webnovel

She Leaves (Tagalog)

MJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Engagement Party

Holy shit.

Punyemas.

Hijo Deputa.

Ano pa bang mura ang kayang magpawala ng sakit? My head is literally throbbing. Parang tinutusok ng karayom na halos tumibok na sa sobrang sakit.

Mariin kong ipinikit ang mata as if it can take away the throbbing pain. Pero walang nagbago kaya mabilisan akong bumangon at binalanse ang sarili nang makatayo at pilit in-adjust ang mata sa nagbabantang liwanag.

Una kong tiningnan ang bintana ng kuwarto ko pero close ang curtains nito. Halata naman sa maliliit na siwang na maliwanag sa labas at umagang-umaga na kahit hindi ko naman alam kung anong oras na.

Habang nakatayo pa rin sa gilid ng kama, wala sa sarili akong napatingin sa wall clock ng kuwarto.

11:22 AM.

Tanghali na pala?

Nang maka-recover kahit papaano sa sakit ng ulo ay inalala ko ang nangyari kagabi. Alam kong naglasing ako, nakipag-usap, sumayaw, nakipag-inuman, nakipagtagayan, hanggang sa malasing ako. Sigurado akong lasing na lasing talaga ako at inihatid ako ni Manong Bong.

Pero bakit sa condo? At bakit iba na ang damit ko?

Ipinilig ko ang ulo ko, baka sakaling mawala ang sakit ng ulo pero no progress.

I sighed and walk towards the door para makalabas na at para masagot ang mga tanong sa utak ko.

Pagkabukas ko ng pintuan, una kong tiningnan ang kusina nang may narinig akong kaluskok doon. Hindi rin kalaunan ay nakita ko kung sino ang nandoon.

Oo nga pala, nandito nga pala kahapon sina Alice at Erna para bantayan ang mga pamangkin ko.

Kumalma ang kaluluwa ko sa naisip. Baka silang dalawa lang ang nagpalit ng damit ko. It's not the first time, they've done this before. It was the twins' eighteenth birthday when I got so wasted that when I woke up the next morning, I really thought I'm at someone's, or rather a boy's, place and something happened to us dahil iba na ang suot kong damit at hindi ko na nakilala ang kuwarto ko kasi sakto ring tinanggalan ng drapes para labhan daw. 'Yon pala, nag-i-illusion lang ako.

Teka, sandali, speaking of lalaki... I remember a man last night. Was it Sonny? Did I saw Sonny last night?

I shake that thought away and pumuntang kusina para padarag na umupo sa dining chair. Diretso kong iniyuko ang ulo ko at nagreklamo sa sakit ng ulo.

"Good morning, Ma'am MJ!" Sabay na bati ng dalawa.

"Kape, Ma'am," sabi ni Alice sabay lapag ng mug sa table.

Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at inilapit sa'kin ang mug. I found peace when my cold hands felt the warmth of this coffee.

"Ma'am, ang tagal n'yo naman yatang nagising?" Tanong ni Erna.

"Sabi ni Madam, alas-dos daw darating ang mga magmi-make-up sa'yo," wika ni Alice.

Sa sobrang bangag ko, tumango ako sa mga pinagsasabi nila at diniretsong inom ang kape.

"Punyemas!"

Ang sakit!

Inilapag ko ka agad ang kape sa lamesa at halos bunutin ang dila sa sobrang hapdi ng pagkakapaso.

"Hala, Ma'am!"

Nataranta si Erna pero si Alice naman ay natawa lang kaya sinamaan ko ng tingin ang huli.

"Bangag na bangag, Ma'am, a? Ini-enjoy mo ba ang mga huling sandali mo bilang dalaga?" At isang nakalolokong ngiti ang ipinukol niya sa'kin habang nag-aabot ng basahan kay Erna at tissue naman sa'kin.

"Tss. Anong oras ba akong nakauwi kagabi?" Pag-iiba ko sa usapan habang hinihipan na ang kape, naninigurado na.

Nagpatuloy ang dalawa sa paghahanda ng pananghalian namin.

"Mga alas-dose, Ma'am."

Punyemas?

Halos masamid na naman ako sa kapeng iniinom ko. Mabuti na lang at nailayo ang mug at nalunok ang kape. Nanlaki ang mata ko kay Erna dahil sa naging sagot niya.

"Alas-dose? Tapos ganito ka sakit ang ulo ko? Alas-dose akong umuwi? Ang aga naman! Nagbibiro ka ba, Erna? Alice?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

Si Erna, hindi makatingin sa'kin at mukhang nataranta sa pagtaas ng boses ko. Si Alice naman ay nakangisi lang pero may kuryusong tingin.

"'Yon nga ang nakapagtataka, alas-dose pa lang pero lasing na lasing ka na, Ma'am MJ." Tumigil sandali si Alice sa ginagawa kaya napaiwas ako ng tingin. "May problema ka ba o naglalasing ka kasi alam mong engagement party mo ngayon?"

