webnovel

She Leaves (Tagalog)

MJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Heartless

"Magandang umaga, Attorney Tupas," magalang na bati at salubong ko sa abogado ng aming pamilya.

Nakipagkamayan siya sa akin at ganoon din kay Mama, Ate, at Darry.

Matapos ang panandaliang batian, agad kaming nagsi-upuan sa oval shaped table ng study room. Nasa right side ko si Aira, nasa left side si Atty. Tupas, nasa kabisera si Mama at katabi niya si Ate habang si Darry at ang kanilang abogado ay nasa tapat ko.

"Are Don Gabriel and Donya Felicity coming, Sir Darry?" Pagbabasag ni Atty. Tupas sa katahimikan matapos kaming magsi-upuan.

"No, Attorney. You can proceed, they gave me a go signal to handle this alone," anang baritonong boses ni Darry.

I unconsciously shifted to my seat.

"'Wag kang mag-alala, panyero, makararating ang lahat ng mapag-uusapan sa mga Lizares," sagot naman ng abogado ng mga Lizares na si Atty. Vaflor.

Agad na may inilabas na mga papeles ang abogado namin. Mga importanteng papeles na hindi ko na inabala sa pag-alam, alam ko namang sasakit lang ang ulo ko kakatingin sa mga letrang iyon. Masiyadong nababalot ng usok ang utak ko ngayon, hindi makapag-function nang maigi.

"The moment you've contacted me, Miss Osmeña, I've already prepared the papers since ang partido natin ang nag-petition ng annulment na ito," explain niya sa akin kaya umayos ako sa pagkakaupo

"Mas mapapadali ang proseso gaya ng inaasahan dahil sa koneksyon ng parehong pamilya," wika ni Atty. Vaflor.

"At dahil isa rin ito sa mga bilin ng yumaong si Senyor Mado, kaya mas mapapadali pa lalo ang proseso. Aasahan na mabibigyan agad ito ng pansin ni Judge Castro." dagdag na sabi ni Atty. Tupas.

Binigyan ako ng kopya ng kung anong mga papeles na ito para basahin. Hindi ko na sana babasahin pero nang lingunin ko si Ate, wala sa oras kong nakuha ang mga papel para basahin. Nakakatakot ang mga titig niya. Punyemas.

Nagsimulang mag-discuss si Atty. Tupas tungkol sa prenuptial agreement at kung anu-ano pang hindi na rumerehistro sa utak ko. Nagsimula na naman kasing lumipad ito habang nakatitig lang sa kapirasong papel na hawak ko.

Minsan, nakakapagod na rin palang maging dahon na buhay. 'Yong dahong nakakabit pa sa puno. Naturingan ka nga'ng buhay, hindi ka naman malaya. Para ka namang nakakulong sa isang paraiso. Paraisong hanggang tingin lang at walang chansa'ng malibot ang magandang paraisong iyon. Mas mabuti pa siguro kung patay na dahon ka na lang, kahit wala nang buhay, malaya naman.

Lolo's absence here on earth made me realize something. Do not take everything for granted, especially people's lives, your love ones' lives.

Mariin akong pumikit at pinigilan ang sariling ibagsak ang namumuong luha. Hinilot ko na rin ang sentido ko para pakalmahin ang sarili.

I have noticed to my self these past few days, naging emotional ako since his death. I don't know. Sobrang mahal ko lang siguro si Lolo kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala niya.

Maraming sinabi sina Atty. Tupas at Atty. Vaflor pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Napabuntunghininga ako nang isa-isa na silang nagtayuan.

"Gaya nang napag-usapan, mapapabilis ang proseso ng annulment ninyo Mister Lizares at Miss Osmeña. Maybe two weeks from now ay mapipirmahan na ninyo ang annulment papers. Kailangan pang i-verify ni Judge Castro ang lahat at since nasa Manila siya ngayon, kailangan pang ipadala ang mga papeles doon." Napa-ayos ako ng upo at pinasadahan ng tingin si Atty. Vaflor na nakatingin na rin sa akin. "I know this annulment is urgent, Miss Osmeña, but could you wait for some weeks for it to be approved, Miss Osmeña?"

Miss Osmeña... wow, it's been a long time since someone called me that. Masiyado akong nasanay sa Misis Lizares.

"I do understand, Attorney Vaflor," magalang na sagot ko naman sa kaniya.

Tumango sa akin si Atty. Vaflor at isa-isang in-arrange ang mga nagkalat na papeles sa ibabaw ng lamesa.

