webnovel

She Leaves (Tagalog)

MJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Bar

"Mom, be home at twelve," wika ni Kaven with conviction, na animo'y siya ang tatay ko.

"Yes, Mom! We need you to send off us early tomorrow ha?" Na sinundan naman ng babae kong anak.

Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ng kambal. I level their height and carefully caress their cheeks. Pinaghahalikan ko rin ito at kahit nanggigigil sa mga mukha ng dalawa ay pinigilan ko ang sarili ko. Parang gusto ko na lang manatili muna sa bahay siguro.

"Opo mga boss, I'll be home before twelve AM and will be sleeping by your sides," sagot ko naman na parang bata na pinapagalitan ng mga magulang.

Minsan talaga, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o hindi sa katalinuhan at ka-mature-an ng mga anak ko, e. Magfo-four years old pa lang sila, Diyos ko po.

"Enjoy your party with your friends, Mom." Hinalikan ulit ni Keyla ang pisnge ko at kinilig naman ako.

"Sleep early ha, and don't indulge yourself with playing too much. 'Wag niyo rin papagurin si Tita Lourd ninyo at Tito Jest niyo, ha?" Bilin ko sa kanila. Pareho namang tumango ang dalawa.

Hindi ko na hinabaan ang pagpapaalam namin at agad akong umalis, nagbilin ng iilang habilin kay Alice at Erna bago umalis.

Matapos ang pag-uwi namin sa Leonardia mansion at matapos kaming salubungin ng mga pinsan ko ay napuno ng tawanan at kuwentuhan ang hapon naming iyon. Kinagabihan ay umalis na sina Ates Fiona, Chain, at Teagan para sa kani-kanilang mga trabaho and Kuyas Mikan and Yohan also went home to their own condos para naman sa kani-kanilang errands. Si Hype ay umalis na rin para sa party na pupuntahan namin mamaya. Iisang party lang kami pero hindi kami sabay na pupunta, malaki na naman 'yon, e.

Si Jest and Lourd naman ay nagpa-iwan para raw makalaro ang dalawa kong anak, dito na rin sila matutulog. Ang sabi rin, sawa na raw sila kaka-party dito sa Manila kaya hindi na sila sasama. Hay naku talaga ang mga Osmeña.

I was silently driving to a well-known bar here in Taguig. Ang sabi ni Nicole dito raw kami magkita-kita.

Papasok ako sa loob ng bar nang biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko itong sinagot nang makita ang caller ID.

"Yes, Engineer Kith?" Magalang na tanong ko habang nakikipagsapalaran sa malawak na parking lot na ito.

"Hey, Engineer MJ... you're here in Manila now?"

May mga nakakasalubong akong iba't-ibang klaseng tao papasok sa bar na sinasabi nila.

"Yes, Engineer, kaninang hapon lang," sagot ko naman.

All I can say is that, maraming nagbago sa apat taon na wala ako rito sa Pilipinas. I may not familiar with Manila but I am certain that there are changes. Paano na lang kaya ang Negros? Ang ciudad namin?

"Good, so, where are you right now? Nandito kami ngayon sa Revel, hope you could come."

I smirked and help myself to the way on top.

"You're one hella lucky guy, Engineer Kith, nandito rin ako sa Revel but I'm with my friends so I guess, see you around na lang?" Pagtatapos ko sa usapan namin ni Engr. Kith.

Maraming na-iintriga sa closeness namin ni Engr. Kith Cervantes pero binabalewala ko na lang kasi pareho naming alam na wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa. Alam na alam ko ang mga gawain niya kasi minsan sa buhay ko, naging gawain ko rin 'yon at saka mahirap nang magtiwala 'no, I've had enough because once is enough. Punyemas.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa premises ng Revel At The Palace, tumumbad na sa akin ang napakasayang atmosphere na minsan ko ring nagustuhan.

The smell of smoke and alcohols combined as one, the hype of all the people dancing to the beat of the DJ, the drunken masters of this field, the fun, the stories, the excitement... I am so happy na lahat ng iyon ay napagdaanan ko na and I guess my teenage life was so meaningful na kahit hindi ko na nararanasan ang mag-party dahil sa responsibility, ay hindi ko pinagsisisihan 'yon dahil simula nang dumating ang kambal, naging masaya na ako and I guess that's the true essence of happiness na walang makakapantay.

Lahat busy, lahat may sariling mundo. I smiled at the back of my head.

I am indeed in the Philippines.

Iginala ko ang tingin ko, hinahanap ang puwesto ng mga kaibigan ko. Sabi nila, nasa center couch daw sila and since Friday ngayon, maraming tao ang nandito. I even saw some familiar faces of celebrities na nakatingin na sa akin pero hindi ko na pinansin and just mind my own business.

Dala-dala ang maliit na purse, tinahak ko ang mala-forest na bar na ito. Halatang lango na sa alak ang iba kahit na maaga pa naman at halatang mga kabataan ang mga iyon.

Napa-iling na lang ako sa sarili at pinagpatuloy ang paghahanap sa kanila. Nang makita ay agad ko silang pinuntahan at malawak na ngiti ang isinalubong ko sa kanila.

"Long time, no see mga bruha at bruho!" I spread wide my two hands and was aiming for a hug but an intent look is what I received.

Parang nag-hype down ang energy ko dahil sa sobrang seryoso ng mga tingin nila sa akin. Well, except for Genil and Nicole na una ko nang bineso for a greeting.