Tumikhim ako at inalala ang kagabi. Sinadya ko yata talagang maglasing kagabi. Hindi dahil alam kong engagement party ko ngayon, kundi dahil sa sakit.

"Bakit sa condo ako hinatid ni Manong Bong? Bakit hindi sa bahay?" Pag-iiba ko ulit sa usapan. trying to avoid Alice's question. Mabuti naman at nagpatuloy siya sa pag-aasikasong ginagawa.

"Kasi mas malapit sa pinag-party-han mo? Ewan. Hindi naman sinabi ni Sir Darry kung bakit dito ka nila inihatid ni Kuya Bong."

"Oo nga pala, Ma'am, si Sir Darry nga pala ang naghatid sa inyo kasama si Kuya Bong."

Teka, sandali, wait, taysa! Anong... ha?

"Anong sabi n'yo? Darry?"

"Wala ka bang maalala, Ma'am?"

Napatingin ako kay Erna habang nilalapag niya ang ulam sa harapan ko.

"Sabagay, tulog na tulog ka nga pala nang makarating ka rito. Sabi rin ni Sir Darry na bigla ka raw nakatulog habang nagsasayaw. Mabuti na lang talaga na siya raw ang kasama mo bago ka nakatulog at naihatid ka rito sa condo mo."

Mas lalo akong nanlumo sa dinagdag ni Alice.

Hinatid ako ni Darry? Siya ang huli kong kasama bago ako nakatulog? What the shit!

"Ang mapanakit mo, Sonny."

Punyemas!!!

Was that him? Siya 'yon? Ugh! Of all people?

Matinding singhap ang ginawa ko dahil sa mga naalala. Hindi ko na kaya kung may maalala pa akong mga sinabi sa kaniya. Hindi ko na talaga kaya! Sana wala. Sana wala na talaga! Sana 'yon lang ang sinabi ko. Sana. Sana. Sana sinabi mo!

Dahil sa mga naalala, naging tulala ako habang kumakain. Hanggang sa dumating na ang glam team na mag-aayos sa'kin, hanggang sa dumating na ang mga kaibigan ko sa condo para makita ako, hanggang sa mismong venue, halos nakalutang lang ako sa ere at hindi malaman kung anong gagawin.

I remembered! I was outside Art District. I was still walking but barely keeping up the pace, I was being held by a man and I mumbled something.

Holy shit ka talaga, Maria Josephina Constancia! Maglalasing ka na nga lang, sa harap niya pa! Sana ang sinabi ko sa kaniya ay 'yong winning combination number sa lotto. Holy shit kasi hindi ko maalala kung anong sinabi at ginawa ko pagkatapos no'n! Gusto kong malaman kung ano! Gustong-gusto ko! Pero paano?

Edi magtatanong. Gaga ka ba?

Mas gaga ka! Mas nakakahiya yata 'yon.

Edi si Manong Bong tanungin mo.

Oo nga pala, si Manong Bong!

Agad kong pinahanap si Manong Bong sa ibang tauhan nina Mama na nandito kaya habang nakamasid sa kabuuan ng venue, hinintay ko siya.

Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng venue na wala pang tao. It's still four in the afternoon and the party will start at six. Wala na ako sa condo ngayon, nasa L Fisher na kami for the venue. My families were checked in sa hotel, ako lang 'yong hindi. Hipokrita, e, gusto talagang umuwi ng condo. But kinuhanan ako ng room so nandoon ang mga friends ko.

Papalapit na sa puwesto ko si Manong Bong.

"Ma'am MJ, hinahanap n'yo raw po ako?"

"Manong Bong, didiretsuhin na kita, ha? May sinabi ba ako kay Darry kagabi?"

Nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo ni Manong Bong dahil sa naging tanong ko. Nang mapagtanto ang naging tanong ko, mahina siyang natawa.

"Hindi pa rin talaga kayo nagbabago, Ma'am, 'no? Hindi niyo pa rin talaga naaalala ang mga nangyayari sa tuwing lasing kayo."

"Sige na, Manong Bong, sabihin n'yo na, lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano ba 'yong mga pinagsasabi ko sa kaniya. Like the usual lang, Manong? 'Di ba dait sinasabi niyo sa'kin agad kung ano 'yong mga pinaggagawa ko dati? At saka curious lang talaga ako, Manong, kung bakit nandoon si Darry? Nag-party din ba s'ya?"

Natawa ulit si Manong Bong.

"Hindi, Ma'am, ikaw yata talaga ang sadya niya. Pagkarating kasi niya, agad niya akong tinanong kung nasaan ka. Alam mo naman, Ma'am, na nasa may kotse lang talaga ko. Medyo nagulat nga rin ako nang makita ko s'ya roon, Ma'am, e."

"O, tapos?"

