webnovel

Since Day One

Do you believed on love at first sight? Of course you do.Every person fell Inlove at first sight.Naniniwala din ba kayo na tadhana ang mag pakana pag nagkikita kayo on exact places and time?

Honeyahh · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Twenty Four

SHEIN

I was stunned by what I saw. Thor with a girl? At ang mas masama pa nakaakbay siya! I know that I don't know yet the situation but damn! My imagination attacks me! Agad ako bumaba ng building at nagtungo kung saan sila papunta.Medjo malayo na sila kaya naman binilisan ko. I'm out of air that's why I decided to stop. Makikita ang galit sa mata ko , taas-baba ang dibdib ko at nakakuyom ang mga kamao. Nakita ko silang lumiko mismo sa likod ng gymnasium. Dali dali ko silang hinabol , sigurado ako na ang babaeng kasama niya ay hindi niya kamag-anak or friends dahil siya mismo nagsabi sa'kin na nasa states ang mga pinsan niya at isa sa isang taon lang umuwi, wala naman siyang ibang babae na kaibigan maliban kay Meisha na nasa Mindanao.

Is it her? Iyan ang paulit-ulit na tanong ko sa isipan.Hindi kaya siya ang babaeng sinusundan ni Thor sa Valester University? I wish I was wrong...

Nasa malapit na ako ng gym ay halos lumabas ang puso ko sa kaba? Paano kung makita ko silang..? No. Thor wouldn't hurt me. No,he won't. Kinukumbinsi ko ang sarili habang lumalakad ako papalapit sa kinaroroonan nila.

Isang iglap ay nakarinig ako ng ungol. Ungol ng aso? "Hmmm..." iyan ang naririnig ko kaya naman lumapit ako ng husto at hinawi ko ang mga plywood na nakatakip saka sumilip. Nung una hindi ko pa alam ang ginagawa nila kase masyadong maliit ang butas pero noong nakaadjust na ako ay napatakip ako ng bibig. Si Thor ay nakikipaghalikan sa isang babae! Ang masaklap pa hindi niya man lang pinipigilan ,parang sarap na sarap pa siya!

Akala ko tama ang mga iniisip ko tungkol sa kaniya pero mali pala. Tumulo ang mga luha ko sa aking mata, napatakip ako ng bibig upang hindi nila marinig ang hikbi ko.Makakaistorbo lang ako ,nakakahiya lang. Agad kong pinahid ang luhang rumaragasa at parang ayaw tumigil, pinilit kong tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad papalayo nang tulala.

Lakad lang ako nang lakad, hindi ko alam kung nasaan na ako. Isang iglap ay may narinig akong sumigaw ng pangalan ko dahilan upang bumalik ako sa ulirat. Nakita ko ang isang kotse na mabilis umaandar patungo sa direksiyon ko, ipinikit ko nalang ang mata ko at naghihintay nang masagasaan .Hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak ko sa mainit na semento.

******

Unti-unti kong idinilat ang mata ko.Una kong nakita ay puro puti. Napangiti ako ng mapakla, nasa langit na ako? Mabuti naman.Tumatawa ako ng tawa kasabay ng pagtulo ng luha ko.Naalala ko na naman siya, alam kong isang beses niya palang akong nasaktan pero ang unang beses na ito ang pinakamasakit sa lahat ng sakit na naranasan ko.Puso lang naman ang maaring maapektuhan ah, pero bakit pati buong sistema at kalukuwa ko nadamay? I gave my all to him but he just broke all of them 'Sabi niya dati kapag may nanakit sa'kin siya ang sasapak'.Tumawa ako. ' He better punch himself now'

"Doc ganiyan ba talaga ang nagiging resulta kapag nabagok ang ulo? Nababaliw?" may naririnig akong boses na pamilyar sa'kin. Teka! Huwag niyon sabihin na may kasama ako sa langit ngayon? Anghel ba o si God? "Siguro nasobrahan lang sa pagkabagok ang ulo niya , mister Villegas pero she's okay" narinig ko pang isa. Ang totoo? Nasa langit na ba talaga ako?

