webnovel

She Leaves (Tagalog)

MJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

Darry Lizares

DARWIN CHARLES L. LIZARES

Darry's Point of View.

Isang sapak. Isang sapak ang sumalubong sa akin the moment I stepped on our porch. Sa sobrang lakas ng suntok niya, kusa akong natumba and didn't bother to even stand after the fall.

Lasang-lasa ko ang dugo sa gilid ng aking labi.

"Hindi kita pinalaki nang ganito, Darwin Charles! Araw-araw kong sinasabi sa inyo na hindi dapat ginagago ang mga babae. Ano na naman itong ginawa mo kay MJ?"

Dumagundong ang malakas na sigaw ni Dad sa buong bahay. His anger is evident in his eyes. Mommy is beside him, trying to calm him down.

Dinuro ako ni Dad.

"Pareho kayo ni Edison. Ginagawa niyong laruan ang mga babae. Kung kay Callie, pinagbigyan kita, pero rito kay MJ, hindi kita palalampasin, Darwin!" Dinuro niya ulit ako sa huling pagkakataon bago padarag na umalis sa harapan ko at tuluyang pumasok ng manor.

Tiningala ko si Mom na nanatiling nakatayo sa harapan ko. Pag-aalinlangan ang nababakas sa kaniyang mga mata but in the end, kahit ayaw niya, kailangan niyang sundan si Dad.

Isang buwan na magmula no'ng maghiwalay kami. Isang buwan na siyang nagbabakasyon sa Africa at ngayon ay sinabi sa akin na nasa Dubai siya para mag-aral. One month after that, they knew that I am allegedly cheating to MJ with Callie.

Allegedly because I did not do it. I did not cheat with MJ. I did not.

Nanatili akong nakaupo sa sahig ng porch ng manor hanggang sa may isang kamay na tumapat sa akin. Tiningala ko kung sino and napa-iling na lang ako nang makita ang mukha niya.

"Sinuntok ka ni Dad?"

I have no other choice but to accept his hand. I stood up with the help of my brother. I did not respond to his question.

"Is it true, then?"

I snarled at him.

"Matagal kong pinangarap tapos gagagohin ko?"

"E, bakit naging ganito? 'Wag mong sabihin sa aking kasalanan pa ni MJ?"

"Kuya Einny, will you please focus on how to run our city instead of focusing with my life?"

"Oh God, why do I have hard-headed brothers?" Narinig kong sabi niya.

Umalis ako ng bahay at pumunta sa bahay na sana ay ibibigay ko sa kaniya sa araw ng Pasko. Kaso nagkanda-leche leche nga ang lahat at umabot sa ganito ang relasyon namin.

Bata pa lang ako, kilala ko na siya. Bata pa lang ako, alam kong nagagandahan na ako sa kaniya. Bata pa lang ako, alam kong siya na ang pakakasalan ko. Lagi ko siyang nakikita lalo na sa mga socialites party ng business world. Magkalapit lang ang pamilya ko at ang pamilya niya pero alam kong hindi niya ako kilala. Tuwing summer ko lang siya nakikita dahil sa ibang bansa ako lumaki at pinag-aral ni Mom at Dad.

Pero alam ko sa sarili ko walang patutunguhan ang batang nararamdaman kong ito.

"Ano? Napapadalas na 'yang pag-iinom mo, ah?"

Masama ang naging tingin ko kay Amox nang agawin niya ang baso ko para siya ang uminom nito. Padarag akong tumayo at tinanaw ang malawak na tanawin sa labas. Nasa tuktok nga ako ng building namin, maganda nga ang tanawin mula rito, wala ring silbi kung wala sa tabi ko ang babaeng nagpapatibok ng aking puso.

"What are you doing here Amorsolo. Don't you have a company to attend to?"

Amox sarcastically laughed but I still did not look on his way.

"Wala ka talagang galang kahit kailan, Bay Darwin. Ako na nga lang ang natitira sa 'yo, susungitan mo pa ako?"

I bitterly laugh on his remarks.

"Is that something I should be grateful of?"

"Bakit ba kasi nagmumukmok ka d'yan?" I glance at his way and he's now sitting at my swivel chair. "'Yong babaeng pinagmumukmokan mo, ayon at sobrang nag-i-enjoy sa bakasyon niya sa Africa," he added that's why I look at him again.

With slightly menacing eyes, pinansin ko ang phone niyang inilapag niya sa ibabaw ng narra table ko. Iminuwestra niya pa ito. It's as if he wants me to look at it.

"What's that?"

"Nag-upload ng video si MJ, vlog niya tungkol sa naging trip niya sa Africa. Hindi mo pa nakikita?"

"Where did she upload it? Wala siyang social media accounts." Not convince with what Amox said, agad akong nag-protesta.

"I don't know. I just saw it on Facebook shared by Tasia. Actually, maraming nag-s-share kaya ganoon kabilis kumalat ang video. You might want to check it?" Mas lalo niyang inilapit sa akin ang phone niya.

I have no other choice but to click on Amox's bait. I missed her so much and it's been two months since the last time I had a news about her. She has no social media accounts and I can't even reach her on Skype, even on her phone, I just can't. Simula no'ng pumutok ang issue namin tungkol kay Callie, hindi na ako pinapansin ng mga pinsan niya. Nahihirapan din akong mag-reach out sa parents niya, kay Mama Blake at Papa Rest.

