webnovel

She Leaves (Tagalog)

MJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Birthday Party

Paano mo malalaman kung may crush ka sa isang tao?

'Pag napapangiti ka sa tuwing nakikita mo siya.

Paano mo malalaman kung gusto mo na ang taong iyon?

'Pag masaya ka sa tuwing nakikita mo siya at malungkot ka sa tuwing hindi mo siya nakikita.

E, paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?

Hoy teka, sandali, wait, MJ Osmeña! Anong mahal? Walang mahal! Ang mga bilihin lang ang nagmamahal, hindi si Maria Josephina Constancia! Hindi nagmamahal 'yon, nagmumura 'yon, e. Nagmumura ka! Hindi ka nagmamahal! Imposible 'yon!

Masaya kong sinalubong ang pamilya ko nang makarating kami sa wakas sa birthday party ng pamangkin kong si Kansas. Airport ang theme ng party kaya punong-puno ang sikat na event center ng ciudad namin ng mga designs tungkol sa eroplano, airport, at iba pang may kinalaman sa aeronautics. Hindi ko alam kung anong trip ni Ate Tonette, hindi naman sinabi ni Kansas na gusto niya ang ganitong theme, nag-assume lang sila kasi mahilig daw sa eroplano ang anak nila. Mga assumera.

Pati nga si Kansas ay nakasuot ng pang-pilot na uniform, e. And he looks so cute on that. While Ate Tonette, Kuya Uly, and Jordyn also wore a flight attendant's uniform and pilot's uniform. They looks so cute together as a family.

I am enjoying my cup of milk tea as well as enjoying the company of my family and friends. Maraming bisita, pati ang mga kaibigan ko na nandito lang sa ciudad namin ay inimbitahan ni Ate kahit na wala namang mga anak 'yon. Mga anak ng mga alta sociedad ng ciudad ay nandito rin. May inimbitahan din sila Ate na isang orphanage na isasali nila sa birthday celebration ni Kansas. But it's like si Jordyn ang may birthday kasi siya 'yong sobrang nag-enjoy. May clowns and mascot din na kasama to entertain the kids. Meron ding mga booths and playgrounds para mas lalong mag-enjoy ang mga bata. Kaya sobrang daming tao ngayon sa event center. Halos mapuno pa nga ito.

Marami-rami akong nabati kanina kaya ngayon lang ako nakasama sa table ng mga kaibigan ko. Kasalukuyang may clown sa may stage para aliwin ang mga bata, habang kaming mga adults naman ay nakikinuod lang at may mga sariling mundo na.

"Ikaw ba talaga ang Osmeña o si Darry? Bakit siya 'yong nasa table ng pamilya mo at ikaw mukhang na-echapuwera ng sariling pamilya?" Sinabayan ng malakas na halakhak ni Lorene ang sinabi niya kaya inismiran ko siya habang sinisimsim ang milk tea.

"Ingay mo, Ma'am Lorene, ikaw gawin kong clown d'yan, e."

"Bakit ba kasi ang bitter mo pa rin, hindi mo ba nagustuhan si Darry sa loob ng dalawang buwang pagsasama n'yo sa iisang bubong?"

Hindi mo magugustohan ang sagot ko, Lorene. Don't make me talk about that.

Hindi ako sumagot kay Lorene pero nanatili ang tingin ko sa table ng pamilya ko kung saan nakikihalubilo si Darry sa mga pinsan, Tito, Tita, at iba pang relatives namin. Maya't-maya siyang may kausap. Halos nga yata lahat ng kamag-anak ko, nakasalubong at nakausap n'ya, e.

Minsan 'pag lumalapit ang mga pamangkin ko sa mga magulang nila ay talagang pinapansin siya. Meron nga akong nakita one time na kinarga niya 'yong anak ni Tita Rose.

Ang cute niyang tingnan, para siyang isang totoong Osmeña.

"Gosh! Dalawang buwan ka naming hindi nakita tapos bigla-bigla kang ngumingiti nang walang dahilan! Hoy ang creepy mo bruha!"

Matinding paglunok at pag-iwas ng tingin ang ginawa ko nang maramdaman ko ang tapik ni Lory sa akin. Nginitian ko siya habang nasa bibig ko ang straw ng milk tea. Umiling na lang at ako nanatiling nanahimik.

Nanunuod pa rin kami sa entertainment ng mga bata. Usapan dito, chikahan doon. Kung sinu-sino ang naging bisita nina Ate kaya marami-rami rin akong kakilala. Cyrus Photography ang kinuha nilang photographer sa birthday na ito kaya laking tuwa ko nang makita ko si Cyrus at Caroline. Panandaliang batian lang ang ginawa namin ni Caroline at Cyrus dahil nga may trabaho pa sila. May mga kasama na rin sila sa kanilang team kasi mas lumago pa ito dahil sa mga client.

Nag-uusap kami ni Cyrus nang mapatingin ako sa table ng pamilya ko. Nakita agad ng mga mata ko ang mga mata niya. Nakipagsukatan ako ng tingin at ako rin mismo ang nag-iwas ng tingin. Tinarayan ko na lang siya.

