webnovel

Since Day One

Do you believed on love at first sight? Of course you do.Every person fell Inlove at first sight.Naniniwala din ba kayo na tadhana ang mag pakana pag nagkikita kayo on exact places and time?

Honeyahh · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Twenty Nine

THIRD PERSON'S POV

Hindi mapakali si Meisha habang tinatanaw ang kalagayan ng kaibigan na patuloy na binubuhay ng mga doktor at nurse. Napahid niya ang luhang tumulo dahil sa matinding kaba.

MEISHA

[Flashback]

Napatakip ako ng bibig dahil nakita ko sa tv ang kalunos-lunos na sinapit ng mga pasahero sa eroplano mula Chicago. Ang mas masaklap pa ay kasama roon sina tita Sheilla at tito Kristoff. Agad kong ni-dial ang number ni Shein dahil sigurado ako na nahihirapan siya ngayon, walang sumagot kaya sinunod ko kay Thor pero wala paring sumagot.

Hindi ako mapakali dahil baka ano nang nangyayari doon kaya gagawa ako ng paraan. Pinuntahan ko ang isa sa mga kaibigan ni daddy na nakasama ko sa ilang araw dito sa Mindanao.

"Kuya! Puwede po bang umuwi ako sa manila? Tapos na naman po ang rescue kaya baka sakali puwede na?"

"Oo naman iha! Kung gusto mo nang umuwi ngayon hindi kita pipigilan. 'Yung iba kase ipagpapabukas pa ang uwi nila kase pagod lahat"

Nagliwanag ang mukha ko "Salamat po!" sabi ko saka kinuha ang mga gamit ko at umalis na sa lugar at naghintay sa bus station.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at nakasakay na rin. Two hours ang byahe patungo sa airport kaya sinamantala ko iyon para matulog muna.

****

Bumaba na ako at mabilis na naglakad sa entrance ng airport, ni check pa muna ang bagahe ko bago ako pinapasok mismo sa loob. Walang masiyadong tao kaya mapapadali ang pagbili ko ng ticket.

Ilang sandali ay nakabili na ako at maghihintay na lang ang eroplano ko.

Napatingin ako sa phone ko nang nag ring iyon.

"Hello?" sagot ko rito

"Mei!" boses ni Thor "Nasa Mindanao ka pa rin ba?"

"Nasa airport na ako. Papunta na ako diyan, bakit?"

"Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa parents ni Shein 'di ba?"

Bigla na lang lumungkot ulit ang sistema ko. Para ko na rin kasing barakada ang mag-asawang iyon, minsan nga naglalaro kami kasama si Shein sa bakuran nila.

"Oo. Kumusta siya?" tanong ko

"Hindi ako sure kung okay lang ba siya. She passed out lately. Natutulog na siya ngayon sa kuwarto niya, umalis muna kami ni ate Rielle kase baka gusto niyang mapag-isa. " wika niya.

"O sige, uuwi na ako diyan, ako na ang bahala sa kaniya"

"Okay. Mag-iingat ka"

"Sige." at saka pinatay na ang tawag.

Pinatawag na ang mga pasahero kaya tumayo na ako at naglakad pasakay sa eroplano. Nang makaupo na ako sa upuan nitong eroplano ay napatingin ako sa bintana. Iniisip kong ano ang huling nasa isip ng mag-asawa bago sila namatay. Nabalitaan ko kasi mula sa kanila daddy na pumunta sila sa Chicago upang maghanap ng donor ng kanilang anak. Unfortunately, nakahanap nga sila ng donor at pusong ipapalit kay Shein pero nung dalhin na papunta dito sa pinas ay hindi lang parents ang nawala kay Shein, pati na rin pag-asang mabuhay ng matagal.

Bakit ba kase kung sino ang mga mababait na tao sila pa ang kinukuha ng may-kapal? I found it unfair, people with kindness should live more years than those criminals who always commited crimes. Tama nga siguro ang kasabihan na 'ang mga masamang damo ay matagal mamatay'.

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana na ngayon ay nasa himpapawid na. Nakikita ko ang mga ulap na halos kainin ang eroplanong sinasakyan ko sa kakapalan, buti na lang walang thunderstorm ngayon kundi mag-papanic talaga ako kapag umulan.

"You want anything ma'am? Drinks or you want something to eat?" napalingon ako sa nakangiting flight stewardess na nag-offer sa'kin.