We started odd. Our family might be close, but we aren't. Ironic. I know. Hindi siya mahilig makipagkaibigan sa mga taong sobrang yaman. Maraming mayaman sa hometown namin pero mas pinili niyang kaibiganin ang mga nasa mid-tier people, though may mga kaibigan naman siya sa higher ranks, but she chooses to stay with her childhood friends. Pagdating sa kaibigan, loyal siya. Pagdating sa pamilya, maaasahan siya. Pero pagdating sa pag-ibig, walang-wala siya. She was a known playgirl when we were still in high school. Kung sinu-sinong lalaki ang nali-link sa kaniya: mga anak ng sikat na pulitiko sa hometown namin, mga sikat sa school, at kung sinu-sino pa basta sinubukang ligawan siya, papatusin niya.

I thought being on the same level with her would lead me to knowing her. I was wrong. Because I was her total opposite. Bringing the name Lizares will not automatically lead you to being famous and respected. You should also bring the trademark style of a Lizares: being a bad boy, being a basagulero. But I am not that. Is it my fault?

I'm done watching that video vlog with gritted teeth. Nakaka-bullshit. Nakaka-bullshit makita siyang masaya. Nakaka-bullshit makita siyang masaya na may kasamang iba. So the rumors about her were true?

I clenched my fist and slam the table.

"Who's that guy?"

"Bay, 'tang ina, relax ka nga lang."

"Who's that guy, Amox?"

Matagal na akong nagseselos sa lahat ng lalaking umaaligid sa kaniya. I even got jealous with my own brother because of her. Kahit noon pa. At parang hindi na yata masasanay ang kalamnan ko sa mga ganitong klaseng eksena.

"I don't know who he is kasi na-reupload na ang video na ito. Hindi ko alam kung sino ang unang nag-upload nitong video."

I clench more my fist, almost digging my nails to my own skin. I am that angry.

"'Tang ina, relax nga kasi. Ano ka ba? No'ng nakikipaghiwalay pa lang siya sa 'yo, wala kang ibang ginawa kundi ang pumayag sa gusto niya kahit labag naman sa kalooban mo at kaya mo namang pigilan ang lahat. Tapos ngayon? Magre-reak ka na may bago na siya? Ganoon naman ang sinabi niya 'di ba? Kaya siya makikipaghiwalay sa 'yo dahil nagsawa na siya sa 'yo-"

"Shut the fuck up, Amox!" Kinuwelyuhan ko siya. Naiirita ako sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

Nakipag-sukatan ng tingin sa akin si Amox at padarag niyang inalis ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kuwelyo niya.

"Ayusin mo 'yang buhay mo, Bay. Hindi lang kasalanan ni MJ 'to, kasalanan mo rin ito."

I was one of her many admirers. Some were lucky enough to be near her and be her fling and some aren't just like me.

Nakaw-tingin lang. Pasulyap-sulyap palagi. Wala akong ibang nagawa kundi ang pa-sekreto siyang kunan ng mga larawan mula sa malayo... hanggang sa nalaman ng barkada ng pinsan niya ang tungkol sa pagti-take ko ng picture sa kaniya.

"Teka sandali, pinsan ko 'to, ah? May gusto ka rito?" Maangas na tanong sa akin ng isa sa pinakamalapit na pinsan niya na si Steve Osmeña. Basagulero rin katulad ng mga Kuya ko. Pariwara ang buhay katulad naman ng iba pang Osmeña.

"A-Akin na 'yan..."

Isa sila sa mga taong hindi naniniwala na isa akong Lizares. Wala rin naman kasing makakapagpatunay na totoo 'yon. Wala rito ang mga Kuya ko para ipagtanggol ako. I was supposed to be in La Salle right now but I told my parents na rito na ako sa local school ng hometown namin mag-aaral ng high school. Pinagbigyan kasi nga bunso.

"'Nyemas, may gusto ka pala kay MJ, e. Gusto mong sumali sa away ni Salvador at Major?"

Hindi ko sila pinatulan kasi wala sa pagkatao ko ang makipag-away. Kung mas maaari ay manahimik na lang at palipasin.

"Sagot naman d'yan, nerd!" Sabi naman nung isa na sa pagkaka-alala ko ay Brey Montebon ang pangalan. Nagtawanan sila.

Mas matanda ako kaysa sa kanila pero hindi ko magawang pumatol. Masiyado akong ginawang baby ng pamilya ko kaya naging soft ang environment ko.

At sa araw na iyon, ipinagtanggol niya ako sa kanila. Sa sariling pinsan niya. Alam kong wala talaga siyang pakialam sa akin at hindi niya intensiyon na gawin 'yon pero 'yon na yata ang pinakamasayang araw ko ng mga panahong iyon. She unexpectedly noticed me.

"Mabuti naman at na-take over ko na ang kompanya bago ka pa maging ganyan," wika ni Kuya Decart nang minsa'y binisita niya ako rito sa opisina sa Manila. Hindi ko nga rin alam kung ano pa ang silbi ng opisinang ito. Wala na rin akong magawang tama sa kompanya.

"Nasa Dubai ba talaga siya, Kuya?"

I watch the ice melt inside my glass.

"'Yon ang sinabi nina Tita Blake sa amin. Hindi naman kasi nila usually pinag-uusapan si MJ every Sunday Luncheon ng mga Osmeña, Charles."

Napabuntonghininga na lang ako sa sinagot ni Kuya Decart sa akin.

