1 Prologue

Hindi lahat ng tao ay hindi takot magmahal. May pagkakataon na nadadapa sila ngunit bumabangon. May mga pagkakataon na kahit nadapa na sila ayaw na nila madapa ulit. Parang sa pag-ibig, kapag nasaktan ka niya, ayos lang sayo dahil alam mong lilipas, hihilom at may matutunan tayo. Pero hindi ka katulad ni Megan. Masyado siyang takot pagdating sa pagmamahal. Kaya niya magpanggap na hindi siya in love kahit totoong in love siya. Ngunit may natagpuan siyang babae sa kanyang Entertainment Company. Ito ay mismong babaeng trainee ng kanyang kompanya. Isa sa sa mga performances niya ang pumukaw sa kanyang mga mata. Biglang tumibok ang puso ngunit delikado sa kanya. 

Bakit sa lahat ng tao sa mundo nakatagpo siya ay bakit babae pa?

Kaya niya pa rin ba magpanggap para sa kanyang kompanya ngunit magsisilbing panganib ito para sa kanya?

Kaya pa rin ba niya ipakita ang takot kahit malaman ang katotohanan na nararamdaman niya sa kapwa babae na nagpapatibok sa kanyang puso?

"Parehas tayong babae, Megan. Ngunit may nararamdaman ako para sa'yo." 

avataravatar
Next chapter