Nagsitayuan silang lahat kaya wala akong nagawa kundi ang makitayo na rin at batiin ang dalawang abogado. Nag-presenta si Darry na ihatid silang dalawa palabas. It was supposed to be Aira's job pero he presented his self. Pero sumama pa rin si Aira sa kaniya.

Lalabas na rin sana ako ng study room nang biglang hinampas ni Ate ang lamesa.

"Maupo ka, mag-usap muna tayo," seryosong sabi niya.

Napabuntunghininga na lang ako at sinunod kung anong gusto niya.

"You are so immature. Do you really need to do this, right now?" Mukhang hindi na nga niya napigilan ang sarili niya. Sumigaw na nga siya.

"Ano ba ang pumasok sa kokote mo, anak, at nagdi-desisyon ka nang ganito ka biglaan?" Na sinundan ni Mama.

Nanatili ang tingin ko sa malaking bintana ng study room, tinatanaw ang mga nagsasayawang dahon ng isang puno.

"MJ naman! Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Bakit mo hihiwalayan ang asawa mo?" Dagdag ni Ate matapos makapagsalita ni Mama. "Anong pumasok sa kokote mo at bakit ganito? Kamamatay lang ni Lolo, MJ, and now you're pulling this stunt? Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakaalam ng relasyon n'yo? Nang mga investors? Ano na lang ang sasabihin ng mga Lizares? Pag-isipan mo nga'ng mabuti ito. This is a spur of the moment decision," dagdag niya.

I clenched my jaw and never look away. I watched how the afternoon breeze and afternoon sun lighted and emphasized the leaves.

"Akala ko ba nagkakamabutihan na kayo? Ang sabi ng dalawang kasambahay na kasama n'yo sa Manila na masaya kayo sa isa't-isa. Tapos ano 'to? Bakit ka makikipaghiwalay, MJ? Ano ba 'to?" Sigaw ni Ate na mas lalong nagpa-tiim ng bagang ko.

"Tonette, calm down..." Narinig kong pagpapakalma ni Mama kay Ate.

"Hindi, Ma, e, sumusobra na ang anak mong ito. Masiyado niyo po kasi itong ini-spoil kaya naging ganito," sabi niya kay Mama. "MJ, hindi sa lahat ng pagkakataon, madali kang makakalabas sa mga situwasyong ayaw mong pasukan. Kasal kayo ni Darry, MJ, at ang kasal ay isang sagradong sakramento ng Diyos kaya bakit mo titibagin? Napaka-immature mo! Ginagawa mo lang ba ito dahil nasaktan ka sa pagtatago ni Darry sa 'yo ng tungkol kay Lolo? Dahil lang ba 'to sa pagkawala ni Lolo? Ha? Ano ang rason mo? Kasi lahat naman tayo nasaktan dito, MJ, e. Hindi lang ikaw ang nawalan, pati kami nawalan din." Napatigil siya ng ilang segundo bago nagpatuloy.

"Alam mo bang laking tuwa ko nang malaman kong nagkakamabutihan na kayong dalawa? Because finally, my little sister found her share of happiness. That finally, my little sister learned her lesson. That finally, she ready to be serious with life. Tuwang-tuwa ako, MJ, tuwang-tuwa kasi sa wakas, nakita na ng kapatid ko ang lalaking magmamahal sa kaniya habang buhay. Kaya bakit ganito?" She broke her voice while saying her last sentence.

At doon ako nagkalakas ng loob ng lingunin siya. With a clenching jaw and a stern face, I speak my side.

"Osmeña ako, marunong akong tumupad sa usapan. Ang usapan, kapag nakatayo na ang mga Lizares sa kanilang pagkakalugmok, maghihiwalay kami. You knew, Ate, na kaya ako pumayag sa kasalang ito kasi alam kong makakalabas ako agad. So basically, Ate, tumutupad lang ako sa napag-usapan. So do not ever call me an immature one."

Seryoso ang naging tingin niya sa akin. Pero buong loob kong nilabanan 'yon.

"Hindi nga ako nagrereklamo na pinagkaitan na naman ninyo ako ng katotohanan, e. Na matagal na pa lang nakatayo ang mga Lizares tapos ngayon ko lang nalaman. I did not make a fuss about it. At hindi lang dahil sa napagsinungalingan ako, kaya ako makikipaghiwalay. Sumusunod lang ako sa usapan, Ate." In-emphasize ko ang huling salitang sinabi ko para ipa-alala sa sarili ko na Ate ko ang kausap ko.