"Ang seseryoso n'yo naman. Hype up, guys!" Lumapit ako kay Jessa at akmang yayakapin siya nang bigla niyang hawakan ang magkabilang braso ko. Medyo nagulat pa ako.

"Ang daya mo! Ang daya-daya mo!" Aniya.

Sa sobrang gulat sa kaniyang sinabi, wala akong ibang nagawa kundi ang ikurap ang aking mga mata.

"Ano na namang ginawa ko? Nakapag-explain na ako sa inyo, 'di ba?" Depensa ko naman. Baka kasi tungkol na naman ito sa pagtatago ko.

"Jessa, ang arte mo," iwinaksi ni Lorene ang kamay ni Jessa na nakahawak sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Welcome back, bruha!" Maligayang bati niya.

Napangiti na lang ako. Kahit kailan talaga, mahilig mang-trip ang mga kaibigan kong ito.

"Char lang, bruha! Mema lang, ganoon," Pambabawi ni Jessa at siya naman ang mahigpit na yumakap sa akin.

"Grabe, bruha ka, na-miss kita ng bongga!" Hindi pa man nanamnam ang yakap ni Jessa, napalitan na agad ito ni Paulla.

"Mas na-miss kita, kaibigan!" Na sinundan agad ni Ressie.

"'Wag kang maniniwala sa kanila, ako ang higit na naka-miss sa 'yo!" At pang-huling umagaw sa akin ay si Lory.

Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ng mga girl friends ko pero napaunlakan ko naman ang mga yakap at beso nila.

"Oo na, na-miss niyo nang lahat si Engineer Osmeña," ani Vad na sumingit na sa usapan.

Lumapit ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.

"Gago ka! Na-miss kita, Engineer Montero!"

"Ako ba, hindi mo na-miss?" Mukhang nagtatampong tanong naman ni Maj kaya sa kaniya naman napunta ang yakap ko.

"Siyempre, kakalimutan ko ba si Engineer Yap?" Sagot ko naman.

Natawa na lang ako sa mga bati nila at hindi kalaunan ay nagpatuloy kami sa pag-party. Isang tagay lang ang tinanggap ko ngayong gabi dahil ayokong maglasing. Kailangan sober ako kapag umuwi sa bahay, medyo sensitive pa naman ang kambal ko.

Ack! Parang gusto ko na lang na umuwi at makipag-bonding sa kanila. My god talaga, ibang-iba na talaga ang pananaw ko sa buhay.

Sayawan doon, sayawan dito lang ang ginawa namin ni Genil at ng mga kaibigan ko. Close na rin pala siya sa kanila kasi kanina pa sila magkasama. Basta, sobrang saya namin tonight. Kaliwa't-kanan din ang mga nakakakilala. May mga artista, mid tier altas, businessmen, plain altas, and many more.

Maraming gustong makipagkilala sa akin, lalo na si Genil, mabenta sa mga babae. Kahit bakla ang isang 'to, hindi mo malalaman sa unang tingin na bakla siya kasi lalaking-lalaki siya kung manamit, saka mo lang naman malalaman na bakla talaga siya kapag nakasalamuha mo na.

"Ang daming chikababes na gustong magpakilala sa 'yo, o, tanggapin mo na," sabi ko sabay pa-simpleng turo sa kabilang couch kung saan ang mga magaganda at halatang high-maintenanced girls ang nandoon na nakatingin na rin sa amin.

"Ew, MJ, mandiri ka nga r'yan sa sinasabi mo," maarteng sabi niya sabay angkla ng kamay niya sa braso ko. Natawa na lang ako. "Alam mo namang ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay, 'di ba?" Dagdag na sabi niya na mas lalo kong tinawanan.

"Asows, Genilo Alfonso Yanson, aminin mo na kasi na nahuhulog na ang loob mo sa akin. Tayo na lang kasi ang magpakasal, may nalalaman ka pang aayaw ka, asows talaga," pangangantyaw ko sa kaniya dahilan para padarag niya akong binitiwan at masama akong tiningnan.

"Ang tabas ng dila mo, MJ, ha, minsan ang sama-sama!" Aniya na mas lalo kong tinawanan. "Ewan ko talaga sa 'yo, kahit maging lalaki ka pa, hindi talaga ako papatol sa 'yo."

"Neknek mo, Genil. Kapag nakita mo mga pinsan ko tapos magpapatulong ka sa akin, naku, 'wag ka talagang lumapit sa akin."

"Joke lang frenny, ano ka ba!" At inangkla niya ulit ang kamay niya sa braso ko.

"Engineer MJ..." Kahit sobrang ingay dito sa bar, nagawa ko pang pakinggan ang isang boses na tumawag sa akin. Sabay kaming napalingon sa likuran ko para makita kung sino man ang tumawag sa akin.

"Oh, Engineer Kith... you're here," medyo nagulat ko pang sabi sa kaniya.

He looks dazzling with his simple black polo shirt on and a fitted black jeans. He looks fresh and he smells like a mint shower gel. Mabango at guwapo, naks si Engr. Kith lang 'yan. Yes, guwapo si Engr. Kith, I can't deny that fact. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya, maraming client ang gustong siya ang maging engineer ng project na gusto nila. No one can resist an Engr. Kith Cervantes. Ako lang yata and I think I'm falling.

Charot lang, sige na, balik sa kasalukuyan.