Four months na magmula noong umalis siya para lang magbakasyon sa Africa. Tapos ay bigla-bigla siyang nagdesisyon na mag-aaral ng masters sa Dubai. I have a hunch that there is a loophole about this one. I have the resources pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Her friends were nice and accommodating so I used them to be near her pero mali na naman ako. Ang dami ko pa palang hindi alam sa kaniya. Hindi ako nagtagumpay sa parteng mapalapit sa kaniya through tutoring her friends or even befriending them. Matalino na pala siya, kaya ano ang silbi ng pagtuturo ko pa sa kaniya?

Nagtapos ako ng high school na hindi man lang nakakalapit at nakapagpakilala ng pormal sa kaniya. Labag man sa loob, kailangan kong tuparin ang isa sa mga pangarap ko. She may be the woman of my dreams, but reaching my personal dream will be now my priority. Umalis ako papuntang States para mag-aral ng college. Harvard University it is. Uunahin ko 'to, pero sa oras na magbabalik ako, sisiguraduhin kong makikilala na niya ako.

Alam ng mga kapatid ko na may gusto ako sa kaniya. Ipinaubaya ko ang pagbabantay sa kaniya habang ako ay nasa malayo at tinutupad ang mga pangarap ko.

Nagpaka-miserable ako sa babaeng alam kong kaya ko namang puntahan. Nagpalugmok ako ng ilang buwan dahil sa sakit na hatid ng mga hindi inaaasahang pangyayari.

It left me with no choice but to approach my friend, Erico. I know he's the only one who can help me with this one.

"Bay..."

Sinadya kong puntahan ang headquarters ng AFP, kung saan nagta-trabaho si Erico, isa sa mga kaibigan ko, along with Amox.

Kilala na ako sa kampo kaya agad akong nakapasok. Isa si Erico sa nagalit sa akin dahil sa nalaman nilang ginawa ko. Hindi man lang nila ako hinayaang mag-explain. Mas naiintindihan daw kasi nila si MJ. And I can't blame them for hating me.

"Natauhan ka na?" Tunog sarkastiko ang pagkakatanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at pinakalma ang sarili ko. Delikado ang buhay ko ngayon, nasa kuta ako ng mga sundalo.

"This sounds gay but... I need your help, Bay."

"Now you're asking for my help. Matapos mo akong pagsusuntukin nang dahil sa sinabi kong opinion sa nagawa mo kaya ka hiniwalayan ni MJ, you have the guts to say that to me in my own territory." Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at nilapitan ako.

I have no other choice but to lower my pride. Kaya kong gawin 'to pero alam kong mas mapapadali ang trabaho kapag nagpatulong ako kay Erico.

"Bay... Alam mo naman kung gaano ko ka-mahal si MJ 'di ba? Sige na, tulungan mo na ako."

Umiling si Erico at napabuntonghininga sa sinabi ko.

"Balita ko, pati si Amox, galit na rin sa 'yo. So, wala ka ng kaibigan ngayon?"

I heavily sighed at iginala ang tingin sa paligid ng opisina ni Erico.

"Ano ba kasi ang nagawa ko. It's like I killed someone para magalit kayo sa akin nang ganito."

"Minsan nakakagago ka na rin, e. Nagpaubaya na nga si Tibor sa 'yo, inaksaya mo pa."

Pumikit ako ng mariin at pinakalma ang aking sarili.

"'Yong sa amin ni Callie, matagal ng wala iyon. Matalik na kaibigan ko si Callie. Malaki ang naitulong niya noong naghihirap pa lang ako sa States. Hindi ko naman matanggihan kasi iniipit niya ako. Ayaw ko lang na guluhin niya si MJ kaya ako pumayag sa gusto niya. It was a show for her not for MJ. Kasi mas mahal ko si MJ kaysa sa kaniya. And I made myself clear to her before we parted our ways."

"Why don't you tell that to her? You know it's useless telling us your side well in fact siya dapat ang makaalam ng side mo since sa kaniya ka nagkasala."

I comb my long hair feeling frustrated with everything.

"Paano ko sasabihin, e, hindi ko nga alam kung nasaan siya."

Nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo ni Erico matapos marinig ang sinabi ko.

"I thought she's in Dubai?"

"She's not there. Pumunta ako last month. Halos libutin ko na ang buong Dubai, pero walang MJ Osmeña'ng nandoon at naka-enroll sa isa sa mga colleges doon. She's not in Dubai, Bay. Kaya nga ako nandito ngayon para humingi ng tulong sa 'yo." Frustrated na frustrated na ako sa lahat ng bagay and I am this desperate to find her at all cost. "I need your intelligence team to find her."

The moment he heard my request, agad siyang napa-iwas ng tingin at parang hindi pa makapaniwala sa narinig niya mula sa akin.

"Bay, para sa bayan ang intelligence team ko hindi para sa personal na bagay. MJ Osmeña is not a national concern," giit niya pa.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.

"Bay, please, desperado na talaga akong makita at mahanap siya. Maski pamilya niya, ayaw magsalita tungkol sa kaniya. Bay, I need to see her."

Tinapik niya ang balikat ko at mariin akong tiningnan.

"Mahirap hanapin ang taong nagtatago, Bay."

