webnovel

Single Parent's Fate

Mahirap maging isang single parent. Ginagampanan ang dalawang obligasyon sa bata. Ang maging Ama at Ina sa iisang katauhan. Subalit may pagkakataong makakatagpo ka na maaasahan at kayang intindihin ka. Siera Madrigal, isang Ina na gustong punan ang kanyang pagkukulang dahil sa kasalanang hindi naman niya gustong gawin. Drake Roa, isang single parent na ginagampanan ang pagiging ama sa bata simula ng iwanan ng kanyang kasintahang si Sharlene na umalis matapos isilang ang kanilang anak. Paano magkakatagpo ang dalawang magulang? Magulang na minsa'y nagkulang at gustong punan ang lahat ng kasalanan, at magulang na ginawa ang lahat para sa kanyang anak. Author's Note: Ang kathang inyong mababasa ay nakasulat sa Filipino- English na lenggwahe. Maraming salamat po.

UnknownWriter90_ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Ikaapat na Kabanata

I know Charlie, don't want that woman. Napasabi sa isipan ni Drake nang makaalis na siya sa kompanya, may lalakarin pa siyang ibang business na mga partnership nito.

Pinakiusapan niya ang kanyang anak, bago sila pumunta sa office, alam niyang umiiyak ito, dahil gusto itong sumama sa kanya. Simula nang dumating si Charlie sa buhay niya, sinisigurado niya na hindi niya ito napapabayaan, kahit abala siya sa trabaho.

May mga katulong naman siya, pero noong lumalaki ito, kailangan niya ng personal na yaya na makakasama sa bata. Sa bawat meeting or gatherings ng mga partnership ng kompanya. Kasama niya si Charlie.

Pinapaunawa niya na nasa trabaho siya, kaya naman naiintindihan ito nang paunti - unti ng kanyang anak. Minsan, lumalabas ang tantrum nito, kailangan niya lang lawakan ang pasensya niya kay Charlie.

Napapagalitan niya ito, pero pinapaunawa niya kung bakit niya pinapagalitan si Charlie.

Napabuntong- hininga na lamang siya.

"Where's your child?" May nagtanong sa kanya, kaya naman napabalik siya sa gunita.

Tiningnan niya ang mukha kung sinong nagtanong. Isa sa mga business partner sa kompanya niyang Informational Technical Corporation na si Clifford Rodriguez isang CEO sa kompanyang TeleTechni Corporation.

"Nasa personal yaya niya." Matipid niyang sagot nito.

Tumango - tango na lamang na lamang ito. Hindi na ito nagtanong pa. Iyong pinsan niya na naging kasintahan si Madrigal ay nasa States, dahil may inaasikaso rin itong family business nito.

Magbabalik naman ito sa Pilipinas, pero hindi pa niya alam kung kailan ito muling makakatapak sa Pilipinas. Nakita naman niyang nagbago ang pinsan niyang babaero, noong nakilala nito si Madrigal, pero, noong nagkaroon na sana ito ng anak, masaya naman ito at tatanggapin nang buong puso at balak pang pakasalan si Siera, pero pinalaglag ito.

Noon niya nakitang umiyak at napahagolhol ito dahil, mahal nito ang babae at masayang -masaya dahil magkakaroon na sana sila ng anak. Winasak ni Siera ang pagkakataon na iyon.

Maraming nagtatanong sa pamilya niya kung bakit hindi niya pina- resign ito sa kompanya na pinamumunuan niya ngayon. Hindi niya pina - resign si Madrigal dahil iyon ang kahilingan ni Casper. Gusto nitong magpatuloy ang buhay nito.

May kaunting awa pa rin itong natitira. Napasabi sa kanyang isipan napailiing na lamang siya.

Mamayang hapon ay susunduin niya ang kanyang anak sa kompanya.

Hope Charlie is okay. Naka- focus na lamang siya sa meeting nila, para sa ikalalago ng kanilang kompanya.

Masyadong natagalan ang meeting nilang magka - business partners dahil kailangan nilang maunawaan ang mga gusto nitong ipabago at ipalago sa kompanya. Pagtingin ni Drake sa kanyang orasan ay malapit ng mag- alas siete ng gabi.

Dali - dali siyang sumakay ng kanyang sasakyan, binilisan niya ang pagpapatakbo para maabutan niya ang kanyang anak. Nang nakarating na siya sa kompanya, agad niyang tinawag si Charlie.

"Charlie!" Tawag niya.

May nakaupong babae, sa lodge for guest, agad niyang pinuntahan iyon. Nakita niya si Madrigal.

"Where's Charlie?" Agad nitong tanong sa babae.

Dali - dali naman itong hinubad ang headset nito.

