webnovel

PROLOGUE

Isang tagong paaralan na para sa mga kabataan. Yes it is. An Academia without parents, tanging mga estudyante lang ang kayang makapasok, ngunit, sa oras na mapasok ka na ay wala ng atrasan pa.Mabubuhay ka ng mag-isa tanging ikaw lang. Malayo sa mga magulang mo. Makakaya mo kaya?

Let me introduce my Academia , OUR Academia perhaps.

Ang isang tagong komunidad na ang magiging tahanan mo pero mas kilala bilang 'Misty' sa kadahilanang mahamog at mahirap tuntunin iyon na ang itinawag dito. Pero 'Misty means Mysterious' for me, well for me nga lang. Back to Misty, lahat ng estudyante ng Academia ay may corresponding house room sa Misty. Unique isn't it?

But for sure this house and education isn't for free. Lahat ng nakakapasok sa Misty at Academia ay mayayaman. Ang ilan ay MAYAYABANG. Bwiset sila kamo, pag may nagtanong kung sino ako...sabihin mo, Sierra Madrid, dyosa ng mga dyosa. Sigurado matatakot yung mga yon kasi patay na patay lang naman sa AKIN ang hari ng Academia.

Shhhh...wag ka maingay huh? Tsaka...baka sabihin mo mayabang ako. Hayssst...no, no, no slight lang slight. wink And ohhh by the way...

Welcome to Mist Academia.

Again, this is Sierra, ang dyosang bumati sa'yong unang araw sa Academia. Malay mo katabi ng room ko yung iyo... Bye!

—‹★›—

"Move... Faster!" sabay tulak sakin nung lalaking utusan ng Hari. Inirapan ko nga sya, ano sya hari? hari? Bwiset!. Ang yabang kala mo may ibubuga ehh kung tusukin ko mata nya?

"We'll be fine, Sierra" naramdaman ko nalang ang braso ni Kier sa bewang ko. Nilingon ko 'to at tumango nalang ako at mas binilisan ang paglalakad.

Sana nga Kier...sana nga

Habang naglalakad kaming lahat 'di ko inaasahang mapapalingon ako sa gawi niya. Fuck! Ang sakit! Bakit sya pa? All this time niloloko nya nya lang kami....niloloko nya lang ako. I can't help but to smile bitterly.

"Nice play, my King.... You caught me off guard"

Ang tanga tanga ko para maniwala sa kanya. Ang tanga tanga ko para mabihag at mabuslot sa patibong nila. Nilingon ko pa ang isang taksil ng mga buhay namin sa likod niya...nang magtama ang mga mata namin umiwas sya. So fucking guilty ba? Bakit kasama pa siya? Hindi ba pwedeng si King nalang? Well this is what real life offers hindi puro tamis at kasaganahan. And I'm willing to accept it.

Nagulat nalang ako ng bigla akong itinulak nung nasa likod ko. Aba! Peste sya ahhh! Narinig ko pang binulong nyang ang bagal bagal kasi, hindi naman pinili. Solid ahhh sarap manapak! Pwede ba? Pwede? Isa lang naman! Buti nalang at nasalo ako ni Kier.

"I can always protect you.... I can always play as your Knight in shining armour... I can always sacrifice everything for you... I can always love you endlessly.... Higit sa lahat, I can always wait for you...even if it'll cause a thousand years.But why choosing him instead of me? "Bigla akong napalingon sa kanya, I was expecting him to be mad but he was smiling...sweetly.

How I wish I can always choose you over him...Kier

"I'll wait... I'll wait for you Sierra... Come on let's move. Bago pa tayo itulak" ngumiti ako at nagpa-akay na sa kanya. Ilang metro pa ang nilakad namin at nakarating na kami sa destinasyon namin. So dito kami ipinadala? Grabe todo effort sila ehhh wala naman na akong paki sa hari at reyna nila!

Bakit ba nangyari ang lahat ng ito? Diba at ayus lang naman to dati? Ayus lang lahat tayo, pero balit nagkaganto? Lumingon ako sa paligid . Ibang-iba na 'to sa dating Mist Academia.

Kaazar. Naiiyak nanaman ako. Lumingon-lingon pa ako sa paligid ng Mist Academia. Haysst....'di ko na talaga mapipigilan ang sarili kong alalahanin ang nakaraan.

~

Oopps, alam ko bitin Hahahha!Pero may kasunod naman yan hihi!♥ Egzoyted nakong simulan to hahaha. Please support and don't forget to vote. I'll highly appreciate it

Update is every time I can. HAHAHA

Daniela14creators' thoughts
Next chapter