webnovel

Chapter 2 (End)

Lunchtime na at pupunta na naman ako kay mama. Tinext ako ni auntie Key na nandon sila nagbabantay kay mama at tanging sina auntie Joy lang at uncle Ger ang nandoon sa bahay.

Sila na ang nagbabantay at nagpapaaral saakin simula nung mawala si papa at madepress si mama.

Kaya dapat nag-aaral ako ng mabuti dahil utang na loob ko ito.

Pero ang hirap naman kasi mag focus lalo na kung naalala ko si papa... At kapag nakikita ko si mama na umiiyak.

"Ana!"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

"Justin?" - nagtataka ako kasi hindi niya naman ako pinapansin eh. Mag kaklase kami at dating kaibigan ko siya.

Oo dati dahil hindi ko naman maramdaman ngayon na may kaibigan pa ako.

"May naghahanap sayo."

__

Pumunta kami sa canteen dahil nandoon daw ang naghahanap saakin.

Nagulat ako dahil si ate ang nandoon sa dulo at para bang may hinihintay siya.

Akmang aalis na sana ako ng pigilan ako ni Justin.

"Kausapin mo ang ate mo. Alam ko na mahirap, pero kailangan. Ate mo parin siya, Ana."

Tiningnan ko siya ng kay talim

"Wala kang alam Justin. Kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako." mariin kong sabi

Umiling siya at kinaladkad ako. Medyo matangkad si Justin saakin at mas matanda siya ng isang taon saakin.

Nang nasa harap na kami kay ate ay marahas kong tinanggal ang kamay ko kay Justin at tumingin sa malayo.

Iniwan muna niya kaming dalawa para nadin makapag-usap kami ng maayos. At privacy kumbaga.

"Ana. Alam ko naman na kasalanan. At pinagsisisihan ko na ang lahat... Please sana mapatawad mo ang ate." ramdam ko sa tono niya na nasasaktan siya

Tumingin ako sakanya. Nakakapaso ang titigan namin ni ate dahil hindi ako sanay na nakikita siyang nasasaktan.

Pero nasasaktan din naman ako ha! Bakit ganito? Imbes na magalit ako kay ate ngayon ay naaawa ako.

Hindi, hindi maari. Kasalanan niya ang lahat kaya bakit ko siya papagbigyan? Bakit ako magpapatawad sakanya? Diba kasalanan niya!

"Sure ka? Pinagsisisihan mo na? Wala ka ng mga panahon na kailangan kita ate. Wala ka ng hinahanap ka ni papa bago siya mawalan ng hininga... At mas lalong wala ka ng wala na siya. Wala ka sa mga oras na kailangan na kailangan kita. Kung pinagsisisihan mo ang lahat... Bakit nagpabuntis ka pa? Bakit hindi ka manlang dumalo sa lamay ni papa? At sa mismong anniversary ni papa wala ka! Ngayon sabihin mo. Mapapatawad pa ba kita sa lahat ng mga nagawa mo sa pamilya natin ha?! Ah... Oo nga pala... May sarili ka ng pamilya."

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sumbatan si ate ng ganyan. Pero sa totoo lang, maski ako nasaktan sa mga sinabi ko kay ate.

Umiyak siya ng umiyak at sumubsob sa mesa at paulit-ulit na sinasabing... Sorry mama, sorry papa, sorry Ana... Sorry napakasama kong ate... Wala akong kwentang ate... Sorry... Ang sama ko... Sorry, patawarin niyo ako...

Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko.

Nasasaktan ako sa bawat hagulhol ni ate. Parang karayom na tumutusok sa puso ko ang bawat pag-iyak niya.

Bago pa pumatak ang luha ko na kanina pa naiipon sa mata ko ay mabilis na akong tumakbo at pumunta sa third floor ng senior high. Wala kasing pasok ang senior high ngayon kaya okay lang kung umiyak ng umiyak ako dito.

"Imbes na patawarin mo si ate mo dahil yun naman ang gusto mong gawin diba? Ang magpatawad sa ate mo. Pero pinanindigan mo talaga na hindi... Hinding-hindi mo siya mapapatawad. Lahat naman ng tao nagkakasala diba? Lahat ng tao nagsisisi."

Nilingon ko ang lalaki na nagsalita sa tabi ko.