Dahan dahan kong ginalaw ang mga daliri ko.Okay pa naman sila. Napabalikwas ako ng marinig ang isang boses "Nasaan siya?!" rinig kong sigaw niya mula sa labas. So, I was wrong, nasa hospital lang pala ako.Sayang...

"Papasukin niyo siya" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko doon si Villegas, may mga benda ang kamay nito at may sugat sa noo. "anong nangyari sa'yo?" hindi ko maiwasang magtanong.He just glared at me, disgusted " Ask your self, idiot" sabi niya sa'kin.Napakunot ako ng noo, bwiset na ito siya na nga tinatanong kung anong nangyari sa kaniya siya pa itong iritable?!

Biglang bumukas ang pintuan ng ward at pumasok ang lalaking naging dahilan ng pagkawasak ko "What are you doing here?"malamig na tanong ko sa kaniya. "What? I came here all along because someone told me that you got into an accident! Tapos tatanungin mo ako kung bakit ako nandito?" he said frustrated. Tuwing napapatingin ako sa mukha niya pati na rin sa labi niya ay nasusuka ako.

Tiningnan ko siya deretso sa mata.All I can see is his worried face—another lies. "Villegas lumabas ka muna" utos ko kay Kenneth na nakaupo katabi ko "Ha? Dito lang ako" I used my deadly glare to him kaya naman napakamot muna siya ng ulo bago umalis. Tiningnan ko mula ang puntangingang—sorry sa profanity but I can't stop it! I want to say all the profanities in the world to him. For made my heart die, For made me believed on all the lies he said to me, for made me feel I am the only woman in his life—to all the lies and lies and lies.

"Why? Why of all the people why me? Why?!" galit na sabi ko. Tumulo ang luhang nagbabadya, hindi ako makahinga, hinabol ko ang hininga ko upang makahinga ng maayos "Shein, Ano bang-" pinatigil ko siya "Stop! Stop to all your lies! Stop it! Stop worrying me! Stop..." kinagat ko ang labi ko

"Ano bang sinasabi mo?" tuluyan na siyang naubusan ng pasensiya sa'kin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo!"

Napatawa ako ng mapakla "Yeah? Hindi mo alam? Pero ako alam na alam ko! Puntangina ka! Hindi ka pa nakontento sa labi ko at nangbiktima ka pa nang iba!" sigaw ko sa kaniya. Nahalata ko ang gulat sa mukha niya. "S-Shein that was just a m-misunders-" pinatigil ko siya ulit "What?! Misunderstanding?! Paano mo ipapaliwanag ang pagpalapat ng labi niyo at ang pagpabaya mong maghalikan kayo?! Sige ipaliwanag mo nga dahil kahit science ay nagsasabing hindi misunderstanding iyon!"

Akmang lalapit siya sa'kin pero itinapat ko ang kamay ko sa kaniya dahil upang matigil siya "Stop! Please..stop already....I can't...i-Can't..breathe .." hinihingal ako sa pagsasalita, taas-baba ng dibdib ko. "Shein are you okay?" natataranta niyang tanong sa'kin.

Hindi ako makahinga.Napahawak na lamang ako sa tapat ng dibdib ko.Sumisinghap ako ng hangin pero parang walang pumapasok sa baga ko.Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko at nararamdaman ko ang pagbagal ng tibok nito. "Shein! Tulong!!" iyan ang huling narinig ko bago dumilim ang lahat.

THOR

Hindi ako makapakali.Pabalik balik ako sa tapat ng pintuan ng Operating Room. Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko! Shit! I know that this would happen. Sana...sana hindi ko na lang sinunod si Zyra...sana... sana hindi nangyari kay Shein ang ganito.