Na-iinis ako, sobra.

"So what's your reason? Sawa ka na kaya naghahanap ka na ng iba o 'di kaya'y meron ka ng ibang karelasyon kaya gusto mong wala kang sabit, ganoon ba?"

What?

"I thought you've changed? I thought mababago ka ng kasalang ito? Bakit-bakit ganito, MJ?"

It took me seconds before I sink in what Ate said. Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Nice.

Lumingon ako kay Mama para makita ang reaksiyon niya pero nag-iwas lang siya ng tingin sa akin at inalalayan si Ate.

Mapakla akong ngumiti sa kanilang dalawa at hindi malaman kung iiyak o tatawa sa sinabi ni Ate. I'm going crazy, punyemas.

Kung ganito pala ang tingin ng pamilya ko sa akin, paano pa ang ibang tao?

"Baka nakalimutan mo na trademark ng mga Osmeña ang pagiging player. At hindi mabubuo si MJ Osmeña kung mananatili siya sa iisang tao lamang." Tumayo ako dahil hindi ko maatim ang sinabi ni Ate sa akin at handa na sanang lumabas ng opisinang ito pero naging mabilis ang kilos ni Ate kaya napigilan niya ako.

Mahigpit ang hawak niya sa braso ko at ang sumunod na ginawa niya ay ang hindi ko inaasahan sa lahat.

Sa sobrang lakas ng sampal niya, halos maiwan sa tenga ko ang tinis ng tinig nito. Sa sobrang lakas ng sampal niya nanatili ang mukha ko sa kaliwang banda ko, nakatagilid at parang namamanhid. Sa sobrang lakas ng sampal niya, niyanig nito ang buong mundo ko. Sa sobrang lakas ng sampal niya, para akong dahon na unti-unting nalagas sa kaniyang puno.

"You-You-You are so heartless..." Pa-utal utal na sabi niya. Pumikit ako ng mariin at dinama ang sakit ng kaniyang sampal. "Kasing tigas ng bakal ang puso mo, MJ, walang kasing tigas!"

Dahan-dahan akong lumapit sa kama ko at inaalala ang mga huling sinabi ni Ate.

Galit na galit siya. Ramdam na ramdam ko ang galit niya. Pero wala na akong magagawa, spur of the moment nga ang naging decision ko pero alam ko sa sarili ko na ito ang dapat.

Pero takte, umiikot ang mundo ko. Uupo na sana ako ss kama nang biglang...

Idinilat ko ang aking mata at ang una kong nakita ay ang bintana ng aking kuwarto. Bumangon ako at iginala ang tingin sa paligid.

"Umaga na?" Nagtatakang tanong ko nang maliwanag na ang paligid.

Nakatulog ba ako kagabi?

Dahan-dahan akong bumangon nang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Tumakbo ako papasok sa banyo ng aking kuwarto at sinuka ang lahat ng mga kinain ko.

Punyemas naman!

Naisuka ko na yata ang lahat pero bumabaliktad pa rin ang sikmura ko. Kung anu-ano kasi ang mga pinagkakain ko, masama tuloy ang tiyan ko.

Nang kumalma ay agad kong hinilamosan ang mukha ko at napatitig sa salamin na banyo.

"Tsk, hindi ba ako nakapagbihis kagabi? Lasing ba ako?"

Napansin ko kasing suot ko pa rin ang damit na sinuot ko kahapon sa meeting. Siguro sa sobrang pagod kaya nakatulog ako agad kagabi.

Ayoko na nga'ng mag-isip pa, mas lalong sumasakit ang utak ko.

Napagpasiyahan kong maligo na lang para makapag-agahan na. Napansin ko rin kasi kanina na masiyado pala akong maagang nagising. Gusto ko pa sanang mag-jogging muna sa paligid kaso I'm so exhausted, e, kaya naisipan kong lumabas na lang ng kuwarto.

"Magandang umaga, Ma'am MJ," bati sa akin ni Erna eksaktong palabas ako ng kuwarto. "Gigisingin pa po sana kita, Ma'am MJ, kaso gising na po pala kayo. Mag-agahan na po kayo, Ma'am MJ," dagdag na sabi niya kaya tumango ako.

"Sinong nasa ibaba?"

