webnovel

Snow White and the seven Knights

The story takes place in Valeria, where magical and non-magical folks are living together. But Royal Knights that suppose to be the protector of the country betrays it and turn their blades on the dark side. And the only hope that this country is The Seven Holy Knights who has an invisible powers to save the Country

Lady_Empress · Fantasy
Not enough ratings
2 Chs

#01: Mysterious Saviour

*Hyperion City, Far East of Valeria*

Valerie...

Napadpad ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin nasaan kaya ako buti na lang at walang taong nakapansin ng biglaan kong paglitaw dito sa labas ng bayan kasi baka maghinala sila sa akin. Sa palagay ko kasi alam na nilang nakatakas ako kaya sigurado akong ipapahanap nila ako. Kilalalang kilala ko ang mga Royal Knights na yun alam kong kung hindi sila titigil hangga't hindi nila nahuhuli ang lahat ng myembro ng royal family upang wala nang makasira ng plano nila.

Kailangan kong makapag panggap na isang normal na manlalakbay lamang para hindi nakakatawag pansin. Una kong tinanggal sa aking katawan ang lahat ng mga alahas na suot upang walang makapansin hindi na naman problema ang suot kong damit dahil may suot naman akong balabal. Kaya nagawa kong magalakad sa bayan ng walang nakakapansin hanggang sa mapadaan ako sa isang kanto kung saan may limang di kaaya ayang lalaki ang humarang sa akin.

"Aba binibini mukhang naliligaw ka yata?" ani ng isa at sa tono pa lamang ng kanyang pananalita ay parang hindi na sila gagawa ng maganda. "Oo nga gusto mo bang samahan ka namin" akmang hahawakan ako nung isa pa pero agad kong pinilipit ang kamay nya at sinipa sya sa may tiyan kaya naging alerto naman ang mga kasama nya.

Haist isa ito sa dahilan kung bakit ayaw akong palabasin ni ama at ng mga kapatid ko sa palasyo ng mag-isa eh masyado akong lapitin ng gulo. Agad naman akong tumakbo kaya hinabol nila ako. Mabilis ang naging pagtakbo ko pero maling daan pala ang napuntahan ko dahil dead end na. Lagot na dito na ba ako mamamatay? "Huli ka!" halos mapagtili ako pero parang wala namang nakakarinig sa akin habang umaataras hanggang sa wala na akong maatrasan. Napapikit na lang ako dahil sa takot.

"Hindi ba kayo tinuruang igalang at wag sakatan ang mga babae" huh? sino naman yun? Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nagulat ako dahil pagmulat ko na patumba nya na yung limang lalaki pero parang imposibleng mangyari yun kasi para syang isang bata. Sino kaya sya at papaano nya yun nagawa yun?

"Miss ligtas ka na" sabi nya sa akin at inilahad ang kamay nya para tungan akong makatayo "S-salamat" sabi ko at inabot ang kamay nya. "Halika na kailangan na nating umalis dito bago pa magising mga yan mahirap na" sabi nya kaya sumunod na lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa isang kainan sa tuktok ng burol nakakapagtaka nga kasi parang wala akong nakitang kainan dito kanina. "Tuloy ka, ako ang may ari ng kainang ito, wag ka nang mahiya" sabi nya.

"Teka nga bakit ba kita pagkakatiwalaan eh baka isa ka rin doon sa masasamang loob na gusto akong saktan"

"Alam mo kung sasaktan kita eh di sana kanina pa" sabagay may point sya doon pero. Napaka misteryoso nya talaga hindi ko maintindihan pero parang may kung ano sa kanya na hindi ko maintindihan...

this story is inspired from the anime seven deadly sins so some of the scenes of this may be had the same theme like in the anime but I am not copying the creators work.

Lady_Empresscreators' thoughts