Paano siya nakasunod saakin eh wala naman siya kanina dun ng magkasagutan kami ni ate.

Paano niya nalaman na nandito ako?

"Minsan kailangan natin ibaba ang pride natin. Kahit masakit sa ego." lumingon siya saakin at malungkot na ngumiti

"Palayain mo ang sarili mo Ana. Magpatawad ka kahit mahirap. Ayaw ng papa mo na nagiging ganito kayo ng ate mo. Patawarin mo siya."

Umiling ako

"Hindi. Hindi ko siya mapapatawad. Kasalanan niya ang lahat. Kasalanan niya... Hindi naman magiging ganito ang pamilya namin kung sa una palang ay iniwasan niya na ang lalaking yun."

"Kaya nga sinasabing walang perpektong tao diba? Hindi niya alam ang ginagawa niya ng mga time na yun. Hindi niya nakikita ang sarili niya na gumagawa siya ng kasalanan dahil mas pinakikinggan niya ang puso niya. At hindi niya din ginusto ang lahat ng nangyari. Pakinggan mo ang ate mo. Lahat naman ng tao may rason diba? May rason din siya kung bakit hindi siya nagpakita sainyo ng mga panahon na kailangan niyo siya. Kausapin mo siya Ana."

Mahirap... Sobrang hirap...

Pero alam ko naman talaga na may kasalanan din ako.

Kung dapat hinahayaan ko siyang magsalita at pakinggan ang gusto niyang sabihin, edi tapos na ang lahat.

Pero kasalanan ko ba na ayaw kong pakinggan ang rason niya? Ang sakit kasi sobra.

Sa bawat luha ni mama, mas nabubuo ang pagkayamot ko kay ate.

Pinandidirehan ko siya.

Pero sino ba naman ako para hindi magpatawad diba? Sabi nga ni papa dati... Kung ang Diyos kayang magpatawad kahit nagkakasala tayo ng paulit-ulit sakanya. Sino ba naman tayo para hindi magpatawad. Diyos nga na walang kasalanan nagpapatawad, tayo pa kaya na gaya nila na nagkakasala din?

"Ihanda mo muna ang sarili mo Ana. At kapag ready ka na. Patawarin mo na siya." ngumiti siya saakin.

Tumango ako at niyakap ko siya.

"Salamat..."

Akala ko noon. Wala na akong kaibigan. Akala ko noon... Lahat ng mga kaibigan ko ay wala ng pake saakin. Pero may natitira pa pala akong kaibigan na concern saakin.

"Tara na. Kumain na tayo! Oh, mag kaklase na naman. Oh panyo, nakakapangit ang luha."

Natawa ako sakanya at kinuha ko na ang panyo.

__

Uwian na

Imbes na dumiretso ako kay mama-- Sa simbahan ako pumunta.

Ngumiti ako bago ako pumasok sa loob ng simbahan.

At sa pagpasok ko ay naramdaman ko agad ang luha at bigat na nararamdaman ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at lumuhod.

Wala akong pakealam kung maraming tao ang nakatingin saakin.

Nakaluhod ako sa entrance ng simbahan. Hindi na ako nag abala pang pumunta sa malapad na upuan para magdasal.

Hindi ko na kaya... Hindi ko na kayang pigilan pa ang sakit na nararamdaman ko.

Lord,

Bakit ganito? Gustuhin ko mang patawarin si ate pero nahihirapan ako. Gustong-gusto ko magpatawad... Gustong-gusto ko siya yakapin. Nagsisisi ako sa bawat masasakit na salita ko sakanya. Pero lord, ang sakit kasi eh. Sa bawat iyak at hagulhol ni mama ay mas lalong pumapait ang nararamdaman ko kay ate. Palagi ko siyang sinisisi sa lahat ng nangyayari sa pamilya namin. Pero lord, tulungan niyo po akong mapatawad si ate. Palayain niyo po ako sa galit. Patawarin niyo po ako sa lahat ng mga nagawa ko at mga nasabi ko sakanya. Lord tulungan niyo po ako... Amen.

__

Bumili ako ng bulalo bago ako umakyat patungo kay mama.

Pagbukas ng elevator ay nakita ko kaagad si ate sa harapan ko.