Nangibang-bayan ako para maisakatuparan ko ang mga pangarap ko. Hindi na bago sa akin ang States pero may dalawang tao na bago rito at hindi masiyadong sanay. Callie Dela Rama and Tibor Valmayor were one of those pinoys na hindi gamay ang States. Naging sandalan nila ako sa pananatili sa States kaya naging malapit na rin sila sa akin. Iba-iba man ang kursong kinuha namin sa Harvard, pinagbuklod namin kami ng iisang lahi.

Sa mga panahong ito, nahihirapan akong magkaroon ng balita kay MJ. Wala siyang social media accounts. May mga accounts na naka-pangalan sa kaniya pero halatang fake dahil ni-isa ay hindi in-add as friend ng iba pang Osmeña. Mabuti na lang at friends ko sa social media ang mga pinsan niya, kahit papaano ay nagkakaroon ako ng balita sa kaniya, kahit papaano ay nakikita ko ang mukha niya. Kahit nasa malayo at hindi alam ang presensiya ko, unti-unti ko namang inaayos ang buong pagkatao ko para sa pagbabalik ko, makikilala na niya ako.

"Sigurado kang wala siya sa Dubai?" Si Mefan habang mariin na nakatingin sa akin.

Matapos ang ilang buwang walang imikan sa kanila, napagdesisyonan nilang lapitan na ako at makipagbati. Nasabi ko na sa kanila kung ano 'yong sinabi ko kay Erico no'ng araw na nanghingi ako ng tulong sa kaniya.

Umiling ako bilang sagot habang nakatingin lang sa beer na hawak ko.

"I asked Jessa and she insisted na nasa Dubai talaga si MJ."

"Whoa!" Sngit ni Yaspher. "Imposible namang magsinungaling 'yon sa mga kaibigan at pamilya niya. Ano 'yon? Nagtatago talaga siya? Sa ano namang dahilan? Dahil lang ba nakipag-hiwalay lang siya sa yo, magtatago agad siya? Ang babaw naman ng rason na iyon."

Kahit maingay dito sa bar, narinig ko pa rin ang litanya ni Yaspher.

"Kaya nga kailangan ko ang tulong ni Erico para madali ko siyang mahanap," giit ko sa kanila, hindi kasi nila makita ang punto ko.

"Alam mo, bago mo hanapin 'yan, ishutdown mo muna 'yang rumors na kumakalat sa inyo ni Callie. Ang tagal na niyan. Hndi man lang nagsasalita si Callie, hndi ka man lang nagsasalita. You are both well-known in the Philippines and may pakialam ang mga tao sa inyo," sumingit sa usapan namin si Sancia.

"Pagtotoonan ko pa ba 'yan ng pansin? Just wait, the rumors will die down on its own. Hayaan mo sila."

"Darry, I personally don't like MJ, you know. Maka-Callie talaga ako ever since and you knew that. But seeing you, right now, in desperate times, miserable, really wanting to see her... you just proved to me na you're really into her. And I don't know what she did to you para magkaganyan ka. She's a well-known player, umabot na nga rito sa Manila ang pagiging mapaglaro niya with boys."

Nilingon ko naman si Tasia ngayon.

"I love her for who she is, okay?"

Akala ko after college ay uuwi na ako ng Pilipinas. I didn't. I needed to take the Master's Degree para mas lalong lumago ang kompanya. Sabi kasi nila Mommy na mas malaki raw ang maitutulong ko sa kompanya kapag mataas ang natapos ko at marami akong kaalaman. Kaya pa naman daw nilang patakbuhin ang milling kaya hinayaan nila akong mag-aral pa.

Nasa States ako nang ibalita sa akin na magpapakasal si Kuya Decart sa kapatid ni MJ na si Tonette Osmeña. Gustong-gusto kong umuwi ng mga panahong iyon pero hindi ko nagawa dahil kinailangan ako ni Callie. Ako lang kasi ang maaasahan niya kaya ako lang ang makakatulong sa kaniya. She met an accident, minor lang naman but she still needed help.

It turns out not going home is... fine. Hindi natuloy ang kasal ni Kuya Decart kay Tonette Osmeña dahil bigla raw itong hindi sumipot sa araw ng kanilang kasal, nawala raw na parang bula itong si Tonette Osmeña.

I was thinking of her the whole time... iniisip ko kung kumusta na siya, kung paano niya pina-process ang mga pangyayaring ganito sa pamilya nila. I am more concern to her than to my own brother.

"Hindi mo na kailangang hanapin siya, kusa na siyang nagpakita," ang kaninang tahimik lang na si Amox ay biglang nagsalita.

Inabot niya sa akin ang phone niya at malayo pa lang, kitang-kita ko na kung ano ang laman.

Hinablot ko ito at matiyagang binasa ang kung anong laman ng ipinakita ni Amox.

It's a magazine cover. At sa cover na iyon, nandoon siya, may kasamang iba pang lalaki. Halos sumabog na utak ko kakabasa, sinabayan pa ng pagpitik ng mabilis ng aking puso dahil sa kabang aking naramdaman.

Isang engineering and construction magazine iyon. Isa siya sa fi-n-eature dahil sa successful project na ginawa niya kasama ang iba pang engineers.

"All this time, she's just in Canada. Toronto, Canada! Imagine?" Ibinalik ko ang phone ni Amox sa kaniya at nahilot ang aking sentido dahil sa papasabog ko ng utak. "Ang daming pinoy d'yan, pero ni isa sa kanila, hindi man lang nakilala si MJ Osmeña?" Dagdag pa na sabi ni Amox.

Namutawi ang ingay ng bar. Natahimik kaming lahat.

