webnovel

Since Day One

Do you believed on love at first sight? Of course you do.Every person fell Inlove at first sight.Naniniwala din ba kayo na tadhana ang mag pakana pag nagkikita kayo on exact places and time?

Honeyahh · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Nine

SHEIN

Napabalikwas ako sa kama ko dahil sa napaginipan ko.Nag-kiss daw kami ni Thor nung umamin ako sa kanya.Napatingin ako sa suot kong damit dahil naka-uniform parin ako.Bakit naman ako nakatulog nang hindi nagbibihis? Tapos basa pa nang kaunti.

Inalala ko ang nangyari kahapon.Tama! hinatid ako ni Thor dito sa bahay pagkatapos naming.....maghalikan sa ulan....

Pakiramdam ko pumula ang pisngi ko sa iniisip.Hindi ko alam kung panaginip ba yun o totoo kase para sakin totoo eh.

[Flashback]

"So....Mag-on na tayo?"tanong sakin ni Thor nung nakababa na kami mula sa sasakyan niya.Nasa tapat na ako nang gate namin.Tiningnan ko siya na nakakunot ang noo.

"Mag-on?"hindi ko alam yung mag-on na iyan.

"Ang ibig kong sabihin,di ba alam naman nating mahal natin ang isa't isa? Pag ang dalawang tao ba nagkaaminan ng feelings magkaano-ano na sila?"taas-kilay na tanong niya sakin.

Mas napakunot uli ang noo ko.

"Ewan ko,hindi ko naman alam yan eh."kibit balikat kong sabi.Napa facepalm nalang siya.

"Ang ibig sabihin ng mag-on ay,tayo na,official na ba"

"Ahhh hindi mo naman kase kinlaro,"napatango kong sabi pero napatigil nang marealized ang sinabi niya "WHAT?! tayo na agad?! Ni hindi ka pa nga nanliligaw eh!"

"H-ha? Kailngan pa ba nun? Mahal naman natin ang isa't isa kaya hindi na kailangan nun"sabi niya.Nagtaka naman ako sa kanya dahil parang ayaw niya.Akala ko he can do everything just for me,for us.Pero bakit panliligaw lang na request ko ay ayaw niya?

"Mahal mo ba talaga ako?"napasimangot ako.

"Y-yes,of course! Mahal kita,Shein"sabi niya at niyakap ako. "Natatakot lang talaga ako na ayawan ako nang parents mo,tapos ipapalayo ka nila sakin.Ayaw kong mangyari yun,"dugtong niya saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kanya "But for you.."he sighed "Okay,liligawan na kita.Chance ko rin naman to para patunayan na mahal kita,pero hindi ko alam kung makakaya kong layuan ka once na inayawan ako ng parents mo"malungkot ang expression niya.

Hinaplos ko naman ang pisngi niya.Ayaw kong isipin niya na ayaw sa kanya ni Dad and Mom kase kilala ko yung dalawang yun eh,gagawin nila ang lahat mapasaya lang ako.

"Magugustuhan ka nila,I promised,"sabi ko saka tinaas ang kamay katulad nang kamay sa panatang makabayan, "Huwag kang mag-isip nang mga bagay na makakasira satin.Wala pa ngang tatlong oras nung umamin ako sayo na mahal kita eh nag p-predict ka na agad ng mga conclusions sa isip mo..but promise me,that you won't leave me when Mom and Dad won't like you."naiiyak kong banggit.Bago pa ako lumuha ay niyakap niya ako.

"I won't.I promised"sabi niya saka hinalikan ang noo ko.Napapikit ako.

Masaya ako kase nakilala kita,kase minahal kita.Masaya rin ako dahil minahal mo ako higit pa sa inaakala ko.

"I love you...My Thor"

"I love you too,My Shein"

[End of Flashback]

"KYAHHHH"tili ko.Kinikilig parin ako hanggang ngayon.Nagulat ako nang mag kumatok sa pintuan ko.

"Kristal Shein,maghanda ka na para pumasok.Akala ko ba maaga kang aalis?"rinig kong sabi ni Nanay Ely sa pagitan ng pinto.

Napasinghap ako at tumingin sa oras na nasa gilid nang kama ko.

"SH1T!!" malakas na sigaw ko dahil 7:58 na nang umaga,eight-thirty mag uumpisa ang first class ko.

Agad akong tumayo mula sa kama at tumungo sa banyo.God! Nawala sa isip ko na may pasok pala ako.Mabilis akong naligo at nagbihis,nag shampoo,nag sabon at nag sipilyo lang ang ginawa ko sa banyo.Walang hilod-hilod deretso labas na agad!

Bumaba na ako at nagpaalam kay nanay Ely.Hindi na ako kakain,sa canteen nalang ako bibili mamaya.

