webnovel

Single Parent's Fate

Mahirap maging isang single parent. Ginagampanan ang dalawang obligasyon sa bata. Ang maging Ama at Ina sa iisang katauhan. Subalit may pagkakataong makakatagpo ka na maaasahan at kayang intindihin ka. Siera Madrigal, isang Ina na gustong punan ang kanyang pagkukulang dahil sa kasalanang hindi naman niya gustong gawin. Drake Roa, isang single parent na ginagampanan ang pagiging ama sa bata simula ng iwanan ng kanyang kasintahang si Sharlene na umalis matapos isilang ang kanilang anak. Paano magkakatagpo ang dalawang magulang? Magulang na minsa'y nagkulang at gustong punan ang lahat ng kasalanan, at magulang na ginawa ang lahat para sa kanyang anak. Author's Note: Ang kathang inyong mababasa ay nakasulat sa Filipino- English na lenggwahe. Maraming salamat po.

UnknownWriter90_ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Ikalawang Kabanata

Habang bumabalik sa office desk si Siera, hindi niya mapigilang mapahikbi dahil sa masasakit na salitang kanyang naririnig sa kanyang boss.

Napansin iyon ng kanyang katabi.

"Siera? What happened?" Napatanong ng kanyang katabi na si Grizelle.

"Ha?" Napatanong niya at dali-daling pinahid ang kanyang pumuslit na luha.

Tiningnan siya nang makabuluhang tingin ni Grizelle.

"What happened? Pinagalitan ka ba ni boss?" Nag- aalala nitong tanong.

Ngumiti siya nang pilit para maibsan ang kalungkutan at bigat ng kanyang nararamdaman sa narinig niya kanina.

Umiling lang ito sa kausap. "I'm fine, medyo napuwing lang ako kaya napahikbi ako." Palusot niya rito.

Alam niyang hindi naniniwala ang kanyang kausap. Inayos niya ang kanyang sarili.

"Trabaho na tayo, baka mapagalitan pa tayong nagdadaldalan e." Sabi pa niyang ngumiti kay Grizelle at pinilit niyang abalahin ang kanyang sarili.

Hindi na lamang sumagot ang kanyang katabi sa katrabaho at bumalik na rin ito sa paghahalungkat ng mga files sa office desk nito.

Dati niyang naging nobyo ang pinsan ni Drake. Alam ng puso at isip niyang hindi ganoon ang nangyari sa nalalaman ng pamilya nito. Alam niyang hindi niya pinaglaglag ang sarili niyang anak para matawag na isang banal na babae.

Sumisigaw ng isipan niya na ganoon ang tingin ni Drake sa kanya bilang isang tao. Pero wala siyang magagawa dahil, isa lamang siyang ordinaryong babae na hindi papakinggan kahit sino man.

Ang tanging nakakaalam lang ng totoong pangyayari ay ang kanyang matalik na kaibigan, na kung saan dinamayan siya, dinamayan siya lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Dinamayan sya sa lahat ng mga usap- usapang kumakalat noong nalaglag ang bata sa sinapupunan niya.

Napapakuyom siya kung bakit ganoon ang ikot ng mundo, mapapatanong na lamang minsan si Siera kung bakit napakalupit ng mundo sa kanya.

May bigla na lamang tumapik sa kanya. Kaya naman, natigil siya sa pag- iisip nang ganoon, kaya naman agad niyang tiningnan kung sinong tumapik sa kanya.

Narinig nitong napabuntong- hininga ito.

"Sie, you can share your thought to me after our work, don't be so space out." Sabi nitong nagkibit- balikat na lamang at napailing- iling siyang tiningnan ni Driele na may hawak- hawak na mga papeles.

Tumango lang si Siera. "Sorry, Driele." Iyon na lamang ang napasabi niya noon.

"Here." Agad nitong abot sa kanya sa mga papeles.

"Please check it. May mga documents kasi tayo na hindi pa na-check alam mo naman iyang boss natin, metikuloso." Sabi pa nitong pabulong.

Tumango na lamang siya, tiningnan kung ano - ano ang mga ibinigay sa kanya may mga nakikita siyang finances at pangalan ng kompanya na kapartner ng kompanyang pinagtatrabahuan niya.

Agad niyang tiningnan ang mga files sa computer sa office noon. Isa lamang siyang trabahante sa kompanya nila at tatlong taon na rin siyang naninilbihan bilang isang Receptionist sa kompanya.

Madaling tumakbo ang oras at uwian na naman, gusto na muna niyang tapusin ang trabaho na kaya mag o- over time siya.

"OT ka na naman, hindi pa naman iyan deadline you can continue it tomorrow." Rinig niyang sabi at naka- cross- arm na lamang itong tiningnan siya.

"Mauna ka na Driele, kailangan ko itong tapusin." Sabi naman niya.

Hindi ito nakinig, kinuha ang gamit niya noon.

"Sumunod ka na, hindi na ako mag- iintay sa iyo." Sabi naman nito na naglakad palayo.

Napabuntong - hininga na lamang siya. Kaya dali- dali  niyang sinave at nilagay sa table niya,  at sinundan si Driele, nasa labas ma ito.

Kinuha niya ang bag niya noon, nagsabay silang naglalakad.

"So? Anong iniisip mo kanina?" Napatanong ito sa kanya.

Napalingon naman siya sa nagtanong sa kanya, nag- isip na muna siya saglit.

Umiling na lamang siya, ayaw na niyang idamay si Driele.

"I heard, Grizelle heard you sobbing. What happened after mong maghatid ng ice- cube sa CEO natin?" Tanong naman nito.