"I told you earlier right?"

"Ha? Sinabi mo ba? Sandali, baka nakalimutan ko lang." Nakamot ko pa ang bandang pisnge ko para maalala kung na sabi nga ba ni Engr. Kith na nandito rin siya sa Revel.

"Oh well, it doesn't matter," aniya. "Hi Genil," bati naman niya sa katabi ko na alam kong kinikilig na dahil mahigpit na ang hawak sa aking braso.

"H-Hi Engineer Kith," pa-demure pang bati ni Genil. Halatang nagpapa-cute ang punyemas.

"Kayo lang bang dalawa?"

"Oh no, I'm with my friends. Nandoon sila sa table na 'yon," sabay turo sa table na nasa likuran namin. "Ikaw? Sinong kasama mo?"

"Kasama ko sina Elron at Meeton. Gusto ka nga pala nilang makita. Can I snatch you for a while?" Sabi niya sabay pasada ng tingin kay Genil kaya napatingin na rin ako kay Genil.

"S-Sure, Engineer, you can snatch her but remember to bring her back ha?" Unti-unting humiwalay si Genil sa akin at medyo itinulak pa ako papunta kay Engr. Kith. "'Wag kang mag-alala, frenny, akong bahala mag-paalam sa kanila," he said then he winked at me. Which is kind of weird. Duh.

"Shall we?"

G-in-uide-an ako ni Engr. Kith sa daan tapos nasa gilid ko lang siya.

I look so small whenever I'm beside him and this set-up is kind of familiar with me and damn it, stop it MJ!

Medyo maraming tao at may tama na ang mga party-goer na nadadaanan namin. May isa nga'ng muntik nang dumagan sa akin, mabuti mabilis ang kamay ni Engr. Kith, nahawakan niya agad ako sa baywang para ma-iwas sa lalaking iyon.

"Thank you," sabi ko na lang at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa pangalawang palapag ng bar na medyo intimate ang ambiance.

Nang nasa ikalawang palapag na kami, doon niya biglang hinawakan ang palapulsohan ko at may ingat na kinaladkad ako sa couch kung saan nandoon si Ar. Elron at Engr. Meeton, mga kasamahan namin sa team.

"Elron, Meeton, nandito si Engineer MJ," with his husky and manly voice, he called our other colleagues.

Nang makita ang dalawa ay lumawak ang ngiti ko at agad silang kinawayan.

"Hi Architect Elron, Engineer Meeton!"

Agad na tumayo ang dalawa at lumapit sa akin. Nakipag-fist bump ako sa kanila, the usual greetings namin.

"Hey, MJ! I already told you to call me Elron only. We're outside work!" Ani Ar. Elron nang matapos ang batian namin.

Ar. Elron is a pure american pero pusong pinoy. Engr. Meeton is a spaniard, char.

"Yeah, MJ, you're too formal," Ani Engr. Meeton naman.

Nag-make face na lang ako.

"Bahala kayo r'yan, basta ganoon ang tawag ko sa inyo," sagot ko. Don't worry my friends, nakakaintindi ng tagalog ang mga 'yan. Praktisado 'yan ni Engr. Kith.

"Hey guys." Nabalik ang atensiyon naming tatlo kay Engr. Kith nang bigla siyang magsalita. "Meet the very brilliant engineer of the Philippines... Engineer MJ Osmeña," at sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla akong ipinakilala ni Engr. Kith sa iba pa nilang kasamahan.

Hindi sila pamilyar sa akin pero halatang may sinasabi rin sila sa sociedad.

Punyemas?

At ang hindi ko inaasahan sa lahat ay ang pamilyar na mukha ng iba pa nilang kasamahan.

Dahil sa gulat ko, parang nanuyo ang lalamunan ko. Gusto kong mag-react pero bakit hindi ko yata magalaw ang mukha ko at maglabas man lang ng kahit isang expression sa mukha?

Isa-isang pinakilala ni Engr. Kith ang mga lalaking kasama nila. Medyo kumabog na rin ang dibdib ko.

Punyemas! Kanina sa airport, Kuya niya pa lang ang nakita ko, grabeng kabog na ng dibdib ko. Ngayong kaibigan niya ang nasa harapan ko, kumakabog pa rin ang dibdib ko. Paano pa kaya kung siya na?

"I knew it!"

Punyemas.

Napasinghap na lang ako nang marinig kong magsalita na nga si Dr. Yaspher Maravillas. Yeah, the one and only.

"Anong nalaman mo?" Curious na tanong naman ni Ar. Elron. Napa-iwas ako ng tingin sa kanila at hindi malaman kung babati at magiging casual ba sa kaniya.

"Ah, wala, kilala ko lang kasi 'tong si Engineer Osmeña."

Mas lalo akong kinabahan sa naging sagot ni Yaspher. Hindi ko ba alam, bakit talaga ako kinakabahan.

"Everybody knew her, Yaspher, she's that famous," ani Engr. Meeton sabay akbay sa akin.

Napasinghap ulit ako at hindi malaman kung anong gagawin. Nakaka-awkward na.

"Nice meeting you all!" Pagbabasag ko na lang sa tension na nararamdaman ko na hatid ni Yaspher Maravillas.

"Engineer MJ, meet Engineer Kevin Alonzo... the head engineer of the ongoing renovation of Ayala Malls project in Negros." Nang mawala ang tension ay may ipinakilalang bagong gentleman si Engr. Kith sa akin. Agad akong nakipagkamayan sa kaniya at ngumiti.