"Maaga pong umalis ang mga tao rito, Ma'am MJ, mukhang bibisitahin si Senyora Auring sa ospital kaya ikaw lang po mag-isa ang kakain ngayon," sagot ni Erna kaya napasinghap ako.

"Nakapag-agahan na kayo?"

"P-Po?"

"Sabay na kayo sa akin, like the usual."

"Sige po."

Sinabayan nga ako ng mga kasambahay na mag-agahan, maliban na lang kay Manay Daisy. Tahimik ang naging agahan ko kahit na marami akong nakasama sa hapag-kainan. I don't know, this house is so empty since that scene from yesterday.

Matapos ang agahan ko ay pumanhik ako sa pangatlong palapag at tumambay sa veranda. Inutusan ko na rin si Alice na roon na siya maglinis sa veranda para kahit papaano ay malaman kong may kasama ako.

Nagdala ako ng libro kahit na hindi naman talaga ako mahilig sa libro. Wala, alibi ko lang para may pagka-abalahan. Si Alice naman ay tahimik lang na nagpupunas ng sliding door ng veranda.

"Kailangan mo ng kausap?" Pagbabasag ni Alice sa katahimikan kaya naisara ko ang librong hawak ko at napabuntunghiningang tiningnan siya.

"Sa tingin mo, Alice, nagbago ba ako?"

Nakita ko kung paanong napahinto si Alice sa ginagawa niya at dahan-dahang lumingon sa akin. Kunot ang noo at katahimikan ang unang sagot niya sa akin bago tuluyang nakapagsalita.

"Nagbago? Mukha nga... mas responsable ka na ngayon kesa dati at mas madali mo ng malaman kung anong makakapagpasaya sa 'yo kesa dati," seryosong saad niya.

Napataas ang isang kilay ko at na-amuse ako sa sinabi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"You really knew me, huh."

"Madali kang basahin pero mahirap kang intindihin."

"Kaya siguro nahihirapan si Ate na intindihin ang rason ko."

Tuluyang natigil si Alice sa ginagawa at lumapit sa table na kina-uupuan ko. Umupo siya sa harapan ko at seryoso akong tiningnan.

"Pero sa totoo lang, nagulat ako sa naging desisyon mong pakikipag-hiwalay kay Sir Darry. Simula kasi no'ng nagkamabutihan na kayo, hindi na sumagi sa isipan ko na mababagot ka sa kaniya at makikipaghiwalay. Kaya sorry, Ma'am MJ, pero naiintindihan ko si Ma'am Tonette, mahirap ka nga'ng intindihin, mahirap nga'ng intindihin kung bakit ka makikipaghiwalay kay Sir Darry."

Punyemas.

Napa-iwas ako ng tingin kay Alice at tinanaw ang cross sa bundok.

I already made a choice and I will live for it.

Sa sobrang pagkakatulala ko sa malayo, hindi ko namalayan na umalis na pala si Alice sa kaninang puwesto niya. Nabalik lang ako sa katotohanan nang marinig ko ang boses ni Steve. Kapapasok niya lang sa veranda. Tinapik niya ang balikat ko at naupo sa katabi kong bangko.

"What brought you here? Papangaralan mo ako?" Pinangunahan ko na ang pagsasalita.

He smirk and suminghap siya ng hangin at prenteng sumandal sa bakal na upuan.

"No, I know you're not going to listen to me anyway so what's the use?" Cool na sabi niya. "I'm here to tell you that Lola wants to see you."

Sa wakas!

Napangiti ako sa sinabi ni Steve pero unti-unti ring nawala ang ngiti kong iyon.

"How is she? Is this about me and Darry's annulment?"

"Nope, hindi namin sinabi sa kaniya ang tungkol doon. Gusto namin ikaw mismo ang magsabi sa kaniya. 'Wag kang mag-alala, si Lola mismo ang nag-utos na papuntahin ka sa hospital kaya walang magagawa sina Kuya Yohan kung pupunta ka roon at magpapakita."

It was a relief tho, to hear that.

"Good to hear that."

"Kaonting briefing lang... medyo disappointed nga pala ang mga Tito at Tita natin sa 'yo dahil sa naging desisyon mo kaya expect them to be cold at you at mas lalo nga pa lang nagalit ang mga pinsan natin sa parehong dahilan."

"Ikaw, hindi ka ba galit sa akin?" Nilingon ko siya.

"Hindi... nagulat lang ako sa naging desisyon mo. Talangang tinotoo mo ang sinabi mo. Talagang pagod ka na ba?"

I ignored his question and answered him a smile.