Pabitin naman 'tong si Manong Bong, e.

"Tapos po bigla siyang lumabas na akay-akay ka niya. Edi, siyempre, ako dapat ang maghahatid sa'yo pauwi pero hindi agad akong nakalapit para tulungan siya, Ma'am, dahil sa ginawa mo."

"Ano 'yong ginawa ko?"

Halos yugyugin ko na ang buong pagkatao ni Manong Bong dahil sa pabitin pa rin niyang pagku-kuwento.

"Hinalikan-"

"Hinalikan?! Hinalikan ko siya? Saan?"

Punyemas na 'yan. Anong kagagahan 'yan, MJ?

"Sa pisnge lang, Ma'am. 'Wag masiyadong OA, Ma'am, sa pisnge mo lang siya hinalikan." Hindi ko alam kung mapapanatag ba ako sa sinabi niyang sa pisnge ko lang nahalikan si Darry, e. Pero at least 'di ba? Hindi totally kagagahan pala ang ginawa ko? "Kaso, Ma'am, tinawag n'yo siyang Sonny, e."

Pun.Ye.Mas.

Napabitaw ako sa pagkakahawa kay Manong Bong at lumunok dahil sa dinagdag niya. Hindi na rin ako makatingin sa kaniya. Nahihiya.

"G-Ganoon ba, Manong? Salam-"

"Pero, Ma'am, totoo po ba 'yong sinabi n'yo kay Sir Darry, Ma'am?"

Bongga kong ibinalik ang tingin sa kaniya dahil na naman sa gulat.

"Ano na namang sinabi ko, Manong? Meron pa ba?"

"Sonny 'yong tinawag mo sa kaniya, Ma'am, pero ang sinabi mo ay crush mo ang bunsong kapatid ni Sir Sonny. 'Di ba, Ma'am, si Sir Darry ang bunsong kapatid ni Sir Sonny?"

Punyemas. Punyemas to the nth level! Gaga ka talaga, MJ!

"Manong, 'wag kang magbiro ng ganiyan. Hawak ko ang pamilya mo, 'wag na 'wag na talaga."

Bago pa man gumuho ang buong kahihiyan ko, naninigurado muna ako.

"Promise, Ma'am, 'yon talaga ang sinabi mo. Hindi nga agad ako nakalapit dahil titig na titig si Sir Darry sa'yo. Saka lang ako lumapit no'ng tuluyang kang nakatulog, Ma'am. At saka, alam mo namang nagsasabi talaga ako ng totoo, Ma'am, sa tanda ko 'to, magsisinungaling pa ba ako?"

Halos malugmok ang buong pagkatao ko dahil sa narinig mula kay Manong Bong. Sabi na nga ba, hindi ko kakayanin kung malalaman ko pa kung ano 'yong mga pinaggagawa ko kagabi, e. Punyemas jud ka, Maria Josephina Constancia, oy!

Lutang na lutang ako habang niri-retouch ng mga make-up artist. Natigil lang nang makita ang paraan ng pagtitig ni Vad sa'kin. I smiled at him pero nanatili pa rin ang seryosong pagkakatitig niya sa'kin. I know something is running on his mind and I don't want it to bother me. Bothered na bothered na nga ako no'ng mga pinaggagawa ko kagabi, e, dadagdag pa siya? 'Wag na.

"Bruha, mauna na kami sa baba, ha? See you later, catterpillar!"

Bineso ako ng twins, Ressie, Paulla, and Jessa. Nicole and Maj are missing in actions kasi nga wala sila rito.

"Okay," sagot ko habang pinagmamasdan silang lumabas ng hotel room.

Si Vad naman ay nanatiling nakatayo sa isang gilid.

"Halika na, Engineer Vad!" Aya sa kaniya ng girls. Tinanguan lang niya ito.

"Saglit lang, may sasabihin muna ako kay MJ."

Himalang hindi na nagtaka ang girls sa sinabi niya kaya tuluyang silang umalis. Tumikhim ako to lessen the tension I'm about to feel inside my system.

"Anong sasabihin mo, Vad?" Lakas loob na tanong ko habang inaayos kunwari ang mga nagkalat kong gamit sa bed.

"Sigurado ka bang itutuloy mo 'to?"

Panandalian akong sumulyap sa kaniya at pannadalian ding ngumiti.

"Bakit naman hindi?" I put some humor into it para kahit papaano ay malaman niyang hindi ako tensiyonado.

He sighed again.

"Alam kong alam mo kung bakit hindi mo na dapat ipagpatuloy 'to."

My hands stop at midair and stared blankly at my bag.

"Hindi naman totoo 'yon. Those were rumors. If those were true, dapat by now, sinabihan na ako ng mga magulang niya, nang kahit sino sa pamilya niya."

Hindi ko alam kung si Vad ba ang pinagsasabihan ko no'n o ako.