"Nice to meet you, Engineer Kevin. Finally at nakilala na rin kita. Palagi kang ikinu-kuwento ni Engineer Kith sa akin. Your latest project is... wow, maganda, maganda," puri ko naman sa ongoing renovation project sa malaking mall sa Negros ngayon.

"Ikaw din, Engineer Osmeña, palagi kang ikinu-kuwento ni Kither sa akin and it's also nice to finally meet you in person," aniya sabay shakehands sa akin at hinalikan pa ang likod ng aking kamay. Natawa na lang ako sa politeness ng isang 'to.

"MJ na lang, Engineer Kevin."

"MJ? What? Bakit siya, hinahayaan mong tawagan ka sa name mo?" Agad na reklamo ni Engr. Kith na pareho naming tinawanan ni Engr. Kevin.

"We're colleagues, Engineer Kith. We need the title, and besides, that's my endearment to you kaya," I said like it's a matter of fact. Sinabayan ko pa ng maarteng pag-irap.

"Hay naku, kahit kailan talaga ang hilig mo sa name titles. Kith na lang kasi itawag mo sa akin," pursue pa rin niya na tawagin ko siya sa pangalan niya.

"I call you Kith naman a? Engineer Kith, remember?" Natatawang sabi ko naman. He lazily groaned na mas lalong nagpatawa sa akin.

Laughtrip talaga kahit kailan itong si Engr. Kith.

"Ang close niyong dalawa, ano?" Biglang interrupt ni Engr. Kevin kaya natigil ako sa pagtawa at muling tiningnan ang inhenyerong nasa harapan naming dalawa. "At saka, colleagues lang talaga kayong dalawa?"

"We're not just colleagues, Engineer Kevin, siyempre magkaibigan din kami nitong si Engineer Kith, sa tagal ba naman naming magkasama, e, 'di ba?" Sabi ko sabay danggil kay Engr. Kith at tango sa kaniya.

"Kaibigan lang? No more than that?" Pang-uusyoso ni Engr. Kevin na tinawanan ko ulit pero habang tumatagal ay naging pagak ang tawa ko. Napalingon ulit ako kay Engr. Kith para sana manghingi ng sagot pero nakatitig lang siya sa akin at seryoso ito.

Unti-unting nawala ang ngiti ko at naghahanap na rin ng sagot kay Engr. Kith. Bakit ba natahimik kaming dalawa?

Gusto ko na sanang sumagot kaso biglang nag-vibrate ang phone ko kaya natoon doon ang atensiyon ko.

Baby Kaven is calling...

"Gentlemen, excuse me but I need to take this call muna ha?" Pagpapaalam ko sa dalawang engineer na kasama ko.

Tumango si Engr. Kevin sa akin tapos si Engr. Kith naman ay pinasadahan pa ng tingin ang phone ko bago ngumiti at tumango sa akin.

Nang makawala sa kanila, agad akong naghanap ng sulok na lugar dito sa second floor ng Revel. Mabuti naman at nakakita ako, malapit ito sa railings.

"Yes, baby?" Sweet na sagot ko. Tinakpan ko 'yong speaker ng phone para hindi marinig masiyado ang ingay sa bar at para na rin marinig ko ang boses ng anak ko. "Bakit gising pa ang baby ko?"

"Mom... please go home early," aniya na ikinagulat ko. Medyo kinabahan ako bigla.

"Bakit? Is there something wrong?" Puno ng pag-aalalang tanong ko. Aba't bakit naman ako pinapa-uwi ng anak ko?

"No, Mom, everything is fine. We just want you here, Mom," sagot naman ni Keyla na medyo inaantok na nga.

"I'll be home at twelve, baby, promise! I'll be sleeping beside you," sagot ko naman. Napapangiti sa kawalan dahil marinig ko lang ang boses ng mga anak ko, satisfied na ako.

"Okay, Mom, sorry for the call. We just missed you, Mom and we're going to sleep now Mom, kukunin na ni Tito Jest ang phone," sagot naman ni Kaven. Mukhang naka-loudspeaker ang phone.

"Okay, I'll be home later. I love you, baby," sinabayan ko pa ng halik sa hangin ang sinabi ko.

"I love you, Mommy," sagot ni Kaven.

"I love you, Mom!" Ani Keyla.

"I love you too, baby! Hang up na, you need to sleep"

Sila na mismo ang nag-end ng call.

So very satisfying.

Pumihit ako patalikod para balikan ang puwesto nila Engr. Kith nang umurong ang buong pagkatao ko.

Punyemas?

Matinding paglunok ang ginawa ko nang nasa harapan ko na bigla ang isang matipunong lalaki, naka-man bun ang buhok, seryosong nakatingin sa akin, naka-grim line ang mapupulang labi. Napalunok ulit ako.

Sa lahat ba naman ng pagkakataon at sa lahat ng taong puwedeng makasalamuha ngayon dito sa sulok na lugar ng second floor, bakit siya pa?

"You haven't changed at all," and that same baritone voice of his is still the same. That damn baritone voice. "You're calling somebody else while you are with Engineer Cervantes."

Oh, my gosh! Ano 'yong sinabi niya?

Napataas agad ang isang kilay ko. I scowled at him and mas mabuting iwan na lang siya. Nilampasan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Mas mabuting huwag nang pumatol sa kaniya, tatanda lang ako nang maaga.