Hindi talaga siya nakakatakas kapag ganito ito magtanong sa kanya. Wala siyang lihim maitatago sa kanyang matalik na kaibigan.Kaya naman, ikwenento niya ang nangyari sa loob ng office ng CEO nila.

Minsanan lang dumalaw ang CEO nilang si Drake Roa.

"Eh? Magiging instant yaya ka sa anak niya?" Tanong nitong napataas ang kilay.

Tumango na lamang siya.

"Damn, that man is really something, he really serious to push you to become a baby sitter ng anak niya?

Napailing na lamang ito. "Grabe, tsk." Ngiting sarkastiko ang namutawi sa labi nito.

"Talagang, pinapaniwalaan niya nang ganoon ang pinsan niya, ah! Akala mo naman sino iyong malinis na lalaki iyang pinsan niya." Napailing ulit ito.

"Kakaiba talaga kapag pera- pera ang pinag- usapan no?"

"Ah! Nagugutom na ako!" Reklamo naman nito sa kanya.

Napangiti na lamang siya sa kanyang kaibigan, palaban lang talaga ang kaibigan niya.

"Hay salamat! Nandito na tayo sa paborito nating kainan." Sabi nito, nandirito na pala sila sa paborito nilang kainan kapag tapos na ang kanilang trabaho.

Pumasok sila kaagad. Regular na sila sa karenderya na kanilang naging tambayan, kaya kilala na sila ng mga tao roon, na kaagad silang ningitian.

May lumapit agad sa kanila na crew.

"Good evening ma'am ano po sa atin?" Magalang nitong tanong.

Ngumiti lang silang dalawa.

"Dating order pa rin. Saka, dagdagan mo ng mga panghimagas, marami kaming pag- uusapan." Napatawang sabi ni Driele.

Kaya siya naman napailing naman at napangiti sa inaasta ng kanyang kaibigan.

Malapit na talaga sila noon ni Driele, simula naging kaklase niya ito sa ibang subject nila sa noong kolehiyo pa sila.

Saka, lahat ng buhay niya ay naikwento niya lahat. Lahat siguro ng kamalasan ay naikwento niya rin. Ganoon na lamang siya kalapit at pinapahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Driele, dahil ulila na siya simula nang siya'y nakapasok sa kolehiyo.

Isa siyang working student, na kailangan kumayod sa trabaho sa school at pati ang kanyang pag- aaral. Si Driele naman, isang normal na estudyante na nakakaahon sa buhay.

Hindi niya alam kung bakit ganoon lang na nag- click kaagad ang ugali nila sa isa't isa, pero masaya na siya na may matatawag siyang kaibigan at pamilya.

"Hoy, Sie magpahinga ka nang maayos ah?" Tanong naman nito na magkakahiwalay na sila ng daan.

"Kapag di ako inaatake ng insomia ko."

"Aba, labanan mo iyang insomia mo, matulog ka!" May pabaon pa itong batok.

Kaya naman napahawak na lamang siya sa ulo nitong nabatukan.

"Bye! Ingat." Sabi nito.

"Ikaw rin, Driele, tawagan mo ako kapag nakarating ka na." Sabi naman niya.

"I know, Ikaw rin."

Naglakad na si Driele sa ibang direksyon, siya rin ay maglalakad na. Hindi naman kalayuan ang bahay o tinutuluyan niya ngayon sa office na pinagtatrabahuan nila.

Pinili niyang malapit ang tinutuluyan niya para walking distance lang at makakatipid siya.

Napapabuntong- hininga na lamang siya. Masyado ng tahimik at lumalalim na ang gabi. Kaya naman binilisan na niyang maglakad.

Ilang minuto lang ay nakarating na siya, kaya tinawagan niya si Driele.

"Nakarating ka na ba?" Tanong ni Siera sa kausap niya sa ibang linya.

"Malapit na natatanaw ko na ang bahay namin." Sagot naman nito.

Tumango na lamang siya.

"Driele," tawag niya rito.

"Hmm?"

"Nandito na ako." Sabi nito.

"Mabuti naman." Sabi niya.

Narinig niya ang mga pamilya nitong bumabati  kay Driele.

"May sasabihin ka ba?" Tanong naman nito.

"Ah, magpahinga ka na Driele."

"Sabihin mo na iyan."

Makulit ang kaibigan niya kaya naman sasabihin na niya ang agam- agam nito.

"Kaya ko bang mag- alaga ng anak ng iba? I mean, ipagkatiwala sa akin ang anak nila na alam nilang hindi maganda ang naririnig nila sa akin?" Napatanong na lamang siya.

"Hindi ko nga naalagaan ang anak ko na nasa sinapupunan ko. Ibang bata pa kaya?" Malungkot niyang tanong sa kaibigan niya na nakikinig.

Narinig niyang nagbuntong- hininga na lamang ito. "Alam mo, Sie. Matulog ka na, you need to rest. Saka, don't worry too much for tomorrow. Sige na magpahinga ka na." Sabi nitong malumanay sa kabilang linya.

Napatango na lamang siya noon.

"Goodnight? Driele." Sabi naman niya.

"Sige na, goodnight."

Agad niyang binaba ang phone niya at napabuntong- hininga na lamang. Hinawakan niya ang tiyan niya na minsa'y tinuluyan ng isang sanggol.

Anak, kung malakas lang si mama na ipinaglaban kita, nakikita at nayayakap sana kita ngayon. Patawarin mo si mama. Napaiyak na lamang siya.

Pinahid niya ang kanyang luha noon, kailangan na nga niyang magpahinga at ipahinga ang katawan niyang hapo sa trabaho buong maghapon.