama ay pinakamaganda sa lahat.

"Andres? pwede mo bang ipasyal ang aking anak sa Eskwela de San Juan?" sabi ni Don Martinez. Tumango lamang si Andres bilang pagsagot ng "Oo".

Naglakad sila sa maliit na kalsada, hindi inakala ni Andres na ang babaeng inisip nya buong gabi ay katabi nya na at habang naglalakad sila sa kalsada walang isang salita na bumitaw sa kanyang bibig.

"Paumanhin Ginoo hindi kasi ako palasalita na tao," sabi ng babae. Hindi makapaniwala si Andres dahil ang babae ang unang nagsalita sa kanilang dalawa.

"Huwag mong alalahanin yun, hindi rin ako palasalitang tao eh," sabi ni Andres.

Bigla nalang bumitaw ng isang napakagandang ngiti ang babae, nabighani si Andres sa ngiti ng babae at tulala lamang sya.

'Bakit ba lumiliit ang mata nya sa tuwing ngingiti sya? Nakakabighani talaga ang ngiti nya,' sabi nya sa kanyang isipan. Bumuo naman ang katahimakan sa kanilang dalawa.

Naglakad sila papunta sa lawa at may naisip si Andres na itanong sa babae.

"Ilang taong gulang ka nga pala munting binibini?" nakangiting sabi ni Andres.

"Laging-walong taong gulang pa lamang Ginoo," sabi ng babae. Biglang nagulat si Andres sa sinabi ng babae. Dalawang taon ang agwat ng babae at ni Andres, kaya't biglang nanghinayang sya dahil hindi sila magka-edad.

"Nandito na tayo sa lawa," sabi ni Andres.

"Maraming salamat Ginoong Andres dahil dinala mo ako rito," nakangiting sabi ng babae.

Hindi makapaniwala si Andres na binanggit ng babae ang kanyang pangalan. Biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso at bumagal ang takbo ng mundo. Buong umaga sila nandoon sa lawa na para bang magkakilala na sila noon paman pero di nila alam kung saan, kailan, at paano.

Bumalik na si Andres sa kanyang silid at nakipag-kwentuhan sa kanyang mga kaibigan na si Felipe Cruz at Marco Concepcion.

"Aba iba ang ngiti natin ngayon Isyong ah," sabi ni Marco Concepcion na kababata at matalik na kaibigan ni Andres.

Nakangiti at tulala lang si Andres at hindi sya makapaniwala na ang babaeng inaakala nyang isang pantasya ay totoo na.

"Akalain mo ang bata bata pa ni Isyong mukhang umiibig na," sabi naman ni Felipe Cruz isa ring kababata at matalik na kaibigan ni Andres.

"Magsitigil nga kayo! pero ito seryoso, umiibig na yata ako Ipeng, Icong." Humahalakhak naman ng tawa ang magkaibigang Felipe at Marco.

"Sumbong ko kayo kay Ate Isa, lagot kayo," pananakot ni Andres.

"Ano ka ba Andres, mga bata pa tayo maraming ibang babae dyan," sabi ni Marco. Humahalakhak naman ng tawa ang tatlong magkaibigan.

Magsasalita na sana si Andres pero biglang dumaan ang babaeng bumihag sa puso ni Andres.

"Ipeng! Icong! Ayon sya! naglalakad. Nakakabighani talaga ang kagandahan ng babaeng iyan," manghang-manghang sabi ni Andres.

"Eh ano bang pangalan nya Isyong?" tanong ni Marco.

"Ayon na nga, nakalimutan kong itanong eh," sabi ni Andres.

"Ang labo mo pala Isyong," nanghihinayang sabi ni Felipe.

Kinahapunan umuwi na si Andres sa kanilang bahay at pumunta kaagad sa silid ng kanyang ate na si Isa.

"Ate! Ate! Ate!" sigaw ni Andres.

"Oh ano iyon Andres?" sabi ni Isa.

"Ate Isa, kilala mo ba ang anak ni Don Martinez yung labing-walong  taong gulang pa lamang ho?" tanong ni Andres.

"Ahh si ano, L-leanora ba iyon?" sabi ni Isa.

"Kilala ko si Leonora, magkaibigan kami nung sampung taong gulang pa lamang kami," sabi ni Andres.

"Paumanhin kapatid pero hindi ko kilala kung sino ang munting dilag na sinasabi mo, pakiramdam ko bago sya dito sa ating bayan," sabi ni Isa.

"May punto ka naman dyan Ate, pakiramdam ko nga na sa Eskwela de San Agustin sya pumapasok bilang mag-aaral."

Ang Eskwela de San Agustin ay ang paaralan ng mga babae lamang. Ang makakapasok lamang dito ay ang mga nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Malaki ang paaralan napapalibutan ng iba't-ibang kulay ng magagandang rosas.

"Ate Isa tulungan mo naman akong mahanap ang binibining iyon," sabi ni Andres.

"Hayy ang bata bata mo pa Isyong, dalawamput taong gulang ka pa lamang," suway ni Isa.

"Eh ate tumitibok ho yung puso ko sa tuwing maiisip ko sya, sya yata ang unang pag-ibig ko," sabi ni Andres.

"Unahin mo muna ang kalagayan mo at pag-aaral mo Andres sigurado akong papagalitan ka naman ni ama kapag nalaman nya na ikay umiibig na," suway ni Isa kay Andres.

"Sekreto na muna natin to ate ha? at tulungan mo akong hanapin kung anong pangalan ng binibining yun," sabi ni Andres kay Isa.

"Carlito kumusta kana?" sabi ni Don Antonio Gonzales.

