webnovel

Single Parent's Fate

Mahirap maging isang single parent. Ginagampanan ang dalawang obligasyon sa bata. Ang maging Ama at Ina sa iisang katauhan. Subalit may pagkakataong makakatagpo ka na maaasahan at kayang intindihin ka. Siera Madrigal, isang Ina na gustong punan ang kanyang pagkukulang dahil sa kasalanang hindi naman niya gustong gawin. Drake Roa, isang single parent na ginagampanan ang pagiging ama sa bata simula ng iwanan ng kanyang kasintahang si Sharlene na umalis matapos isilang ang kanilang anak. Paano magkakatagpo ang dalawang magulang? Magulang na minsa'y nagkulang at gustong punan ang lahat ng kasalanan, at magulang na ginawa ang lahat para sa kanyang anak. Author's Note: Ang kathang inyong mababasa ay nakasulat sa Filipino- English na lenggwahe. Maraming salamat po.

UnknownWriter90_ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Ikaanim na Kabanata

"Tumayo ka riyan, girl." Agad niyang tinulungan si Siera, nakita nilang umiiyak ito. Alam naman nilang hindi kasalanan iyon ni Siera. Napapagalitan nga ito ng kanilang leader na si Tanya na halatang nagulat din sa pangyayari ngayon.

"Oh? What's happening here?" May boses silang narinig sa likuran na nanggaling sa entrance door nila.

Agad nakilala ni Grizelle ang boses, kaya napailing na lamang siya, kahit nakatalikod pa siya, alam na alam niya ang boses ng babaeng nagsasalita.

"What are you doing here?" Tanong ng kanilang boss na halatang hindi rin nagustuhan ang uninvited guest nila ngayong umaga.

Magrarambulan na naman ito.

"Oh? I want to confirm that our son is okay." Sabi pa nitong nagtataray.

Nakita pa niyang napakunot- noo ang kanilang boss.

"What are you talking about?" Nalilito nitong tanong.

"Bumisita kasi ako rito kahapon, and our only son is throwing a tantrum because your new yaya could not handle our child, I mean, your child." Ngumisi pa itong nang - aasar.

"Huwag ka na'ng makialam sa kanila, Siera." Pabulong niyang sabi na hinila papalayo sa magiging eksena ng magulong karelasyon ng kanilang boss.

Sanayan na sa kanila ang makakakita nang ganoong pangyayari, kapag bumisita ang babaeng si Sharlene sa office nila, nagmimistulang pelikula ito, kasi iyong bata nadadamay sa pangyayari.

"Mommy!" Agad yakap ng bata sa ina nito.

Nakita niya ang ekspresyon nitong pinandidirihan ang batang yumayakap sa ina nito.

"Oh, Charlie, how are you?" Tanong nitong parang nangungumusta sa anak nitong matagal ng hindi nakikita.

"Mom, your promise, please keep your promise." Sabi ng batang maiiyak na naman.

"Don't cry, I always kept your promise, but your mom is busy today, I will visit you okay?" Tanong naman nito sa bata.

Hindi niya masisisi ang batang maghanap ng isang pagmamahal ng isang ina. Pero ang ginagawa ni Sharlene sa kanyang anak ay hindi maganda, pinapagawa niya ang bata ng isang bagay na ikapapahamak nito.

She's a witch. Nagbuga na siya ng hangin na inakbayan si Siera. Papalayo na sila sa pangyarihan para wala ng madamay sa kanila. Sinenyasan niya si Driele na nagtitimpi at gigil na gigil pa rin sa kanilang boss. Itinulak ito ni Tanya ang leader nila sa isang department at pinipilit pakalmahin ito.

Bigla na lamang tinawag ni Drake si Siera.

"Madrigal!" Tawag nitong galit ang boses. Napahinto naman ito, at tila nabato sa takot.

"Ilayo mo si Charlie!" Utos ng kanilang boss.

The heck? Ayaw nga ng batang sundin si Siera kahapon e. She only roll her eyes dahil sa asar na nararamdaman niya.

"Ye-- yes po." Sumunod na lang si Siera.

"Charlie, halika mag- uusap lang ang magulang mo." Malumanay nitong sabi.

Nilapitan ni Siera si Charlie na yumayakap sa ina nito.

"I don't like you! You're a monster!" Tawag ng bata sa kanya.

Pinipilit pa rin ni Siera.

"Ibabalik din kita sa mommy mo, halika." Malumanay pa rin nitong sabi para hindi masaktan ang bata.

"I said it no! No!" Sabay sapok sa mukha ni Siera.

Kung hindi pa lang ito bata, kanina pa ko ito pinatulan! Sigaw sa kanyang isipan.

Napangisi si Sharlene noon.

"Charlie!" Napalaki ang boses ng kanilang boss, pinapakalma nito ang sarili. "Please, let me talk to your mom." Sabi nitong naging malumanay ang boses.

Tumango naman si Charlie.

"Huwag mo akong hahawakan! Monster!"