Lumabas ako ng elevator at niyakap ko si ate ng mahigpit

Tumibok ang puso ko ng mabilis ng tumugon si ate sa pagkakayakap ko sakanya.

Yung moment na ito... Ito ang hinihintay ko sa lahat. Ito ang inaasam ko... Matagal na matagl ko ng gusto si ate yakapin.

"Ate... Sorry..."

"Sorry bunso... Kasalanan ni ate ang lahat."

Humigpit ang yakap niya saakin.

Parang ayaw ko ng kumalas sa pagkakayakap kay ate.

Ganito pala ang feeling ano?

Ang sarap pala sa feeling basta kayakap ko ang ate ko. Ang ate kong matagal na matagal ko ng hindi nakakausap at nayayakap. Ang ate ko na hinding-hindi ko na nakakausap ng gaya noon.

Miss na miss ko na ang ate ko... Ang bestfriend ko... Ang tanging karamay ko sa problema kapag wala na akong masasandalan.

Ang ate ko na handang makinig sa lahat ng hinanakit ko sa buhay.

Miss ko na ang ate ko.

__

Magkahawak ang aming mga kamay ni ate habang papasok sa loob ng kwarto ni mama.

Nagulat ako ng makita ko ang mga kaibigan ko.

Si Justin, si Rose, si Jak... Nandoon sila sa tabi ni mama at para bang inaalagaan nila si mama. At nakikipag kwentuhan sila kay mama.

Naalala ko tuloy yung time na dinala ko silang tatlo sa bahay.

Birthday ko non.

Nung una nahihiya pa sila, pero dahil dakilang maingay ang pamilya ko kaya kaagad silang naging komportable.

Kung may event o kung sadyang trip lang nila pumunta sa bahay ay lagi silang nagdadala ng mga pagkain at nakikipag kwentuhan.

Para na silang pamilya namin.

Napaluha ako sa nakita ko.

Nagbulag-bulagan lang pala ako.

Kasalanan ko pala kung bakit hindi sila lumalapit saakin dahil itinataboy ko sila. Kapag nakikipag-usap sila saakin ay hindi ko sila pinapansin at umiiyak lang ako.

Kapag kumakain ako ay lumalapit sila pero ako na mismo ang lumalayo.

Kapag tulala ako at hindi ako nakakapasa ng quizzes at test ay sila pala ang gumagawa para saakin.

Hindi ko nakikita iyon... Dahil nagbulag-bulagan ako dahil sa dinadalang problema ko.

Hindi nila pinabayaan si mama... At nandon din sila ng umiiyak ako sa lamay at sa paglilibing kay papa.

Hindi ko nakita ang kabutihan at pagmamahal nila saakin.

Napakasama ko... Ang sama-sama ko...

Lumingon sila saamin at ngumiti.

"Tagumpay ang plano!"- Rose

Nag apir silang dalawa ni Jak habang si Justin ay nag thumbs up saakin habang inalalayan niya si mama papalapit saamin.

"Kiara... Anak ko..." umiyak si mama at niyakap si ate ng mahigpit

"Mama... I'm sorry..." niyakap ni ate ng mahigpit si mama

Napapaiyak ako sakanila pati ang mga kaibigan ko ay napapaiyak din.

"Ana... Na miss ka namin."- Jak

"Namiss ko din kayo... Salamat dahil hindi niyo ako iniwan. Salamat sa pag intindi niyo saakin at sa pamilya ko."

"Ano ba iyan Ana! Naiiyak na naman ako! Payakap nga!"- Rose

Niyakap ako ni Rose at nakipag group hug din sina Jak at Justin.

Ganito pala ang feeling kapag may nagmamahal sayo ng totoo. Yung tipong down na down ka na at parang wala ka ng pag-asa sa mundo. At iniisip mo na wala ng nagmamahal sayo...

Tapos hindi mo lang pala nakikita ang halaga ng taong nasa tabi mo. Hindi mo nakikita ang taong nagmamahal sayo dahil busy ka at naka focus ka sa taong nagpapasakit sayo.

Nagiging bulag ka sa katotohanang may nagmamahal sayo...

Masarap pala ang magpatawad. Nakakalaya ka sa pait ng mundong ibinibigay sayo.

Masarap pala magmahal... Magpatawad at magbigay halaga sa mga taong nagmamahal sayo ng totoo.

___....

Wakas