Oo nga pala, naiinis nga pala dapat ako sa kaniya ngayon.

"May we request the parents of baby Kansas to be in front for the family picture."

Nasa gitna na sina Ate kasama si Kansas na sayang-saya sa mga nakikita niyang bata. Katulad din kasi siya ni Jordyn, natutuwa 'pag may nakikitang ibang bata.

Nag-pictorial nga sina Ate and her family suot ang airline related uniforms nila. They look so cute together.

"Now the Lolos and Lolas of the birthday celebrant," wika ng emcee.

Napailing pa ako sa sobrang energetic ni Mama at Papa na pumunta ng gitna para masamahan ang apo sa pagpapa-picture. Sinamahan din sila ng parents ni Kuya Uly at ni Lolo Mado at Lola Auring.

"Iba talaga ang impact ng mga apo sa mga parents 'no?" Out of nowhere ay nasabi ni Ressie.

"Why naman?" Nagtatakang tanong ko naman. Nakatayo na kami ngayon sa likuran ng mga chairs namin at nakatingin lang sa gitna kung saan ang pictorial. Hudyat na rin ito na malapit ng matapos ang party.

"Aba oo! Sina Nanay nga tuwang-tuwa noong nanganak si Ate last year, e. Akala mo hindi nagka-kunsomisyon nang malamang nabuntis si Ate," second the motion naman ni Lory sa sinabi ni Ressie.

"They're like the happiest when they have a grandchild. They'll spoil them more than they spoiled their own children."

"May kasabihan nga na hindi matatawaran ang pagmamahal ng mga Lola at Lolo sa kanilang mga apo."

I somehow agree with their sentiments about that. Cause I'm a certified Lolo's girl and spoiled na spoiled talaga ako ng grandparents ko. And I know very much that they love me.

"Kaya dapat MJ, kung gusto mong matuwa ang parents mo sa 'yo, bigyan mo ng sandamakmak na apo!" Ani Vad sabay akbay sa akin kaya sa sobrang inis sa sinabi niya ay padarag kong tinanggal iyon.

"Ayan na naman kayo sa mga litanya n'yong 'yan!" Singhal ko sa kanila.

"Aba! Dalawang buwan na wala pa ring nabubuo? Aba ang hina mo naman kaibigan!" Ani Paulla na pangisingisi pa.

"Tigilan n'yo ako sa mga ganyan ha! Hindi ko nga sabi gagawin sa kaniya 'yon! Ang dudumi ng utak n'yo!"

"Grabe ka, MJ! Hindi talaga nahulog ang loob mo kay Darry? Dalawang buwang magkasama sa iisang bubong, wala talaga?" Ngayon, si Lorene naman ang naglitanya.

"Sobra namang tigas ng puso mo! Imposibleng wala kang nararamdaman, normal na babae ka lang naman, bruha!" Dugtong ni Lory.

Halos mapa-face palm ako sa mga pinagsasabi nila. Dalawang buwan kaming hindi nagkita at nagkausap, ito pa rin pinagsasabi nila.

"Ang tanong ba, e, kung may gusto si Darry sa kaniya?" Tanong ni Vad.

"Hindi naman kami nagpakasal dahil may feelings kami with each other, we did it because of the family business kaya bakit kailangan ng anak? Bakit kailangan ng feelings? Kaya puwede ba, magsitigil na kayo bago ko pa kayo kaladkarin palabas ng venue."

Tumawa lang sila sa sinabi ko at nasabihan pa akong pikon. Hindi ko na pinatulan at nagpatuloy sa pagtingin sa gitna.

"Mga Tito and Tita ng birthday celebrant naman."

Isinantabi ko ang milk tea na bitbit ko at bahagyang inayos ang damit. Naglakad ako papunta sa gitna along with my siblings and siblings din ni Kuya Uly. Kasama rin si Darry kaya wala akong nagawa kundi ang tumabi sa kaniya. Ngumiti ako at hindi talaga siya pinasadahan ng tingin. Bahala siya r'yan. Naiinis na naman ako sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan.

Mga bandang alas-sais ay natapos ang mga palaro ng mga bata at ang program ni Kansas. Pinauwi na rin ang mga batang nasa ampunan ng mga oras na iyon. Pero patuloy pa rin ang party. More like kainan at inuman session na lang ng mga grown-ups at ng pamilya. May disco at sayawan din ng mga matatanda at mga bata. Halo-halo na, basta ang importante nandito na naman ang mga Osmeña.

"Ate Isabel, pahiram kay Dove!" Pinuntahan ko ang puwesto nina Ate Isabel, katabi niya ang yaya ni Dove at siya naman ang kumarga nito.

Kinuha ko sa kaniya si Dove na inosenteng-inosente pa rin at pangiti-ngiti naman sa akin.

Nag-baby talk ako sa kaniya habang nililibot namin ang iba't-ibang playgrounds na nandito sa venue. Pinapakita ko sa kaniya ang iba't-ibang kulay. Para akong tanga pero nakakatuwa kaya. Lalo na kung sumasagot si Dove sa tuwing kinakausap ko siya.