"Engineer Kith, babalik na ako sa friends ko," agad na sabi ko kay Engr. Kith nang makalapit ako sa kaniya. Agad niyang itinigil ang pakikipag-usap sa isang lalaki na nakalimutan ko ang pangalan pero alam kong ipinakilala ito sa akin kanina, e.

"Okay, ihahatid na kita," presenta niya.

"Hi," bati ko sa ibang lalaki na kasama nila. "Nice to meet you all," kaway ko sa kanila, malawak pa ang naging ngiti ko sa kanila. Kaniya-kaniya rin silang sagot na halos hindi ko na maintindihan.

"Let's go?" Tanong ni Engr. Kith sabay hawak sa may likuran ko. Ramdam na ramdam ko ang palad niya kahit na medyo makapal ang tela nitong suot kong wrap dress.

"Aren't you going to say hi to your ex-husband?"

Napapikit ako at bumuntunghininga sabay tingin sa kaniya na kararating lang sa table na ito.

"Hi?" Patanong na sabi ko sabay talikod at hindi na ulit siyang nilingon.

Punyemas, nakakabanas!

"Aren't you going to say hi to your ex-husband?" Sarkastikong tanong ko. "Neknek mo, punyemas!" Aaaah bwisit ka!

Nang makarating sa couch namin ng mga kaibigan ko ay agad kong inilabas ang lahat ng inis ko sa katawan. Nakaka-imbiyerna! Nakakabanas!

"You okay, girl?"

Nilingon ko si Genil nang agawin niya ang atensiyon ko.

"Aren't you going to say hi to your ex-husband daw? Putragis, punyemas niya!"

"I just want to say na umalis na si Engineer Kith. Ano ba ang inungot-ungot mo r'yan?" Singit ni Nicole.

"Ha?" Lumingon ako sa likuran ko para makita kung nasaan na si Engr. Kith at nakita ko nga siyang naglalakad na palayo sa amin. Napasapo na lang ako sa noo ko at ibinunton sa alak ang lahat ng inis ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

"Teka, mukhang alam ko na kung anong nangyayari r'yan. Sa second floor ka galing 'no?" Napatingin ang lahat kay Lory nang magsalita siya amidst my tantrums. "Nakalimutan ko pa lang sabihin sa 'yo, nasa itaas nga pala si Darry," aniya. Wala akong ibang ginawa kundi ang bumuntunghininga na lang.

"Uuwi na ako," deklara ko. Kinuha ko na rin 'yong pouch na dala ko kanina at sinimulang ayusin ang mga gamit ko.

"Darry? As in Darry Lizares?"

Punyemas.

Bago ko pa man mapigilan si Genil sa mga masamang balak niya, umalis na siya agad at dali-daling pinuntahan ang pangalawang palapag ng bar. Pumikit na lang ako nang mariin at huminga ng malalim.

Wala pa akong isang araw dito sa Pilipinas ang dami nang nangyari. Sana naman, ano 'no, na w-in-arning-an muna ako na makikita ko pala siya. Damn it talaga.

Nagpaalam ulit ako sa kanila pero pinipigilan nila ako kasi maaga pa raw, hindi pa raw ako lasing, at kung anu-ano pang rason pero ang rason ni Nicole ang nakapagpatigil sa akin.

"Hintayin natin si Genil, tingnan natin kung anong magiging reaksiyon niya."

"Gusto ko na talagang umuwi," I groaned and sat down beside Vad. Inakbayan ako ni Vad at bahagyang minasahe ang balikat ko.

"Why are you in a hurry?" Tanong ni Vad. Medyo sumandal ako sa balikat niya.

"My kids are waiting for me," sagot ko naman.

"Oo nga pala, hindi pa pala namin nakikita ang mga anak mo. So, kailan namin makikita ang twins?"

Umayos ako sa pagkaka-upo at ngumiti sa kaniya.

"Sa Negros na lang. I'll arrange a meet up with them."

"Oh, my God!" Eksaheradang sumigaw si Genil nang makabalik siya sa couch namin. Nakatingin lang siya sa akin at halos lumuwa na ang mata niya sa gulat. Agad siyang lumapit sa akin at umupo sa gitna namin ni Vad. "Walang hiya kang babae ka! Bakit mo iniwan ang ganoong klaseng dekalibreng lalaking iyon? Are you insane, dimwit?"

What?

Automatikong napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Genil.

"What did you say, Genil? I am insane for leaving him?" Depensa ko. Nakakabanas, ha.

"Joke lang frenny!" Pambabawi naman niya but still, I am not convince. "Ang guwapo naman kasi ng ex mo, hindi lang basta guwapo! Para siyang diyos na ibinagsak sa lupa! 'Tang ina ka, ang suwerte mong gaga ka!" At binatukan pa ako ng bakla.

Inirapan ko na lang ang pinagsasabi ni Genil at umuwi na talaga. Hindi na ako nagpahatid kasi nasa tamang pag-iisip pa naman ako kaya I help myself to the way of parking.

Nilalaro ko 'yong susi ng kotse ko nang matigilan ako sa paglalakad. Nakasandal sa isang Chevrolet Trailblazer, ang lalaking kanina pa naghahatid ng jinx sa akin.

Umiling ako at pinagpatuloy ang paglapit sa kotse ko.

"Uuwi ka na?" I was about to open the car's door nang magsalita siya. Medyo tahimik sa parteng ito kaya maririnig ko agad ang boses niya.