"She's a low-key Osmeña. She may be the heiress of OBE but she always keeps her profile low," depensa ko at isa-isa silang tiningnan.

"Is she still the heiress? 'Di ba instead of being present during their testament reading, mas pinili niyang umalis para magbakasyon? Hindi ba nasa balita na automatic na hindi na siya ang heiress nito?"

Ayaw ko mang sumang-ayon sa sinabi ni Erico, wala akong nagawa kasi tama naman ang sinabi niya.

"Really? So wala siyang mana na natanggap from her Lolo and Lola?" Tanong naman ni Tasia.

"Meron pero hindi niya tinanggap, tinalikuran niya ang lahat. She doesn't even care about their wealth."

"So what is her reason para umalis at magtago... Teka? Nagtatago ba talaga? Bakit nasa isang local magazine sa Toronto? But anyways, ano nga kaya talaga ang rason niya para umalis ng Pilipinas?" Naguguluhang sabi ni Sancia na pati ako ay naguguluhan na rin.

"Puntahan mo na, alamin mo sa sarili mo kung ano ang rason niya kung bakit bigla na lang siyang umalis."

Seryoso si Mefan nang sabihin niya sa akin iyon. Kaya nakipagsukatan muna ako ng tingin bago tumango.

May kumalat na balita sa campus na bakla raw ako. Ganito na ka-laki ang katawan ko, natawag pa akong bakla. Tinawag nila akong bakla dahil wala raw akong girlfriend. 'Yong kaibigan ko raw na si Tibor, iba-iba na ang naging girlfriend tapos ako raw ni-isa ay wala pa.

Gusto ko mang sabihin sa kanila na may hinihintay lang ako sa Pilipinas, alam kong hindi rin naman nila maiintindihan 'yon. I was so determined to wait for her na ang determinasyon kong iyon ay unti-unting gumuho dahil sa nalaman kong balita...

May gusto si Kuya Sonny kay MJ at sinusubukan nitong sabihin kina Mom at Dad na siya ang ipakasal sa kaniya. Nagalit ako kay Kuya no'n kasi alam niyang may gusto ako kay MJ pero ano ang magagawa ko? Kuya ko 'yon kaya kailangan kong magparaya.

Gi-n-irlfriend ko si Callie para ipakita sa lahat na hindi ako bakla, na kaya kong makuha ang lahat ng babaeng gusto ko, at para na rin simulan ng kalimutan ang kung anong nararamdaman ko kay MJ. Wala na kasi talaga akong magagawa. Kuya ko ang karibal ko rito at kahit bali-baligtarin ang mundo, alam kong mas pakikinggan nina Mom si Kuya Sonny.

Pumunta agad ako ng Toronto para hanapin siya. Malaki ang Toronto pero dahil sa mga koneksiyon ko, agad kong natunton kung saan siya. All this time, she's there, I think hiding, with her friend Nicole Yanson.

Hindi ako nabigo sa paghahanap ko, nakita ko nga siya, kasama ang isang lalaki na minsan ko nang nakita sa video niya noong nasa Africa pa lang siya. Siya 'yong lalaking kasama niya sa African trip niya. At ang mas masakit sa lahat, pareho silang may tulak-tulak na stroller.

Parang isinampal sa akin ang katotohanan na pilit kong tinatakbuhan dati pa. Matagal nang may balita, conspiracy theory daw kung bakit biglang nawala ang tagapagmana ng mga Osmeña at kung bakit daw kami naghiwalay. May third party daw at baka buntis kaya biglang nawala.

Lahat ng iyon ay tila nag-animate sa harapan ko.

May anak siya, sa ibang lalaki. Kaya determinado siyang makipaghiwalay sa akin, kasi may anak siya. This is not about me and Callie, it's about her and the guy who gets her pregnant. Ano 'yon? Gumawa sila ng anak sa Africa tapos nakadalawa agad with that time span? Grabe naman.

Umuwi ako ng Pilipinas. Walang nagbago, nasasaktan pa rin ako. Pero ngayon, determinado na akong ayusin ang buhay ko. Siya nga, nagawang ayusin ang buhay niya, ako pa kaya?

I'm done with my Master's and I'm going home. I've been with Callie over a year now pero ganoon pa rin, kaibigan pa rin talaga ang tingin ko sa kaniya. Pinipilit ko naman talaga ang sarili ko na mahalin siya kaya nga hanggang ngayon sinusubukan ko pa rin. It will take time but I know it will be worth it.

Umuwi ako ng first week of May. Kasama ko si Callie na isa ng certified model at kilala na rin pati sa Pilipinas.

Ang pag-uwi kong ito ay hindi dahil tapos na akong mag-aral, kundi dahil para tulungan na ang kompanya namin. Nasa alanganin kasi ito kaya kailangan na ang tulong ko.

Hinanap ko siya. Masiyado akong tanga pero oo, hinanap ko talaga siya. Lalo na no'ng tuluyan kaming umuwi ng Negros. Naiwan si Callie sa Manila for some business kaya mag-isa akong umuwi ng Negros. May one-time pa nga na nag-abang ako malapit sa bahay nila pero ni anino niya ay hindi ko talaga nakita.

Fiesta ng hometown namin nang aksidente kong malaman na kaya wala siya sa buong summer ay dahil may OJT siya. Hanggang ngayon, nag-aaral pa rin siya?