"Magbibihis lang ako, samahan mo ako kay Lola." Tumayo ako at lumabas ng veranda para makapagbihis.

Madali lang ang pagbibihis ko at sumakay na ako sa Ford Everest ni Steve. Tahimik ang naging biyahe namin papuntang hospital.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa VGDH, kung saan naka-confine si Lola.

My last news about her was yesterday pa. She's fine and nagpapahinga lang daw sa hospital. 'Yon lang ang sinabi nila at hindi na ako nangulit pa dahil alam ko namang ayaw nila akong makita sa hospital at pagod na pagod na ako para ipaglaban pa ang karapatan ko. Minsan, iniisip ko na lang na ampon ako kaya ipinagkakait sa akin ang karapatan pero kahit bali-baligtarin natin ang mundo, Osmeña ang nananalaytay sa dugo ko.

"You okay?" Tanong sa akin ni Steve habang naglalakad kami sa pasilyo ng hospital.

A small smile crept on my face and continue gracing the hallway. Nang makarating sa tamang kuwarto, tumigil kami ni Steve at hinarap niya ako.

"Dito ka lang, sasabihan ko lang si Lola na nandito ka na."

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Steve at tumango na lang sa sinabi niya. Sumandal ako sa malamig na pader ng hospital at pinaglaruan ang sahig gamit ang sandals na suot ko.

Funny how this situation can turn out. Para akong outcast. Ang isa sa pinakamalapit na apo ni Lola, ngayon ay nahihirapang makapasok sa hospital room niya dahil lang may hindi pagkaka-unawaan sa mga pinsan niya. Funny how can that situation happen in real life.

Bumukas ang pintuan sa tabi ko kaya nakapag-angat ako ng tingin. Ang unang nakita ng mata ko ay ang unang lumabas ng kuwarto na si Ate Teagan. She just glance at me and continue walking. Sumunod si Ate Chain at Kuya Mikan na parehong hindi man lang ako tiningnan.

Lumabas din ng kuwartong iyon si Tita Letty at Tita Maria. Magbibigay-galang na sana ako sa kanila kaso diri-diretso lang ang naging lakad nila. Napabuntunghininga na lang ako at hindi na dinibdib ang inaasta ng mga kamag-anak ko.

"Pasok ka na, MJ," ani Steve. Tiningnan niya ako na parang naaawa, siguro dahil sa inasta ng mga kamag-anak namin sa akin. I smiled to him para i-assure sa kaniya na okay lang talaga ako at kailangan kong maging okay para kay Lola.

The moment I entered in that hospital room, my heart twitched with ache. Gusto kong ngumiti kay Lola pero hindi maitatago sa kalooblooban ko ang sakit na naramdaman nang makita ang situwasyon niya.

Nakaratay si Lola sa hospital bed, may oxygen sa kaniyang bibig at halatang nanghihina but she supress a smile that made me smile kahit na nangingilid na ang aking luha. Pa-simple ko na lang na pinahiran ang luha kong pabagsak na bago tuluyang lumapit sa kaniya.

"'La, nandito na po si MJ," ani Steve nang nasa gilid na kami ni Lola.

Kahit halatang nahihirapan sa paggalaw, inangat ni Lola ang kamay niya para i-abot sa akin. Lumapit ako para tanggapin iyon.

"Take your time, MJ," sabi ni Steve sabay tapik sa aking balikat tapos ay lumabas na ng hospital room ni Lola.

Humigpit ang hawak ni Lola sa kamay ko kaya natoon sa kaniya ang buong atensiyon ko.

To tell you honestly, gusto ko nang umiyak. Lahat ng sinabi sa akin tungkol sa kalagayan ni Lola, sobrang layo sa totoong kalagayan niya ngayon. Para na siyang lantang gulay at may iba't-ibang klaseng aparato na nakakabit sa kaniya na nandito sa loob ng kuwarto niya na hindi ko maintindihan.

"My Constancia..." Kahit nahihirapang mag-salita, pinilit ni Lola ang sarili niya kaya mas lalong sumakit ang lalamunan ko dahil sa barang naramdaman ko rito.

"'La, nandito na po si Contancia, Lola." Ngumiti ako sa kaniya at tinugunan naman niya ito.

"K-Kumusta ka na apo?" Gamit ang mapupungay na mata, ngumiti ulit si Lola sa akin at inayos na ang kaniyang pagsasalita.

