webnovel

Single Parent's Fate

Mahirap maging isang single parent. Ginagampanan ang dalawang obligasyon sa bata. Ang maging Ama at Ina sa iisang katauhan. Subalit may pagkakataong makakatagpo ka na maaasahan at kayang intindihin ka. Siera Madrigal, isang Ina na gustong punan ang kanyang pagkukulang dahil sa kasalanang hindi naman niya gustong gawin. Drake Roa, isang single parent na ginagampanan ang pagiging ama sa bata simula ng iwanan ng kanyang kasintahang si Sharlene na umalis matapos isilang ang kanilang anak. Paano magkakatagpo ang dalawang magulang? Magulang na minsa'y nagkulang at gustong punan ang lahat ng kasalanan, at magulang na ginawa ang lahat para sa kanyang anak. Author's Note: Ang kathang inyong mababasa ay nakasulat sa Filipino- English na lenggwahe. Maraming salamat po.

UnknownWriter90_ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Ikatlong Kabanata

Nagtagpo ang kilay ni Driele sa kanyang nakikita ngayon sa office, habang nagtatrabaho siya panay ang sulyap niya sa kanyang matalik na kaibigan, na hinatiran ng bata at naging taga-bantay pa ito. Napapailing na lamang siya, nakikita niya ang mukha ng kanyang kaibigan, kung paano ba ito pakikisamahan.

Iyong ama ng batang si Charlie ay hindi na nagpakita, agad itong lumabas sa office, bilang isang CEO sa isang kompanya, palagi itong abala sa mga gawain, hindi lang sa kompanya naka - focus ito, pati na ang mga business partners nito sa kompanya.

Ginawa ba niyang alalay ang kaibigan ko? Ito na lamang ang natanong sa kanyang isipan na sinusulyapan si Siera at ang batang si Charlie. Ramdam niyang nahihirapan ito kung ano ba ang gagawin nito sa bata.

Hinayaan na lamang niya muna ang bata, alam niya kasing magpapalagayan ito ng loob , depende kung gaano ka spoiled ang batang aalagaan nito.

"Driele!" May tumawag sa kanya, agad naman siyang napalingon kung sino ang tumawag sa pangalan niya.

Nakita niyang kinakawayan pa siya nito para maagaw ang kanyang atensyon.

"Bakit?" Tanong niyang may bitbit ng mga mahahalagang dokumentaryo na lumapit sa katrabaho niya.

Nagtagpo ang kilay nito at tumulis ang nguso nitong may tinitingnan. "Kailan lang naging yaya si Madrigal sa anak ni boss?" Agad nitong tanong sa kanya.

Tiningnan naman nito kung saan ito nakatingin, hindi na lamang siya sumagot at napailing na lamang.

"Napaka - chismosa mo talaga, Chesca." Ito na lamang ang sinabi niya.

Babalik na muna siya sa work station niya para kunin pa ang mahahalagang dokumentaryo noon.

"Hindi ako chismosa ah, nabigla lang ako na inihatid ang batang iyan sa pangangalaga ni Siera, magkasintahan ba sila ni boss?" Ngisi nitong tanong na kinikilig pa.

Napataas ang kilay niya.

"As if, tumigil ka riyan, mag- focus ka na sa trabaho mo, hindi iyong palagi kang nakatingin sa mga kasamahan mo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi na niya pinakinggan ang kasagutan nito.

Sinenyasan niya si Siera kung nakakagalaw pa ba ito, dahil naging dalawa na ang trabaho nito, taga- bantay at receptionist sa mga manggagawa. Nakita niya ang reaksyon ng batang lalaki, nakasimangot lang ito na naka - upo sa dapat ay upuan ni Siera.

Halatang hindi gusto ang bagong yaya nito, naglalaro na rin ito, para hindi ma - bored, dala - dala nito ang mini - truck at mga laruan na nasa sahig lamang.

"Charlie, huwag kang masyadong makalat. Baka may masugatan sa mga toys mo." Malumanay nitong sabi sa bata.

Tiningnan lamang ito ng masama. "I don't care! Clean that mess around! Dad, hire you to clean that mess!" Bulyaw nito.

Aba! Itong batang ito! Pinakiusapan na nga, nanigaw pa na hindi naman siya sinigawan! Napataas ang kilay niya, medyo na- high- blood siya dahil sa pagtaas ng boses ng bata kay Siera.

Ngumiti nang tipid si Siera sa bata, alam niyang mataas ang pasensya nito kapag nag - handle ng isang bata. Pero para sa kanya, kapag sinigawan siya nang ganoon, talagang may kurot na siyang pahabol.

"Okay, linisin lang natin ang kalat natin sa office." Agad yumuko si Siera. Biglang pinatid ni Charlie si Siera na siyang ikinagulat niya.

Napaupo na lamang si Siera sa semento, halatang nagulat din.

Ang mga kasamahan din nila sa office ay napatigil sa trabaho.

Talagang may pinagmanahan ng ugali itong batang ito ah! Pasigaw nitong sabi sa kanyang isipan, huminga na muna siya nang malalim, naghihintay siya ng isa pang pagkakataon na mapapagalitan niya ang bata sa kinikilos nito.

Hindi lang umimik si Siera.

