webnovel

Unexpected

**Alyson Paloma sent a message**

San na kayo?

**Gianne Asamis sent a message**

Ang lakas ng ulan

Nakakatamad pumasok HAHAHAHAHA

**Kony Nivera sent a message**

Lakas makademonyo Giyan!!!???

Hininto ko saglit ang panunuod saka pinindot yung group chat namin.

*WOAH SUSPENDED NA!!!!!!!!!!*

Agad akong bumalik sa panunuod ng Empress Ki. Sobra akong kinikilig dito! Sabi ba naman ni Changwook kay Ha Jiwon, non-verbatim! "Entertain me..." Ahhh, sinong 'di mapapatalon sa mga kaganapan kung after all the unfortunate things happened between them, ngayon lang sila magi-spend the night together? You know...

**Kony Nivera sent a message**

OY OLI WALA PANG BINABALITA NA SUSPENDED

WAG KANG PAASA

Pero dahil busy ako, hindi na muna ako nag-reply. Hindi naman sa masama akong kaibigan. Mas gusto ko lang manood kasi 'pag hininto ko ito, maaalala kong ngayon pala ang start ng classes. Ayun, bigla ko na ngang naalala na babalik na pala ako sa katotohanan!

**Gianne Asamis sent a picture**

Naisip ko baka nag-send si Gianne ng suspension notice kaya agad ko itong binuksan.

*TANGINAMUKA GIYAN!!! HAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHHA*

Hindi naman ako naasar, ang lakas pa ng hagikgik ko. Alam kong trip na naman nila ako at yung mga throwback pictures ko... But true though, k-drama is life. Changwook is life! Yung kuha ko kasi dito ay yung highschool I.D. ko. Magulo pa buhok ko at 'di pa uso yung lighting.

**Kony Nivera sent a message**

GRABE OLI THE ONLY GLO UP THAT MATTERS HAHAHAHAHAHAHA

*WAW AHHHH*

*HAHAHA TANGINA ANG LAKI TALAGA NG NOO KO*

May biglang kumatok sa pinto. "Oli, 'di suspended. Bangon ka na diyan."

*HALA FAM!!! DI RAW SUSPENDED*

*KINAKATOK NA AKO NG MAMA KO HAHAHAHHAHAHA*

*SAD*

Napilitan na akong bumangon dahil 9:30 ang pasok ko. Mabilis naman ang byahe ko kaso alas-ocho na pala. Masyado ko atang na-enjoy ang panunuod, hindi pa nga ata ako natutulog. Ito ang tunay na katapangan. Sasabak ako sa klase ng walang pahinga!

Hanggang sa huli, pinagdadasal kong mag-suspend na mayor namin. Hindi na lang naman 'to sa katamaran pero kasi sobrang lakas din talaga ng ulan at ang dilim pa. Buti na nga lang, eh 'di mahaba ang pila dito sa tren kaya 'di masyadong hassle. Tapos bigla kong nakita yung crush ko na pumasok din. Nandito ako at nakaupo na. Sarap nga lang sikuin nitong kakaupong lalaki sa tabi ko kasi sa isipan ko, naka-reserve na 'to para kay crush.

Napayuko ako at napatago sa aking bag. Hindi ko alam kung kilala niya ako pero siguro naman, dahil halata naman sa mga uniporme namin na sa iisang school lang kami nag-aaral. Baka, malay mo, officer naman din ako sa school... Holy shit! Sa tapat ko siya tumayo at humawak sa kapitan. Humalimuyak yung kabanguhan niyang amoy pulbo! Pasimple ko lang siyang sinisilip. Habang nakakapit ang kanan niyang kamay, hawak naman niya sa kaliwa ang strap ng bagpack niya. Detalyadong-detalyado yung ugat niya sa kamay!

Alam mo 'yun? Sa huling araw ng klase namin nung December, don ko siya nakita. Siya ang huling tao na bigla ko na lang nakasalubong at biglang nagpaharumentado ng puso ko. Nakalimutan ko rin naman siya nitong bakasyon. Ngayon ko nga lang naalala na may crush pala ako. Tapos unang araw pa lang ng klase, siya na agad makikita ko? Wala lang, ang astig lang.

Ang sarap magpapansin. Yung tipong, "excuse me kya, ikaw na lang maupo," kahit naka-heels pa ako. Pero 'di ganun kalakas ang loob ko.

Pero bakit ba ako matatakot? Bakit ba ako nagtatago?

Umayos ako ng upo at inipit ang mga takas kong buhok sa aking tenga. Sakto! Huminto ang tren at lubos akong nagpapasalamat nang umalis na yung lalaking katabi ko kanina. Umusog ako kunwari kahit wala na akong maiisuog pa nang umupo siya sa tabi ko.

Every particle in me stopped working.

Nagdikit ang aming mga balat at hindi ko alam kung ako lang ba nakaramdam nang pagkakuryente sa pagdampi ng braso niya sa kamay ko! But act natural!

Napansin ko na suot-suot niya na pala ang I.D. niya. Unti-unti kong binaba ang paningin ko at nakita ang larawan niya don. He has these strong features, but I find him cute because of his smile. That eye smile, that wrinkles formed on his nose, probably because he was smiling, and that bunny teeth. Comparing how he looked from this side view, he's actually very manly but when he smiles, it just hypes me up.

I tried to read his name, but the font was small. I had to look at it closer and so I did when the train had a sudden break, which made me fall onto his lap. Holy shit! Good thing, nandito itong bag niya! I felt his fingers crept into my cheeks and neck. He was trying to remove his hands, but I was too embarrassed to bring my head up.

"Hey..." His voice cracked. I silently giggled.

Then he finally free his hands, saka niya ako iniangat. I had to act to save myself kaya kunwari nakatulog ako. Inayos niya ako ng upo but because the train was already moving, nadadala ako sa motion nito. How I wished the motion would bring me on his shoulder, but it was the opposite. Sinadya ko na lang magpadala nang malakas at iniuntog ang sarili sa harang para magising. Bubuksan ko na sana ang aking mga mata nang maramdaman ko ang kamay niyang umalalay sa ulo ko papunta sa balikat niya.

Holy Shit!

Napariin ako nang pagkapikit.

Every seconds turned into minutes.

Minutes that I wouldn't like to end.

It made me...

It made me feel...

So comfortable.

Pakiramdam ko nga ay sobrang tagal na namin sa ganung posisyon.

And I wished, mahaba-haba pa ang oras.

Isang station na lang at bababa na kami.

Hindi ko alam kung anong mangyayari.

Gigising na ba ako o hindi?

Huminto na nga ang tren. Naramdaman ko nang nagsitayuan na ang iba. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Tumayo rin ito. Muntikan pa akong sumubsob sa sahig dahil sa pang-iwan niya. Agad akong napaupo saka ko nakita ang papalayo niyang likod.

Gwapo at ang bango sana, pero rude!

* * *

ALL RIGHTS RESERVED.

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

DISCLAIMER.

I apologize if there's incorrect grammar. I continuously edit my works. I do not own any music or characters that will be shown. Credits to the rightful owners. This work is fictitious. Any resemblance to real person, living or dead is purely coincidental.

Re-posted!

Hope you'll enjoy reading Sometimes as much as I enjoy writing it!

Visit! https://www.youtube.com/watch?time_continue=1&v=0MZPUDkCGHI

Thank you!

ahhellainecreators' thoughts