"Okay lang po ako, ikaw po? How's your condition? May sakit po ba kayo? Bakit po nandito pa rin kayo sa hospital?"

Kinuha ko ang isang monobloc chair sa malapit at inupuan ito. Nakahawak pa rin ang medyo malamig na kamay ni Lola sa akin.

"W-Wala apo, 'wag ka nang mag-alala sa akin, maayos lang ako. Alalahanin mo ang sarili mo."

"'L-La..."

"N-Narinig ko sa mga pinsan mo... makikipaghiwalay ka na raw kay Darwin?"

Punyemas. Shit.

Matinding paglunok ang nagawa ko nang sabihin ni Lola iyon. Akala ko ba wala siyang alam?

"H-Hindi nila sinabi sa akin, sadyang narinig ko lang ang kanilang pag-uusap. Bakit, apo?"

Napalunok ulit ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Lola.

"Sumusunod lang po ako sa usapan, Lola," sagot ko.

Tumango si Lola sa naging sagot ko and a sly smile form on her lips.

"I-I-I understand... 'yon lang ba ang rason mo?"

Umiwas ako ng tingin kay Lola at napatitig sa kabilang banda ng hospital room niya. Marahan at buong ingat kong dinama ang medyo kulubot na kamay ni Lola.

"Pagod na po kasi ako, Lola. Ayoko po siyang idagdag sa mga bumabagabag sa akin. Masiyado na po kasing mabigat 'yong pagkawala ni Lolo kaya baka po hindi ko na siya mapansin. Total po, okay na po ang kompanya nila, I think it's best if we separate each other for good," rason ko naman, pinilit ang sarili na hindi ma-iyak.

I know in myself that I'm making excuses.

A long and heavy sigh from Lola made me look at her again.

"A-Alam mo ba apo kung bakit itinago ni Lolo mo sa 'yo ang karamdaman niya?"

"Bakit po?"

"K-Kasi... kapag once na nalaman mo ang karamdaman niya, alam niyang mas pipiliin mo siya at ayaw niyang mas piliin mo siya at ma-stuck ka sa kaniya without reaching your own dreams. Gusto niyang maabot mo ang pangarap mo nang walang inaalala na iba kaya itinago niya." Kahit nahihirapan, pinilit ni Lola ang magsalita and that made my heart more congested.

"'L-La..."

"A-At alam mo ba kung bakit siya inatake noong araw na iyon?"

Ha?

Dahil sa sinabi ni Lola, mas lalo akong nakinig sa kaniya. Alam kong pulang-pula na ang mata ko kakapigil sa luha ko pero damn, what is she talking about?

"A-Ano pong ibig niyong sabihin, 'La?"

"I-Inatake sa puso ang Lolo mo dahil nalaman niya mula kay Engineer Valmayor ang totoong nangyari sa 'yo noong nagbabakasyon pa lang tayo sa Cebu. Nalaman niya iyon kaya sa sobrang galit niya, inatake siya sa puso."

What?

"M-Maski ako, gusto kong atakehin sa puso dahil sa pagkakagulat. Bakit, apo, hindi mo sinabi sa amin ng mga panahong iyon? Bakit mo itinago?"

Shit.

Hindi ko na nga napigilan ang maluha sa sinabi ni Lola. Matinding pagsisisi ngayon ang nararamdaman ko. Damang-dama ng buong pagkatao ko kaya iniyak ko ang lahat.

"'L-La, sorry po." Wala akong ibang masabi kundi ang mga katagang iyan. Matinding sorry at pagsisisi ang nangyayari sa akin ngayon. "N-Natatakot po kasi ako, 'La, n-natatakot po akong baka wala pong maniwala sa akin."

"If you just said it earlier, we could've done something, apo. Hindi sana magugulat ang Lolo mo sa nalaman namin."

Mas lalo akong na-iyak sa sinabi ni Lola.

"B-But what's done is done, hindi na natin mababalik ang lahat. I understand kung bakit mas pinili mong kalimutan na lang ang nangyari at hindi na binanggit sa amin. But the thing is, hindi maintindihan ng mga pinsan mo ang ginawa mong pagtatago ng katotohanan. Kaya galit sila sa 'yo ngayon, 'di ba?"

Shit.

Gulat akong napalingon kay Lola at halos umurong ang luha ko nang magpang-abot ang mata naming dalawa.