"Alis na apo ako,'nay!"sabi ko

"Hindi ka ba kakain?"umiling ako "Oh sige..Mag-ingat ka ha?! Maaga kang umuwi mamaya dahil ngayon na ang uwi ng Daddy mo!"napahinto ako dun sa sinabi ni nanay na ngayon uuwi si Dad.

"Anong oras po darating si Dad,'nay?"

Naisip ko kung ngayon ko na kaya ipakilala si Thor sa kanila?

"Bago maghapunan sila dadating.Kaya kailangan mas maaga ka sa kanila,maliwanag?"sabi niya at tinuro pa ang daliri sakin na para bang papaluin niya ako pag hindi ako sumunod sa kanya.

"Opo.."sabi ko saka umalis lumabas na.Nakita ko si ate Rielle sa gate namin papalabas.Ngayon ko lang ulit nakita si ate Rielle simula nung dumating ako sa bahay.Iba naman kase talaga ang buhay kolehiyo,maraming requirements.High school pa lang ako pero mukha na akong stressed,paano pa kaya pag kolehiyo na ako? Mukha na ba akong bangkay?

"Good morning,kuya"bati ko kay kuya Sef

"Good morning,hija"bati niya pabalik at binuksan ang pintuan sa backseat.Pumasok agad ako dahil male-late na ako.Halos 30 minutes nalang first period na.Pinaandar na ni kuya ang makina,binati ko pa si ninong sa guard house nung binuksan niya ang gate.

Pagkalabas namin sa gate ay natanaw ko si ate Rielle na naglalakad sa gilid ng kalsada,naisipan kong pasakayin nalang siya dahil malayo-layo yung college sa high school.Pag mag-je-jeep kase si ate ay baka maabutan siya ng time kaya mas mabuting sumabay nalang siya sakin.

"Ate!"tawag ko sa kanya nung binuksan ko ang bintana,agad hininto si kuya Sef ang sasakyan sa gilid ni ate Rielle.Kitang kita ko ang maiitim na eyebags ni ate na mukhang di maayos na nakatulog,namamayat rin siya at maputla,hindi kaya'y nasobrahan sa study si ate kaya ganyan ang itsura?

"Oh Ma'am,Shein"lingon niya sakin.Ngumiti siya kaya ngumiti ako pabalik.

"Sabay na po kayo sakin,baka ma late pa kayo pag mag jeep ka pa."alok ko

"Naku! Huwag ka nang mag abala ma'am,kaya ko na po ito"tanggi niya

"No ate.Sumabay kana,sige ka pag di ka sumabay ,male-late ka"

"Ok lang.."sabi ni ate pero bigla na lamang siya naduwal kaya lumabas ako para daluhan siya.

"Ate okay ka lang ba?"tanong ko sa kanya,bumaba na rin si Kuya Sef mula sa loob ng sasakyan at inalalayan si ate na pumasok,hindi na siya nagmatigas. "Masama ba ang pakiramdam mo ate?"nag-aalalang tanong ko

"W-wala lang ito ma'am...Napasobra siguro ako sa kain kanina"sabi niya

"Ito tubig,hija inumin mo"abot ni kuya Sef nang tubig kay ate.

Mapapansin talaga ang pagiging stress niya,mugtong-mugto na rin ang mata niya.Umiyak ba si ate?

"Sorry sa abala ma'am.."nakayukong paumanhin ni ate.

"Ano ka ba ate! Pamilya kaya tayo kaya dapat ka naming tulungan"

"Salamat.."

"Tara na po"sabi ko kay kuya at pinaandar na niya paalis.

****

"Salamat kuya!"pasalamat ko kay kuya "Kuya,sa bahay mo na ideretso si ate dahil for sure masama ang pakiramdam niya"pakiusap ko kay kuya,tumango lang siya.

"P-pero ma'am,may klase pa po ako"angal ni ate

"Eh...paano nalang kung masuka ka ulit o di kaya ay mahilo? Delikado ate"

"Ayos lang po ako.Huwag po kayong mag-alala"panigurado niya.

"Grade concious ka talaga ate..Sige papayagan kitang pumasok ngayon pero pupuntahan kita sa lunch break sa school nyo"sabi ko

"Ma'am--"

"Huwag ka nang umangal,ate.Gusto ko lang siguraduhin kung okay ka,uuwi na si dad mamaya,baka maabutan ka nun na sumusuka"

"salamat po"

"Okay..text nalang kita pag pupunta na ako dun ha?"sabi ko sa kanya at kumaway sa kanila.

Malapit na ako sa gate ng school nang matanaw ko ang isang guard na titig na titig sakin.Nagpalinga linga ako sa gilid at likod pero ako lang naman mag isa kaya siguradong ako ang tinitigan niya.

