webnovel

CHAPTER ONE

Rachelle was very excited.

No,that was an understatement.Hindi lang excitement ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.Finally,she was going to meet Carlo Dela Cruz in person---her biggest crush,the man in her fantasies.

Nakatakda kasing interviewhin niya ang sikat na broadcaster.Pagkatapos ng matagal ding pagsisikap niyang makakuha ng appointment sa secretary-assistant nitong si Andy upang mapagbigyan siya para sa interview ay napasagot din niya ng ''oo'' ang huli.Hindi niya alam kung nakulitan lang ito sa kaniya o nakuha ito sa mga papungay niya ng mga mata.

Ang interview ay para sa isang bagong lifestyle magaine kung saan contributor at features writer siya.Ang kaniyang Tita Lanie,younger sister ng kaniyang mommy,ang publisher.And since she was a Masscom graduate,inalok siya nito na tulungan niya ito sa naturang magazine.

Three months pa lamang tumatakbo ang magazine na lumalabas nang bimonthly.Paborito niyang i-feature ang mga taong hindi naman artista but were considered celebrirties in their own right,mga taong alam niyang interesado ang mga readers na makilala pa nang mas malalim.

Matagal na niyang naihanda ang maraming questions para kay Carlo Dela Cruz,touted to be the most gorgeous broadcaster in Philippine television. Ito nga sana ang isusunod niya pagkatapos niyang interviewhin ang presidential daughter.Ngunit mailap nga ang lalako.Umiiwas ito sa mga interviews.

Ayon na rin dito,ayaw nitong tinatrato irtong celebrity.May mga naririnig din siyang snob daw ito.Mukha ngang maawtoridad ito kapag pinanonood niya ito sa TV.He looked a very tough man,iyong tipong hindi basta matitinag.Ngunit naisip niya ,ganoon lang naman talaga ang mga broadcasters,tila maramot sa ngiti,laging pormal.

"Bahala na.Hindi naman siguro niya ako susupladuhan kung maganda naman ang approach ko,'' sabi niya sa sarili.

Tuloy ay hindi niya naiwasang magtanong kay Andy. ''Totoo bang snob ang boss mo?''

''Sabi ng ilan'',sagot nito. ''Siguro kaya nasasabi nilang suplado siya ay dahil ayaw niyang pagbigyan ang mga requests for interviews.At ayaw nga niyang tinatrato siyang parang artista.Hindi nga niya gustong may nagpapapirma ng autograph sa kaniya. Kung 'snob' ang tawag mo sa gano'n,snob nga siguro siya.''

Mas gusto raw ng binatang manatiling pribadong tao.Ngunit paanong mangyayari iyon samantalang walang hindi nakakakilala rito? Sumusunod ito sa yapak ni Noli De Castro.

Five days a week ay napapanood ito sa daily news program nito.At mayroon itong once a week TV program,Exposed,na investigative ang format.

Pinaghandaan niya ang pag-i-interview rito.Nagpa-spa pa siya bago ang araw ng interview;nagbabad siya sa salon at nagpaganda siya ng husto.

Sa Seattle's Best gagawin ang interview.Ang lalaki mismo ang nagset ng venue at date.Alas-otso ng umaga sila magkikita.At mahigpit na bilin sa kaniya ni Andy na kailangang on time siya.Dahil very particular daw ang lalaki sa punctuality.

Iyon na yata ang pinakamaagang interview na gagawin niya.Ngunit walang problema iyon sa kaniya dahil si Carlo Dela Cruz naman ang iinterviewhin niya .

Quarter to eight pa lamang ay nasa venue ng interview na siya.Mas mabuti nang mauna ako sa kaniya,sabi niya sa kanyang sarili.

Nag-order siya ng tea habang naghihintay siya.''Hindi ako dapat mag-buckle,''sabi niya habang pinapasadahan ng basa ang mga questions na inihanda niya.

Naka-ready na rin ang kanyang mga tape recorder.Ano pa ba ang kulang ?Ang kanyang makeup,baka naman masyadong makapal.Ang aga-aga dapat ay very light lamang iyon,o iyong halos hindi na mahalata.Muli ay pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili sa compact mirror na dala niya.Binawasan niya ng kaunti ang kanyang lipstick gamit ang Kleenex tissue paper.

