webnovel

SOMEDAY (TAGALOG)

I won't give up until you remember how much you love me

3uphoriqxXX · Teen
Not enough ratings
2 Chs

CHAPTER ONE

Hindi ako nagpatinag sa pakikipag agawan ng libro sa kanya kaya kalaunan ay nagpaubaya na ito.

Ibibigay din naman pala pinahirapan pa ako. Inirapan ko siya at dumiretso na sa cashier para bayaran ang libro na to.

Pagdating ko sa bahay ay tumungo ako sa kwarto ng kapatid ko pero tulog na ito nung madatnan ko . Inilapag ko ang libro sa mesa. Makikita na din naman ito bukas.

Lumabas ako sa kwarto niya sa tumungo sa aking silid.

tahimik akong nagtungo sa banyo para maligo. Hindi naging maganda ang araw ko dahil sa pangyayaring nangyari kanina. hindi ko lubos akalain na makikita ko sya. akala ko ay hindi na iyon pa babalik dito dahil masaya na sya sa lugar kung nasaan man sya subalit nagkamali ako.

ibinabad ko ang katawan ko sa bathtub. pinipilit na mawala sa isipan ko si kalvin pero sa twing ipipikit ko ang mga mata ko ay biglang nagpapakita 'yong ngiti nya na nagyon ko lang ulit napagmasdan. limang taon kong hindi nakita ang ganoong ngiti.limang taon kong hindi napagmasadan ang bawat halakhak nya...

umiling ako at sinubukang huwag syang isipan. akala ko ba ay kakalimutan ko na sya?bakit ngayon siya ang ang laman ng utak ko?. argh nakakainis. hindi 'to maganda.bakit ba kase bumalik sya?

kinabukasan ay maaga akong umalis dahil mayroon akong photoshot. sana naman ay wala ng kalvin ang susulpot. engineer sya at hindi modelo kaya sana ay hindi ko na makita ang pagmumukha nya dahil hindi na nakakatuwa.

pagdating ko ay agad akong hinila ng make up artist ko. hindi ko alam kung bakit sya nagmamadali.kakarating ko lang hindi ba pwedeng magpahinga muna?

"wait lang hinihingal pa 'ko."reklamo ko sa kanya.pero inirapan lang ako

"late ka ghorl kaya wag kang magreklamo." saad nya

"kasalanan ko bang traffic sa pilipinas?"sagot ko sa kanya pero hindi na nya ako pinansin.

kinabukasan ay ganun parin ang nangyari may pinuntahan na naman akong photoshot. hindi ko alam kung kailan matatapos 'to. wala na atang katapusang pictorial ito. 

alas diyes ng gabi nung biglang tumawag sa akin si shaire na magbihis daw ako sa susunduin nya ako. hindi ko naman alam kung saan kami pupunta dahil wala naman syang nabanggit ang tanging bilin nya lang ay mag ayos ako.

saktong kakatapos ko lang mag ayos ay may narinig ako busina ng sasakyan sa labas. nagmadali akobumaba.

"Saan ba tayo pupunta?"bungad ko sa kanya

"Dyan lang sa tabi."sagot nya. ang tino din kausap ng babaeng 'to e. hindi ko alam kung anong klaseng lugar ang pupuntahan namin kaya nagsuot lang ako ng high waisted pants and croptop sleeveless at pinaripan ng two inches heels. 

tahimik lang akong nakasakay sa sasakyan nya at hindi na nag abalang mag tanong dahil alam ko namang hindi nya ako sasagutin ng maayos. 

iginala ko ang tingin ko sa labas ng sasakyan nung himinto ito.  Ngayon ko lang napagtanto kung bakit pamilyar sa akin ang daan na aming tinatahak. bumaba na ako nung bumaba si shaire. Siguro ay may pinagdadaanan ang isang 'to kaya nya ako dinala dito. 

ayoko na sanang bumalik dito. dahil sa lugar na ito, ang dami kong pinagdaanan. saksi ang lugar na 'to kung gaano ako nasaktan nung mga panahong 'yon. A ng daming luha ang pumatak sa lugar na ito.

hindi ako nagreklamo kung bakit nandito kami. tahimik nalang akong sumunod kay shaire.Pagpasok namin ay medyo maraming tao. 

Umupo kami sa bar section. tahimik akong humingi ng maiinom sa bartender. nilingon ko si shaire."Problema?"tanong ko sa kanya. hindi ko makita sa muka nya ang bakas ng lungkot. siguro ay tinatago nya 'to at ayaw nyang makita ng iba.

"wala naman"sagot nya na ikinakunot ng noo ko. wala?anong silbi ng pag dala nya sa akin dito kung wala naman pala syang problema?nakalimutan na ba nya?ang lugar na 'to ay para sa mga taong iniwan,sinaktan at kinalimutan.