"A-Alam ko apo, ramdam na ramdam ko na may hindi kayo pagkaka-unawaan ng mga pinsan mo. Sinisisi ka nila sa nangyari sa Lolo mo. I tried explaining them to it pero hindi nila maintindihan kung anong naging rason mo at kung bakit mo mas piniling itago ang lahat."

Mas lalong pinipiga ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at mag-sorry. Sising-sisi ako dahil sa takot na naramdaman ko noon. Kung sana...

My conversation with Lola is so depressing. Puro iyakan at hingian ng pasensya ang ginawa ko. Lumabas ako ng kuwartong iyon nang umiiyak at baon ang pagsisisi sa aking sarili. I think my talk with her made me carry the burden more heavier. Mas mabigat, mas masakit.

"Ihahatid na kita sa inyo, ang sabi sa akin ni Tita Blake kailangan niyo raw mag-usap," sabi ni Steve habang paalis kami sa premises ng hospital. Tumango ako sa kaniya at hinang-hinang pinagmasdan ang nagkakahel na langit.

Naging tahimik ang biyahe namin ni Steve hanggang sa makarating kami sa bahay. Bago bumaba, may itinanong muna ako sa kaniya.

"Galit na rin ba sa akin si Breth?"

Steve sighed and pat my head.

"Nagtatampo lang. Bakit mo raw kasi hihiwalayan ang taong akala namin ay mahal mo na," sagot niya kaya napa-iwas ako ng tingin sa kaniya at humugot ng malalim na hininga.

"Anong magagawa natin, ako si MJ Osmeña, ang babaeng hindi marunong magmahal."

"Ano ka ba, stop saying that, MJ. Marunong kang magmahal. Mahal mo ang pamilya mo, mahal mo si Lolo at si Lola. Kasi kung hindi ka marunong magmahal, hindi ka sana masasaktan nang ganyan sa pagkawala ni Lolo. So stop saying that."

I sighed again and smiled at him.

"Thank you Steven, for sticking up with me kahit na napipilitan ka lang."

"Hindi ako napipilitan, okay? Kahit na, aaminin ko, oo, medyo naiipit nga ako sa ating magpipinsan pero never akong napilitan na samahan at intindihin ka. Pinsan kita at kahit na anong gawin at maging desisyon mo, nandito pa rin ako para intindihin ka. Hayaan mo, lilipas din ang tampo nila sa 'yo, palipasin mo lang talaga at kaonting intindi lang, magkaka-ayos din ang lahat," pangchi-cheer up niya sa akin. "Sige na, pumasok ka na at baka naghihintay na sila Tito at Tita."

Nakipag-beso ako sa kaniya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Kakapasok ko pa lang, tumumbad na sa akin sina Mama, Papa, at mga kapatid ko. Hindi ko napansin ang mga bata, ilang araw ko na ring hindi sila nakikita at masiyado akong occupied para alamin ang kalagayan nila.

"Good e-"

"Maupo ka, MJ."

Lalapit na sana ako sa mga magulang ko para batiin sila nang biglang pinutol ni Mama ang bati ko. Napatayo ako nang maayos at dahan-dahang umupo sa pang-isahang sofa rito sa living room.

"We are giving you a chance to withdraw your annulment with Darry," pa-unang salita ni Papa kaya siya agad ang nalingunan ko matapos kong makaupo.

"Anak, siguro naman after your talk with your Lola, naliwanagan ka na at baka ayaw mo nang makipaghiwalay sa kaniya," ani Mama.

So they're expecting na papangaralan ako ni Lola matapos ang pag-uusap naming iyon? Na akala nila kukumbinsihin ako ni Lola na 'wag nang makipag-hiwalay sa golden boy nila?

"Buo na po ang desisyon ko, itutuloy ko po ang annulment." Gamit ang buo kong boses at buo kong loob, seryoso kong tiningnan ang parehong magulang ko.

"Anak, we made you this pact between the Lizares and us kasi alam naming malalagay ka sa mabuti, anak. Na lahat nang naging kabulastugan mo noon ay matatabunan ng reputasyon ng mga Lizares. Can't you see it that it's for your own good, anak?"

Oh hell.

Wala sa sarili akong napangisi sa sinabi ni Mama.

"So, kinakahiya niyo po pala ang mga pinagagagawa ko dati?"

"We gave you everything you wanted, now you're talking to us like that?" Dumagundong ang boses ni Papa sa buong bahay.

Umiwas ako ng tingin sa kanila at matinding paglunok ang nagawa ko. Pilit itinatago ang takot sa aking sarili. This is the first time na nagalit sa akin ang mga magulang ko.