Ngumiti ako ng tipid at tumango "I like something to drink. Can I have a bottle of orange juice?"

"Yes ma'am!" kumuha siya sa ilalim ng tinutulak niya na hindi ko alam ang tawag doon at hawak niya na ang isang orange juice. "Here's your orange juice ma'am" she handed me the juice.

I accepted it " Thanks"

"You're welcome!"

Ininom ko na kaagad ang juice saka tumingala.

'Sana ayos ka lang, Shein. '

******

After three hours of riding a plane, I reach the Manila again. Namiss ko ang simoy ng hangin dito, sa Mindanao kase puro fresh air ang nalalanghap ko hindi katulad sa manila na amoy kalawang, alikabok at polluted talaga— sa akin lang naman.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at nagpara agad ako ng taxi patungo sa ospital kung nasaan si Shein. Wala kase sila sa hospital namin dahil puno ang mga pasyente parati doon. I gave the address to the taxi driver and he started the engine through hospital.

Ilang minuto lang ang biyahe at nakarating na ako. Hinarang pa ako ng security.

"Check lang po ma'am" sabi niya

Binuksan ko ang bag ko at chineck niya iyon. "Okay na po" pumasok na ako sa loob at hinanap ang counter ng mga nurse para magtanong.

"Miss saang room si Kristal Shein Hawkstone?" tanong ko rito.

"Sandli lang po ma'am" agad niya hinanap sa isang book ang pangalan "Sa room 309 po ma'am"

"Salamat" sabi ko saka tumakbo papunta doon. Nahirapan pa ako dahil may maliit pa akong maleta.

Hinanap ko ang 309 na room kung nasaan siya, nang mahanap ay huminto ako sa harap ng pinto. Nakasara iyon at kahit sa labas ay ramdam ko ang walang buhay na awra nun.

Kumatok ako pero walang sumasagot. Nakailang katok ulit pero wala parin. So I decided to open it and to my surprise it wasn't lock.Napakadilim ng ward kaya wala akong makita kahit ano. Kinapa ko ang switch at pag pindot ko nun ay laking gulat ko nang makita si Shein na nakahawak sa dibdib niya at nahihirapang huminga. "Shein!"

Sigaw ko sa kaniya at nilapitan siya. Nakapikit na siya at tinapik ko ng ilang ulit ang mukha pero nakapikit parin siya. Napansin ko ang intercom sa gilid ng kama niya kaya ginamit ko iyon

"NURSE!! DOC!! PLEASE HELP ME IN ROOM 309. SOMETHING'S HAPPENING!! PLEASE!!!" halos lumabas na ang ribs ko sa kaba dahil hindi na minumulat pa ni Shein ang mata niya.

Maya maya ay dumating na ang mga rerespande at kasama si Ate Rielle at Thor doon.

[End of flashback]

*****************

"Bakit ang tagal?! Shein!!" umiiyak na sambit ni Thor habang nakatayo sa harapan ng salamin na pagitan namin mula sa loob.

Hinawakan ko ang balikat niya "Thor, kakayanin ni Shein 'yan. Manalangin lang tayo" pampalakas loob kong sabi sa kaniya

"Hindi! Hindi siya puwedeng mamatay!" kinakapalampag niya ang salamin.

"Shein..." hinang-hina na banggit ni Ate Rielle sa kapatid.

Nakakalbo na siya pero maganda parin si ate. Buto't balat na rin siya hindi katulad dati na ang lusog niya. Nilapitan ko rin siya at inalalayan na makatayo mula sa wheelchair niya.

"Ate... sana nagpahinga na lang kayo.."

"Hindi ko iiwan ang kapatid ko. Nawala na ang mga magulang niya kaya nandito akong natitira sa kaniya" tumulo ang butil ng luha niya.

Hinagkan ko na lang siya. Kahit ako ay napaiyak na rin dahil sa saklap na dinadanas nila.

Isang iglap ay tumunog ang monitor kung saan may linya. Kung kanina na pababa ng pababa ang linya, ngayon na man ay tumataas ito.

Napaluhod si Thor dahil sa labis na kaligayahan.Tama nga ako na hindi kami iiwan ni Shein.

"Mei..." narinig ko si ate na nagsalita kaya napalingon ako sa kaniya. Iniupo ko muna siya sa wheelchair niya.

"Ano po 'yun?"