"Hindi dapat ako ang magsasabi nito, MJ, pero sa tingin ko... karapatan mo rin namang malaman ang totoo. MJ-"

"Salvador!" Bago pa man niya sabihin ang mga dapat sabihin ay pinigilan ko na siya. "Hindi totoo 'yon, okay? Chismis lang ang lahat ng iyon. Sa lahat ng Lizares brothers, si Sonny ang may paninindigan kaya mali 'yang mga punyemas na kumakalat na balita tungkol sa kaniya. Hindi 'yan totoo, Vad," tumikhim ako nang biglang tumaas ang boses ko. Punyemas naman.

Hindi ko alam kung ano pang lalabas na mga salita sa bibig namin ni Vad kung hindi lang kami pinasok ng organizer para sabihin na magsisimula na raw ang party. Tahimik kaming dalawa na bumaba sa venue. Hindi na rin naman siya nagsalita hanggang sa maghiwalay na kami ng landas.

Maraming tao sa La Proa Ballroom. Iba't-ibang klase ng mga tao: business world, politics world, family friends, some prominent families in Negros, some friends from Manila, relatives, and close friends... name it. Nandito silang lahat para sa engagement party na ito kaya paano ko ipapatigil 'to? Ayokong gawin ang ginawa ni Kuya noon na tumakas, tumakbo, tinalikuran ang engagement party. Wala akong concrete reason to do that. No confirmation regarding that news. Kaya sino ako para ipatigil 'yon?

Kahit ganito na ang naiisip ko, may katiting pa rin sa isipan ko na sana... sana mali lahat at tama ako. Gusto kong maging tama naman. Kahit ngayon lang.

Suminghap ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Nginitian ko ang mga nakakasalubong ko. Minsan napapahinto para magbigay galang, lalo na sa mga matatanda.

Nilapitan ko ang pamilya ko sa presidential table.

"Ate, nasaan na si Sonny?" Tanong ko sa Ate ko na karga-karga si Kansas. Iginala ko ang tingin sa paligid pero ni anino ni Sonny ay hindi ko nakita. Isa lang naman talaga ang nagpapakalma sa akin ngayon, ang isiping maraming tao kaya hindi ko siya makita.

"Parating na siguro, little sis."

Parating? So, wala pa siya rito?

Ngumiti ako kay Ate at hindi na siya tinanong pa dahil naging abala na rin siya kay Kansas. Tiningnan ko ang kabilang table, kung nasaan ang mga Lizares. The matriarch and patriarch are busy entertaining the guests. Their four sons are busy having a real time serious conversation na sa sobrang seryoso, halos sugurin na ni Einny si Siggy. Si Decart naman ay abala sa phone niya na mukhang may tinatawagan pero nakikinig sa kung anong sinasabi ni Tonton.

Yeah, four, hindi ko makita si Sonny at Darry. Kaya mas lalo akong kinabahan.

Gusto ko sanang pagtoonan ng pansin ang pag-uusap nilang hindi ko naman marinig dahil sa sobrang layo kaso inagaw ni ng natataranta kong Mama ang atensiyon ko.

"Ma, what's the problem?" Pinigilan ko siya sa paglalakad.

Bigla siyang ngumiti nang malawak sa akin at marahang hinaplos ang pisnge ko.

"Nothing, anak. Settle down there, we're going to start now."

True enough, sinimulan nga ang program with a little introduction. Inuna ang kainan kaya naging abala ang lahat sa dinner na nagaganap pero ako... hindi ko magawang kainin ang pagkain na nasa harapan ko. Everybody's enjoying the vibe. Ako, parang wala talaga sa mood. Dinadaan ko na lang sa patagay-tagay ng wine.

Hindi ko nga rin malapitan ang mga kaibigan ko dahil pansamantala akong pinagbawalan na gumala. Mamaya na raw pagkatapos ng announcement.

Sa kalagitnaan ng kainan, nagsalita ang master of ceremony. Pinipilit akong magsalita sa gitna para magpasalamat.

"Thank you, everyone, for coming to my graduation party. Lending your spare time to this special event of mine means a lot to me and very much appreciated. Thank you once again and please do enjoy the party."

Ngumiti lang ako pero sa kalooblooban ko ay matinding kalabog ng sistema na ang nararamdaman ko. Halfway na ng party pero ni anino ni Sonny, hindi ko nakita.

May mali talaga, e. Maling-mali.

"Merging two companies is an essential in surviving in the business world. It is to prove that the two different companies and organization are in unity for the prosperity of the economy. Tonight, two of the most prominent and opulent families in the Philippines will announce their amalgamate through marriage!"

Nagtiim-bagang ako nang magsimula na ulit na magsalita ang master of ceremony. It's time.

Blangko kong tiningnan ang sahig ng ng stage, naghihintay kung kailan tatawagin.

