webnovel

Since Day One

Do you believed on love at first sight? Of course you do.Every person fell Inlove at first sight.Naniniwala din ba kayo na tadhana ang mag pakana pag nagkikita kayo on exact places and time?

Honeyahh · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Seventeen

SHEIN

"Kuya,Levi..Kuya.."tawag ko kay kuya.

Nakatulog kase siya sa upuan habang nakahawak sa kamay ni ate.

"Hmm?"Ungol niya.Mukhang pagod na pagod na si kuya.

"Umuwi nalang po muna kayo..Ako na bahala kay ate"pahayag ko.

Inangat niya ang ulo niya "S-shein?" umayos siya ng upo "Sorry nakatulog ako."

"Okay lang naman po.Kung gusto nyo na pong magpahinga,puwede na po kayong umuwi at isa pa may class ka pa bukas"

Tumayo siya "Salamat talaga,Shein.Sige uuwi na muna ako pero ako ang magbabantay sa kanya mamayang madaling araw.May ka din 'diba bukas?"

"Opo,pero.."

"Huwag kang mag alala.Nasabi ko na sa Homeroom teacher ko na aabsent ako ng dalawang araw"

"Sige po.."sabi ko saka umupo sa couch. "Huwag po kayo masyadong mag alala kay ate.Matatag 'yan,hindi nagpapatalo sa sakit lang"

Nakit kong ngumiti si kuya "Sana nga matapos na 'tong pinagdadaanan ni Rielle.Gusto ko nang mag sorry sa lahat ng nagawa ko."may tono ng panghihinayang na sabi ni kuya "Sige alis na ako,Shein.Ikaw na muna bahala sa ate mo.Call me if something's wrong"

"Opo."

Lumabas na si kuya at kami nalang ni ate ang natira sa loob.Si Thor pinauwi ko na rin kahit nagpupumilit na samahan ako,pero sinabi kong hindi ko siya sasagutin pag hindi niya ako susundin.Kulang na lang nga kanina tawagan ko ang parents niya para kunin siya eh.Napangiti ako sa mukha ni Thor sa isip ko.Para siyang bata na nagpupumilit na bumili ng candy hahaha.

Biglang tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko ito.Si Meisha ang caller.Bakit kaya napatawag ang isang ito sa 11pm ng gabi?

"Hey"bati ko

"Shein! Why didn't you tell me?!"sabi niya

Umiiyak ba siya?

"Tell you what?"

"About ate Rielle!God! kung hindi pa sinabi ni Dad 'di ko nalaman."

Napakagat ako ng labi."Nakalimutan ko hehe"nagpeke ako ng tawa.

"Wengya ka! Nalaman ko rin na nandiyan 'yung bumaboy kay ate pero hindi mo man lang sinabi.Sana natulungan pa kitang bugbugin 'yun!"reklamo niya.

Napangiti naman ako "Tsk.Kung gusto mong makita si ate sana pumunta ka nalang dito,hindi 'yung itatawag mo pa.At isa pa mabait naman pala si kuya,narinig ko na rin ang side niya kaya no worries na."

"Tss.Pa'no ako makakapunta diyan eh nandito ako sa Mindanao!"

Kumunot naman ang noo ko "Anong ginagawa mo diyan? Sinundan mo 'yung crush mong si Rey?"

"Ehhhhh hindi! Pinapunta ako ni Dad para mag conduct ng rescue.Marami kaseng naaksidente sa pagsabog dito"ramdam ko ang lungkot niya.

Ganyan talaga si tito Klein.Si Mei ang pinapapunta niya if he's busy.Si tita naman ay busy sa isa pa nilang business kaya siya ang napagdeskitahan hahaha.Kahit 16 palang si Mei ay ang dami na niyang alam when it comes to Medication.

"Sige ingats ka diyan ha? 'Pasyente ang asikasuhin hindi si Crush"tatawang tawa kong sabi.

"Anong Crush? Naiwan diyan ang crush ko! And for your inform---"hindi niya pa natapos ang speech niya ay may narinig akong boses na tinatawag siya.

"Miss Meisha,kailangan na nating umalis"rinig ko "Okay..okay"sabi naman ni Mei.

"Shei..ibababa ko na 'to ha? Bye.I love you! Sabihan mo ako if ate Rielle's awake"

"Okay! I love you din.Ingat ka diyan!"