Simula no'ng malaman kong may gusto nga si Kuya Sonny sa kaniya, pinili kong 'wag nang alamin ang kung ano na ang nangyayari sa buhay niya. Ngayong nandito na ulit ako, parang gusto ko... pero may girlfriend pala ako.

Sa Fiesta ng hometown namin, kinuha akong judge ng pageant. Pinatulan ko kasi nagbabakasakali akong makita siya, baka kasi sumali siya, bagay pa naman sa kaniya ang maging isang beauty queen.

Pero mali pala ako. Hindi siya sumali, hindi rin siya nanood. Nakita ako ng mga kaibigan niya. 'Yong mga kaibigan niyang kinaibigan ko dahil sa kaniya. Naaalala pa nila ako. Mabuti pa sila.

After the pageant, niyaya ako ng ilang kakilala na pumunta sa rotonda, kung saan tutugtog si Kuya Siggy. At doon ko nga siya nakita. Kausap ko ang kambal niyang kaibigan nang kinalabit sila no'ng isa pa na si Ressie. At dahil may itinuro siya sa kabilang side ng stage, nasundan ko rin iyon ng tingin. At doon ko nga siya nakita.

She matured... she's still beautiful but she matured. Para pigilan ang nararamdaman, ako na mismo ang kusang umiwas ng tingin sa kaniya.

Tumugtog si Kuya Siggy sa gitna, ako nasa may edge ng stage lang. Wala akong masiyadong kakilala rito kundi ang mga kapatid ko lang, ang tatlong kaibigan ni MJ, at ang mga Osmeña kaya mas pinili kong umupo na lang sa edge ng stage para makita ang lahat.

Okay... siya lang naman talaga ang tinitingnan ko the whole night. Masaya siya. Masaya siyang nakikipaghalubilo sa lahat ng taong nakapaligid sa kaniya. Parang lahat ay kaibigan niya, wala siyang pinalampas, halos yata talaga lahat ay nakausap at nakasalamuha niya. Maya't-maya rin ang inumin na natatanggap niya. Alam ko na ito, mahilig siya sa alak, hard drinker kumbaga.

But the thought of her and Kuya Sonny in one place made me doubt my self, made me stop my self from thinking about her. Hindi puwede. Kay Kuya Sonny na siya.

Pero ang pagpipigil sa sarili ay biglang natigil nang hablutin siya ni Ressie palapit sa puwesto kung saan ako nakaupo. Nasa harap ko na sila mismo. Maingay ang paligid kaya hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nilang magkakaibigan.

Hanggang sa umupo siya sa tabi ko. She copied my position. At 'yong abnormal kong puso, biglang tumibok ng mabilis.

"Whooooo!! Sumayaw ka na Kuya Darry!" Sigaw ni Lorene sa akin.

Kinalma ko ang sarili ko kahit nakikita ko sa gilid ng aking mata na lumingon siya sa akin.

"Just enjoy there, Lorene!" Sigaw ko naman sa kaibigan niya.

Pinilit kong i-fix ang tingin sa harapan kahit nako-conscious na ako sa matagal niyang pagkakatitig sa akin.

This is what I want, right? Ang mapansin niya? Pero bakit ngayon pa na wala na?

Laking pasasalamat ko na lang talaga at kinausap siya ng kaniyang kaibigan. Habang abala siya sa kaliwa't-kanan na shots na ibinibigay sa kaniya, nagkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan ang mukha niya.

Maganda talaga siya. At kahit alam kong kanina pa siya sumasayaw, at paniguradong pinagpapawisan na siya, umuusbong pa rin ang bango niya.

"MJ o! Tagay!"

Lumapit ang pinsan niyang si Yohan Osmeña at inabutan na naman siya ng shots.

I frowned with that scene. Kakaalis lang no'ng nagbigay ng shots sa kaniya tapos may panibago na naman?

Kinuha ko ang shot glass na iyon at kahit hindi masiyadong sanay sa inuming ganito, tinungga ko pa rin ito.

Nang lumapat ang likidong iyon sa lalamunan ko, para agad na sinilaban ang lalamunan ko sa sobrang init na taglay nito.

"Darry!" Narinig kong sigaw ni Yohan. Tumango ako sa kaniya at ibinigay pabalik ang shot glass. Tinanguan niya rin ako.

"Gusto mo?" Tanong naman niya sa pinsan niya na alam kong nagulat sa ginawa kong pang-aagaw ng shots.

"Marami na siyang nainom, halo-halo na kaya pass na muna siya, Yohan," at bago pa man maka-oo ang babaeng ito, sinabihan ko na ang pinsan niya.

"Okay..." Sagot ni Yohan bago umalis.

"Why did you do that?"

I clenched my jaw when I hear her nag about it.

"I did that to save your liver from burning and besides, you have Heineken by your side, 'yan na lang inumin mo."

"And who are you to save my liver from burning? Ikaw ba si Liveraid?"

Siguro dala ng inumin na ibinigay ni Yohan kanina, nagkaroon ako ng lakas ng loob para salubungin ang mga tingin niya sa akin.

"Ang cute mo palang ma-inis?"

That was our first ever encounter that I will never forget kasi doon ko nalaman na may epekto ako sa kaniya. Hindi man kasing laki ng epekto ni Kuya Sonny sa kaniya pero that faint chance is what made me going.