"Hindi na po ako masaya." Pero kailangan kong panindigan ang mga naging desisyon ko. "Oh scratch that... hindi naman po pala ako naging masaya sa puder niya."

"That's bullshit, MJ," sagot naman ni Ate Tonette.

"Tonette..." May pagbabanta sa boses ni Papa.

"Umaabot na yata sa kasukdulan ang pagiging spoiled mo?" Singhal niya sa akin.

"Tonette, kumalma ka nga, kapatid pa rin natin 'yan," pigil naman ni Kuya sa kaniya kaya napatingin na talaga ako sa mga kapatid ko.

Padarag akong tumayo at matalim siyang tiningnan.

"Oo! Umabot na nga sa kasukdulan ang pagiging spoiled ko! Kasalanan ko ba 'yon? Na mas pinagtoonan ako ng pansin ng mga magulang natin? Nang Lolo at Lola natin? Kasalanan ko ba, ha?"

Nakita ko kung paanong nagulat ang mga kapatid ko sa naging sentimento ko. Nakita ko rin sa peripheral vision ko na napatayo na si Mama at Papa sa kanilang pagkakaupo.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ate sa akin, pilit kumakawala sa pagpipigil ni Kuya Yosef at Kuya Uly sa kaniya.

"Kung galit na galit ka sa akin dahil lang makikipag-hiwalay ako kay Darry Lizares, edi go! Kampihan n'yo siya, siya naman talaga ang palaging tama, siya ang mas masasaktan, siya ang mas nakakaawa kaya wala akong pakialam kung nasa kaniya ang sentimento ninyo. Ang akin lang naman, gusto ko lang makawala sa personal na relasyong ito. Wala akong pakialam sa kompanya o sa kahit anong bagay, ang gusto ko lang ay ang makawala," sigaw ko. Matapos kong ibunton ang lahat kay Ate ay nilingon ko si Mama at Papa. "Kung ang inaalala niyo po ang estado ng dalawang kompanya, rest assured that the partnership of both will remain at ease. Walang magagalaw. Ang gusto ko lang po talaga ay ang makawala sa personal na relasyon ko sa kaniya."

"Bakit mo ba ginagawa 'to? Mabait na tao si Darry. Are you seeing someone else?" Rebuttal ni Ate sa sinabi ko kaya naibalik ko ang tingin sa kaniya.

Mapakla akong ngumiti.

"Oo, I'm seeing someone else. I cheated, is that enough reason to break our marriage?" Tinalikuran ko silang lahat at umakyat na sa hagdan.

Pagod na pagod na ako, kailan ba matatapos ang lahat ng ito?

"Tonette, tama na 'yan," saway ni Papa sa kaniya pero wala na akong pakialam.

Nasa ikalawang palapag na ako ng bahay nang lumapit si Manay Daisy sa tumpokan kanina.

"Mawalang galang lang, Blakelyn at Resting, pero si Senyora Auring kasi-"

"Anong nangyari kay Mama?"

Napatigil ako sa paglalakad at naibaling ang tingin kay Manay Daisy na galing pang kusina at may hawak na telepono.

"Tumawag si Letty... patay na raw si Senyora Auring."

What the shit?

Tears pooled in my eyes. Nasapo ko ang bibig ko at unti-unting napa-upo sa kinatatayuan ko. Sumikip ang dibdib ko at patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko.

Nanghihina ako. Ayaw tanggapin ng utak ko ang narinig kay Manay Daisy pero bakit nasasaktan na ang puso ko?

Narinig kong nagkagulo ang lahat pero ako, nanatili akong nakaupo sa may bukana ng hagdan at patuloy pa ring umiiyak.

Bakit, Lord?

Sumigaw ako para mailabas ang lahat ng frustrations sa loob ko. Sumigaw ako sa galit sa sarili ko.

"M-Ma'am MJ..." Agad nagsi-akyatan ang mga kasambahay sa may hagdan para lapitan ako, sa pangunguna ni Alice.

Kahit malabo ang aking paningin dahil sa luha, pinilit kong aninagin si Alice.

"T-Totoo b-ba a-ang s-sinabi ni Manay?" Kahit na-uutal at humihikbi, pinilit ko ang sarili kong itanong iyon kay Alice.

Unti-unting tumango si Alice na mas lalong nagpasikip ng aking puso, nagpaluha sa aking mata, at nagpasakit ng aking damdamin.

Why, Lord?

~