webnovel

Prologue

"You may now kiss the bride."

Nag-umpisang magpalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan. Sumilay naman ang malalapad na ngiti sa mga labi ng bagong kasal.

"Hanggang walang hanggan?" bulong ng babae sa lalaking pinakamamahal.

Masuyong hinaplos ng lalaki ang kaniyang pisngi habang nangingilid ang luha sa sarili nitong mga mata. He was about to kiss her when they heard a gun shot.

"Gabriel!"

Isang sigaw ang kumuha sa atensiyon ng lahat at kasunod niyon ang isa pang putok ng baril.

Tila huminto ang ikot ng kaniyang mundo nang makita ang pulang likido mula sa puting tuxedo ng lalaki. Mabilis itong yumakap sa kaniya at ilan pang magkasusunod na bala ang tinanggap.

"Hanggang walang hanggan, Love . . ." ang huling mga salitang namutawi sa mga labi ni Gabriel.