Paharap kong kinarga si baby Dove habang naglalakad at sa paglalakad kong iyon ay nakasalubong ko bigla si Darry na karga-karga naman si Falcon. Oo malaki na si Falcon, mga nasa five years old na pero nagpapakarga pa rin. Nagmistula namang baby si Falcon dahil sa laki ng built ng kaniyang katawan.

And, um, bagay sa kaniyang maging ama. Um, yeah, parang ganoon na nga.

Punyemas, MJ. Nadi-distract ka naman! 'Wag ganoon, may bitbit kang bata, o!

"Tito Darry, I will go to Mommy muna, Baby Dove's here with Tita MJ, maybe Mom's alone now."

Naknang!

Naitago ko nang wala sa oras ang bibig ko sa likuran ng ulo ni Dove dahil gusto kong matawa sa sinabi ni Falcon. Gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na nasa akin pa ang kapatid niya para masolo ang ina niya. Nice baby boy!

"Tita MJ, let me kiss Doveina first." Magkaharapan na kami ni Darry habang karga-karga ang magkapatid. At dahil sa request ni Falcon, inilapit ko nga si Dove sa kaniya at hinayaan siyang halikan ito sa noo ng baby.

Punyemas.

Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya nang biglang lumapat ang balat ng braso ko sa balat naman ng braso niyang nakakarga kay Falcon. Matinding paglunok din ang nagawa ko sa init na naramdaman.

Punyemas naman? Ngayon pa talaga, MJ? Napaka-wrong timing naman ng kaba mo, MJ. O marunong lang talagang kabahan ang sistema mo? E, bakit kay Tibor, kinakabahan ka rin?

"Where's my kiss, Falcon?" When I get my shit together, I playfully asked that to Falcon. He then kissed me on the cheeks. "Oh, bakit sa cheeks lang? You used to kiss me on the lips, a?"

"Tita MJ, Tito Darry is here. He said that only husbands and wives kiss on the lips."

Aba't! Ano bang mga pinagsasabi niya sa batang ito?

"Tito Darry, put me down na po, i'll go to mommy na po."

Bahagya akong umatras para mabigyang daan ang pagtalon ni Falcon para makaalis sa braso niya. Natahimik ako, sinundan ko pa ng tingin ang daang dinaanan ni Falcon para gawing alibi.

"Pakarga naman kay Dove."

"H-Ha, oo sige."

In one swift move nakuha na niya si Dove na animo'y isa siyang eksperto sa pagkarga ng bata. Natulala ako. Wala akong pakialam kung mapansin niya ang pagkakatitig ko sa kaniya.

This man right here is so amazing. He's a successful man, living a life everyone wanted. Maaaring ang sabi nila medyo strict daw siya as a boss pero alam mo sa buong pagkatao niya na napalaki siya ng tama ng mga magulang niya. Marunong siyang makisalamuha sa mga tao, sa mga trabahante nila, sa pamilya ko. Kahit hindi ko siguro tanungin sila, alam kong mas gusto na nila ngayon si Darry kesa sa akin. Sa loob ng dalawang buwan mula ng ikasal kami, ito pa lang ang pangalawang beses na nagka-family gathering kami na kasama siya. Pero heto't nakuha na niya ang loob ng aking pamilya. Hindi ko alam kung parte pa ba ito ng pagkakasundo ng negosyo namin but he's doing it right, very, very right. Para sa akin isa siyang demunyu na may ginintuang puso. Demunyung ginto. Aaaaah! Ano ba 'yang pinag-iisip mo, MJ. Tama na please.

I twisted my face and crane my neck to get it out of my system. Hinarap ko si Dove at nginitian. I made some funny faces to make Dove smile and I did kaya wala sa sarili akong napangiti habang nakatingin lang talaga kay Dove. Pinipigilan ang sariling pasadahan ng tingin ang taong nagkakarga kay Dove.

Hinawakan ko ang mumunting kamay ng bata at hinalikan ito. I took a peck on his cheeks, sunod-sunod. Aaah! Nanggigigil talaga ako sa mga batang katulad ni Doveina!!!!

"Ako? Wala ba akong kiss?"

Ah punyemas?

I swallowed... very, very hard! Damn this man! Ang sarap talagang gawing timing!

Umismid ako nang hindi man lang nakatingin sa kaniya. Gusto ko na sanang umalis na kaso ang higpit ng hawak ng kamay ni Dove sa akin. Ayoko namang biglain ang bata kaya nanatili ako.

"Woy! Bagay na bagay, o! One big happy family!"

Ah punyemas! Ganda ng timing mo, Kuya Clee!

Nilingon ko ang table ng mga pinsan ko at pa-simple silang m-in-iddle finger. Nakakapunyemas, napaka-ingay!

"Bakit kasi hindi na lang kayo gumawa ng inyo? Hindi 'yong nanghihiram pa kayo ng bata!" Ani Ate Die na ang sarap i-die!

Ang init ng pisnge ko, siguro pulang-pula na ang mukha ko. Sobrang init talaga kaya yumuko na ako para iiwas sa kaniya na makita ang mukha ko.