Mali itong iniisip ko. Kung may mali, sana hindi na ipinagpatuloy ang pag-a-announce. Tama. Tama!

"The Osmeña Business Empire and Lizares Sugar Corporation will merge through marriage in order to have a better future of the the both companies. Welcome to the engagement party of Osmeña and Lizares!"

Umayos ako sa pagkakatayo at ipinilig ang ulo para hindi pumasok ang mga masasamang isipin. I need to smile for everybody.

"Miss Maria Josephina Constancia L. Osmeña of the Osmeña clan!"

Isang masigabong na palakpakan ang sumalubong sa akin habang naglalakad papunta sa gitna ng stage. All smiles ako and it's my sweetest smile of all of time. Maganda ako tonight and there's no punyemas room in a furrowing face.

"And Mister Darwin Charles L. Lizares of the Lizares clan!"

What the shit?!

Teka, sandali. Teka, sandali nga lang! Ano 'yong sinabi niya? Sandali nga lang... what the shit is going on?!

Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking tumabi sa'kin sa gitna ng stage. Wala na akong pakialam kung anong expression ng mukha ko ngayon. What the shit talaga!

"Ba-Bakit ka... Bakit ka..."

"I'll explain everything later. Just please act normal and smile to everyone," he use again his baritone voice. What the shit!!

My whole system is in havoc. I don't know what to do! I don't know what to react! Should I shout at him? Runaway and make a scene? Punyemas! What is going on here?

Inangkla niya ang kamay ko sa braso niya at diretsong nakatingin sa lahat. Hindi ko sinunod ang sinabi niya, bagkus, mas lalo ko siyang tinitigan.

What the shit again!

His manbun is gone. His jetblack long wavy hair is gone. His hair is in clean cut right now. Nagpagunting siya? What the shit? Anong nangyayari?

Ano ba!!!!

"Please face them. I'll explain everything. Please, MJ."

Napasinghap ako sa sinabi niya at hilaw na nginitian ang mga taong nagpapalakpakan sa aming dalawa. Iginala ko ang paningin ko kahit na nanginginig na ang labi ko dahil pilit na pilit ang pagkakangiti ko. Gusto ko na ring umiyak sa kahihiyan.

Half of them are cheering and all smiles to us. The other half are in complete shock. Isa na sa mga nagulat ay ang mga kaibigan kong hindi man lang pumalakpak. Nakatayo lang sila at mariing nakatingin sa amin. Maski si Vad, mababakas na rin ang gulat sa mukha niya.

Yeah, Vad, same. Punyemas, same!

Huli kong tiningnan ang mga magulang ko. Nagulat sila pero pilit silang ngumingiti sa akin.

Ano ba ang nangyayari? Nasaan ba si Sonny?

Sinipot nga ako ng mga Lizares pero feeling ko napahiya pa rin ako. Napahiya ako dahil hindi naman siya ang dapat na pakakasalan ko pero bakit siya ang nandito? Hindi lahat ng nandito ay alam na si Sonny ang fiancé ko pero hiyang-hiya pa rin ako sa sarili ko. Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, gusto kong matumba at mawalan na lang ng malay bigla para makalimutan ang lahat ng ito.

Ano ba kasi ang nangyayari?

Balisa at parang mawawalan ng malay, nakipag-plastikan ako sa lahat. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, umabot ng isang oras ang pagiging plastic ko sa ibang tao.

My hands are literally trembling and I really want to cry out of shame. Wala pa ring sumasagot sa mga katanungan ko sa utak.

Suminghap na lang ako at diniretsong lagok ang wine.

Punyemas! I need a hard one. Wine can't cover it up for me. Punyemas!

Natapos akong makipaghalubilo sa mga malalaking bisita pero hindi ko napupuntahan ang table ng mga kaibigan ko.

I lick my lips and nilapitan ko si Mama. Wala na akong pakialam kung nasaan si Darry, gusto ko lang ay ang umalis sa crowd na ito at lunurin ang buong sistema ko ng alak. Ayaw yatang tumanggap ng utak ko sa kahit anong klaseng explanation.

"Ma, can I go out with my friends?" I interrupted her talk with an investor.

She sorrowfully look at me.

"Anak, the party's not yet over. Can you please stay for a couple of minutes?" Malumanay na request niya.

"Please, Ma? I'm really tired na po kasi. Kulang po 'yong tulog ko kagabi. You knew naman I partied right?"

Nag-aalinlangang lumingon si Mama sa kausap niya bago ibinalik ang tingin sa akin.

"I'm really sorry, anak. Promise, we'll explain late. Sige, you can rest now."

Hinalikan ako ni Mama sa noo pero tango lang ang sinagot ko.

Tuloy-tuloy ang naging lakad ko, not minding the people who greets me along the way.

"MJ, saan ka pupunta?"

Bago pa man ako makalabas ng venue, napigilan na ako ng mga kaibigan ko na hindi ko namalayang nakasunod pala sa akin. Pagod ko silang nilingon.

