webnovel

Something about her (Completed)

WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | EROTIC-ROMANCE | R-18 “How could he make her feel so beautiful all over doing nothing but to stare at her with so much desire?” SYNOPSIS There’s one word that suits Mayor Grego Perez: lonely. Nawala na ang saya at sigla niya nang hiwalayan siya ng kaniyang pinakamamahal na asawa na si Pauline. Matapos ang isang aksidenteng muntik nang ikamatay ni Pauline ay bigla na lang nanlamig sa kaniya si Pau. She’s not the old, sweet, and loving Pauline he once knew. Ni hindi man lang siya nito binigyan ng isang valid reason kung bakit ito nakipaghiwalay. He's moved on already. Ilang taon na rin naman ang lumipas. Masaya na rin siya sa buhay kapiling ang nag-iisang anak nila. But the pain is still there, na nadagdagan pa nang makilala niya si Rin– ang kakambal na kapatid ni Pauline na may amnesia. Rin looks exactly like Pauline. And in an instant, his longing and lust for his ex-wife arose from being burried in the deepest part of his heart. Rin needed answers about her real identity. Rin needed to find out the answers about her past. So, he helped her. He helped her not because she looks exactly like his beloved ex-wife but because there’s something about her that reminds her of the sweet, loving, old Pauline he once knew. The way she smile, talk, laugh, and cry. All of those reminds him of his beloved Pauline. Kaya naging mahirap para sa kaniya na paalisin si Rin sa buhay niya. But no… not only Rin’s traits that reminds him of the old Pauline but also the way she fucks him. Hard, fast, and vigorously hot. And Pauline's dominance seemed to be the cherry on top of her personality cup. The old Pauline was and always have been domineering not only in their relationship but also in their intimacy… …and so is Rin. Kaya hindi niya masisisi ang sarili na mahulog ang loob kay Rin. Pero kasabay ng pag-usbong ng mainit at mapusok na damdamin ay ang unti-unti nilang pagdiskubre sa katotohanang nakatago sa mga alaalang nakalimutan ng dalaga. Author's Note: Contains mature scenes and graphic terms. Please read at your own risk. You've been warned. (COMPLETED)

missbellavanilla · General
Not enough ratings
29 Chs

Chapter 6

GREGO clenched his fists. Hindi siya makapag-focus sa trabaho. Halos buong araw ay si Rin ang laman ng isip niya. Halos hindi niya ma-imagine ang injury na tinamo nito lalo na't mahaba ang peklat nito sa noo.

"What have they done to you, baby?" mahinang bulong ng kaniyang nanlulumong damdamin.

Kung wala lang siyang importanteng meeting ngayong araw ay baka kanina pa siya napasugod sa bahay niya para yakapin si Rin. He missed his wife so much. Hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ito at walang nagbago doon. He agreed to annul her before because he thought that it is the right thing to do.

Simula nang mangyari ang isang aksidente three years ago, bigla na lang nanlamig sa kaniya si Pauline. The accident is questionable in a way. Ni isang galos ay walang tinamo si Pauline at napansin niyang kakaiba itong umasta at kumilos. Doon nag-umpisang magbago ang lahat.

She became very different as the days go by. Palagi na silang nag-aaway at lagi itong umiiwas sa kaniya sa tuwing maglalambing siya. He cried countless times because of that. Pakiramdam niya ay napakawalang-kwenta niya para sa asawa. Pauline is everything to him. She's his life. At hindi siya pwedeng mag-function kapag nawala ito sa kaniya.

He did everything to save their marriage. Nang hingiin ni Pauline na ipangalan dito ang lahat ng mga properties niya ay pumayag siya. Nagpaka-tanga siya para sa pag-ibig. Nagbulag-bulagan siya sa katotohanang peke lang ang lahat. Na peke lang ang Pauline na kaharap niya noon.

He knew it. He knew that there was something wrong about her. Naramdaman niyang may kakaiba pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Lalo na nang sabihin nitong gusto na nitong makipaghiwalay sa kaniya.

He did everything. Nagmakaawa siyang huwag hiwalayan ni Pauline. Pero sa huli, nabigo siya. He ended up signing the annulment papers. Pauline threatened to kill herself kapag hindi niya pinirmahan ang mga annulment papers. Gumawa pa ito ng kwento na may mahal na itong iba at ayaw na nito sa kaniya.

Isa siyang napakalaking tanga. Why did he allow an impostor to ruin his marriage with Pauline?

Hindi malayong may kakambal si Pauline. At kung sino man iyon, magbabayad ito. She will pay for posing as Pauline and for hurting Pauline. Sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa kulungan.

A knock from his door snapped him out of his reverie. Bumungad sa kaniya ang mukha ng sekretarya niya.

"Mayor, tumawag po si Congressman ngayon-ngayon lang. Ipinapa-cancel niya po yung meeting niya sa inyo ngayong araw."

Kaagad siyang tumayo at kinuha ang attaché case at mabilis na lumabas ng opisina. He wanted to see Rin today. He needs proof na totoo ang mga hinala niya. Kung ito nga ang totoong Pauline na minahal niya at pinangakuan ng habangbuhay, paniguradong malalaman at malalaman niya iyon.

Somewhere far away…

Eve smiled. Sa wakas. Naasikaso na rin ang passport niya. Sooner or later, she'll leave the Philippines.

Ilang taon niya rin itong t-in-rabaho. Ngayon ay wala ng makakapigil sa kaniya. Sa wakas ay makakamit na rin niya ang karangyaan na ipinagkait sa kaniya.

It is easy to manipulate everything lalo na kapag may pera ka. Kaya wala na siyang naging problema tungkol doon. She have tons of it now. At isa pa, nakasisiguro siyang patay na ang kakambal niya kaya wala ng makakapigil sa mga balak niyang gawin.

Naikuyom niya ang kamao nang maalala ang pangalan ng babaeng umagaw ng lahat ng nararapat sa kaniya. In a blink, the glass pitcher on her table landed on the floor, scattering it's remnants everywhere. Puno ng galit niyang tiningnan ang nabasag na kasangkapan sa sahig.

"Dahil sa'yo! Dahil sa'yo kaya nangyari sa'kin ito. Inagaw mo sa akin ang buhay na dapat para sa akin. Mang-aagaw ka, Pauline! Mang-aagaw ka!" Hatred is all over her face. "Buti at patay ka na ngayon. Magsama kayo ng mga magulang natin diyan sa impyerno! Mga wala kayong kwenta!" Unti-unting pumatak ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata nito kanina. "Magsama kayong lahat sa impyerno."