"Akin na muna 'yang anak ko, parang nakaka-istorbo sa moment n'yong dalawa, e." Naglakas-loob na si Kuya Yosef na kunin ang anak niyang kinakarga ni Darry. Natanggal ko na rin ang index finger kong mahigpit na kinapitan ni Dove kanina.

"Ano ba Kuya! Anong moment 'yang sinasabi mo?" Singhal ko kay Kuya para kahit papaano ay mawala ang tension sa buong sistema ko.

"Asows, deny pa bunso, bagay pala kayong dalawa? Lalo na kung may anak? Gawa na kayo para mas dumami na 'yong pamilya natin!"

Ang sarap mong sakmalin, Anthonio Josefino Ricardo Osmeña!!!! Sobra!

"Gago! Ano 'yon? Laruan na ginagawa lang?"

"Ewan ko sa 'yo. Makaalis na nga lang!" At siya pa talaga ang may ganang umalis at mag-walk out bitbit ang anak niya. Ay grabe ka talaga, Yosef!

"Let's dance."

Punyemas?

Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pagka-alis at sa mga sinabi ni Kuya Yosef ay bigla na naman akong hinigit ni Darry sa kung saan man. Doon ko lang din napansin na slow music ang pinapatugtog at ang mga nasa paligid namin ay ang mga Tito at Tita ko, si Mama at Papa, si Lolo at si Lola. I even saw his parents slow dancing and staring at each other like if they don't, someone will be lost. Punyemas.

Hinawakan ni Darry ang kamay ko at matinding kabog na agad ang naramdaman ko. Unti-unti niya itong inilagay sa may balikat niya. Matapos 'yon, ang kamay naman niya ang pinagpahinga niya sa baywang ko.

Sunod-sunod na matinding lunok ang nagawa ko, hindi pa rin siya matingnan nang diretso. Parang sinisilaban na ang mukha ko sa sobrang init na umaabot na hanggang sa puso ko na kaonting galaw niya lang, kakalat na ang init sa buong katawan ko at hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nangyari iyon.

Lumunok ulit ako nang tinanggal niya ang isang kamay niya mula sa baywang ko at lumipat ito sa ilalim ng baba ko. Marahan at puno ng pag-iingat niyang iniangat ang mukha ko. Noong una ayaw ko pa siyang tingnan. Ayoko, baka kung anong magawa ko.

Pero masiyadong malakas ang hatak ng kaniyang enerhiya para hindi siya matingnan sa mga mata. Simula pa lang, malakas na talaga ang hatak niya sa enerhiya. Hindi ko alam kung natural ba o talagang pagdating sa kaniya, lumalakas ang hatak ng enerhiya niya. Punyemas! Puwede na siyang gawing source of electricity, malakas pala hatak ng enerhiya, e. 'Nyemas!

"Tumingin ka nga sa akin," baritonong boses na naman ang nanuot sa aking tenga. Sauladong-saulado ko na bawat ritmo at kumpas ng kaniyang boses.

"Aba gago! Demanding ka, a!" May diin pero mahinang sabi ko sa kaniya pero at the end of it, I still look at him in the eyes. His tantalizing damn eyes! Damn it! Napapagitnaan man ng rimless specs niya, klarong-klaro pa rin ang almond-shaped and chocolate-colored eyes niya.

Pero biglang sumimangot ang kaniyang mata at matalim akong tiningnan.

"Isang mura mo pa, mamahalin na kita." Haaaaaa? Teka, ano daw? "I'm sorry for what I said to you in the car. It's not my intention to say it and accuse you that. Alam ko naman talagang hindi basta-bastang nahuhulog ang loob mo sa isang tao." Lumipat ang kamay niyang nakahawak sa chin ko roon sa likuran ng aking ulo at dahan-dahan niyang iginalaw ang ulo ko palapit sa kaniya at pinagpahinga ang ulo ko sa mala-pader niyang dibdib.

Hindi pa nga ako nakaka-recover sa unang sinabi niya, mas lalo yata akong hindi makaka-recover sa naging moves niyang ito. Nakatagilid ang mukha ko at nakatingin sa malayong kanan ng venue.

I feel safe. I feel secure. I feel at peace. Like nothing and no one can harm me. Tuluyan kong isinandal ang ulo ko sa dibdib niya at nagpatianod sa saliw ng musika. Walang pakialam kung anong sasabihin nila. My heart is in the state of serene. Sobrang kalmado at tahimik at punong-puno ng kapayapaan. Minsan lang akong makaramdam ng ganito, papalampasin ko po ba? I'll enjoy this while it last. Whatever it takes.

Ngumiti ako. Noong una pinigilan ko pa pero kalaunan, ngumiti ako. Sa sobrang saya ng puso ko, para akong umiiyak. Sa sobrang saya ng puso ko, halos mabingi na ako sa pagsabog ng libo-libong fireworks na sumabog sa loob ko. Sa sobrang saya ko, tahimik akong nagdasal na sana habang buhay na lang akong ganito... sa piling niya.

Kaya paano mo malalamang mahal mo na ang isang tao?