"Natutulog po siya, sir." Sagot naman nito kaagad.

Nakita niya ang kanyang anak na natutulog sa sofa nang mahimbing. He checked his body to make sure that his son is okay. Wala naman siyang napansin na mga pasa saa katawan.

Tiningnan niya si Siera nang makahulugan. Napayuko na lamang ito. Nandoon din pala si Driele Jeminez na nakikinig sa kanila.

Kinuha niya ang kanyang anak na natutulog sa sofa, agad siyang naglakad papalabas ng kompanya at dahan - dahan lang ang pagpasok niya sa kotse niya para hindi mauntog ang kanyang anak.

Noong nakapasok naman siya, agad niyang isinarado ang pintuan at agad nagpatakbo. Hindi na niya ito ginising.

Ano kaya ang ginawa nito buong maghapon? Napatanong sa kanyang isipan.

Baka nga lang masyadong matagal akong nakauwi. Napasabi sa kanyang isipan na nagmamaneho.

Nakarating na sila sa mansion nila, sinalubong agad sila ng mga kasambahay. Tinaas niya ang kanyang kamay na hindi niya kailangan ng tulong. Yumukod lamang ang mga kasambahay niya.

Diretso siya sa kwarto ni Charlie at pinahiga na ito sa kama. He returned to his room to change clothes, hindi rin siya nagugutom kaya iningodngod na naman niya ang sarili niya sa trabaho sa kanyang work desk sa bahay.

Walang katapusang trabaho. Napapailing na lamang siya.

Maya - maya pa'y may tumawag sa kanya.

"Dad?"

Agad niyang nilingon kung sinong tumawag sa kanya. Nakita niya si Charlie na nakadungaw sa pintuan.

"Yes? How's your sleep?" Tanong niya na agad pinapasok ang anak niya, agad niyang kinarga ito at tiningnan ang anak niya. Isinirado niya ang pintuan.

"Dad? Can you call mommy?" Paglalambing sa kanya.

Nadudurog talaga ang puso niya sa bata. Napapatanong siya sa kanyang sarili, kung hindi pa ba sapat na nandito siya ngayon sa tabi ng bata.

Mahina siyang umiling.

"It's already late, baby. We don't want to disturb her." Palusot niya sa bata.

"Dad, ayoko na po sa nakasama ko kanina."

Nabigla siya. Napakunot - noo naman siya.

"Tell daddy what happened. I'm all ears."

"She's a monster." Sabi ng bata sa kanya.

Kaya naman, napatingin siya sa bata.

"What happened? Why you called her a monster?" Tanong naman niya na medyo naalarma. Naabuso ba ito kanina? Tanong sa kanyang sarili.

"Palagi niya akong sinisigawan kanina," humikbi ito. "Saka, kinurot niya ako kanina" Tumulo ang luha nito.

That damn woman! Napasigaw sa kanyang isipan.

May ipinakita pa itong pasa sa tiyan, may kaunti nga itong pasa, presko pa ito.

"Ayoko sa kanya." Umiling ito sa kanya na ayaw niya talaga sa babaeng inaalagaan siya.

"Ano pa ang ginawa sa iyo?" Tanong niyang naging seryoso.

"She's saying I'm a spoiled brat."

What the heck is her problem? Napatanong sa kanyang isipan.

Pinatahan na lang niya ang bata. Kailangan niyang makausap.

I will teach her a lessson. Napasabi sa kanyang isipan.

Umaga, sinama niya ang bata, noong nakapasok na si Siera, natakot ang kanyang anak. Mali yata siya ng taong tutulungan niya sana.

Baka magkaroon pa ng trauma ang anak ko sa kanya. Lumabas siya sa office.

"Madrigal!" Sigaw niya rito.

Nagulat naman ang babae, kaya agad itong binaba ang gamit nito. Siya na ang lumapit.

"What the hell are you doing with my son yesterday!?" Paangil nitong tanong.

Nakita niyang nalito ang tingin nito at pagkabalisa dahil sa sinabi niya.

"A--- Anong ibig mo pong sabihin, sir?" Napatanong niya.

Hinila niya ang kamay nito, nakita niyang nasasaktan ito.

"Pwede ba umamin ka na sa ginawa mo sa anak ko! Akala mo siguro hindi ko malalaman no?" Tanong nito sa kanya.

Napatingin ang mga katrabaho nito, at hindi nito alam ang isasagot sa kanya, natakot ang mga mata nito.

Dapat lang matakot siya! Sinaktan niya ang anak ko! Sabi sa kanyang isipan.

"Answer me!" Sigaw nito sa mukha na at napapikit na lamang si Siera na nanginginig pa sa takot.

"If you want to answer, answer me properly and be honest!" Pagbabanta nito sa kausap.