webnovel

Soft- opening

Dumating na araw na pinaka aantay ni Sheya. Maaga pa lang ay sinimulan na niya ang pagbe- bake habang inihahanda na ni Karen at Mark ang mga kagamitan at dekorasyon.

Kaaya- aya ang itsura ng Coffee shop. May mga balloons at flowes na naka display at gumawa din si Mark ng mga compilations ng mga sikat na mang- aawit at pinatugtog ito upang lalong makahikayat ng mga customers.

Eksaktong 10AM, ganap ng binuksan ang SheyButter Cafe. May magkasintahang pumasok at agad itong binati ni Karen.

" Good morning Maam and Sir, ano po ang order natin?" Nakangiti niyang tanong.

" Hot chocolate at banana pudding para sa akin. Black coffee naman at waffles para sa boyfriend ko." Sagot ng babae.

Maya- maya naman ay may pumasok na mag iina.

"3 chocolate cupcakes, 3 hot chocolate at isang peppermint tea. Paki take- out na lang yung tea." Bilin ng nanay habang nakaupo at nag aantay ang kanyang tatlong anak.

Sa loob ng kusina, abalang- abala si Sheya. Hindi niya akalain na ganito agad karami ang mga customers. Ang akala niya'y paunti- unti lang ang darating dahil bago pa lamang ang shop at matatagalan pa bago ito makilala. Mabuti na lamang at marami siyang pinamili kaya naman tuloy- tuloy lang siya sa pag gawa.

" Thank you Lord, ang dami agad tao. " Saad niya sa kanyang sarili.

Tanghali na ng humupa ang mga orders at lumabas na si Sheya sa kusina upang kumain at kamustahin ang dalawa sa harapan.

Kumuha siya ng tuna pie at hot tea at sinimulan ng kumain. " Habang walang tao kumain tayo. Wag papalipas ng gutom. " bilin nya sa dalawa

" Ang daming naghahanap ng fruit shakes at milk tea" wika ni Karen

" Oo nga, nagulat din ako. Kailangan na yata natin agad magdagdag ng kasama. Siya ang gagawa ng mga inumin para mkapag focus ako sa mga pagkain" Paliwanag ni Sheya " Sa ngayon kasi, hindi pa ako makakapagdagdag sa menu dahil sabay kong ginagawa ang orders na pagkain at inumin. Dagdag pa niya.

Nagpatuloy ang pagdating ng mga tao kaya naman pagod na pagod si Sheya ng makauwi sa kanyang apartment sabay bagsak sa kama upang matulog ng mahimbing.