"I've waited my whole life for this and I will do everything just to make you stay and reciprocate my feelings for you, whatever it takes. I love you, wife."

Kapag ba sinabihan ka ng I love you, is there a guarantee that you love that person automatically? Is there a guarantee that his feelings for you is true?

Kaya paano mo malalamang mahal mo na ang isang tao?

Mahal mo na ang isang tao kapag kahit alam mong may panganib sa pagsugal ng damdamin, sumugal ka pa rin at ipinusta mo ang lahat. Mahal mo na ang isang tao kapag kahit alam mong imposible ang pagmamahal, naniwala ka pa rin sa salitang ito.

I can't say it Darry but I know, I can feel it.

"M-Magsi-cr lang ako." Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay kong nakapulupot sa leeg niya at hindi na siya tiningnan ulit. Kinakabahan ako. Kailangan kong makaalis sa situwasyong ito, baka masagot ko ang sinabi niya. Mas lalong nakakakaba 'yon. Punyemas!

Umalis ako sa dancefloor at tuloy-tuloy ang naging lakad ko. Ini-ignore ang bawat kantyaw ng mga taong malapit sa akin. Kahit i-deny ko, alam kong nakita nila ang scene naming iyon ni Darry. Kahit hindi nila narinig ang sinabi niya, alam kong madudumi na ang mga isipan ng mga walang hiya.

"Hoy, bruha! Tatakas ka? Hahahaha hoy!" Naglalakad ako palabas ng venue nang bigla akong habulin ng mga kaibigan ko. Hindi naman talaga ako tumatakbo, ewan ko ba kung bakit kailangang habulin nila ako.

Pero may tama nga sila, tumatakas nga ako.

"Aba, aba, aba, aba bruha! Anong ka-dramahan 'yong na-witness namin kanina? May pasayaw-sayaw tapos pasandal-sandal sa dibdib. Ay aba!"

Ang unang nag-salita kanina ay si Paulla na sinundan naman ni Lorene.

"MJ! Magtapat ka nga sa amin, at 'wag na 'wag kang magsisinungaling!" Pinandilatan ako ni Lory ng mata bago pumasok sa isang bakanteng cubicle at umihi.

Nasa labas lang yata sila ng cubicle dahil naririnig ko pa ang mga usapan nila.

"May gusto ka na ba kay Darry?" Si Ressie naman ang nagtanong. Sumigaw pa siya kasi nga nasa loob ako ng cubicle.

Napatitig ako sa likod ng pinto, iniisip nang mabuti kung sasabihin ko ba.

Punyemas, maiingay ang mga 'to, e. Pero mapagkakatiwalaan naman kapag sinabihan mo.

Hindi muna ako nagsalita, tinapos ko muna ang dapat gawin bago lumabas at dumiretsong sink para maghugas ng kamay. Kahit hindi ko lingunin, ramdam na ramdam ko ang presensya ng apat sa likuran ko. Nakahawak pa nga sila sa balikat ko, e.

Sayang Nicole and Jessa, you missed the fun!

"My God, MJ! Please naman, kahit ngayon lang magsabi ka naman ng totoo sa amin. Alam naman naming sooner or later, mahuhulog talaga ang loob mo kay Darry pero please naman, magsabi ka naman sa amin nang hindi kami nagiging assumera. We're tired of living in an illusion na you are falling for someone else na! 'Yong totohanan, 'yong hindi na laro!" Ani Ressie.

Napatigil ako sa ginagawa at mataman silang tiningnan sa salaming nasa harapan namin. Bumuntunghininga ako at dahan-dahang tumalikod para harapin sila. Umayos naman sila sa pagkakatayo na matiyagang naghihintay sa kung anong sasabihin at rebelasyon ko sa buhay.

"Ayoko munang mag-salita ngayon. Ayokong masira ang review ko. I need to prepare for the boards and I want it with clearer mind. Kaya promise, after the boards, I will tell you all everything."

"You're still confuse," conclusion ni Paulla sa sinabi ko.

"I am damn confuse right now and it's bad for my review habit. I can't stick with it kaya ayoko munang magsalita. Mahirap mag-conclude."

Sabay-sabay na bumuntunghininga ang apat.

"Okay, hindi ka namin pipilitin na umamin. Pero at least, it's a relief na you feel something. You're a normal girl and you can feel something! That's not new but it's a damn good news!" Ani Lorene.

Nagpatuloy ang chikahan nila hanggang sa makabalik kami sa venue. Usapan pa rin sila. Si Vad na wala kanina sa eksena, hindi maka-relate sa pinag-usapan ng mga girls kaya napiling si Lina na lang ang kausapin.

"Ate MJ, pinapatawag ka ni Lolo Mado." Nang makabalik kami sa table naming magkakaibigan, agad akong sinalubong ng pinsan kong si Jest.

Tumango ako at pinaturo sa kaniya kung saan banda nakaupo sila Lolo. Pero malayo pa lang ako, parang gusto ko nang umatras. Bumabahag na naman ang buntot ko. Dapat masanay na ako. Kasi sa tingin ko, mapapadalas ang pagkikita namin kung magta-trabaho siya sa mga Lizares. Punyemas, this is hard.