"I will."sabi niya saka binaba na ang linya.

So..Anong gagawin ko ngayon? Tutunganga? Hmmm..Arghhh wala akong maisip na libangan!.Wala naman akong games sa cellphone.Wala namang arcades dito sa ospital kase kung meron siguradong hindi ako bored ngayon.

Dahil wala akong magawa kakain nalang ako hehe.

"Ate Rielle,sandali lang po ako ha? Kakain lang ako"paalam ko kay ate.Sabi kase ni tito Klein,naririnig kami ni ate kahit mukhang tulog siya kaya minsan kinakausap namin siya.

~*~

"Isa po nito tsaka ito pa po.Thank you"sabi ko do'n sa tindera.Inabot niya na sa'kin ang mga gusto ko at inabot ko rin 'yung bayad.

Lumabas na ako ng cafeteria at pumanhik sa ward ni ate.

"Ate,I'm Home.Echos haha"tatawa tawa pa ako nung pumasok.Kaya lang bigla na lamang nahinto ang pagtawa ko dahil sa naabutan.Mukhang nagulat rin siya sa pagdating ko "K-kuya S-sef?"nanlaki ang mata ko.Paanong...?

Nakita kong hinalikan ni kuya sa labi si Ate!!

"S-shein?"

****

"Kuya,deretsahan nga tayo!"matigas na saad ko kay kuya na ngayon ay nakayuko na "May gusto ka ba sa ate ko?"

"S-Shein..."

"Sagutin mo!"

"Eh kung Oo.Mahal ko siya!"

Napahilamos lamang ako nang mukha "Pa'no...?"hindi makapaniwalang tanong ko."Sabi mo kuya tinuring mo siyang parang anak na! Pero bakit...Paano?"naguguluhang tanong ko.

Kaya ba siya sobrang taranta kanina? Jusko I can't imagine na nakasakay si ate habang wala ako kasama si kuya sa loob ng kotse.Alam ko naman na mabait na tao si kuya pero 'yung ginawa niya kanina ay nagpapatunay na we can't trust him.

Walang pamilya si kuya or meron man pero sabi niya kase dati wala.

"S-shein..Patawad kung naging mapusok ako.Hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko eh! 'Yung nakita ko ang nakabuntis sa kanya kanina ay parang gusto ko siya patayin.Pero sino ba naman ako para magselos? Tatay or kuya lang din siguro ang tingin ni Rielle sa'kin.Masakit kase hindi ko kayang ipagtapat ang nararamdaman ko"umiyak si kuya at lumuhod sa harapan ko.Nanlaki ang mata. ko at pinipilit siyang tumayo.

"Kuya,ano ba?! Tumayo ka nga diyan!"

"Hindi,Shein! Kailangan kong mag sorry sa ginawa ko.."

"Hindi ka dapat sa'kin nagsosorry! Kay ate! Grabe na talaga kayo! Una si Kuya Levi,ginahasa si ate tapos ikaw kuya na ninakawan ng halik habang walang malay?!"galit sa sabi ko.

Hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko eh.Sa dinadami dami ng lalaking pwedeng mainlove kay ate ay 'yung mga lalaking desperado pa? Nang dahil sa ginawa ni kuya ay umusbong muli ng konti ang galit ko sa gumahasa kay ate which is kuya Levi.

"Hindi ko sasabihin sa parents ko ito kuya..pero kailangan mo itong ipagtapat kay ate.Kailangan niyong pagbayaran ang mga kasinungalingan at panlilinlang niyo! Hindi niyo man lang inintindi ang lagay niya?!"umiling ako sa pagkadesmaya "Remember this kuya...May bone cancer si ate,instead na pasiyahin natin siya ay mas lalo lang siyang mag aalala pag nalaman niyang mag gusto ka rin sa kanya!"

"Sorry..."

"Hindi ko na alam kung anong makakabuti.Ang sabihin ang totoo o pagtakpan lamang ito hanggang sa mawala na iyang nararamdaman mo.Ikaw ang mag dedesisiyon kuya...para sa kapakanan ni ate."tinapik ko ang balikat niya "paparating na si kuya Levi,sana walang gulo na mamagitan sa inyo.Sana lang din huwag mong hayaan na pati si ate madamay sa pagiging karibal nyo."paalala ko bago lumabas.