"Ano nga ulit 'yong sinabi mo?" Tanong sa akin ni Amox. Nakatambay na naman siya ngayon sa opisina ko rito sa Manila. Galing pa akong Toronto at siya agad ang una kong pinapunta rito. Siya lang naman kasi ang walang ginagawa sa buhay.

"Ang sabi ko, may anak na sila no'ng lalaking kasama niya sa video sa African trip niya," walang ganang sagot ko. Kailangan ba talagang ulit-ulitin?

"Oh? Speaking of video pala, si Nicole Yanson pala ang nag-upload ng video'ng iyon. Kung mas maaga nating nalaman kung sino ang uploader ng video'ng iyon, edi mas madali ang buhay, mas madali nating malalaman na nasa Toronto lang pala siya."

Mahigit isang taon na mula noong mangyari ang hiwalayan namin. Mahigit isang taon na rin magmula noong mamatay ang Lolo at Lola niya pero noong death anniversary, hindi man lang siya umuwi.

"At saka, teka nga ulit? Ang sabi mo, boyfriend niya 'yong lalaking nasa video? E, bakla 'yon, e?"

"Huh?"

"Bakla 'yon. Siya 'yong naka-tag sa video na p-in-ost ni Nicole Yanson. Genil Yanson ang pangalan, ini-stalk ko kaya alam kong bakla."

"What the fuck, Amorsolo? Why were you stalking him?"

"Wala. Na-bored lang ako. At saka, naghahanap na rin ng impormasyon. O 'di ba? Informative naman ang information ko?"

"Paano mo nasabing bakla 'yon?"

"Check his account on Instagram, you'll see there."

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang pinagsasabi nitong si Amox, e. Nakaka-bother ang pagiging stalker niya.

Minsan ko na nga lang makita si Kuya Sonny at MJ na magkasama, 'yong naghalikan pa.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga panahong iyon. Birthday na birthday ko ganito makikita kong eksena? Gusto kong magalit pero para saan? Wala ako sa lugar para magalit. Kasi wala ako sa istorya niya, labas na labas ako roon. Ni pagiging extra, hindi ako qualified.

The day before, I was so happy kasi sa simpleng request lang ni Tita Blake nakasama ko siya na higit pa sa ilang minuto. She was sleeping but the thought na nasa loob siya ng kotse ko, parang gusto kong magpa-lechon. Nakikinita ko tuloy na magiging masaya ang birthday ko. Pero akala ko lang pala iyon.

Mas lalo akong nawalan ng pag-asa nang sabihin na nga sa amin na magkakasundo ulit ang Lizares at Osmeña. And this time, it's MJ and Kuya Sonny.

Kahit noong official nang sabihin sa isang formal dinner na sila ang ipakakasal, mas lalo akong nalugmok. Ano pa ang magagawa ko?

"May bago akong business venture, ibibigay ko sa 'yo."

Abala ako sa pagpirma ng mga dapat pirmahan nang bulabugin ako ni Kuya Tonton. Ang black sheep ng pamilya.

"What is it?"

"Food something. Parang gagawa tayo ng pagkain out of sugars or other na connected sa asukal. Parang ganoon?"

Pasulyap-sulyap lang ako sa kaniya kasi marami akong papeles na dapat pirmahan.

"Is the Asukal de Lizares not enough?"

"Hindi 'yong ganoon. 'Yong parang... mga canned goods? Mga ganoong klaseng pagkain. Mga longganisa, hotdog, noodles, or whatsoever."

And now he got my attention. Tumigil ako sa ginagawa ko at pinagmasdan ang Kuya kong prenteng nakaupo sa ibabaw ng meeting table ng opisina ko, naglalaro pa siya n'yan ng stress ball. Sumandal ako sa swivel chair at mataman siyang tiningnan.

"Uh huh? Maraming ganiyan dito sa Pilipinas, Kuya."

"Make it local. Mas tatangkilikin ng mga consumers kung alam nilang Made in the Philippines tapos Made in Negros Occidental pa? Papatok 'yan, promise."

"Why don't you do it?"

Bigla niyang inihagis ang stress ball sa akin.

"Gago, alam mo namang wala akong alam d'yan sa mga negosyo. Basta ba kapag pumatok 'yan, bibigyan mo ako ng commission."

Sabay kaming natawa sa sinabi niya. He really is the black sheep of the family.

Kuya Tonton gave me the idea of Lizeña Food Corporation. Because of connections and because of the help of Kuya Tonton making the recipes and others, naging mabilis ang pagbulusok paitaas ng kompanyang itinatag ko. Mas lalo itong tinangkilik ng mga tao dahil under ito ng Osmeña Business Empire. The OBE established a strong name before Lizares kaya mas tinatangkilik nila ang isang produkto kapag alam nilang under ito ng OBE.

Nag-focus ako kay Callie pero kahit anong gawin ko, wala talaga. Kahit binigyan ko na ang sarili ko ng panahon para ma-divert sa kaniya ang nararamdaman ko, hindi talaga umuubra. I tried surprising Callie a trip to a local island but I ended up inviting her. Pathetic? Yes, indeed.

Kuya Sonny's mistake gave me hope. Yes, I know. Cruel. Pero ang una talagang inisip ko ay ang chansa ko sa kaniya.

I took that chance to settle everything between me and Callie. I talk to her with utmost care. She understood everything but in one condition. She's ready to let me marry MJ basta raw tulungan ko siyang makuha ang titulo ng mga lupain nila sa hometown namin. And that's when I knew about the Dela Ramas and the Osmeñas, a long time ago cold war between the two families.