"Oh, heto na pala ang aking apo," bungad ni Lolo Mado sa akin. Yumakap ako sa kaniya at nang matapos ay hinayaan siyang akbayin ako. He's facing some fine gentlemen in the business field. I slightly smiled and greeted them with utmost respect. And I swallowed very hard when one of them is Tibor.

Yeah! Anong ginagawa niya rito? Wala siya kanina, a? Imbitado ba siya? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niya nabanggit kanina? Kararating lang ba niya?

And now I bombarded myself with lots of unethical questions. Punyemas this feelings.

One second I'm falling for Darry and the second I'm being haunted by Tibor's presence. Punyemas feelings! Sali ka kaya sa SEA Games, ang galing mong maglaro! Damn Punyemas!

"Constancia, do you still remember your friend from our ancestral house in Cebu? The son of our then caretaker?" Matapos ang madaliang batian namin ni Lolo, agad siyang nag-introduction.

Punyemas your memories, Lolo! Ba't ang talas mo sa pagmememorya? Lolo naman!

"Ha? Bakit po Lolo?" Pa-inosenteng tanong ko, idagdag mo na rin ang pagpapatay-malisya. Punyemas.

"He's here!" Iminuwestra niya ang harapan naming dalawa, sa tapat mismo ni Tibor. "He's now an international engineer! Naaalala ko pa na sa tuwing nagbabakasyon tayo ng Cebu noon, kayo palagi ang magkasama and I would like to thank you for that, Engineer Valmayor, for listening to my granddaughter's caprices whenever we're there."

Punyemas. Lolo Amado Osmeña just punyemas spilled the tea in front of my husband. Ka-very good Lolo oy. Punyemas.

Pagak akong natawa habang humihigpit ang pagkakahawak sa baywang ni Lolo, trying to stop him to whatever he will say next.

"It's my pleasure po, Senyor Mado, to be one of Cony's friend way back then."

"Oh! You still call her Cony!" Mas lalong natuwa si Lolo sa narinig niya mula kay Tibor. "I hope you can be good friends again and you are both on the same field. Bring back the memories and make another one, right apo?" Nilingon ako ni Lolo pero nanatiling sa sahig ang tingin ko. "You can ask Engineer Valmayor about some stuffs in civil engineering. Magaling si Engineer at may tiwala akong marami kang matututunan sa kaniya. You can even help him for the renovation of the Lizares Sugar Corporation. It's a good start for your career, Constancia."

Napalunok ako nang matindi. Tama siya. May tama si Lolo. 'Pag sasali ako sa team ni Tibor, marami akong matututunang field works and experience. It's so tempting but it's not a good idea, Lolo, I'm sorry kasi as of the moment, I can feel the peircing eyes of my husband, just few inches away from us, Lolo.

"I am still focusing on my reviews Lolo, the field work isn't in my mind as of this moment." Mahinang sagot ko, enough para marinig ni Lolo.

"I can also help you with your review, Cony."

Punyemas naman, Tibor. Ano bang plano mo? Bakit mo ba ginagawa 'to sa harap ng kaibigan mo?

O baka alam na ni Darry ang tungkol sa amin ni Tibor at nanatili lang siyang tahimik? Besides, he's the bestfriend, he knows everything.

Wait... so that means, alam din ni Tibor na may gusto na si Darry sa akin?

Teka, sandali, wait, ang hirap namang ipa-sink in ng lahat ng ito sa isang bagsakan lang. Punyemas.

"She can do well studying alone, Tibor. She don't need anybody else's help."

Kainin mo na nga ako, lupa. Sobrang na-awkward-an na talaga ako! Wala na talaga akong lakas ng loob ng lingunin ang kahit isa sa kanila. Nanghihina na ako. Kung hindi lang nakasuporta si Lolo sa akin ngayon baka kanina pa ako natumba sa sahig na kinatatayuan ko.

"My apo is the best but she still needs guidance, Darwin, and I believe Engineer Valmayor can provide that guidance to my apo sooner or later."

Nilingon ko si Lolo para matigil na siya. Ngumiti ako sa kaniya.

"Like what I said, Lo, I am still focusing on my reviews and my husband is right, I am better when I am reviewing alone."

Natahimik si Lolo at pinagmasdan ako, parang tinatantiya ang aking sinabi pero unti-unti ring napalitan 'yon ng tawag.

"Apo, do you still remember when I said to you na our ancestral house in Cebu was sold?" Pag-iiba ni Lolo sa usapan. Pagod akong tumango sa kaniya.

Yeah, I got saddened when Lolo broke that news to me. I know wala na akong balak na bumalik sa lugar na iyon but I want it to be preserved noong nag-aaral pa lang ako sa engineering. I want it to be still ours at gusto kong iyon ang ipamana nila Lolo sa akin when the time comes. Pero ibinenta nila ang lupaing iyon nang tatlong taon na akong hindi sumasama sa kanila. Napapagod na rin daw sila sa kakabiyahe papunta roon nang hindi ako kasama kaya napagdesisyonan nila ni Lola na ibenta na lang. Hindi ko alam kung kanino at may balak pa sana akong alamin para bilhin ulit pero naging busy na rin ako't nawala na sa isipan ko.

