webnovel

Single Parent's Fate

Mahirap maging isang single parent. Ginagampanan ang dalawang obligasyon sa bata. Ang maging Ama at Ina sa iisang katauhan. Subalit may pagkakataong makakatagpo ka na maaasahan at kayang intindihin ka. Siera Madrigal, isang Ina na gustong punan ang kanyang pagkukulang dahil sa kasalanang hindi naman niya gustong gawin. Drake Roa, isang single parent na ginagampanan ang pagiging ama sa bata simula ng iwanan ng kanyang kasintahang si Sharlene na umalis matapos isilang ang kanilang anak. Paano magkakatagpo ang dalawang magulang? Magulang na minsa'y nagkulang at gustong punan ang lahat ng kasalanan, at magulang na ginawa ang lahat para sa kanyang anak. Author's Note: Ang kathang inyong mababasa ay nakasulat sa Filipino- English na lenggwahe. Maraming salamat po.

UnknownWriter90_ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Ikapitong Kabanata

Tahimik lang na naglalakad si Siera na kasama ang mga kasamahan niya sa trabaho. Iniisip niya ang nangyari kanina at kahapon. Minsan napapatanong siya sa kanyang sarili kung saan siya nagkukulang.

Ipinanganak ba siya sa mundong ito para magdusa nang husto, wala ba siyang karapatan na maging masaya. Nagbuga na lamang siya ng hangin.

May biglang tumapik sa balikat niya.

"Chill out, Siera." Ito na lang ang sabi ng kanyang kaibigan na si Grizelle.

Napangiti na lamang siya, sabay silang naglalakad at saka nagplano si Tanya ang kanilang Leader sa isang department, kailangan nilang mag - chill sa dami ng kanilang trabahong hinarap kanina.

Napapangiti siya, iniisip niya ang blessings na natanggap niya pa rin sa mga kaibigan at katrabaho niya.

"Huwag mo muna iyang isipin, Siera." Sabi naman ng isa niyang kasamahan na niyakap siya.

Maswerte siya sa kanyang mga kaibigan, hindi siya hinusgahan noon, noong bumalik siya sa kanyang trabaho nagkaroon siya ng isang anxiety, dahil sa abot - abot niyang natanggap na panghuhusga na naririnig sa bawat panig.

Akala niya noon, magbabago ang lahat, pero tinanggap pa rin siya ng mga ka- team niya sa kabila ng kanyang malaking dagok na hinaharap noon.

Hindi nito pinaramdam na isa siyang makasalanang babae, naramdaman niya ang suporta na hindi niya maramdaman sa mga taong mas higit nakakilala sa kanya, ang kanyang ex- boyfriend na si Casper.

Nakarating na sila noon sa isang kilalang diner na malapit din sa pinagtatrabahuan nila. Puro babae lamang ang kasama niya.

Dahil ang ibang katrabaho niyang lalaki ay may gimmick din. Kapag friday ay ganito sila sa opisina na nagkakasiyahan.

"Hay! Masyadong toxic ang trabaho natin kanina." Reklamo na lamang ni Chesca matapos itong mag - order.

"Toxic? Sinong toxic ang tinutukoy mo Chesca?" Rinig niyang tanong sa isa nitong kasamahan.

"Kailangan ko pa bang pangalanan kung sino ang toxic?" Napataas ang kilay nito.

Si Siera naman ay tahimik lang sa upuan at nag- iintay din sa order niya.

"Huwag na, baka lunes wala ka ng trabaho." Pananakot naman ni Diane.

"Sino pala ang duty bukas?" Tanong naman ni Driele.

"Ang team ng mga lalaki, ata."

"Oh? Mang- chi-chicks naman ang mga iyon." Sabay tawa ni Chesca.

"Edi bantayan mo kasintahan mo roon."

"Hindi ko na kailangan iyon bantayan, loyal iyon no."

"Saan ang Loyal doon? Ilang chance ba ang ibinigay mo sa lalaking iyon, Chesca? Wake up, di na uso ang martir ngayong panahon na ito." Sabi pa ni Tanya.

Medyo natamaan si Siera, dahil may kaunting pagmamahal pa ring natitira kay Casper sa puso niya. Nakita niya ang ekspresyon ni Chesca noon.

Hindi na ito sumagot, pero pinilit itong ngumiti.

"Actually, nahuli ko na naman siya kahapon." Sabi pang ngumiti kahit naiiiyak na.

Nagtinginan na lamang ang mga kasamahan nito. Kilala niyang isang masayahin at kalog si Chesca, may malambot din itong puso na kagaya niya.

Napabuntong- hininga na lamang si Grizelle.

"Maka- order nga ng pangtagay, may iiyak ata ngayong gabi." Sabi pa nito.

