webnovel

Single Parent's Fate

Mahirap maging isang single parent. Ginagampanan ang dalawang obligasyon sa bata. Ang maging Ama at Ina sa iisang katauhan. Subalit may pagkakataong makakatagpo ka na maaasahan at kayang intindihin ka. Siera Madrigal, isang Ina na gustong punan ang kanyang pagkukulang dahil sa kasalanang hindi naman niya gustong gawin. Drake Roa, isang single parent na ginagampanan ang pagiging ama sa bata simula ng iwanan ng kanyang kasintahang si Sharlene na umalis matapos isilang ang kanilang anak. Paano magkakatagpo ang dalawang magulang? Magulang na minsa'y nagkulang at gustong punan ang lahat ng kasalanan, at magulang na ginawa ang lahat para sa kanyang anak. Author's Note: Ang kathang inyong mababasa ay nakasulat sa Filipino- English na lenggwahe. Maraming salamat po.

UnknownWriter90_ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Unang Kabanata

Nakabalik na silang Siera noon sa office. Bago sila nakapasok sa pinto ay nakita na niya ang kanyang boss nitong si Drake. Kita niyang nag-uusap ito. Subalit halatang di nagkakasundo ito at nagtatalo palagi.

Agad siyang nakapasok no'n.

"I told you. Alagaan mo si Charlie." Ito ang rinig niya noong nakapasok ito sa office.

Nagtinginan nalang naman sila sa kanyang kaibigang si Dreile no'n. Wala lang salita ang dalawa at kanya - kanyang bumalik para tapusin ang ginawa nila.

"I told you Drake I'm busy. I know Charlie is okay with you. I can't take care of Charlie, I have many things to do, and besides, he's the reason why I'm very busy right now, binabalik ko ang reputation ko no'ng nabuntis ako." Diin nitong pagkakasabi.

Alam ni Siera na si Sharlene ay isang modelo. Napabuntong - hininga na lamang siya no'n sa rason ni Sharlene.

Buti nga, may anak ka eh. Napasabi nalang sa kanyang isipan no'n at ibinalik ang tingin sa kanyang kompyuter.

Napatda siya ng may umiiyak na batang lalaki.

"Mom, please can you stay with me please?" Pagsusumamo ng bata kay Sharlene no'n.

"I can't! You know that. Stay with your Dad." Riing sabi nito.

"Kahit ngayon lang Mom, I miss you." Sabi ng bata na pumapatak ang luha.

"I told you, I can't! Bakit ang tigas ng ulo mo? Go, go." Pinapaalis ito at pilit na inaalis ang pagkakapit sa damit nito.

"Please Mom, I beg you. Please." Lumuhod ito, kahit apat na taong gulang si Charlie naghahanap ito ng kalinga ng isang Ina.

Parang tinusok- tusok ang kanyang puso sa kalagayan ng batang kanyang nakikita.

"No! Stay away from me. Okay. Go, go." Tinulak - tulak ito papalayo.

"Charlie. Halika na." Rinig sabi ni Drake.

"Please Dad, convince Mom to stay for a while in our house, only for one night. Please Dad." Hilam ang mga luha nitong nagmamakaawa sa Ama.

"We can't baby. Mom won't stay with us, she's busy." Mahinahong paliwanag nito sa bata.

"Mom please!" Kumapit ito sa damit ni Sharlene.

Nagulat siya sa pangyayari na tinulak niyang pagkalakas si Charlie no'n na nasubsob ang mukha nito.

"Sharlene!" Sabi ni Drake no'n, napatakip na lamang si Siera no'n, lahat sila nagulat sa pangyayari.

" It's not my fault! Please lang, huwag mo ng ipilit sa akin ang batang 'yan. Nagdadala 'yan ng kamalasan sa 'kin. Sinira niya ang career ko and I need to double my time para makabawi." Sabi nito.

Nakita niyang may galos ito sa mukha at dumudugo ito. Tumama ito sa matutulis na bagay no'n.

"For pete's sake!" Agad kinarga ni Drake ang bata na nawalan ng malay. "For pete's sake Sharlene!" Galit ang boses no Drake no'n.

"I'm sorry. Charl---" noong hihipuin ang mukha ni Charlie ay agad na winaksi ni Drake iyon.

"Sorry? Nag-sorry ka dahil nasaktan mo si Charlie. Anon klaseng Ina ka?" Sabi nitong galit ang mga mata "You're terrible." Saad nito.

"Hey, it's not my fault Drake. I'm gonna go. Please text me if he's okay."

Nakita ni Siera ang ngiting sarkastiko ni Drake no'n. "Text you? No. Hindi ko na pwedeng gawin 'yon. Why shoud I? Uulitin mo na naman ginawa mo kay Charlie. No I can't. I don't really care. I will take care of him without your help. He's my son. Wala ka ng karapatang tawaging isang Ina sa kanya." Diin nitong pagkakasabi.