Kunot-noo akong lumapit doon.

Inabot ko ang I.D ko sa kanya pero hindi niya kinuha at tumingin lang sakin.Anong problema nito? May nagawa ba akong mali? Napansin kong pareho lang yung guard na nag check ng I.D ko kahapon at ngayon.

"Kuya...Yung I.D ko,"nawindang siya kaya napakurap kurap pa nang ilang beses bago kinuha ang I.D ko hindi katulad kahapon na binasa niya pa ,ngayon ay tiningnan niya lang.Agad kong kinuha ang I.D ko sa kanya dahil parang walang balak na ibigay sakin "Pwede na po akong pumasok?"tanong ko sa kanya

"A--ah"sabi niya saka ako pinagbuksan nang gate.Pansin kong wala nang masyadong estudyante kaya panigurado start na nang klase!

Tumakbo ako patungo sa section ko.Habang nasa corridor ako ay nag vibrate yung phone ko,huminto muna ako at kinuha sa bulsa ko.Nakita ko ang ilang text messages at 23 missed calls galing kay Thor.Napanganga ako,23 missed calls,really? Bakit di ko man lang nasagot ni isa?!

Tumakbo ako patungo sa classroom ko,mamaya ko nalang itetext si Thor,baka kase late na ako.Hindi na pla baka,kase Late na talaga.

Kumatok ako nang tatlong beses bago nabuksan.Si sir Campun ang nakita ko.

"You're 54 seconds late,miss Hawkstone"striktong sabi niya

"Sorry sir,may emergency kase kanina kaya na-late ako"paliwanag ko.

"Tsk.This is the second time na na-late ka.Second day of school palang dalawa na ang late mo."

"Alangan namang tatlo ang magiging late ko eh dalawang araw pa lang naman ang klase.."mahinang bulong ko.

"Anong sabi mo,miss? "

"Wala sir"

"Okay."sabi niya saka tumalikod

Papasok na sana ako nang hinarap niya ako at sinabing...

"Hindi ka pwedeng pumasok ngayon,miss Hawkstone.Maghintay ka doon sa office ko,may pag-uusapan lang tayo"utos niya sakin.

Sigh.

"Yes,sir"suko kong sabi.

Nakatungo ang ulo ko habang papalayo pero napaangat ako nang may nang-sitsit sakin.Nakita ko si Van Gogh na dinidilaan at tinatawanan ako,pesteng yawa siya.

Inirapan ko nalang siya at Hindi ko nalang pinansin at tumuloy sa paglalakad.Bigla nalang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko yun.

Thor of Avengers:Bakit di ka sumasagot? Busy ka ba? Sagotin mo please...

Thor of Avengers:Nakailang missed calls na ako pero ni isa wala kang sinagot.Busy ka ba talaga?

Shetteeee nakalimutan kong itext si Thor! Dagli Kong hinanap ang number niya sa contacts at denial.Nakailang ring bago niya ito sinagot.

"Thor! Sorry hindi ko nasagot yung mga texts and calls mo.Naka mute kase kaya di ko narinig..sorry"sabi ko pero walang sumagot sa kabilang linya.

"Alam kong nagtatampo ka,sorry na oh...bati na tayo please...?"malambing kong sabi

Pero nagulat ako dahil iba ang sumagot.

"Who's this?"boses nang isang babae.Napatigil ako,paanong naging babae ang boses ni Thor? Nagpa change voice ba siya?

"A-ah si Thor ba to?"alam kong bobo ang tanong ko pero malay mo nagpa change voice lang siya.Maraming app na ganyan eh.

"Tanga kaba?! Alam mo namang babae ang boses ko tapos mapagkakamalan mo pa akong si Thor? "suplada niyang saad.

"N-nasaan siya?"nabasag na ang boses ko.Sabi ko na nga ba eh,sino ba naman kase ang magkakain-love-an sa loob nang ilang araw? Pwera nalang kung trip trip at dare lang ito.Pero....masakit isiping pinaglalaruan lang ako ni Thor.Sh1t!!

"Nasa Banyo--"hindi ko pa narinig nang buo ang sasabihin niya nang nakarinig ako ng pamilyar na boses sa phone.

"Is that my phone?"rinig kong tanong ni Thor

"Y-yeah..."sagot naman nung babae.

"SH1T!!!"rinig kong sigaw niya saka namatay ang tawag.Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa panghihina.

May kasama siyang iba....tapos babae pa!

F*ck mas masakit pa pala ito kaysa aa maubusan ng shang-pia.

VOTE AND COMMENT,BABIES!!!!

Honeyahhcreators' thoughts