webnovel

Kebab

Maaga pa nga lang ay dumating na si Abdel upang sunshine si Sheya. Hahahulin nila ang pagsikat ng araw at aakyat sha matarik na bundle ng Sinai ng mahigit tatlong oras kaya naman wala ng oras sa almusal at pinagbaunan na lang siya ng binata ng kebab at bite ng mineral water.

Marami ng uri nag kebab ang kanyang natikaman ngunit iba papa Talagang ang lutong Ehipto. Napaka sariwa, napaka sarap at talagang hahanap- hanapin mo ang lasa. Binuhusan niya a Ito ng hot sauce upang lolo siyang magising.

" Ubusin mo yan para di ka mahilo at manghina sa pagod mamaya. Paalala ni Abdel.

At pumanhik nga sila kasabay ng ilang grupo ng mga turista hanggang narating nila ang tuktok na may taas na 7,497 na talampakan at sinalubong ang sunrise.

Napakaganda at napaka espesyal ng pangyayari iyon na hindi malilimutan ni Sheya. Narating nila ang tuktok, tumapak siya sha makasaysayang lugar na minsan at tinapakan at inakyat din na mga alamat at pambihirang tao sa mundo na tulad ni Moses na nasa bibliya, tatlong libong taon na ang nakalilipas.

Huminga siya ng malalim at nilasap ang sariwang hangin. Maya- maya at nilatag nila ang kanyang dalang tela at umupo sa isang sulok, sumandal sa maliit na bato at inenjoy ang bawat segundong nsa tuktok siya my mundo.

Napatingin siya sha ibang mga turista na may kasamang partners o pamilya. Ang iba sha mga Ito ay nagpapakuha ng litrato at videos, ang iba naman ay nagtatawanan, meron ding mga pinupunasan ng pawis ang kanilang mga kasama habang kumakain ng mga dala nilang baon.

Narating nga ni Sheya ang makasaysayang lugar na iyon ngunit naramdaman niya ang pag iisa. Alam niyang mas maligning makulay at makabuluhan ang lahat kung may kasama siyang naka- experience my mga ito.

Inisip niyang huwag hanapin ang wala at matutong makuntento sa anumang meron. Ngumiti siya at nagdesisyong hindi magpapaapekto sa mga couples, partners at lovebirds dahil magsasaya siya at susulitin ang kanyang bakasyon kahit mag isa lang.

Tumayo siya, nag selfie, nag video, kumanta, umindak na parang bata.. " Sobrang lay-off na ng narating ko para magpatalo sa lungkot". Wika niya sa sarili.