"Fine! Well, aksidente lang naman 'yan eh. Why should I take care of him? Di ko na kikilalanin 'yang anak mo! I will go now. He will always begging for my care." Nakita nito ang sarkastiko nitong ngiti ni Sharlene.

"Nope. Ito ang huling pagmamakaawa niya." Sabi nito at nag- smirk.

"He will." Agad itong umalis na walang nangyari.

Napabuntong - hininga ito.

"Miss Madrigal, magdala ka ng ice cube sa office ko." Rinig nitong utos sa kanya.

Nagulat naman siya no'n, matapos niyang masaksihan ang mainit na away ng ex- girlfriend nito.

"O---Opo Sir." Agad siyang tumayo no'n. Di ito kumibo at lumakad patungo sa opisina nito.

***

Habang ginagamot ni Drake si Charlie. Hindi ko na ipapalapit ang anak ko sa kanya. Ito ang saad sa kanyang isipan no'n.

Alam niyang nagkulang siya sa pag-aalaga kay Charlie. Pero, mahal na mahal niya ang bata, para sa kanya, ito ang nagbibigay sigla niya kapag pagod siya sa trabaho ito ang nagpapangiti sa kanya. Kaya ayaw niyang masaktan muli ang bata.

Narinig niyang may kumatok sa pintuan.

"Come in." Sabi niya.

Agad itong pumasok. "Sir, ito pala pinag- uutos ninyong yelo." Sabi nito.

Kilala niya si Siera Madrigal dahil ito ang naging kasintahan ng kanyang pinsang si Casper. Balita pa nito na nabuntis ito at pinalaglag ang bata sa sinapupunan no'ng limang buwan ang tiyan nito.

How disgusting she is. Tiningnan niya si Siera no'n naghiwalay na kasi ito sa kasintahan dahil sa kanyang nagawa. Ito ang babaeng pinakamumuhian niyang ipalaglag ang bata sa sinapupunan. Hindi ba siya minumulto ng konsensya niya? Biglang napatanong sa kanyang isipan no'n.

"Aalis na po ako Sir." Rinig nitong sabi.

"I heard, you repent your sins by helping the children in orphanage, is it true?" Tanong niya.

Mahina lang itong tumango at nagbaba ng tingin. "But for me, it's big sin na mahirap patawarin, how you would you do that?" Napatanong naman nito sa kausap.

Hindi ito umimik, wala itong salita, kahit iniinsulto niya ito nang harapan- harapan.

"Pinapatulog ka ba ng konsensya mo tuwing gabi?" Tanong naman niya rito.

Still, hindi ito lumaban o pinagtanggol ang sarili nito sa pinagsasabi niya.

Kilala niya si Siera Madrigal na isang mahinhin na dalaga, hindi pa rin niya maatim ang ginawa nito sa isang anim na buwan na sanggol sa sinapupunan.

Bumuntong - hininga na lamang siya.

"Pananagutan ka naman siguro ni Casper, why you do that? 6 months in your belly? Damn, buong- buo ng tao iyon. Ganoon ba na ayaw mong maging isang ina?" Napailing na lamang siya.

"Ah, well, get back to work now, glad Casper break up to you." Sabi pa nito.

Tumango na lamang ito, nakita niyang nasasaktan ito sa bawat pagbitaw niya ng masasakit na salita. Hindi ito lumalaban sa kanya.

"Oh by the way, kaya naman kitang patawarin e." Sabi nito.

Lumapit ito kay Siera, at hinawakan ang kamay at hinila ito.

"Kaya mo bang maging isang yaya sa anak ko?" Pabulong nitong tanong.

Nagulat ito sa kanyang sinabi.

"If you can do that, well baka malimutan ko at mapatawad kita. You know, you really disgusting woman."

"Can you? Starting tomorrow, Charlie will under your care." Sabi naman niyang na binitawan ang kamay ni Siera.

Napatango na lamang ang kanyang kausap na naguguluhan sa nangyayari.

"Lalabas na po ako."

Hindi siya sumagot, narinig niya ang pagpihit ng pintuan at pag- alis ni Siera.

Minamasdan niya ang kanyang anak na natutulog.

Ginawa niya iyon para protektahan ang kanyang anak sa kanyang ex-girlfriend.

Hindi magiging madali ang ipapagawa niya kay Madrigal. Una siyang nagalit noong malaman nitong pinalaglag ng babaeng kausap niya kanina ang batang nasa sinapupunan.

He only smirk noong nakita si Madrigal sa desk nito na natatanaw sa office niya.

Goodluck to her. Napasabi sa kanyang isipan. Ginulo niya ang buhok ng anak niyang nasaktan kanina.

He will kept his words na hindi niya papalapitin ang anak niya kay Charlene.

Okay lang ako ang masaktan kaysa sa anak ko. Napasabi sa kanyang isipan.