webnovel

Single Parent's Fate

Mahirap maging isang single parent. Ginagampanan ang dalawang obligasyon sa bata. Ang maging Ama at Ina sa iisang katauhan. Subalit may pagkakataong makakatagpo ka na maaasahan at kayang intindihin ka. Siera Madrigal, isang Ina na gustong punan ang kanyang pagkukulang dahil sa kasalanang hindi naman niya gustong gawin. Drake Roa, isang single parent na ginagampanan ang pagiging ama sa bata simula ng iwanan ng kanyang kasintahang si Sharlene na umalis matapos isilang ang kanilang anak. Paano magkakatagpo ang dalawang magulang? Magulang na minsa'y nagkulang at gustong punan ang lahat ng kasalanan, at magulang na ginawa ang lahat para sa kanyang anak. Author's Note: Ang kathang inyong mababasa ay nakasulat sa Filipino- English na lenggwahe. Maraming salamat po.

UnknownWriter90_ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Prologo

Daddy," tawag ng batang tatlong taon sa kanyang amang si Drake, dala-dala ang kanyang paboritong laruan na trak.

Tiningnan lang niya ang kanyang anak noon. Abala siya sa opisina, marami siyang inaalala na kailangan niyang gawin. Napabuntong -hininga na lamang siya noon.

"Charlie, bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong niya sa bata noon. Iniwan niya ang kanyang mga gawain sa work table niya at nilapitan ang bata. Kaagad niya itong kinarga.

"Si Mommy? Di niya ba ako dadalawin?" Tanong nitong napaka-inosente.

Kung pwede lang niyang sabihin sa anak niya na ang kanyang Ina ay walang paki-alam sa kanya. Dumadalaw naman si Sharlene, subalit hindi naman ito naalagaan nang husto. Hindi maibigay ang pangangailangan ng anak at di nagampanan ang pagiging Ina nito. Nabuo lang kasi si Charlie sa aksidente at di ito ginusto ni Sharlene.

Gustong ipalaglag ni Sharlene ang bata noon subalit pinigilan niya ito dahil di iyon kasalanan ng bata. Nakita pa niyang paano niya saktan ang sarili sinuntok-suntok niya ang tiyan.

Pagkatapos maisilang si Charlie ay para lang itong nag-iwan ng isang manika na ipapaalaga sa iba. Malaki rin ang galit niya kay Sharlene noon. Akala niya matino itong babae pero, hindi pala nito kayang maging isang Ina.

Ang pagmamahal niya ni Sharlene ay naglaho na parang isang bola at nilipat nalang niya sa kanyang anak na siya ang nag-aalaga. Ayaw kasing masira ang pagmomodelo ni Sharlene noon kaya inako niya ang responsibilidad na maging ama sa bata.

"Daddy?" Untag na tanong sa bata sa kanya.

Nagbalik siya sa kanyang isipan at tiningnan ang bata. "Huwag mo ng hanapin Mommy mo." Sabi pa niya.

Alam niyang nalulungkot ang bata. Naiipit ito sa sitwasyon ngayon. Binigyan niya ng pagkakataon si Sharlene na maging isang Ina pero di ito magawa-gawa.

Pinagtatabuyan pa niya ito kapag lumalapit ito sa kanya. Parang nagpapa-alis lang ng aso.

Tumango lang ito. Hinalikan niya ito sa noo. Papatulugin na niya si Charlie at babalik na siya sa trabaho.

****

"Siera!" Tawag ng kanyang ka officemate, break nila iyon. Nasa labas sila ng canteen sa kanilang pinagtatrabahuan.

"Ba---Bakit?" Tanong naman niya.

Napabuntong-hininga nalang si Dreile. "Ano na naman bang nasa isipan mo Siera?" Tanong naman nito sa kanya.

"Wala naman. Nakakainggit lang kasing makita ang mga batang iyon." Nakatanaw siya sa isang pamilya na may batang kalong-kalong ng kanyang Ina.Puno ng pait ang ngiting namutawi sa kanyang labi.

"Iniisip mo na naman ba?" Tanong nito.

"Hindi ko lang kasing madaling alisin sa isipan ko 'yon. Napakasakit na mamatayan ng anak na nasa sinapupunan mo pa. Sobrang sakit." Sabi niya na puno ng pait ang pagkakasabi nito.

"Hindi mo iyon kasalanan. Kasalanan iyon ng ex- boyfriend mo. Saka, matapos ang pangyayaring 'yon? Ano? Ikaw pa ang nagmukhang masama." Sabi naman nitong si Driele.

"Sumpa ko na rin 'yong nangyari sa akin. Hindi ko man lang kayang protektahan ang bata kahit sa sinapupunan ko. Wala akong kwentang Ina. Pinaparusahan lang ako, tatanggapin ko 'yon." Ngumiti lang ito, kahit nakangiti ito ay nalulungkot parl rin ang mga mata nito.

Napabuntong - hininga lang si Driele noon at mahinang tinapik sa likod si Siera. "Sana naman 'yang parusa kuno mo. Mabawasan na, binabawi mo sa mga batang walang Ina sa orphanage eh." Sabi naman nito.

"Hindi pa iyon sapat na kabayaran." Sabi naman niya.

"Halika na nga." Sabi nito.

Tumayo lang si Siera pinagmasdan ulit ang bata at Ina na masayang nag kwekwentuhan.

Sana, makanlong ko lang ang anak ko. Kung buhay pa sana siya... Napabuntong -hininga lang si Siera noon at agad pinuntahan kung saan nag-aantay ang matalik niyang kaibigan.

Tinapik lang siya ni Driele noon.