webnovel

Single Parent's Fate

Mahirap maging isang single parent. Ginagampanan ang dalawang obligasyon sa bata. Ang maging Ama at Ina sa iisang katauhan. Subalit may pagkakataong makakatagpo ka na maaasahan at kayang intindihin ka. Siera Madrigal, isang Ina na gustong punan ang kanyang pagkukulang dahil sa kasalanang hindi naman niya gustong gawin. Drake Roa, isang single parent na ginagampanan ang pagiging ama sa bata simula ng iwanan ng kanyang kasintahang si Sharlene na umalis matapos isilang ang kanilang anak. Paano magkakatagpo ang dalawang magulang? Magulang na minsa'y nagkulang at gustong punan ang lahat ng kasalanan, at magulang na ginawa ang lahat para sa kanyang anak. Author's Note: Ang kathang inyong mababasa ay nakasulat sa Filipino- English na lenggwahe. Maraming salamat po.

UnknownWriter90_ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Ikalimang Kabanata

Nagulat si Siera sa pinag - aasta ng kanyang boss. Bigla - bigla na lamang siyang hinila nang marahas sa braso niya, kabago lang niya dumating sa pinagtatrabahuan ay ganoon kaagad ang sumalubong sa kanya sa umaga.

Litong- lito ang kanyang isipan, hindi niya nasusundan ang pinagsasabi ni Drake.

"How dare you to do that to my son!" Sabi nitong nagngangalit.

Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang sumagot.

Sinaktan? Sino ang sinaktan ko? Napatanong sa kanyang isipan na hindi pa rin alam ang isasagot.

Ininda niya ang nasaktang braso, hindi na siya nagrereklamo at baka higit pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon sa pagkahawak ng braso nito. Nakita niya ang batang si Charlie.

Pilyo ang ngiti ng bata sa kanya, na nagsasabing malalagot siya siya sa ama nito. Kaya naman bigla na lamang pumasok sa kokote niyang baka nagsumbong ang bata sa ama nitong sinasaktan niya.

"Sir, hindi ko po sinasaktan ang anak ninyo." Sagot niya ulit na nahanap ang boses nito.

Kumunot ang noon nito.

"Are you telling me, my son is lying to me?" Tanong nito na marahas siyang tinulak. Muntikan na siyang mabangga sa malapad na pader noon.

Natakot siya, hinawakan niya ang kanyang brasong nasaktan. Sobrang pinagpasensyahan niya ang batang si Charlie, kahit binubulyawan siya ng bata ay tiniis niya ito.

"Sumagot ka! Bakit nakita ko sa tiyan ni Charlie ang pagpingot mo sa kanya sa tiyan." Sabi nito.

Napatingin siya sa bata, at naalarma na hindi niya kayang gawin ang pagpingot ng bata, kahit pasaway pa ito. Alam niyang walang makakatulong sa kanya.

"I will count you to three! Kapag di ka sumagot, I will terminate you to this company." Babala nito sa kanya.

Natakot siyang mawalan ng trabaho, kinulamos nito ang mukha niya, parang wala itong pakialam kung sino ang makakita, may tubig na sa kanyang mga mata na ilang segundo ay babagsak na ito sa pisngi niya.

She really helpless, hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag niya sa boss niya, inaalagaan naman niya ang batang si Charlie, binigyan niya ito ng atensyon kahapon, kahit napapagalitan siya minsan ng leader niya, dahil minsan nahuhuli ang kanyang gawain dahil inaasikaso niya ang bata.

"Sir, sa anong paraan niya sinaktan ang bata?" May narinig siyang boses na narinig, nilingon niya ito.

Driele. Tawag sa kanyang isipan. Pinakawalan nito ang nakulamos nitong mukha at marahas siyang itinulak muli.

"Bakit nangingialam ka rito Miss Jeminez? Do your own business." Sabi nito sa kanyang kaibigan.

"I do my own business sir, saka naguluhan ako sa pinagsasabi mo kay Siera na sinaktan ang anak mo. Ikwenento ba niya kung paano siya sinaktan?" Tanong nito, nakita niya si Driele na nagpupuyos ng galit.

"Why do you always butt-in? Lalong - lalo na kay Madrigal?" Tanong nito.

"Oh? Do you question me about it? Because your worker here is very uncomfortable right now! Hindi mo iyon napapansin, sir?" Diniinan pa ito ni Driele.

Siya ang natatakot kay Driele, kaya hinila niya ito papunta sa kanya.