Napabuntunghininga ulit ako.

"Obvious ba?" Sarkastikong sagot ko, naalala ang mga pinagsasabi niya sa loob kanina.

"Hindi ka ihahatid ni Engineer Cervantes o ni Nurse Yanson?"

Nurse Yanson? What the shit. Gusto kong matawa! Nurse Yanson pala ha.

Eksaherada na naman akong huminga at napapagod na nilingon siya. He smirk when I look at him. The audacity of him to do that?

Nag-cross arms ako at tuluyang ibinigay ang buong atensiyon sa kaniya. Attention seeker ka pala, o ito attention.

"May problema ka ba sa akin, Mister Darwin Lizares?" Pormal na tanong ko.

"Mister Darwin Lizares? Really, huh?"

"Why do you need to say that you're my ex-husband in front of others?"

"Bakit? Hindi ba?" Patay-malisyang tanong niya. "O baka naman ayaw mong malaman ng manliligaw mo na ako 'yong ex-husband mo," aniya.

Isa na lang talaga, nagtitimpi na lang talaga ako.

"May pagka-chismoso ka pala, Lizares 'no?" Sagot ko sa kaniya at hindi na siya hinayaang sumagot pa.

Dali-dali akong sumakay ng Ford Fusion ko. Pero s'yempre, hindi ko pinahalata sa kaniya na kailangan kong umiwas sa kaniya.

Nakakabanas ka talaga kahit kailan, Darwin Lizares!

I put my head on the game and continue driving home. Kailangan kong maging kalmado kapag nakarating na ako sa mansion.

I found tranquility when I open our room's door ay agad tumumbad sa akin ang mahimbing na natutulog na kambal. Marahan akong pumikit at napangiti na rin.

Buong ingat ang naging paggalaw ko at tinabihan agad ang dalawa. Buong ingat ko silang hinalikan sa noo at sinamahan na sila sa pagtulog.

"Mommy, promise you'll follow us ha?" Ani Keyla nang ma-i-level ko ang paningin sa kanilang dalawa.

Nasa labas kami ngayon ng airport, hinahatid ang kambal ko pauwi ng Negros bago tumulak sa nakaabang na trabaho ko and the sole purpose of why I'm here.

"I promise, I'll be there in a week. Mommy needs to finish work first before going to Negros," paalala ko naman sa kanila.

"It's okay, Mom. I know it's a big project and you need it for your credentials, Mom, so take your time. Besides, Lolo Rest and Lola Blake will be there to accompany us and to play with us."

Ha?

Pun...ye...mas.

Ang tabas ng dila ng anak kong lalaki ay kakaiba, unfathomable at kahit akong isang full-grown adult at mismong nanay nila ay nagugulat pa sa pagiging straight niyang magsalita.

Sa July pa magfo-four ang dalawa so basically, three years old pa lang sila ngayon pero sigurado silang three years old lang sila?

"O-Okay..." Ang nasabi ko na lamang. Parang hindi pa rin makapaniwala sa tabas ng dila nila.

"Ang tatalino talaga ng mga anak mo, Ate MJ... Sigurado kang mga anak mo 'to?"

Muntik ko nang mabatukan si Jest nang sabihin niya iyon sa akin. Napa-irap na lang ako at pinagpatuloy ang pagpapaalam sa kambal ko.

Matapos ang lahat, ang trabaho ko naman ngayon ang aatupagin ko.

Bago mag-drive, ch-in-eck ko muna ang text message na pinadala sa akin ni Engr. Kith kani-kanina lang. Bagong location daw ng meeting place namin with the client. Hindi ko fully na check ang buong message, ngayon pa lang.

"Oh? Sa Osmeña Building 'to, a?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko nang makita na nga ang address.

Matagal-tagal na akong hindi nakakapunta sa OBE dahil nga wala na naman talaga akong papel sa negosyong iyon. I declined Lolo and Lola's mana to me, remember?

Pero hindi talaga ako puwedeng magkamali, address talaga ito ng Osmeña Building, ng Osmeña Business Empire.

"Mga Osmeña ba ang client namin? Bakit parang hindi ko alam? Wala rin namang nabanggit sina Mama sa akin? Sila ba?" Natanong ko na lang sa sarili ko habang nagda-drive na papuntang Osmeña Building.

Pero sa pagkakaalala ko, Resortel o pinagsamang Resort at Hotel ang gagawin namin but the thing is, nakalimutan ko kung sino ang client exactly.

Bakit ba kasi hindi ko na inaalam ang information ng mga kliyente? Minsan ang hunghang ko rin pala, ano?

Tinanaw ko ang mataas na Osmeña building sa harapan ko. Ganoon pa rin, wala pa ring pinagbago, nakatayo pa rin siya. Magtataka talaga ako kapag nakita kong binawasan 'yong mataas na building na ito.

Nag-retouch lang nang kaonti, agad din akong bumaba ng kotse ko at tinahak ang daan papunta sa loob ng building.

Habang naglalakad ay dina-dial ko naman ang numero ni Engr. Kith. Pero ring lang nang ring kaya nang walang makuhang sagot, ibinaba ko ang tawag at ipinasok na lang sa hand bag ko ang phone ko. Magtatanong na lang ako sa receptionist.

Suot ang pitch black butterfly shades ko, tinahak ko ang entrance ng building nang matiwasay dahil saktong walang nagbabantay doon.