"Gusto ko munang mapag-isa. Pangako, bukas, mag-i-explain ako," kahit hindi ko pa alam kung anong explanation ko.

Bakas na bakas pa rin sa kanila ang pag-aalala. Ayaw pa sana nila akong pakawalan pero wala silang nagawa kundi ang hayaan ako sa gusto ko. Punong-puno sila ng katanungan pero mas nanaig ang pag-aalala nila sa akin and I appreciate that.

"Sige na, guys, I'll be in my hotel room. Hindi ako aalis. I just want to rest for a while. Thanks for coming pala," assurance ko sa kanila kaya wala na talaga silang nagawa kundi ang pakawalan ako.

Bukod sa kanila, wala ng ibang pumigil sa akin at sa tingin ko, sa sobrang dami ng bisita, hindi na nila napansing umalis ako.

Para akong zombie kung kumilos. Tulalang-tulala pero nagawa pa ring makapagbihis.

My plan is to stay inside my hotel room but I need an air para makahinga nang maluwag. Kinuha ko ang card holder at ang phone kong ilang araw ko ring in-ignore at pumunta sa rooftop nitong hotel room kung nasaan ang bar area nila, sa Chalet.

"Two botts of Cuervo," sabi ko sabay lapag ng ATM card at dumiretso sa isang table, sa pinakasulok na table kung saan tanaw ang iilang tanawin ng kabisera.

Maya-maya lang ay inilapag ng server ang order ko. May kasama na itong isang bowl ng lemon at isang shot glass.

Iba 'yong tingin n'ya sa'kin. Siguro nagtataka kung bakit mag-isa lang ako pero dalawang bottles ng tequila ang in-order ko. Pinipigilan lang siguro ang sariling magtanong kaya hindi nakapagsalita kahit halatang-halata sa tingin niya. I guess it's part of their protocol. I don't know and I don't care.

I harshly opened my first bottle for this night and diniretsong lagok ito. Straight from the punyemas bottle. Rumehistro ang pait at lamig ng inumin sa lalamunan ko pero sa sobrang manhid na ng puso ko, hindi na ako nag-react pa. Hinarap ko na lang ang malamig na gabi at tiningnan ang tanawin ng kabisera ng probinsiya.

Kahit na malalim na ang gabi, maliwanag pa rin ang kabuuan ng kabisera. Kahit na madilim na sa ibang parte, nakikita ko pa rin ang mga pamilyar na lugar na madalas kong puntahan kung nandito ako.

Sa dinami-rami ng ng tumatakbo sa isipan ko, hindi ko alam kung ano ang uunahin.

Where should I start thinking, by the way?

Tiningnan ko ang hawak kong phone at mariin itong tiningnan. May iilang mensahe at missed calls doon na ilang araw ko ring hindi pinansin at hindi binasa. Ngayong araw ko lang na-charge 'to magmula no'ng umuwi ako galing Manila.

I unlocked it and dumiretso ako sa Google. I typed the name Sonny Lizares.

In a span of one second, agad nagpakita ang iba't-ibang resulta.

'The fifth Lizares son, Edison Thomas L. Lizares, topped the Chemical Engineering Board Exam.'

'Engr. Sonny Lizares, the prodigy on his field, awarded as the Most Phenomenon Chemical Engineer in his generation.'

Mga ganoong balita ang nakita ko. Meron pang litrato niya pero ni-isang balita tungkol sa gusto kong malaman ay hindi nagpakita.

Punyemas naman!

I deleted the search box and typed another name.

Ayla Encarquez.

And there, merong lumabas kaso ang nakasusuklam, hindi ko mabuksan dahil wala akong Facebook account.

Punyemas times two!

Padarag kong ibinato ang phone ko sa lamesa at muling lumagok sa boteng hawak.

Putakte. Putragis. Punyemas. Putang ina!

Gusto kong sumigaw! Gusto kong magwala! Gusto kong umiyak pero ni-isang patak ay hindi man lang magawang tumulo sa mata ko. Punyemas, ang bigat-bigat sa puso! Promise!

Kaya ba hindi siya sumipot sa engagement party kasi totoo? Totoo na nabuntis niya si Ayla? Bakit ganoon? Bakit kailangang itago sa'kin? Bakit kailangang hindi ako abisohan? Bakit kailangang ipagpatuloy pa?

Tapos isa pa 'tong si Darry! Bakit siya? Paano si Callie Dela Rama? Bakit siya!

Sunod-sunod ang naging lagok ko sa inumin hanggang sa maubos ko ito. Ignoring the burning sensations I'm feeling inside my throat. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal dito, basta ang alam ko, hindi pa ako lasing, medyo umiikot ang mundo ko, pero hindi pa talaga ako lasing.

I was about to open my second bottle when a thunder like voice dominated my ear drums.