"Sir, hindi ko po sinaktan si Charlie, hindi ko alam kung saan niya nakuha iyong sinasabi mong pasa sa tiyan." Malumanay niyang sabi at tiningnan nang mataman ang kanyang kausap.

"More excuses!" Sabi nito, tinawag niya ang anak nito. Naging maamo itong tupa bigla, na kanina ay pilyo ang pagkakangiti.

Alam niyang ayaw ng bata sa kanya, hindi naman niya pinipilit ang sarili niya sa bata, ang gusto lang naman niya kahapon ay maging magalang ito sa kanya kahit papaano.

"Let me see your bruises." Sabi nitong malumanay sa bata.

Agad itinaas nito ang damit nitong, nakita niya ang pasa nito sa tiyan. Bigla siyang nawindang, dahil hindi niya iyan nakita kahapon.

"Can you explain it to me, Miss Madrigal." Tanong nitong tiningnan siya na nagniningas ang tingin.

"Sir. hi-- hindi ko po talaga sinaktan ang bata." Sabi niya na naalarma.

"You call me spoiled brat, yesterday, sinigawan mo rin ako kahapon, kahit I followed your instruction."Nag - umpisang umiyak ang bata sa kanya.

Napalunok na lamang siya ng laway, napailing na tiningnan ang boss niyang galit na galit sa kanya.

Sumuko ang diwa niya.

"I will forgive you Miss Madrigal, if you apologize it to my son. Also, I will not terminate you to this company." Mariing sabi nito sa kanya.

Just do it, Siera, sanay ka ng humingi ng kapatawaran na hindi mo ginawa, wala ka ng pride sa mga ganito, beg their mercy and your job here. Napasabi sa kanyang isipan na unti - unting lumuhod para humingi ng tawad sa mag - ama.

Bago pa siya nakaluhod nang tuluyan, pinigilan siya ni Driele na sinipatan siya na huwag na huwag niyang gagawin iyon, puno ng poot si Driele na hindi maitatanggi sa mga mata nito.

"Huwag kang lumuhod, Siera. If you know yourself that you didn't do it, then stand firm." Sabi pa nito sa kanya na tiningnan siya.

"I will testify kung saan niya nakuha ang bruises ng anak mo, sir. My colleagues also know what happened here." Sabi nito.

"Driele, don't." Sabi niya na umiling sa kasama niya.

"What is this all about?" Tanong nitong seryoso.

May nangyari sa office kahapon na hindi dapat malaman ng kanyang boss. Nakita niyang lahat ng mga kasamahan niya ay iniiwasan iyon, pero may nakita siya na tumango sa kanya at umiling na huwag itago ang pangyayari kahapon.

"Oh? You wanna know?" Tanong naman ni Driele na patuyang tiningnan ang kanilang boss.

"What is it all about? If you want to tell me, then tell me already." Seryoso nitong tanong sa kanila.

"What if tanungin mo ang anak mo sa pangyayari kahapon?" Tanong ni Driele ulit.

"Hey, child," ngumiti pa si Driele sa bata noon. " Alam mo ba na ang mga batang kagaya mo ay hindi dapat nagsisinungaling?" Tanong nito sa bata.

"Driele, hu--- huwag mo ng idamay ang bata." Sabi niya.

Alam niyang maiipit ang bata rito, saka nagkakaroon ng trauma ang bata sa mga pangyayari kapag naiipit ito sa problema na hindi dapat sila kasali.

"Don't say anything if you want too, Charlie." Sabi niya sa bata noon na halatang natatakot.

Siniko siya ng bata "Monster!" Tawag sa kanya.

Naiintindihan niya ang bata noon. Kailangan niyang humingi ng tawad sa mag -ama para matapos siya.

"Patawarin mo ako sir, ako po ang dahilan sa pasa ni Charlie sa tiyan." Agad siyang lumuhod at halos halikan na ang lupa.

You always endure it Siera. Endure it, kagaya ng ginagawa mo noon, magtiis ka sa lahat at huwag kang magreklamo. Napasabi sa kanyang isipan.

Sanay na siya sa lahat ng ganitong pangyayari, akala niya noon nakahanap na siya ng totoong langit sa piling sa kasintahan niyang si Casper noon, pero isa lang pala itong temporaryong langit, hindi totoo ang lahat kundi isang imahinasyon na akala niya ay hindi na siya magdurusa pa at hindi na siya mag- iisa sa buhay niya.

Naniniwala siya, pero ngayon, imposibleng paniwalaan ang lahat ng pangyayari. Napakuyom na lamang siya sa palad, at unti -unting pumapatak ang luha niya.