"Magaan naman ang pakiramdam ko ama, medyo marami yatang gawain ngayon sa paaralan," sagot ni Carlito.

Kumakain sila ng hapunan kasama si Don Antonio, Isa, Carlito, at Andres. Malapit ng makapagtapos na ng larangang abogasya si Andres samantalang si Isa naman ay inaantay pa ang darating na kasalan sa susunod na tatlong taon.

"Isa anak, kailan ba pupunta rito ang mga Martinez para sa paparating niyong kasal?" tanong ni Don Gonzales.

"Hindi ko pa po alam ama naroon kasi si Carlos sa Manila inaasikaso pa ang kanyang klinika doon," sabi ni Isa.

"Diba ang mga Martinez ay kilala sa propesyong mga guro bakit naging doctor ang anak ni Don Martinez?" tanong ni Carlito.

"Nakakapagtaka nga eh kung bakit naiiba sya," sagot ni Don Gonzales. Wala namang imik si Andres dahil hindi ito palasalita.

Limang araw na ang nakalipas at hindi parin mawawala sa isip ni Andres kung sino at ano ang pangalan ng binibining apo ni Don Martinez. Tulala lamang si Andres sa kanyang bintana, dinadama ang bawat hampas ng hangin na para bang may kirot sa kanyang puso pero di nya ito maalala kung ano ang dahilan.

Napansin nyang may humintong kalesa sa kanilang hacienda at bumaba ang lalaking matangos ang ilong, moreno ang balat, mapupungay ang mata, at magandang hubog na katawan. Kasunod nito ang maestro nina Felipe, Marco, at Andres na si Don Martinez.

"Amigo sa wakas nagkita din tayo kumusta kana?" sabi ni Don Antonio Gonzales.

"Ayos naman Don Gonzales, narito kami ngayon ng aking panganay na anak para pag-usapan ang paparating na kasal sa susunod na tatlong taon," sagot ni Don Vicente Martinez.

"Pasok na muna kayo amigo," sambit ni Don Gonzales.

"Isa! may mga bisita ka," sabi ni Don Gonzales.

Nagmamadaling bumaba si Isa para salubungin ang kanyang magiging kabiyak.

"Buenas noches Don Martinez," pagbati ni Isa.

"Magandang gabi din iha, mas lalo yatang gumaganda ang magiging kabiyak ng aking anak," pagbati ni Don Martinez.

"Magandang gabi Binibining Gonzales," pagbati ni Carlos Martinez.

Biglang kinabahan si Isa at namumula ang kanyang pisngi na nangangamatis na. Bumitaw lamang sya ng isang ngiti ni Carlos dahil nahihiya na sya.

Si Carlos Gonzales ay ang panganay na anak ni Don Martinez. Nakapagtapos na ito sa larangan ng pagdodoktor at ngayon nagtatrabaho sya bilang isang doktor sa Maynila.

Siya lamang ang nag-iisang tagapagmana ng apelyedong Martinez dahil ang dalawa pang anak ni Don Martinez ay mga babae kaya mahal na mahal ni Don Martinez ang kanyang anak na si Carlos Martinez.

"Antonio paumanhin kung kami lang ni Carlos ang makakarating ngayon hindi kasi sanay yung isa kong anak na lumabas ng bahay. Kakarating pa kasi nya galing Cebu" sabi ni Don Vicente Martinez.

"Walang problema amigo ang importante ay nakarating kayo rito," tugon ni Don Antonio.

Nagtipon-tipon na sila sa hapag kainan at pinag-usapan na nila ang kasal na magaganap sa susunod na tatlong taon.

"Isa saan bang simbahan ang gusto mong magpakasal?" tanong ni Don Martinez.

"Sa simbahan po ng San Agustin de Hippo, Don Martinez," sagot ni Isa.

Tumango na lamang si Don Vicente Martinez bilang pagsagot.

"Oh Andres bakit napakatahimik mong bata? Ilang taong gulang ka nga pala?" tanong ni Don Martinez.

"Dalawamput taong gulang pa lamang ho Señor," sagot ni Andres.

Alas nuebe na ng gabi at nandoon parin sila sa hapag kainan at nag-usap kung ano ano.

"Amigo mukhang malalim na ang gabi, mauna na muna kami dahil hindi makatulog ang aming bunso kung wala ako roon sa aming tabangan," sabi ni Don Martinez.

"Mag-ingat kayo amigo! Maraming salamat sa pagbisita," pagpapaalam ni Don Antonio.

Papunta na matulog si Isa at napadaan sya sa silid ni Andres. "Isyong bakit hindi ka pa natutulog?"

"Ate bakit kumikirot ang puso ko? Bakit kapag naiisip ko yung binibining nagpapabighani sa aking mga mata ay may kirot sa aking puso?"

"Ang bata bata mo pa, mabuti pa ay matulog ka na."

"Kantahan mo muna ako Ate Isa" "Oh sige kung yan ang hiling mo aking kapatid".

Hindi man tayo itinadhana

Ay Ipinagtagpo naman tayo

Kahit pa ay sandali tayong magkasama

Ikaw parin ang hinahanap nitong pusong nalilito

Hindi man umayon sa atin ang tadhana

Nagmamahalan naman tayo kahit sandali lang

Oh sinta wag

Wag kang aalis

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hiii!! :)

So ito nga po ang unang kabanata natin. Kung nagugustuhan nyo po ang aking isinulat mag comment lang kayo. Sana ay subaybayan nyo pa ang mga susunod na kabanata. Mahal ko kayong lahat!. ♡

-Kizzie_Pherrel 2019-