"MJ..."

He didn't even ask for my permission if he could sit in front of me. Basta lang siyang umupo sa harapan ko at tinabi ang walang lamang botilya ng tequila na una ko nang inubos. He was about to grab the bottle I'm holding pero agad kong inilayo sa kaniya ito. Hindi pa ako ganoon ka lasing para magpatianod sa gusto niyang mangyari.

I sarcastically smile at him.

"You came..." Mas inilayo ko ang bottle sa kaniya nang akmang kukunin ulit niya. "You came... very very late. But still, you came."

"MJ... I'm sorry."

His voice boom in my system. Like a grenade seconds before a foreseeing war. Hindi ko alam kung sa katahimikan ba o dahil gustong marinig ng tenga ko ang boses niya... for an explanation.

Nag-iwas ako ng tingin at pagak na tumawa. Almost a witch like laugh.

"Sorry..." Mas lalo akong natawa kahit na alam naming dalawa na walang nakakatawa. "Sinasabi lang naman 'yan 'pag may hindi ginawang tama. Sinusubukang itama ang maling nagawa sa pamamagitan ng pagsasabi ng sorry, 'di ba? Bakit ka nag-ssorry, Sonny? May ginawa ka bang mali?" I took all my courage and look at him in the eyes.

Ang maamo niyang mukha na minsan kong hinangaan. Punyemas.

"I'm sorry, MJ... hindi ko sinasadya-"

"Ha-ha-ha!" Pinutol ko ang sasabihin niya ng isang walang humor na tawa. Nakakatawa talaga. "Hindi mo sinasadya?" Kalmado kong tanong habang mahigpit ang hawak sa bote. Nakayuko na siya ngayon at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Hindi mo sinasadyang mabuntis mo si Ayla sa kasagsagan ng pagkakasundo nating dalawa? HIndi mo sinasadyang mabuntis mo siya while saying to me na gusto mo ako? Hindi mo sinasadyang mabuntis mo siya kahit na ipinaparamdam mo sa akin kung gaano mo kagusto ang kasalang ito? Hindi mo sinasadya na mabuntis mo siya tapos nasa akin ka while playing innocent na walang naka-attach sa'yo? Hindi mo sinasadya na pilit mong tinatanong sa'kin kung bakit hindi ako tumututol kahit na ikaw naman pala ang may rason para tumutol? Hindi mo nga sinasadya, Sonny, hindi talaga."

Mahina pero may diing sabi ko. Sinisiguradong kahit na hindi pasigaw, alam kong tatarak sa isipan niya na animo'y kutsilyo ang mga salita ko. I am so disappointed na pati ang pagtingin sa kaniya ay para akong nandidiri.

"Ginawa mo akong tanga, Sonny! Tinanong kita kung meron, tinanong kita. Kasi ang ayoko sa lahat ay ang may masasagasaan ako and worst... meron pang batang kasama, Sonny."

Suminghap ako at humingang malalim. Pinilit ko ang sarili kong umiyak pero hindi talaga, wala talagang lumalabas kahit isang patak man lang, pero ang bigat sa puso, sobra pa sa sakit na naramdaman ko noong una kong malaman ang balita tungkol sa kaniya.

"Now talk."

Aabutin sana niya ang kamay ko pero mas lalo akong lumayo at nandidiring tumingin sa kaniya.

"Gusto kita, MJ. Gustong-gusto. One night stand lang ang nangyari sa amin ni Ayla. That's all."

"Gusto... 'yan lang ba talaga ang sasabihin mo? Gusto mo ako? Gusto mo lang ako, Sonny, at hindi 'yon sapat para abandunahin mo ang bata and play pretend in front of my face that you are willingly and happy to marry me. How could you swallow that kind of situation? Alam mong nagkabunga ang isang gabing iyon ninyo ni Ayla tapos haharap ka sa'kin na para kang walang responsibilidad sa ibang babae? Gusto mo lang ako, Sonny! Gus-to!" Pagak na naman akong napatawa. Para na yata akong baliw sa kakatawa na wala naman talagang nakakatawa.

Punyemas mo, MJ, for believing and holding to that thought. Punyemas mo!

"Pananagutan ko naman talaga ang bata, MJ, pero kailangan kitang pakasalan. 'Yong isang gabing iyon namin ni Ayla, hindi sinasadya 'yon. It was a fucking mistake!" Rebuttal niya.

"Do not ever call the baby a mistake, Sonny! Oo, maaaring kasalanan nga ang ginawa n'yo pero never naging kasalanan ang magkaroon ng anak! Sonny, sana sinabi mo. Sana sinabi mo nang mas maaga na magkakaroon ka na ng anak. Sana sinabi mo, Sonny, nang mas maaga! Hindi 'yong pinaabot mo pa sa mismong engagement party bago ka magsabi, bago ko pa nalaman! Sana sinabi mo, maiintindihan ko naman, e, maiintindihan ko..."