"Hindi ako iiyak ah. Ang sabi naman niya sa akin na kaibigan niya iyong babae na inahahatid niya." Sabi pa nito.

"Wow? Naniwala ka naman doon? Tapos ikaw? Hindi inihahatid?" Tanong naman ni Driele.

"Ah! Kumain na muna tayo, bago tayo magkaroon ng iyakang magagap dito. Ikain natin iyan!" Sabi ni Diane na siya na ang nag-distribute ng pagkain sa kanila.

Tinapik ni Siera si Chesca, ngumiti lang si Chesca sa kanya at inakbayan siya.

"Malalampasan din natin ito, girl!" Sabi pa nito sa kanya.

Alam niyang pinipilit lang na maging masaya si Chesca, pero sa mga mata nito, nakikita niya ang matinding kalungkutan.

"Balik tayo kanina." Sabi pa ni Diane na kumakain na noon.

"Hindi ba sila nahihiya sa kanilang anak? Halos araw- araw nag- aaway?" Napatanong ni Diane.

"It's not your business Diane, let them be." Sabi naman ni Viviane noon.

"No, it's not that, kasi maaapektuhan ang bata sa ginagawa nila, you know that I have so many siblings right? Saka mga bata pa iyong binubuhay ko ngayon, alam ko kasi iyong sensitivity ng bata sa mga ganyan, lalong- lalo na magulang sila."

"Yeah, you have a point, hindi naman sa atin malaking kahihiyan iyon e, sa kanila iyon."

"Saka, mayayaman naman ang mga iyon. Sa nakikita ko kay Charlie sa anak nito. The way he treats Siera like yesterday and today, he's a spoiled brat." Napailing na lamang ito.

"Hindi naman yata magkakaganyan ang anak nila, kung responsible ang ina nito." Sabi pa ni Gigi na nakikinig.

"Look, I'm a single mother, hindi ko naman sinasabing I'm a perfect mom to my child Yssa, but, when it comes to becoming a mother, you will be responsible enough sa mga actions ng anak mo. That little boy needs that love of a mother na hindi nabibigay ng isang ama. Mahirap ang ganoon, pati na sa anak kong babae, napakaraming tanong niya."

"Tama ka naman, Sharlene treats her child like an abandoned puppy, saka sinusulsulan niya ang bata e, like yesterday, she kept promising to her son, but hindi naman niya ginagawa sa anak niya."

"Ah, dahil that little boy needs her attention; he does his best to caught his mother's attention."

"Iyon ang mali ni Sharlene, alam mo makakarma rin naman ang babaeng iyon e, hindi pa ngayon, I know she will caused a big karma."

"Paano kakarmahin iyon e, napakawalang - hiya ng ugali." Sabi naman ni Diane na umiinom ng soda.

Nakikinig lang siya sa mga opinyon ng kanyang mga kasamahan, pinagtitimbang - timbang niya ang mga sinasabi nito.

Tiningnan niya si Gigi, naging single mother ito nang iniwan ito ng kinakasama.

"Gigi, is that punk visit your child again? Sinusustentuhan ba niya si Yssa?" Tanong ni Tanya.

"Nope, he's not, walang na ngang paramdam e." Napatawa na lamang si Gigi. "Well, kaya ko namang buhayin si Yssa."

"Kapag nagkita kayo ulit, bibigyan mo ba siya ng pagkakataong makita ang anak mo?" Tanong niya noon, gusto niyang malaman iyon.

"Yes, he's a father of my daughter, hindi ko itatago sa kanya ang anak ko, but if ibang usapan na babalik siya muli, I think, hindi na ako magibibigay pa ng pagkakataon. I gave all the freedom noong naging kami. It's enough already for me, and I'm happy with Yssa." Ngumiti lang si Gigi sa kanya.

Napangiti rin siya kay Gigi, nakita na niya ang anak nitong si Yssa.

She's a strong woman. Napasabi sa kanyang isipan. Saka nakatira si Gigi sa magulang nito, may nagbabantay din sa anak nitong babae kundi ang ina nito kapag nagtatrabaho si Gigi.

"Kaya ang masasabi ko kay Sharlene, goodluck to her karma." Sabi pa ni Tanya noon.

"We need also to understand that boy, lumaki siyang walang inang kinikilala e, kaya ganoon ito lagi."

"Yeah, pero ayokong ganoon niya tratuhin si Siera." Sabi pa ni Driele.

Napatawa na lamang siya noon. Nakita niya si Chesca na nakatingin sa phone nito.

"Chesca?" Tawag niya rito.

Tumingin ito sa kanya, nakita niyang tumutulo ang luha nito. Nagkatinginan naman ang lahat, alam na nila kung bakit ito umiiyak na naman.

Niyakap na lamang niya si Chesca.

Napailing na lamang ang mga kasamahan nito.