Ngumiti siya "S-sigurado a-akong mabubuhay pa siya" si Shein ang tinutukoy niya "G-Gagawin ko ang l-lahat.." hinang-hina niyang saad

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

THOR

Nakita ko sina Mei at ate Rielle na masinsinan na nag uusap mula sa malayong upuan. Tumingin ko si Shein na payapang humihiga sa kama na may mga tubong nakakonekta sa katawan niya. Sino ba naman kase ang mag aakala na lalaban siya? Matapos ang mga nangyari sa buhay niya, akala ko sumuko na siya. Ayaw ni Shein na nakikita niyang umiiyak ako dahil sa kaniya dahil nung huling umiyak ako ay ito ang sinabi niya "Hindi pa ako patay kaya huwag kang umiyak. Saka na lang kapag binababa na ako sa lupa ,okay?"

Pinahid ko ang mga luhang kanina pa agos ng agos. "Sinabing magagalit siya eh!" saway ko sa sarili.

"Hoy para kang tanga!" nabigla ako sa pagsulpot ni Mei sa tabi ko.

"Para kang palaka na sumusulpot na lang!" singhal ko sa kaniya. Nagdugtong ang kilay niya

"Sumusulpot ba ang palaka?"

"'Yung iba hindi! Pero ikaw oo!"

Hinampas niya ako "Isusumbong talaga kita kay Shein!"

Napansin niya na natahimik ako kaya siniko niya ako "Huwag kang mag isip ng masyado, okay? M-Mabubuhay siya! Mabubuhay siya..." umiiyak niyang sambit.

"Hindi tayo nakakasiguro, Miesha. Sabi ng doctor kanina 50-50 ang chance na meron tayo"

"Mabubuhay siya, magtiwala ka" tinapik niya ang balikat ko. Determinado talaga siya ng sinabi iyon.

"Walang donor or organ na nahanap kaya paano tayo nakakasiguro?" baka kase pinapanatag lang nito ang loob ko.

"Nakahanap na... malapit.... na.." umiyak na naman siya "Sige, ihahatid ko lang si ate sa ward niya" paalam niya.

Sinundan ko siya ng tingin habang tinutulak ang wheelchair ni ate patungo sa katabing ward ko.

Sana nga may chance pa. Mahal na mahal ko si Shein kaya hindi ko alam kung kakayanin ko sa oras na bumigay siya. Siya lang ang nasa tabi ko parati at hindi ako sanay na hindi siya nakakausap o nakikita sa isang araw.

"Pagaling ka, Shein... I love you, since day one." ngumiti ako habang nakatanaw sa kaniya.

SHEIN

Hindi ko alam kung saan. I can only see the darkness all around me. It was like the dark eating me. Napatingin ako sa isang butas kong saan may liwanag na tumagos. Nilapitan ko iyon at sinilip. Wala akong makita kundi puro puti. Wait, where am I? Is this a dream?

"Yes, Shein. This is your dream" napalibot ako ng tingin ng marinig ang boses na iyon.

Gusto ko siyang makita upang hagkan, halikam at sabihing mahal ko siya. Miss ko na siya— sila.

"M-Mom?" umiiyak kong banggit.

"Yes, my child. Si mommy nga ito. Listen, okay?" nililibot ko parin ang paningin ko baka sakaling makita ko siya pero dahil nababalot nga ng kadiliman ang paligid ko at ni isang parte ni mommy ay hindi ko mahagilap "Huwag kang susuko dahil may paparating na pag-asa para sa'yo. Nabuhay ka sa pangalawang pagakakataon, anak. Maging matatag ka hanggang sa dulo"

"But mom... I am not like ate Rielle who is sturdy! I am just a girl with strong personality!" giit ko

"anak, huwag mo sabihin iyan. Pareho kayong matatag ng ate mo. Kahit hindi ako ang nagpalaki sa kaniya ay alam kong parehong pareho kayo ng pananaw sa buhay. Mabuhay ka anak para sa kanila, sa kanilang naghihintay na bumalik ka. Hope is just waiting for you.. hope is just around you, anak. Huwag kang mag-alala dahil your hope will come soon.." wika ni mommy.

Napahagulgol ako "Mom?! Mom, where are you? Please, come out. Daddy! Are you here too?! Please answer me!!!!!!!" sigaw ako ng sigaw pero tanging echo lang ng boses ko ang maririnig sa malawak na kapaligiran na ito.