"Shein?! Nasaan si Shein?!" narinig ko ang palahaw ni Tita mula sa malayo kaya naman tumakbo ako papunta doon. Nadatnan ko sila ni tito na tumatanong sa front desk. "Tita..tito.." tawag ko sa kanila. Lumingon sila sa'kin nang luhaan "Thor! What happened to my daughter?!" tarantang tanong ni tito. Napatingin ako sa soot nilang damit na halatang galing sa bakasyon dahil naka scarf pa at nakacoat silang dalawa "Nasa OR po siya ngayon" bigla nila akong iniwan at tumakbo sa OR.

Sumunod ako sa kanila at nadatnan kong umiiyak ang mag-asawa.Ano ba kasing nangyari? Bakit parang hindi makahinga si Shein?

Nakuyom ko na lamang ang kamao ko dahil naalala ko ang dahil kung bakit nangyari kay Shein 'to.

Nagbibihis ako sa locker room nang may naramdaman akong tao sa likod ko. Akala ko ay isa sa mga teammate ko kaya naman hindi na ako nag atubili na maghubad dahil lalaki din naman siya. Nang makasoot na ako ng bagong damit ay bigla itong nagsalita "Nice body" malandi nitong sabi. Otomatiko akong napaharap sa kaniya "Anong ginagawa mo dito?!" hindi na ako nakapagpigil ng galit. Pati ba naman dito nakasunod siya?! "Bakit? Ayaw mo ba? " malambing ang boses niya at saka pinulupot ang braso sa braso ko pero hinawi ko iyon na naging dahilan ng pagtawa niya.

"Hahahaha hanggang ngayon ba naman Thor? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na gagawin ko ang lahat upang maging akin ka?"

"Wala akong oras para sa mga kalokohan mo, Zyra. Kaya please, umalis ka sa harapan ko"

Tumawa siya "Papaalisin mo'ko? Baka kapag pinaalis mo ako ay magsisi ka?"

Kumunot ang noo ko "Just like what I've said. Get out of my sight! "

"Nakalimutan mo na bang nasa akin ang ace? Baka kapag naipakita ko ito sa girlfriend mong dumb ay mamatay iyon! " tumawa siya nang tumawa.Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya naitulak ko siya sa locker,ngumiwi siya sa sakit pero ngumisi din kalaunan. Damn! this girl is a psycho!

"Hahalikan mo na ba ako Thor? Kase kung oo nakahanda na ako" inilapit niya ang mukha sa'kin pero bigla ko siyang hinawi kaya napaupo siya sa malamig na sahig. "Talagang ayaw mo? Hmmm Let's see" bigla niyang inilabas ang cellphone niya at may ipinakitang litrato. Nanlaki ang mata ko.It was me kissing her! "Sinong kumuha niyan?!" kinuwelyuhan ko siya.Wala akong pake kung babae pa siya, galit ako ngayon. "Chill! Nuh-uh hindi ko din alam kung sino ang kumuha nito eh pero may tanong ako at kailangan sagutin mo"

Naikuyom ko ang kamao ko, nararamdaman ko ang ugat sa leeg ko na bumabakat " Fine!"

Ngumisi siya " papayag ka bang Halikan mo ako..?"

Akmang ilalapit ang mukha nito ngunit agad akong umiwas " Okay I have no choice kundi ipagkalat ito sa buong campus, sigurado akong mag-vi-viral ito" excited niyang saad.

Ayaw kong magtaksil kay Shein pero isa lang ang naiisip kong paraan para matigil siya sa kahibangan. Sorry Shein..Kapag nakita mo ang picture na iyan alam kong masasaktan ka kaya sorry sa gagawin ko.Don't worry this is the last thing I will do this.

"Hindi dito.Doon tayo sa likod ng gym" sabi ko aa kaniya.Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagngisi niya. "Tara na." malamig kong sabi at nauna nanag maglakad pero sumabay siya sa'kin at kinuha niya ang braso ko saka iniakbay sa kaniya.Pinabayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Naglalakad kami ngayon papunta sa likod ng gym, wala namang tao kaya walang magsusumbong. Malaki ang magiging kasalanan ko nito kay Shein kaya hinihiling kong mapatawad niya ako

'Mahal na mahal kita Shein.Since Day One'— iyang ang huling sambit ko bago kami naghalikan ni Zyra.