Ilang sandali lang ay napansin na niyang papasok sa glass door si Carlo.At habang papalapit ito sa kanya,her heart nearly stopped beating.Oh,my,Carlo Dela Cruz,in flesh!

He was very handsome in his casual shirts and shorts.Mukhang galing ito sa pagba-badminton.But he still looked fresh and dashing.At hindi niya inakalang mas gwapo pala ito sa personal.He was everything he wanted in a man---dreamy,handsome,sexy,intelligent and successful.

Tuloy ay lalo siyang kinain ng nerbyos.

Tumayo siya habang palapit ito sa kanyang kinaroroonana.

Sinalubong niya ito ng matamis na ngiti.''Hi!''ini-extend niya ang kanyang kamay rito.

''Rachelle Marcelo?''wika nito,tipid ang ngiti.

''Yes.'' Iyon lang ang nasambit niya.Misrula siyang starstruck habang nakikipagkamay rito.

Firm ang grip niya pero ang lambot ng palad niya.Masarap ka-holding hands nang matagal,sabi ng isip niya.

His hands was warm on hers.At pakiramdam niya ay may live wire na gumapang sa kanyang pagkatao. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko na ngayon ang lalaking pinapanood ko lang sa TV dati.

Ngunit naalala niya ang sinabi sa kanya ni Andy.Ayaw na ayaw nitong tinatrato itong celebrity.Kailangang itago niya rito na kinikilig siya.Halos magkasabay silang naupo.Nag-order ito ng cappuccino.Itinanong nito sa kanya kung may gusto pa siyang order-in.Ngunit tumanggi na siya dahil alam niyang hindi rin naman siya makakakain.At gusto niyang mag concentrate sa pag-i-interview dito.

''Alam mo bang ikaw lang ang pinagbigyan ko ng ganitong interview?''anito pagkatapos nitong humigop ng kape.

''Sabi nga sa akin ni Andy.I feel very lucky that you granted me this interview.''

''Very persistent ka raw kasi,sabi ni Andy.Two months mo na raw siyang kinukulit about this interview.At mataas ang respeto ko sa mga go-getters na journalists na katulad mo.That's the number one characteristic a journalist must have.But I am sorry if I can't grant you a long interview.''

''Yeah,okay lang.Don't worry ,I won't take much of your time,'' sabi niya.

Gusto niya ang kaprangkahan nito.Straightforward kung magsalita ito.Sinasabi nito nang walang ligoy ang gusto nitong sabihin.Ngunit totoo ngang maramot ito sa ngiti.Sabagay,sa mga TV programs naman nito ay parating pormal ito.Sino ba naman kasi ang magde-deliver ng news nang naka-smile? Kailangan,mayroon itong authority.

Bigla siyang nag-alangang ngumiti dahil hindi naman nakangiti ito.

''Salamat naman kung gano'n,'' sabi nito.

Mas gusto sana niyang titigan na lamang ang mga mata nito dahil mas maganda pala ang mga iyon sa personal.At ang mga labi nito,hindi pala lipstick ang nagpapapula roon.Ang complexion ng mukha nito,hindi lang pala makeup ang nagpapaganda niyon sa screen.Natural palang clear iyon at wlang ka-blemish-blemish.

Mas bata rin palang tignan ito sa personal kaysa sa TV screen.Ilang taon na kaya ito ? Thirty? Thirty-one? Thirty-two?

Paki pa ba niya kung ilang taon na ito ? Basta ang alam niya nakakabalot ng tensyon ang makaharap ito.Medyo nakakailang nga lamang ang kapormalan nito.Tuloy ay natakot siyang baka may mga tanong siyang hindi nito magustuhan.

''Okay,let's start the ball rolling,'' pukaw nito sa kanya.

Ibinato niya rito ang kanyang first two questions.Tungkol iyon sa kung paano nagsimula ang career nito.precise ang mga sagot nito.Graduate pala ito ng broadcasting sa London.At kasalukuyang kumukuha ito ng Public Administration sa UP.

Lalo siyang humanga rito.Naisisingit pa rin nito ang pag-aaral sa kabila ng busy schedule nito.Naitanong din niya rito kung ano ang masasabi nito sa mga taong nasasagasaan nito sa TV program nito.Paborito nitong i-features ang mga corrupt government officials at ang mga modus operandi ng mga sindikato.