"I will survive , for mom, dad, ate Rielle , Meisha and Thor. I want to live because mommy wished to. I don't want to die, I want to live more years and discover more! " tanging nasambit ko bago ako nilamon ng tuluyan ng nakakasilaw na ilaw.

THIRD PERSON'S POV

Dahan-dahang gumalaw ang daliri ni Shein. Napalaki ang mata ni Thor ng nakita niyang biglang dumilat si Shein.

"Shein?" mahina niyang sambit sa pangalan ng kasintahan.

"Shein!!" sabi niya ng masiguro ngang gising na ito.

Agad na rumesponde ang nga doktor sa pasyente at chineck muna ito kung maayos na talaga siya.

Nang masigurong wala ng problema ay kinausap ng doktor si Thor.

"We need to conduct the operation as soon as possible. Her heart only last in few more days, she will definitely encountered shortness of breath. Mr. Harrington, I suggest you to find a heart organ before she closed her eyes and stop her heartbeat... forever" tinapik nito ang balikat ng binata.

Kahit gising na ang dalaga ay malungkot parin siya dahil araw na lang ang natitira sa kaniya.

Si Miesha naman ay halos liparin ang kuwarto ni Shein sa pagamamadali ng malamang gising na ito.Naabutan niya doon si Thor na kinakausap ang kababata.

"Shein!!" sabik na tawag nito.

Napangiti ang kababata "Meisha.." mahinang sambit nito.

"Kumusta ka na? Ayos na ba ang kalagayan mo?" nag-aalalang tanong nito.

"Hmmm.... I'm totally fine" kahit hindi naman.

"I'm glad you're already awake!" gustuhin mang hagkan ang kaibigan ay hindi niya ginawa dahil baka hindi siya makahinga.

"Magpahinga ka lang muna, Shein. Mag-uusap lang kami ni Mei sa labas" sabi ni Thor at hinalikana ng noo ng kasintahan.

"Ok" sagot naman ni Shein.

Lumabas na ang dalawa upang mag usap "Ano iyon? May sinabi ba ang doctor?" si Meisha.

"Oo. Sabi niya a-araw na lang ang natitira kay Shein" napayuko ang binata.

Si Meisha naman ay napatakip ng bibig sa gulat at lungkot at the same time. "P-paano na ito?" sabi niya.

Kapwa natahimik ang dalawa pero nabasag iyon sa dalawang boses na nagmula sa malayo. "Shein!!" si Ken at Shine.

"Kenneth, Sunshine!" tawag ni Thor sa kanila.

"Thor! Kumusta na si Shein?" nag-aalalang tanong ni Shine

" Nagpapahinga na siya sa loob. Bukas niyo na kang kausapin dahil hindi niya pa kaya"

"Ikaw? Kumust ka na?" si Ken

"Ayos na ako. Natanggal na 'yung semento sa paa."

"Semento?" singit ni Mei "Naaksidente ka ba?"

"Teka, sino 'to?" curious na tanong ni Ken.

,

"By the way ,this is Meisha, my childhood friend and also Shein's bestfriend. Mei, this is Kenneth, my bestfriend in highschool and Shine, Shein's classmate. And hindi ako naaksidente dahil sadya iyon" wika ni Thor

"Nice meeting you" nakangiting sabi ni Ken na aakalain mong nagpapacute. "H-hi?" si Shine.

"Hello sa inyong dalawa. " sabi naman si Mei na hindi makatingin kay Shine dahil magkakilala ang dalawa pero hindi nag uusap kaya nag iilangan. "Sa susunod Thor kung may pakulo ka, huwag mo lang bali ang gawin mo! Tumalon ka nalang sa building, mas absord pa" biro naman ni Mei

"Baliw!!"

Tumingin si Thor sa dalawang lalaki.

"O sige na doon muna kayo sa loob para may magbabantay kay Shein. Ako naman kukuha ng makakain natin" si Thor.

Tumango ang dalawa at pumasok sa ward ni Shein at naupo sa couch.

"Ako na ang magbabantay kay ate Rielle" presenta ni Mei.

"Thanks!" sabi ni Thor.

"Sige bye!"

Nagpaalam ang dalawa sa isa't isa bago pumunta kung saan sila pupunta.

So guys kung napapansin niyo na medjo mabahaba ito it's because naisipan kong habaan ang last 2 chapters. I decided to make it 30 chapters kaya konting kapit lang epilouge na.

Honeyahhcreators' thoughts