Luha naman, o, please, pumatak ka nang mawala ang bigat sa puso ko.

"Hindi ko sinabi kasi ayokong umatras sa kasal. Ayokong bitiwan ka. Pinangarap kita at saka matagal 'tong plinano tapos dahil lang sa isang bata matitigil ang lahat?"

"Lang?! Bata 'yon, Sonny. Tao! 'Wag mong nila-lang, lang!" Hinampas ko nang malakas ang lamesa sa pagitan naming dalawa at mariin siyang tiningnan. "Punyemas na pangarap na 'yan! Kung pangarap mo 'ko, edi sana hindi mo ginawa! Wala ka sanang ginawa! Hindi ka sana gumalaw ng iba kasi nga pangarap mo 'ko, kasi gusto mo akong pakasalan kahit na para lang naman sa negosyo ang kasalang ito. Pero lechugas barabas, Sonny, ang akin lang naman... sana sinabi mo the moment na malaman mo! Hindi 'yong pinapaniwala mo pa ako sa mga salita mo!"

Isinantabi ko ang bote at mariin siyang tiningnan.

"Alam mo na ayoko sa lahat ay 'yong may tinatapakan akong tao. Muntik na rin akong mapahiya kung hindi lang ako sinalba ng kapatid mo."

Nakatitig ako sa kaniya kaya nakita kong mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at nang pagdilat niya, diresto siyang nakatingin sa akin.

"Wala sa plano na si Darry ang papalit sa akin. Papunta na ako, sisipot na sana ako sa engagement kasi kailangan."

Malakas kong hinampas ulit ang lamesa at padarag na tumayo. Narinig ko rin ang pagbagsak ng inupuan ko, natumba siguro sa lakas ng pagkakatayo ko. Umikot din ang paningin ko. Pero lahat ng iyon, in-ignore ko.

"Kahit na sumipot ka pa, 'pag nalaman kong magkaka-anak ka sa iba, ako mismo ang magpapatigil ng kasal at ng pagtitipon kahit na mapahiya ako. May batang involve dito, Sonny, at alam mong hindi ko maaatim 'yon. Oo, gusto mo ako pero hindi ibig sabihin na kailangang hamakin mo ang lahat para sa akin. Gusto mo lang ako, Sonny, hindi mo ako mahal. Kasi kung mahal mo ako, wala sanang batang nadadamay ngayon. Kung enough ang feelings mo para sa akin, wala sanang problema. Focus on your child, Sonny, I am officially calling of our engagement."

Dinuro ko siya at padarag na umalis sa harapan niya. Umiikot pa rin ang mundo ko pero lakas-loob akong naglakad paalis sa rooftop.

Nang malapit na ako sa elevator, bigla akong natalisod. Mabuti na lang at merong sumalo sa akin kaso sa pag-angat ko ng tingin at makita ang mukha niya, halos bawiin ko ang buong pagkatao ko sa kaniya.

"Isa ka pa!" Sigaw ko sa kaniya at padarag na naglakad papuntang elevator.

Punyemas na mga Lizares 'to! Punyemas n'yo!

What are the chances that you will meet someone that will fall for you? What are the chances that that person will make you feel special? What are the chances that that person will not hurt you? What are the chances that you will reciprocate that person's feelings before it becomes too late?

What are the percentage of what you build will not torn into pieces? How sure are you na matibay nga ang nagawa mo? How sure are you na dekalidad ang mga materials na ginamit mo?

In the construction field, you have to make sure that your project will be as strong as it can supposed to be. You are building a home that will ensure someone's safety.

Isang matibay na pundasyon ang ginawa ko para kay Sonny. Isang pundasyong akala ko ay hindi matitibag. Pero sa isang simpleng lindol lang, gumuho nang bigla ang pundasyong itinayo ko.

Hindi ko man na amin, alam ko sa sarili ko na nagkaroon ako ng affection kay Sonny.I built rapport, friendship, feelings, affection na alam kong kaya kong palaguin even after the wedding. I eventually want to reciprocate his feelings kaya ako tumayo ng pundasyon; palatandaan ng nararamdaman ko sa kaniya. Akala ko matibay dahil may mga napagdaanan din naman kami. Akala ko dekalidad na ang lahat, pero 'pag dumating talaga ang lindol, guguho at guguho ang itinayo kahit gaano pa ito katibay.

Sana, Sonny, sinabi mo para 'di na umasang may tayo pa sa huli. Sana, Sonny, sinabi mo, hahayaan naman kitang sumaya't umalis. Sana, Sonny, sinabi mo dahil 'di ko alam kung ano bang nagawa kong mali. Sana, Sonny, sinabi mo, hahayaan naman kita. Sana, Sonny, sinabi mo...

Lasing na yata talaga ako, kung anu-ano na ang naiisip ko.

~