"Alam mo, Charlie, alam mo bang bad iyang ginawa mo?" Tanong nitong mahinahon na tiningnan si Charlie.

"I don't care, if it is bad or not! I don't like you!" Sigaw nito na malapit nang magwala.

"Ibalik mo ako kay Dad!" Sabi pa nitong itinapon ang laruan sa mukha ni Siera.

That's it! I'm done with it! Dali - dali siyang lumapit kay Siera.

"Hoy!" Tawag niya rito na puno ng galit, ayaw niyang sigawan ang bata, dahil limang taong gulang pa lamang ito, pero sa ginawa nito kay Siera, kahit limang taong gulang ito, alam na ang mga kamalian o hindi sa mundong ito.

Hindi niya maintindihan minsan, kung kulang ba ito sa pagmamahal ng isang ina o gabay ng magulang sa pinapakitang ugali nito kay Siera.

"Tinuruan ka ba ng magulang mo na ganyan isagot sa nakakatanda sa iyo?" Tanong niya na tiningnan ang bata mula ulo hanggang paa.

May pinagmanahan ang batang si Charlie, biniyayaan ng gwapong mukha at napaka - inosente nitong tingnan, kahit bata pa ay alam niyang kapag lumaki ito ay pinagmamanahan nito ang ama nito. Ngayon, hindi na muna siya hahanga, gusto na muna niyang maituwid ang baluktot nitong pag - uugali sa ngayon.

Tumingin ang bata sa kanya na nakasimangot pa siyang tiningnan na halos mawala na ang matang singkit nito.

"Driele, hayaan na bata pa iyan." Agad awat ni Siera sa kanya noong nakabawi ito sa pagkakatulak.

"Siera, alam mo na hindi ganyan ang mga batang inaalagaan mo kapag dumadalaw ka sa bahay - amponan, hindi ba? Bakit mo hinayaan na umaasta na ganyan?" Tanong nito sa kanya.

Hinila siya ni Siera palayo sa bata.

"Babalik ako, Charlie." Ngumiti pa si Siera sa bata.

"I don't care!" Tanging sagot nito.

Umupo ito nang patabog at itinatapon pa ang gamit na nililinis ni Siera kanina.

Aba! Anak ng! Bago pa niya balikan, hinila siya ni Siera, na sila ang mag - uusap.

"Siera naman!" Sabi pa nito noong nakalayo na sila sa bata.

Huminga lang ito, tiningnan lang siya ni Siera na malungkot ang mga mata.

"Alam kong nag - aadjust pa si Charlie sa akin, bilang personal na yaya niya." Sabi nito.

"Yaya? Ginawa ka na talagang yaya ng boss natin? Para saan ang pagiging yaya mo? Para na naman ba sa kasalanan mo?" Tanong niyang naiinis na.

Napakatagal na nangyari iyon, pero halos isumpa si Siera sa pamilya ng kasintahan nito, na hindi naman niya ginawa. Pinagdusahan ito ng kaibigan niya na nananahimik lang.

Gusto nga itong patalsikin sa kompanyang ito si Siera, pero, hindi ginawa iyon, dahil sa magagandang records na services nito sa kompanya.

Ang para sa kanya, wasak na wasak na ang dignidad at moralidad ng kanyang kaibigan, dahil sa pangyayaring iyon.

Apat na taon! Apat na taon na ang nakalipas! Sigaw sa kanyang isipan na nanggagalaiti na.

"Driele, may pinagdadaanan din ang bata, kailangan kong intindihin iyon." Sabi nitong kalma lamang.

"Saan hanggan ang pagpapasensya mo Siera? Kailan mauubos iyang pasensya mo?" Tanong nitong seryoso.

"Driele," Huminga ito nang malalim. "Hayaan mo na akong pakisamahan ang bata, it's okay, I'm okay." Iniiwasan nito ang katanungan niya.

Tiningnan niya si Siera,napakamot na lamang siya. "Fine, fine." Nagtaas siya ng kamay na parang susuko siya.

"Matuto ka namang ipagpahinga iyang mentalidad at emosyon mo, Siera. Give time to yourself." Sabi niya na walang magawa dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang malapit na kaibigan.

Ningitian na lamang siya nito.

"Bumalik ka na sa trabaho mo." Sabi pa nitong nakangiti.

"Iyang bukol mo? Okay lang ba?" Tanong niyang nag - aalala.

"Hayaan na, sanay na akong mabato ng mga ganoon sa orphanage na binibisita natin." Mahina pa itong napatawa.

Napailing na lamang siya, kahit ganoon ang pinagdadaanan ng kaibigan niya, nagagawa pa rin ang ngumiti.

"Sabay tayong lumabas ngayon gabi, mag -dinner tayo nang sabay." Sabi pa nito.

Ngumiti ito at tumango na lamang. Bumalik na sila sa kanya - kanyang workplace.

Sa huling pagkakataon, tiningnan niya si Siera na iniwakli pa ng bata ang kamay nito.

Ah! Endure it! Endure it! Sabi sa kanyang isipan.

Naka - focus na lamang siya sa trabaho, ayaw niyang tingnan ang work table ni Siera, baka mawalan na naaman siya ng kontrol.

Ililibre ko na lamang si Sie ngayon. Napasabi sa kanyang isipan.