"Engineer Valmayor bought that land! He bought it after he got a scholarship abroad. Ang sabi niya pa nga noon na bibilhin niya ang lupain natin dahil balang araw, doon niya patitirahin ang babaeng una niyang minahal at ang pakakasalan niya." Oh shit. Tell me what I'm thinking is wrong. Way too wrong! Hindi ako 'yon! Hindi! "Saan na nga pala ang babaeng iyon, Engineer Valmayor? Did you two got married already?"

Ayoko na. Ayoko nang marinig ang kung anong sasabihin niya.

"Ple-"

"No, Senyor Mado. I'm still waiting for her to file her annulment. I came late but I am still patiently waiting for her."

No. Fucking. Way!

"She's married?" Nagulat si Lolo sa sinabi ni Tibor. But that's not my concern right now. All I want is to stop Tibor! Ano bang ginagawa niya? Bakit ba siya nagsasalita nang ganyan?

"Yes but it's a marriage for convenience and eventually they will file an annulment since she doesn't have a romantic feeling for her husband. Kaya maghihintay ako kung kailan sila maghihiwalay para matupad ko ang pangako sa babaeng totoong mahal ko."

Please stop! I don't want to hear this anymore!

"You are so persistent, Engineer Valmayor! I like that quality of a man to be part of my family! Kung hindi pa lang kasal si Constancia, baka sa'yo ko na ipakasal itong apo kong ito-"

"Lo, please excuse us, pupuntahan muna namin sina Mama." Hindi na ako naghintay ng sagot mula sa kanila. Basta ko lang hinigit si Darry palayo sa kanila.

I get it. Lolo Mado doesn't like Darry. Hindi niya gusto si Darry bilang asawa ko. I get it Lolo but you don't have to say it in front of him! He's still an honorable man, you can't just undergrade Darwin Charles Lizares like that.

"'Wag kang makikinig sa mga pinagsasabi nila." Hindi ko siya nilingon pero nagsalita na ako. Pero bago ko pa man siya madala sa isang sulok na lugar, natigilan na ako dahil bigla siyang huminto.

"Bakit? Kasi nagsisinungaling sila kaya hindi dapat ako makinig?" Matinding paglunok ang ginawa ko nang marinig ang sinabi niya. Despite of the booming music, I can clearly hear it. Loud and clear. Punyemas.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya pero papatalikod na siya sa akin kaya pinigilan ko.

"Sa bahay ka ba matutulog mamaya?" Buong lakas na tanong ko. Napahinto siya sa pagtalikod at malamig pa sa dating turing niya sa akin ang naging tingin niya. He looks at me with utmost abhorrent.

"Umuwi ka na muna, MJ."

Punyemas.

MJ? He calls me wife. Why does he's calling me MJ now?

Hindi niya alam at ngayon niya lang nalaman ang lahat. Ayoko nang ungkatin ang nakaraan kaya nanahimik ako. Kailangan ko bang mag-explain sa kaniya?

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa naging reaksyon niya matapos marinig ang napag-usapan ni Lolo at Tibor. Matalino siyang tao at alam kong na-gets niyang ayaw nga ni Lolo sa kaniya. Pero nakaka-punyemas naman?! Anong gagawin ko? Nasasaktan din ako!

Umuwi ako ng bahay nang hindi pinatapos ang party. Tumakas ako at since nandoon sa venue ang lahat ng kasambahay namin ay mag-isa ako ngayon sa malaking bahay namin. Nasa veranda ako ng third floor, nakatanaw sa gate ng bahay habang tinutungga ang isang bote ng Jose Cuervo Silver. Yes, no lemons and salt. Just pure tequila.

Hinihintay ko ang pagdating ni Darry. Alas-dose na, lumalalim na ang gabi, at alam kong nagsisi-uwian na ang mga bisita. Kung tatamarin sina Mama at Papa, baka sa hotel ng event center na sila mag-stay. Ang alam ko ang family ni Kuya Yosef at Ate Tonette ay nandoon sa hotel na iyon.

Ako lang ang hindi nagpa-book ng room dahil may balak sana akong mag-after party with friends sa Old House kaso I ditched them and went home instead. So here I am, waiting for my husband to come home.

Nakasandal lang ako sa swing na nandito sa veranda at ninanamnam ang huling patak ng bote. Umiikot na ang mundo ko at kung tatayo ako ngayon siguradong kailangan ko ng suporta ng pader ng bahay.

Paglapag ko sa walang lamang bote ay saktong may paparating na kotse sa premises ng bahay namin. Pinagbuksan ito ng nag-iisang sekyu ng bahay. Nahirapan pa akong aninagin kung kaninong sasakyan 'yon dahil sa umiikot kong paningin. Punyemas, lasing na ba ako?

Nang makitang isang pick-up ang paparating ay agad akong ngumisi. Isa lang naman ang kilala kong may pick-up sa bahay na ito, e, at siya lang 'yon, wala ng iba.