Glamouring with nudeness in me, nakasuot ako ngayon ng Nude Sheath Dress with matching nude pumps. Simple lang ang suot ko kasi wala lang, ayoko lang talaga nang nakakaagaw ng atensiyon pero naglalakad pa lang ako ngayon dito sa lobby ng Osmeña Business Empire, nakakaagaw na ako ng atensiyon. Ayoko nito.

Pero sabagay, pamilya ko nga pala ang may-ari ng business na ito, malamang kaya ako pinagtitinginan dahil kilala nila ako.

Taas-noo kahit kanino, tinahak ko na nga ang reception table ng lobby.

May naka-imprentang malaking OSMEÑA BUSINES EMPIRE ang nasa likuran ng reception table. With the quotation of 'True To Our Words, True To Our Services.'

Naks naman mga Osmeña, may pa ganoon talaga?

"Hello, good morning," nakangiting bati ko sa nakabusangot at seryosong receptionist ng building.

"Do you have an appointment?" Wala pa man akong sinasabing iba, ganoon na ang naging sagot niya sa akin.

Aba, iba rin.

I smiled pa rin kahit medyo nagulat sa naging asal ng babaeng ito. Hindi niya ba ako kilala?

"I have a meeting with a client. I'm from Silver Lining Construction," pagpapakilala ko pa.

Pero mas lalo yatang tumaas ang isang kilay ng babaeng receptionist na ito.

Medyo nakakairita na ha, nagmamadali pa naman ako!

Papatulan ko na sana ang babaeng ito nang biglang nag-ring nang malakas ang phone ko. Inismiran ko ang babae at nag-focus sa phone ko.

Thank, God he called!

"Engineer Kith! Kanina pa ako tumatawag sa 'yo, nandito na ako sa building na sinasabi mo. Anong floor ba? Ayaw kasi akong papasukin ng receptionist dito," sumbong ko agad, inirapan ko pa ang babaeng nasa reception table.

Isang tawa ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Sariling building mo, hindi ka pinapasok?" Natatawa pa ring sabi niya na pa-simple kong inismiran.

"Bakit nga ba rito sa Osmeña building ang meeting? Biglaan yata 'to, a?"

"Biglaan din kasi ang abiso sa amin. Nasa 25th floor kami, Lizeña Food Corp floor, dalian mo, malapit nang magsimula." Sasagot na sana ako kay Engr. Kith kaso bigla niya akong binabaan ng tawag.

Lizeña Food Corp? May bagong negosyo ba ang OBE na hindi ko alam?

Napatitig na lang ako sa phone ko at napabuntunghininga. Tiningnan ko ulit ang babaeng imbiyerna na ito.

"Heto na lang, Miss... try mong i-check d'yan kung may appointment ang Silver Lining Construction sa Lizeña Food Corp, lead by Engineer Kither Gollen Cervantes." Sinubukan kong habaan ang pasensiya ko, trying to fight away the bad vibes for today's errand.

Umismid muli ang malditang babaeng ito pero may ch-in-eck naman siya sa may desk niya. Hindi ko makita kasi medyo nasa ibaba pero hindi ko pinag-aksayahan ng energy.

Iginala ko na lang ang tingin ko sa paligid and the more I stay here, the more I get their attention.

"W-What is your name, M-Ma'am?"

Kita mo 'tong babaeng ito, daig pa naubusan ng dugo sa pagiging maputla.

Ibinalik ko ang shades ko sa aking mata at sinadya talagang tagalan ang aking sagot. Nang maisuot ko na ay saka lang ako nagsalita.

"Engineer MJ Osmeña, at your service Miss..." Tumingin ako sa nameplate niya, "Miss Anne," pagtatapos ko sa usapan sabay lakad palayo sa kaniya para puntahan na ang direksyon ng elevator.

Bahala kang manigas d'yan sa gulat.

Nang makapasok sa elevator, agad kong tiningnan ang mga buttons at hinanap ang sinabing kompanya ni Engr. Kith kanina. And true enough, there is indeed a Lizeña Food Corp in this building. Kaninong kompanya 'to? Nagpapa-arkila na ba ang Osmeña building ng floor para sa ibang kompanya? And to think nasa ikadalawampu't-limang palapag ang kompanyang iyon? That's kind of weird, second to the last floor ang floor na iyon. Ibig sabihin, malapit sa mga Osmeña ang kompanyang iyon o 'di kaya'y isang Osmeña ang namamalakad no'n.

Pero anong interes ng mga Osmeña sa isang resort at hotel? As far as I remember, walang property ang mga Osmeña na malapit sa dagat o 'di kaya'y 'yong mga property na puwedeng pagkakitaan in terms of tourism. Did they acquire those kinds of lands na hindi ko lang alam o baka nga wala na talaga akong alam sa pamilya ko? Aba ewan!

Umiling ako at iwinaksi ang mga iniisip. Pinindot ko ang button na iyon at nag-focus sa magaganap na presentation mamaya.

Nang makarating sa tamang palapag, agad bumungad sa akin ang isang reception area na naman. Ganito every floor at nakalagay sa dingding ng reception area ang pangalan ng kompanyang nasa floor na ito and in this case, it's indeed Lizeña Food Corporation.

Agad nakuha ng babaeng nasa reception table na naman ang presensiya ko. Unlike sa babaeng nasa baba kanina, mas maaliwalas ang kaniyang mukha at nakangiti pa sa akin.