Hindi na lang hinawakan ni Siera ang bata, inilayo na muna ni Siera ang bata sa nagbabangayan na magulang.

Ilang ulit na niyang nagdesisyon na umalis rito sa kompanyang pinagtatrabahuan niya, pero wala naman siyang mahanap ng isang kompanya na malaki- laki ang offer kung saan mataas ang posisyon niya ngayon.

Saka, mag - aadjust na naman siya sa mga kasamahan niya, kaya hindi niya maiwan - iwanan ang kompanya, dahil sa mga taong nakakasama at nakakasalamuha niya sa iisang trabaho. Baka pag umalis siya, hindi na siya makakaramdam ulit na ganitong mga ka- teamate sa trabaho.

Inakbayan niya lamang si Siera, ang bata naman, umupo sa isang sulok na minamasdan ang dalawang nagbabangayang tao.

Umiiyak na naman ito. Wala silang magawa dahil ganoon palagi ang eksenang nakikita ng bata sa isang relasyon ng kanyang ama.

"Huwag mo na munang lapitan si Charlie." Pabulong niyang sabi.

Tumango na lamang si Siera, nakita niyang namumugto ang mga mata nito at nakita nita ang mga pasang natanggap nito kahapon, dahil sa pisikalan na nangyayari.

Saka, hindi kasalanan ni Siera na may pasa ang bata, kasalanan iyon ng inang si Sharlene, isinama ng bata ito papalabas ng kompanya kahapon.

Pinigilan ito ni Siera dahil hindi alam iyon ng ama, pero sinampal lang ito ni Sharlene na pinagsasabihan ng masasakit na salita. Pati ang batang si Charlie ay gustong sumama sa ina nito.

Pagbalik ng bata sa kompanya, hindi na chineck ni Siera iyon, at hindi alam kung bakit nanghihihna ang bata nang ito'y makabalik sa kompanya.

Iyong sugat na natatamo ni Charlie ay kagagawan ng kanyang ina. Iyon ang kanilang paniniwala.

Umiling na lamang siya. Napakagulo ng mundo ng relasyon na kanyang boss at ng babaeng modelo.

Makikita mo talaga ang ugali ng isang tao kapag nagkaroon ito ng anak. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

Alam ni Grizelle ang nakaraan ni Siera sa karelasyon nitong si Casper. Noon pa nagdududa na siya kay Casper Roa Domingo, isa ito sa pinsan ng kanilang boss. Noon pa nagdududa na ito sa ugali.

Minahal ni Siera si Casper, sobrang mahal pa nga sa sarili nito.

Napabuntong- hininga na lamang si Grizelle kapag naiisip niya iyon. Alam niyang sobrang lambot ni Siera sa taong pinagkakatiwalaan nito. Ganoon itong tao, hindi ito agad nagbibigay ng isang hinala sa tao. Kaya iyon ang pagkakamali nito sa tatlong taong pangyayari.

Hindi rin siya naniniwalang pinakuha ni Siera ang bata sa sinapupunan nito. Alam niyang may ginawa si Casper kay Siera at si Siera ang nabuntunan noon. Hindi niya makakalimutan ang mukha ni Siera noong nagbubuntis ito, sobrang saya nitong nalaman na buntis ito, sobrang inaalagaan nito ang sarili at minsan madalas ang check - up nito. Kaya hindi siya naniniwala na ginawa iyon ni Siera.

Noong nalaglag ang bata, hindi nila nakakausap ito, si Driele lang ang nakakaalam sa lahat. Tikom din ang bibig ni Driele, pero nakikita niya sa mga mata nito ang galit, hindi galit kay Siera kundi sa pamilyang Roa at Domingo.

Mabuti na lamang at hindi nagpamatay si Siera sa pangyayaring iyon. Napabuntong- hininga naa lamang siya, siguro dumaan din ito sa malubhang depresyon, akala niya bibitawan nito ang posisyon at akala rin niya magkakakaroon ng termination, kaya hindi nagkaroon ng termination ay para pabanguhin ulit ang pangalan ni Casper.

What a bullshit! Kapag nakita ko ulit ang lalaking iyon, God knowz what will happened. Napasabi sa kanyang isipan, napailing- iling na lamang siya.

Tiningnan niya si Siera na may ginagawa sa desk nito, panay lingon kay Charlie kung ano ang ginagawa.

Umalis na ang babaeng si Sharlene, sinipatan pa niya si Siera.

"Mom!" Tawag ng bata sa ina nito.

Wala itong narinig na tinatawag ito, tuloy pa rin ito sa paglalakad.

"Please don't leave me!" Pagmamakaawa nito.

Gusto sanang pigilan ni Siera ang bata, pero hinila niya ang braso sabay iling na hayaan na muna ang bata. Sumunod naman ito sa kanya.

"Charlie! Stay!" Utos ng ama nito.

Umiiyak lang ang batang pinagmamasdan ang ina nitong lumalayo sa kanya. Naawa man siya kay Charlie, pero mas naaawa siya kay Siera ngayon.