''I'm fully aware that I'm making enemies because of my program.Actually,lately,breakfast ko na ang mga death threats.''

''And you're not scared?'' tanong niya. Siya ang kinilabutan sa sinabi nito.

''Why shoukd I be? I only tell the truth.What's wrong with that? I just make the people aware what's really going on.It's my way of serving the public.Ang nagiging kalaban ko lang naman ay ang mga taong corrupt. Kung wala silang ginagawang mali o anomalya,hinding-hindi sila kakantiin ng programa ko.Ganoon lang kasimple.''

Hindi lang pala mukhang matapang ito;matapang talaga ito.Mukhang walang kinatatakutan.

''Can I ask you some questions not related to your career?''pasintabi niya rito.

Mataman siyang tiningnan nito.Pakiramdam niya ay saglit na tumigil ang pagtibok ng kanyang puso.

''Just make sure that those questions are relevant,''anito.

Mukha ngang snob ito! sa loob-loob niya.''I'm sorry if I have to ask these questions,''sabi niya.''But these are the questions your viewers want to ask you.''

''Like?''tanong nito.

''D-do you have a girlfriend?''

Tila muntika nang matawa ito.''Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang malaman 'yan ng public.''

''Weather you like it or not,you are well-known and admired by many.That's why they are interested in knowing more about you,including your personal life.''

''I'm not a showbiz personality.I don't think the people need to know that.Next question,please...''

Suplado nga,sa loob-loob niya.

Disappointed siya ngunit inirespeto niya ang desisyon nito---bagama't may hint na siya na may girlfriend na nga ito;with his status and looks,nakapagtataka kung wala.Dapat pala ay naitanong na lang niya ang tungkol doon kay Andy.

Ilang tanong pa ang ipinukol niya rito tungkol sa iba pang interests nito.

''I'm an athletic person,''sabi nito.''I've tried almost all kinds of sports.I have a fascinations on big bikes like Harley Davidson and BMW which is my favorite.''

''Okay,what do you usually waer during bedtime?''nahihiya man ay ibinato na rin niya rito ang mga natitirang tanong niya.

Bahagyang tumawa ito.Ngunit alam niyang produkto iyon ng pagkadisgusto nito sa tanong niyang iyon,tuloy ay gusto niyang pagsisihang naitanong pa niya iyon.

''Okay,okay,huwag mo nang sagutin kung ayaw mo,''sabi niya.

''Okay,sasagutin ko,''sabi nito.''Nothing.''

Akala ba niya ay ayaw nitong sagutin ang mga ganoong klaseng taong? Muntik na siyang mapalunok.Walang suot ito kapag natutulog ito? Naglikot ang kanyang imahinasyon.Naglaro doon ang hitsura nito---wearing nothing.

''Dinner by the beach or a candlelit dinner for a date?''

''Dinner by the beach.''

''If you would be a superhero,who would you want to be?''

''Superman.''

''If God will grant you one wish,just one wish,what would that be?''

''That he'd turn the world into an eternal paradise where every creation is happy.No sickness,no famine,no war. Everybody in abundance and in peace,and no death.''

Medyo tumaas ang kilay niya sa sagot nito.She liked what he said.It mde her admire him more.

Ipinagpatuloy niya ang pag i-interview rito.''Would you prepare a virgin bride or it's no big deal to you?''

''No big deal.''

''A gay friend or a gay brother?''

''A gay brother.''

''Why?''

''So that there's someone who would remind me to go to a salon and check if there's something wrong with what I wear and with my appearance,''paliwanag nito .Bahagyang nakasilip ang magandang set ng mga ngipin nito nang sabihin nito iyon.Marunong naman palang ngumiti ito,madalang nga lang.

''What makes Carlo Dela Cruz happ?''bato pa rin niya rito.

''When my family and all the people around me are happy.''

''What upsets you?''

''Seeing an abused child.Seeing people in the street.''

''Will you consider politics in the near future?''

''Why not?'' anitong may kasamang pagaglaw ng broad shoulders nito.

''The highest position you possibly see yourself in the future?''