Tinanggal ko ang shades ko at ngumiti na rin sa kaniya pero wala pa lang akong sinasabi, naunahan na niya ako.

"Misis Lizares?"

Ha?

Nagulat siya sa mukha ko pero mas nagulat ako sa naging tawag niya sa akin. O ako ba talaga?

Napatingin naman ako agad sa likuran ko, baka kasi may tao pala roon tapos 'yon pala ang tinawag niya pero wala naman, sa akin pa siya diretsong nakatingin.

Pagak akong natawa sa sinabi niya.

"I-I'm not Missis Lizares anymore, matagal na panahon na iyon. I'm Engineer Osmeña, Engineer MJ Osmeña to be exact," kahit medyo na-awkward sa sinabi niya, nagawa ko pang ngumiti sa kaniya.

"S-Sorry po, sorry po, Engineer Osmeña," pagpapaumanhin niya. "Nandito po ba kayo para kay Boss, Engineer Osmeña?"

Ha?

"Ah, hindi... I'm here for a presentation, from Silver Lining Construction," pagtatama ko sa sinabi niya. Sinong boss naman 'yon? Ngayon ko lang nga nalaman na may ganitong kompanya under OBE, e.

"Silver Lining po? K-Kasama n'yo po ba si Engineer Kith Cervantes, Engineer?"

"Tumpak! So, nasaan sila?"

"Nasa conference room na po, Engineer. Ihahatid ko na po kayo," akma siyang aalis sa puwesto niya pero mabilis ako kaya agad ko siyang napigilan.

"Hindi na Miss, ako na lang ang pupunta. Ituro mo na lang kung saan banda ang conference room."

"Um, nandoon po sa right wing, Engineer, 'yong malaking pinto po."

"Okay, copy. Thank you, Miss," ngumiti ako sa kaniya at agad na tinahak ang right wing ng floor.

Diretso lang ang naging lakad ko, kagaya ng kanina na taas-noo pa rin. Hindi kasi ako mahilig maglakad na nakayuko, gusto ko 'yong taas-noo kahit kanino.

Pero habang naglalakad, nakikita ko sa peripheral vision ko na may malawak na mga cubicle sa kabilang banda, may mga ulong sumisilip sa kani-kanilang cubicle, may naririnig din akong boses pero hindi ko na pinansin kasi agad kong nakita ang malaking glass double doors na halata namang isang conference room nga.

Pagpasok ko, bumungad sa akin ang mga colleagues ko na abala na sa paghahanda sa magaganap na presentation. Actually, si Ar. Elron lang ang mag-i-explain ng mga designs na ginawa niya, nandito lang talaga kami for back-up and other things. Nasa iisang team kami, e, kaya kailangan naming magtulungan.

"Sandali nga lang, bakit hindi ko alam na under ng Osmeña Business Empire ang kliyente natin?" Habang nag-s-set-up ay agad ko na nga'ng pinaulanan ng tanong ang tatlo kong colleagues.

"Let me guess, wala ka na namang pakialam sa mga client 'no? Or worst, hindi mo binasa ng buo ang contract?" Ani Engr. Kith.

Since kaming apat pa lang ang nandito, umupo ako sa mismong table at pagod na tiningnan si Engr. Kith.

"Kilala mo naman ako, Engineer Kith, mas focus ako sa project itself kesa sa i-mind ang mga kliyente," sagot ko naman.

Natawa si Engr. Meeton sa sinabi ko habang nag-a-arrange siya sa mga gagamiting laptop, iPad, applications, and other devices to be use during the presentation.

"So sinong may-ari ng Lizeña Food Corp na 'yan? Isa ba sa mga kamag-anak ko? Isa bang Osmeña? And why does a food corporation wants to build a resort and hotel? Anong connection no'n?" Natatawa ko pang tanong.

Napa-iling si Ar. Elron nang lingunin ko siya pero nakangisi naman.

"You know what, MJ, you build infrastractures that are jim-dandy level, word class, and superb, and I am so proud of you for that. There's just one thing I'm not certain kung magiging proud ba ako sa 'yo or whatever... and that's the fact that you do not thoroughly check the background of your clients," mahabang explanation ni Ar. Elron na na inismiran ko lang.

"You knew me, Architect Elron, mas magandang mag-trabaho kapag hindi mo alam kung kanino ka nagta-trabaho," depensa ko naman na inilingan nila pareho ni Engr. Meeton.

Lumapit sa akin si Engr. Kith at inakbayan ako.

"You always swoon me with your principles in life, Engineer MJ, always..."

"Naman, Osmeña ako, e... always true to our words, always true to our services," mayabang pang sabi ko. "So, sino na nga ang may-ari ng Lizeña Food Corp? I haven't heard a surname Lizeña, you know. Although it's kind of near with the Liza..."

"Lizares and Osmeña. It's a combination of the two biggest families in the Philippines."

Wait, what?

"They're here, shall we start?"

Gulantang sa pinagsasabi ni Engr. Kith, hindi ko agad naayos ang sarili ko, saka lang nang pumasok na ang CEO daw ng Lizeña Food Corp.

Lizares at Osmeña? Ate Ada at Decart Lizares? Sa kanila 'to?

Hindi pa nakaka-recover sa client namin ngayon, mas lalo akong nagulantang sa nagpakilalang CEO ng Lizeña Food Corp.

What the shit?

~