webnovel

Prologue

"I'm sorry Athea,Let's break up"

Tanging iyon lang ang narinig ko sa lahat ng sinabi ni Vince sakin. Dahil yung salitang iyon ang bukod tanging sumakit sa puso ko.

Para akong sitatwa sa kinatatayuan ko kahit pilit kong ihakbang ang mga paa ko papalayo,ngunit parang nakapako ang mga ito. Gusto ko siya sampalin at ipamukha sa kanya ang lahat ng ginawa ko para sa kanya.Napakasakit gusto ko na mamatay sa oras na ito.

Nataohan lang ako ng biglang may biglang sumuntok kay Vince kaya ito napahiga.Pagtingin ko sa lalaking sumuntok kay Vince si Andrei. Si Andrei ang kababata ko at pinakamatalik kong kaibigan,si Andrei na handa dumamay sakin sa lahat ng oras. Andito nanaman sya para damayan ako sa pagkamatay ng puso ko.

Hila hila nya ako palabas ng reataurant na kung saan ko nakita si Vince na may kasamang ibang babae.

Ng makalabas kami sa restaurant doon nalang biglang bumuhos ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan. Habang nakayakap sakin si Andrei na bakas pa rin sa mga mata nito ang galit.

"Sige iiyak mo lang, Andito lang ako di kita iiwan." Sabi nito sakin.

"Bakit? Bakit nya ginawa sakin ito!" Wala na akong pakialam kung anung itsura ko ngayon basta ang sakit sakit ng puso ko.

Inalalayan ako ni Andrei papasok sa kotse nito. Pagkasok dito nito inabot niya ang isang balot ng tissue.

"Sinabihan na kita ayaw mo kasi makinig." At pinaandar nito ang kotse.

Habang binabagtas namin ang kalsadang pauwi sa bahay namin isang katahimikan ang namuo sa pagitan naming dalawa bukod tangi ang hikbi ko lang ang naririnig..

"Ayusin mo na yang sarili mo baka sabihin ni Tito pinapaiyak kita." Biro nito. "Bakit kasi nagpakatanga ka sa lalaking katulad nung gagong yun?"

"Tigilan mo na nga ako,nakita mo na ngang nasaktan na nga ako."

"Paano kita titigilan sa limang taong pinagsamahan nyo meron bang naging tama?sa limang taong sinasabihan kita na hiwalayan mo na yung lalaking iyon nakinig ka ba sakin?Sabi ko sayo may---"

"Oo na ako na tanga!ako na matigs ang ulo,ako na hindi nakikinig."putol ko sa kanya.

"Buti alam mo!"