''President of the Philippines.''At sinundan niya iyon ng mahinang tawa which showed his perfect set of teeth.

Nagsayaw na naman ang kanyang puso.Smile pa ang niya,ulam na,sa loob-loob niya.

Mahaba pa sana ang oras na gusto niyang gugulin sa pag-i-interview rito ngunit ipinaalala nitong maikling oras amang ang maaring ibigay nito sa kanya.

Tinapos na niya ang interview.Nagpasalamat siya rito at muling nagkamay bago sila naghiwalay.

Hanggang makaalis ito ay hindi niya inalisan ito ng tingin. And she could not believe her good luck. Nakaharap at nakausap niya ang kanyang crush.Iyon nga lang,medyo mailap ito at ginto ang ngiti nito.

Paalis na siya sa lugar nang maalala niyang hindi man lamang sila nakapaagpa-picture.

Ano ka ba naman, Lora? Nakaharap mo na siya,hindi mo pa sinamantala! paninisi niya sa kanyang sarii.

''ANO'NG magagawa ko,eh,starstruck na talaga ako nang magkaharap na kami?'' pangangatwiran niya sa editor in chief nilang si Nancy nang tumuloy siya sa opisina ng magazine after the interview.

''I bet pagsisisihan mo 'yan for the rest of your life,'' sabi nito. ''Dahil napakahirap nang maulit ang interview na iyon. Hindi nga ba at mailap siya sa press? Chance mo na sana para inggitin ang marami. Alam naman nating crush ng bayan ang Carlo Dela Cruz na 'yan.''

''Hindi bale,'' sabi niya ''kukuha na lang ako ng picture na made-develop mula sa pictorial niya.''

ANG CUTE nia talaga,sabi niya habang nakadapa siya sa kama at hawak niya ang ang issue ng You na si Carlo ang cover. Nasa partikular na issue na iyon ang kanyang interview rito. Maganda talaga ang mga lips niya,heart-shaped and kissable.Sayang talaga na hindi man lang kami nakapagpa-picture.

Kung nakakuha man lang sana siya ng souvenir picture nila, it could have been a dream come true.Sa dami naman kasi ng makakalimutan niya,bakit iyon pa? Sana,kahit man lang sa cellphone niya,nagkaroon sila ng souvenir picture.

Habang tinititigan niya ang picture nito sa glossy cover ng magazine ay ini-imagine niyang magkasama sila sa cover na iyon,naka-pose na mistulang mga lovers.

NAKAHINGI siya sa in-house photographer ng magazine ng isang picture mula sa mga kuha sa pictorial ni Carlo. Ittinabi niya iyon sa kanyang sariling picture at inliagay niya ang mga iyon sa isang picture frame.

''May birthday gift ako sa'yo,'' sabi ng photographer nilang si Danny nang umagang iyon.It was her birthday.

''Ano 'to?'' tanong niya nang kunin niya ang envelop na may ribbon na red.

''Buksan mo na kang.''

Naiintrigang binuksan niya ito.At nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita---picture nila ni Carlo na magkasama.At ang background, sa Bangkok ,kung hindi siya nagkakamali.

''Paano mo ginawa ito ?'' tanong niya rito.

''Wala nang imposible sa technology ngayon,'' sabi nito . ''Yang background,gawa yan ng computer enhancement .Bangkok ang background.Iisipin ng makakakita,authenticated.''

''Bakit mo ginawa ito?'' natatawang tanong niya.

''Para kunsintihin ang ilusyon mo.Alam ko namang biggest crush mo si Carlo.''

''Ay,love kitang talaga,Danny!!'' sabi niya rito.

''Sabi kasi sakin ni Nancy,sa bahay mo raw ay may naka-frame na picture n'yo ni Carlo.''

''Thank you talaga,Dan. Pero for personal consumption lang 'yon. At hindi na dapat makita ng iba 'to ha? Nakakahiya.''

Natawa ito. ''Ayaw mo 'yon? Mali-link ka kay Carlo Dela Cruz?''

''Tumigil ka,ha? Nakakahiya.May girlfriend na 'yong tao.''

''kailan pa naging bawal ang mangarap?'' anito.

''Basta. Kung ayaw mong gilitan kita sa leeg,huwag na huwag mong ipapakita ito sa iba,'' babala niya rito.