1 Prologue

"Ma!", malakas na pagtawag ni Andrew sa kaniyang ina na nasa loob pa ng nasusunog na bahay.

"Patayin niyo na ang sunog! Ano ba ang pinaggagagawa ninyo ha?!", galit na usal niya habang winawasiwas ang water pump.

Maya-maya pa ay natupos na ang apoy kaya nagmadali siyang pumasok subalit wala na siyang naabutan. Napaluhod siya at nagsimula nang bumuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Wala siyang nagawa kundi ang sumigaw at umiyak. Ngayon ay wala na ang nag-iisang sumusuporta sa kaniya sa buong pamilya at ang number one fan niya.

Nang makabawi ng lakas, pinuntahan ni Andrew ang studio niya at ipinaalam sa lahat na ititigil niya na ang pagkanta. Marami ang nagulat at pinigilan siya pero hindi siya nakinig. Pumunta siya sa karagatan at nagtangkang magpakamatay.

"Wala nang kwentang mabuhay pa..."

Mga huling salitang binitawan niya hanggang sa nalunod siya at hindi na matanaw.

avataravatar
Next chapter