Nag text na kase si kuya nung nasa cafeteria ako na pupunta na siya at siya na ang magbabantay hanggang mag tanghali.

Nasa hallway na ako nang makita ko siya.Nakangiti at mababakas ang kaligayahan.Ganito pala ang awra ng inlove ano? Kahit sa nalayo makikita mo ang kaligayahan. "Kuya!"tawag ko sa kanya.Lumingon siya sa'kin at ngumiti.Ngayon ko lang napansin na may basket siyang dala na may prutas. "Ikaw na ang bahala kay ate ha? Tawagan mo agad ako if may problema"

"Okay!"

"Sige una na ako"sabi ko saka tumalikod na pero nung may nakalimutan akong sabihin ay tinawag ko siya ulit "Kuya Levi!"

"Oh? May nakalimutan ka ba

Shein?"

"May nakalimutan lang akong sabihin.Si kuya Sef pala nasa loob,'wag kayong gumawa ng gulo."

Nagtaka naman siya sa'kin pero kalauna'y ngumiti narin. "Wala naman kaming pag aawayan 'diba? Hahaha sige na mauna kana baka mahuli ka pa sa klase"

"Ok po!"sabi ko saka tumalikod na palabas.

~*~

Nag commute lang ako papunts sa school.Ayaw ko munang makasabay si kuya Sef sa sasakyan,magiging awkward lang ang lagay namin sa loob.Kanina pinilit niya pa ako pero hindi ako pumayag,naintindihan niya naman siguro kung bakit ayaw ko muna siyang makasama.

Naglalakad ako sa field nang mag vibrate ang phone ko.It was Thor.Lakas din naman ng topak nanh isang 'to.Kanina nung naliligo ako nag text siya,ngayon naman nag text ulit,pero paulit-ulit lang din naman ang sinasabi.

Thor of Avengers:Kailan mo na ba ako sasagutin,Shein?

'Yan ang palaging text niya simula kanina.Masyado namang atat 'to! Nasa'n na 'yung sinabi niyang "Maghihintay ako"

Tumunog ang phone ko kaya sinagot ko without looking who's the caller. "Hello?"

"My Shein.."boses ni Thor.Mukhang pagod siya kase naririning ko na hinihingal siya.Hindi lang pala matalino 'tong Thor ko eh,athletic pa haha.

"Oh? Thor,napatawag ka?"tanong ko.Kaya siguro tumawag 'to kase ni isa sa text niya walang response.

"W-wala...I love you"napahinto ako sa paglalakad nang banggitin niya 'yun.Jusko t'wing sasabihin niya 'yung parang nasa commercial ako ng Cloud9.

"Oh? Anong nakain mo at bigla ka nalang nag I-Iove you?"

"Wala lang...basta tandaan mong mahal kita,kahit anong mangyari...mahal kita"sabi niya.Napanguso naman ako.Siguro pulang pula na naman ang pisngi ko at tenga.This man makes me crazyyyy!!!

"I-Iove you too"bulong ko ,marami na kasing mga kapwa ko students na nasa gilid ko.

"Hmmmm?"hindi niya siguro narinig ng klaro.

Nilapit ko sa bibig ko 'yung phone at bumulong ng "I love you,My Thor.."nakangiti kong sabi.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina "I love you more,so,sige na pumunta ka na sa class mo.Tawagan nalang kita pag magkita tayo"

"Ge.Bye"

"Bye,my Shein"sabi niya bago ko binaba.

Falling in love isn't a crime,but love can commit a crime.Like kuya Levi,he raped ate Rielle because of obssession that he called love.For me,love is dangerous,it's like a snake,if snake bite you,you only have two choices...die or request people help you.Pag pinili mo ang mahingi ng tulong sa iba posibleng magbago pa ang nararamdaman mo at mabuhay ka.'Pag die naman ang napili mo,makakalimutan mo lahat ng sakit,makakalimutan mong sinaktan ka ng ahas na 'yun,at higit sa lahat makakalimutan mong nagmahal ka rin ng taong mas higit pa sa lason ng ahas ang kamandag.

It's okay to not be okay:(

Even I don't have readers,I will continue this until the epilogue...

Honeyahhcreators' thoughts