"gaga!bakit tayo nandito?"

"Para sa'yo"simple nyang sagot. natahimik ako sa sinabi nya. 

"Kilala kita paige!kilalang kilala. alam ko meron pang natitirang pagmamahal dyan"diretso nyang saad sabay turo sa dibdib ko."Alam kong masakit padin. at alam kong mas lalo kang nahirapan simula nung bumalik sya.kaibigan kita kaya hindi mo 'to matatago sa akin."pagpapatuloy nya. napatungga ako ng alak na iniinom ko. 

bakit nga ba?bakit nga ba hindi ko magawang kalimutan sya?bakit ang sakit padin?tangina limang taon na ang lumipas pero bakit masakit padin?bakit hindi ko parin matanggap?

"Pinilit ko naman..pero,wala e, ewan ko ba kung bakit.napakatanga ko kas e, masaya na sya pero ako ito,pilit pading umaasa na maayos pa."

"Subukan mong tanggapin.wag mo ng hayaang mas masaktan ka pa.ayokong masaktan ka dahil sa lalaking 'yon."

Pipilitin kong kalimutan na sya. 'yon naman talaga ang plano ko.Bakit pa kase sya nagpakita. pero kahit na makita ko pa ulit sya sisiguraduhin kong wala na syang epekto sa akin. Its time to move forward. parte nalang sya ng mga alaala ng nakaraan at hindi na maibabalik pa. 

Masakit ang ulo ko nung nagising ako. hindi ko alam kung paano ako nakauwi. ang naaalala ko lang ay uminom ako ng uminom kagabi. i got drunk because we celebrate ang pagmomove on ko kay kalvin.

laking pasalamat ko dahil wala akong ganap sa araw na ito. dahil kung mayroon man ay hindi ko kayang dumalo. sobrang sakit ng ulo ko dahil sa pisteng alak na'yon.

hapon na nung nakatanggap ako ng email galing sa isang sikat na recording company.hindi ko maipaliwana ang galak na nararamdaman ko. paulit ulit kong binasa ang natanggapna mensahe at hindi padin ako makapaniwala sa nangyayari.

Kumaripas ako ng takbo patungo sa banyo para maligo.hindi ko alam kung pano ako naligo basta nakita ko nalang ang sarili ko na nakaharap sa salamin at nakangiti. ito na 'yong pinakahihintay ko!ito na!

hindi pa man ako sigurado kung para saan at bakit bakit ako pinadalhan ng Mrecord ng mensahe pero nagagalak na ako dahil ramdam ko na, na ito na ang pinakahinihintay ko. nakangiti kong pinagmasdan ang kabouan ko sa salamin. 

Pagdating ko ay agad ako sinalubong ng gwardya. ngumiti ako sa kanya at bumati. may sumalubong din sa akin dahil hinihintay na daw ako sa loob. puno ng kaba ang bumabalot sa dibdib ko pero mas nangingibabaw ang saya at galak ang aking nararamdaman.

Pinagbuksan kami ng pinto. namangha ako sa lugar na aming pinasukan. ang recording studio na matagal ko ng pangarap na pasukan. bata palang ako pangarap kong makapasok sa lugar na ito at hindi ko lubos akalain ng ngayon na iyon. 

Binati ko ang mga kilalang manunulat at mahahalagang tao sa loob. namutawi ang kaba sa aking dibdib sapagkat hindi ko pa alam kung bakit ako pinapunta dito.

"Good afternoon Ms.Tyler"bati sa akin

"Magandang hapon po sir."sagot ko

may mga sinabi sila at nakinig lang ako. at sa buong oras kong pakikinig isa sa mga sinabi nila ay labis kong ikinaglat. hindi ako makapaniwala!hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoong nangyayari 'to.

"Nais naming imbitahan ka dahil sa isang cover na nakita namin humanga ako lalo na ako. i believe in your talent ija. i know someday you will be one the famous singer at gusto ko ngayon simulan mo na."

hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. nakapirma na ako ng kontrata at kahit pagkadating ko sa bahay ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. kung panaginip man ito ayoko ng magising.

Saktong pagpasok ko sa loob ay nanonood ng balita sina mama at hindi ko akalaing muka ko ang makikita ko sa screen. 

"Congrats anak!"bati sa akin ni mama

"I'm so proud of you Paige."si papa

akala ko ayimposibleng mabigyan ako ng pagkakataong mangyari ito.simula nung iniwan nya ako nawalan na ako ng pag asa sa music pero mali ako. kahit pala wala na sya sa akin pwede ko paring maabot ang pangarap ko ng mag isa.