Pinagmasdan ko ang bawat galaw ng sasakyan sa loob ng bakuran ng bahay. Hindi ito naka-park sa garahe, nanatili itong nasa tapat lang ng bahay.

Pumikit ako at dinama ang hangin ng madaling araw. Nasa bukid ang bahay namin kaya sobrang lamig na ngayon lalo na't season na ng bagyo. Mabuti na lang at hindi pa maulan dito sa ciudad namin.

Dinama ko ang hangin, pinakiramdaman ang paligid, hinihintay siyang puntahan ako.

At least he came home. At least he's here. At least my heart is in peace.

Nang marinig kong bumukas ang sliding door ng veranda ay marahan akong nagbukas ng mata at tiningnan ang madilim na paligid, tiningnan ang munting ilaw sa ibabaw ng malaking cross na nasa Mt. Lunay.

"Why are you still awake?" Pambungad na tanong niya gamit ang baritonong boses niyang saulado ko na, sauladong-saulado na ng puso at ng isipan.

Nakatanaw pa rin ako sa maliit na ilaw na iyon at biglang napangiti. Aba ewan, lasing na yata talaga ako.

"I'm waiting for you," malumanay kong sabi. Pinagsalikop ko ang kamay ko sa ibabaw ng coffee table na nasa harapan ko habang nakatingin lang sa ilaw.

"With an empty bottle of Jose Cuervo," full of sarcasm na sabi niya. Wala akong nagawa kundi ang pasadahan ng tingin ang walang lamang bote ng Jose Cuervo sa harapan ko. "Go to sleep, it's late."

Nakarinig ako ng kaluskos na parang paalis na kaya nilakasan ko na ang loob ko.

"Kung mag-i-explaing ba ako, pakikinggan mo ba ang rason ko?" Nakatitig pa rin sa bote ng tequila na sabi ko.

Naramdaman kong natigilan siya. Gusto ko siyang lingunin pero lalo yata akong manghihina kapag nilingon ko siya o kaya'y tingnan ang kaniyang mapupungay na mata? Hindi ko yata kaya, kaya mas mabuting ang bote na lang ang tingnan ko.

"You don't need to explain. I already knew everything."

Nag-iwas ako ng tingin sa bote at nagtiim bagang sa pait ng kaniyang pagkakasabi.

He knew everything? No. You don't.

"Hindi mo alam ang lahat." Mariin akong pumikit habang hinihintay ang kung ano man ang lumabas sa kaniyang bibig.

"Kailangan ko ba talagang malaman lahat, MJ?"

MJ. Tinawag na naman niya ako sa pangalan ko. Nasaan na ang wife, baby? Nasaan na? Ganoon ka ba ka galit sa akin sa nalaman mo? Ganoon ba? Akala ko ba mahal mo ako?

"M-Mahal mo ako 'di ba?" Lakas loob na tanong ko at nilakasan na rin ang urge para tingnan siya sa mapupungay na mata. Gustong kong marinig ulit, Darry. Gustong-gusto ko. Baby, please tell me again.

"Anong panama ko sa taong kaisa-isang nagpatibok sa puso ni Maria Josephina Constancia? Anong panama ng pagmamahal ko roon, MJ?"

Hindi ako nakuntento sa pagtitig lang sa kaniya, tumayo ako at hinarap siya. Nagmamakaawang sabihin ulit niyang mahal niya ako.

"Mahal mo ba talaga ako, Darry?" May nagbabadyang batallion ng luha sa gilid ng aking mata pero matibay na barikada ang ipinangpigil ko sa kanila para hindi tuluyang makawala habang nakatitig lang sa mga mata niya.

Please give me an assurance, Darry. Pangako, susugal ako.

"Hindi ko na alam, MJ, matapos malamang ikaw ang babaeng mahal ng kaibigan ko, matapos malamang siya lang ang minahal mo, hindi ko na alam."

Punyemas!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Inilapit ko ang labi ko sa kaniya. Inilapit ko ang malambot kong labi sa malambot niyang labi. Bahala na.

Kung ayaw mong magbigay ng kasiguraduhan, ako, bibigyan kita ng kasiguraduhan na ikaw na. Ikaw na ang laman nitong putragis kong puso na isang dekada kong hindi pinakinggan. Ikaw na ang laman, Darry.

Hindi niya ako pinigilan nang maglapat ang labi naming dalawa. Kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na baka naramdaman na niya ang nararamdaman ko. Limang segundo lang bago ko iginalaw ang labi ko para mas mahalikan pa siya pero punyemas... biglang tumulo ang batallion ng luha kong binarikadahan ko pa nang hindi siya tumugon sa halik ko. Masakit. Oo masakit!

Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang kusa kong ihiwalay ang labi ko sa kaniya. Pa-simple kong pinalis ang luha kong parang falls kung makabagsak. Sinisiguradong hindi niya nakikita ang pa-simpleng ginagawa ko.

"Matulog ka na, MJ." Ang huling narinig kong sabi niya bago niya ako iwan sa veranda nang umiiyak.

Punyemas.

~