Kung ikukumpara sa mga hayop, near to extinction na ang mga Dela Rama and they want a revenge through acquiring again their lands. Binantaan niya pa ako na guguluhin niya ang buhay ni MJ kapag hindi ako sumunod. That left me with no choice but to agree with her and investigate myself what really happened between Dela Ramas and Osmeñas.

So without Kuya Sonny's approval, I took over his place just to save MJ from a nearing shame.

"Sabi na Barbie, e."

Sinamaan ko ng tingin si Amox nang ma-kompirma nga naming bakla nga talaga si Genil Yanson.

Kung bakla siya, bakit sila may anak?

"Kung hindi 'yan ang ama, e sino 'yong ama?"

Lahat ng atensiyon, napunta kay Yaspher.

"Baka 'yang si Engineer Cervantes? Bali-balita raw na close silang dalawa, matagal na," wika naman ni Mefan.

"Wala bang balita si Jessa, Bay?" Tanong ni Erico sa kaniya.

Umismid si Mefan bilang sagot at inatupag ang sarili sa pagsalin ng alak sa may corner table ng office ko.

"Ah, lumubog na naman ang eroplano," komento ni Sancia na mas lalong inismiran ni Mefan.

Napatingin ulit ako kay Mefan. Kung magsasalita ang girlfriend nito, mas mapapadali ang lahat. Bakit ba kasi, walang nagsasalita mula sa kanila?

"Speaking of engineer, wala na bang balak magparamdam 'yang si Tibor?" Out of nowhere ay tanong ni Amox. Lumingon siya sa akin. "Okay na naman kayo 'di ba? Siya ba kukunin mong engineer d'yan sa plano mong resort?"

Nagkibit balikat ako sa naging tanong ni Amox.

"Silver Lining Construction ang kunin mo. Gusto mong umuwi siya pero ayaw niya? Puwes bigyan mo ng rason para umuwi siya ng tuluyan."

Dahan-dahan akong lumingon kay Tasia at nginisihan siya. Sounds like a great idea.

We got married. It's my chance to prove her anything and I won't slip the chance. Minsan lang ito, pababagsakin ko pa ba?

I did everything just feel her that I love her. Kahit na noong unang buwan ng aming kasal, ay medyo tagilid at hindi kami magkaintindihan. Nang mga panahon ding iyon, bumalik sa dati ang takbo ng milling. Malaki ang hatak ng mga Osmeña kaya agad kaming nakabangon. Pero ang kasunduan ay kasunduan at natatakot akong malaman niya ang tungkol rito. Pinatago ko sa lahat ng nakakaalam. Chance ko na ito para iparamdam sa kaniya ang lahat. Kaya ang lahat ng ipinaramdam ko sa mahigit pitong buwan naming pagsasama ay totoo at walang halong kasinungalingan.

Mas lalo akong naguluhan nang malaman ko mismong may sakit sa puso ang Lolo niya, si Senyor Mado. I was torn between following his command or telling MJ the truth. Madaling ma-distract si MJ sa lahat ng bagay kaya siguro inisip ng Lolo niya na 'wag sabihin sa kaniya para makapag-focus siya sa kaniyang pagre-review. Alam ng Lolo niya na pangarap talaga ni MJ ang maging isang civil engineer kaya handa siyang suportahan ang apo.

It was a roller coaster ride with her. Lahat ng klaseng emosyon, naramdaman ko sa kaniya. Kaya no'ng sinabi niya sa akin na mahal niya ako, in an inappropriate place, I accepted it and I am ready to make her pregnant if that's the only thing I can do just to make her stay and not pursue the annulment... and that struck me, what if I am the father her child?

And that what if... turned into reality. I am indeed that father of Keyla and Kaven. Kung sinu-sino ang inisip kong ama, muntik pa akong maniwala sa usapan na talagang may iba siyang lalaki, binuntis siya at iniwan. It turned out, that was me.

Now... I am getting married with her again. I never thought I'd stick with this woman until the end. Ang babaeng hindi nakukuntento sa isang relasyon. Ang babaeng hindi nakakatagal ng isang buwan sa isang lalaki. Ang babaeng mahal ng lahat...

Ay pakakasalan ko na ulit... but this time it's for real, it's in front of God, and I will make sure na ako at ang mga anak lang namin ang kaniyang mamahalin habang-buhay.

Hanggang saan mo kayang hawakan ang iyong kaligahayan?

Hawak ko na siya at hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa.

Hanggang saan mo kayang panagutan ang iyong responsibilidad?

Pananagutan ko siya hanggang sa maubos ako.

Hanggang saan mo kayang paligayahin ang mga taong nagmamahal sa 'yo?

Paliligayahin ko siya hanggang sa tumanda kami.

Hanggang saan ka ba tatagal sa agos ng buhay?

Hanggang saan nga ba?

Kasi ako, kaya kong gawin lahat alang-alang sa ikaliligaya ni MJ Osmeña.

Kaya kong gawin lahat mapanatag lang ang kalooban ni MJ Osmeña.

Kaya kong gawin ang lahat para sa kaniya.

Kaya kong gawin ang lahat para sa pamilya ko.

~THE END :)

SHE LEAVES IS ALREADY DONE! THANK YOU TO THOSE WHO TOOK THEIR TIME TO READ THIS ONE! THANK YOU AND GOD BLESS!

_doravellacreators' thoughts