webnovel

Shattered Edges

JustKing · Teen
Not enough ratings
1 Chs

Prologue

"Oh my! Nandiyan na naman si panget!" rinig kong sabi ni Jamaica. Isa sa mga beauty queens dito sa school.

I can hear them chuckle and murmur words that I know for sure would pierce my heart. I've been hearing these words since I was in elementary.

Hindi na bago ito sa aking pandinig. Hanggang ngayon din ba na high school na ako? Hindi pa rin ba talaga sila titigil?

I looked down and just continued walking. Ignoring all the mocking stares.

Naka-kapanghinayang lang dahil kahit anong isipin ko, wala naman akong matandaan na ginawan ko sila ng masama. I don't know how this all started. Ang alam ko lang ay isang araw bigla na lang akong binully ni Jamaica. Then other students follow her lead.

Sino ba ang hindi?

She's one of the popular students here in our school. Isa siya sa mga hinahangaan dito sa school. She's beautiful. Walang kahit anong pimple ang makikita mo sa kanyang mukha. She has perfect curves and she's tall too. She has long brown silky hair, that every time she moves, sumusunod ito sa kanya.

Kahit anong gawin mong tingin sa kanya, wala kang makikita kahit anong mali sa kanya katawan. The only flaw I can see with her is her attitude. Pero kahit gan'on siya marami pa rin ang nagkakandarapa na mapansin niya. They want to be friends with her.

Samantalang ako, sobrang opposite at layo ng agwat namin ni Jamaica. I'm no beauty queen. Marami rin akong pimple sa mukha. I don't have the curves and I'm not that tall. My hair is jet black but it's not silky as hers. Overall, I look normal.

Lumiko ako sa hallway na wala masyadong tao. Mas okay sana daanan 'yung sa kabila kanina, pero nandun sina Jamaica, baka ano na naman ang gagawin nila sa akin. Ako na lang iiwas. Ako na lang ang mag-aadjust.

Kung hindi kasi ako iiwas, ako rin ang masasaktan sa kanilang mga ginagawa. Wala rin naman akong kaibigan na malalapitan. Wala ni-isang lumapit sa akin. Siguro takot rin silang ma-bully ni Jamaica.

Masasabi nga na isa akong loner dito sa school na'to. Noon, may kaibigan pa akong sumasama pero wala na ngayon.

Ang lungkot isipin pero okay lang, kesa naman sa mabully rin sila katulad ko.

Nasa harap na ako ng music room. Naging tambayan ko na ang music room during vacant time ko. Wala rin naman akong ibang mapupuntahan. Let's just say na takot ako sa maraming tao dahil baka ano na naman ang gagawin nila sa akin. O baka ano na naman ang marinig ko galing sa kanila.

Hinawakan ko na ang door knob para buksan ang pinto upang makapasok ako. Papasok na sana ako ng biglang may nahulog na palanggana sa ulo ko na may laman na harina.

Buong katawan ko ay natabunan ng harina. Pati mukha ko. Napa-ubo ako habang nakapikit ang aking mga mata.

I stepped back. Kukunin ko na sana ang panyo sa bulsa ko ng may naramdaman akong sakit sa aking kaliwang balikat. Pagtingin ko may nakita akong mantsa na kulay pula. Nag-angat ako ng tingin para tignan kung sino ang gumawa no'n. Pagkita ko, pinapalibutan na pala ako ng ibang estudyante.

The red paint was their signal to throw raw eggs at me. Yumuko ako para hindi nila matamaan ang mukha ko. Naririnig ko ang mga tawanan nila.

They're happy when they bully me. Siguro katawa-tawa ang kalagayan kong ito. How can they be so happy in making my life miserable?

Kinuyom ko ang kamao ko. Nangingilid ang luha ko habang pinagbabanto nila ako ng itlog. Tumatama ito sa buong katawan ko. May ibang tumatama naman sa ulo ko.

Humahalakhak pa sila at nagpapalakpakan.

I was shaking the whole time while they were bullying me. Isa-isa na rin tumutulo ang mga luha ko.

Silently, I was praying na sana may dumating na teacher o 'di kaya may tumulong man lang para mahinto ito. I was standing there the whole time; insulted, humiliated and hurt.

"That's where you belong ugly!" narinig kong sabi ni Jamaica. Narinig ko rin ang sabay na tawanan ng mga kasama niya.

Do I deserve this?

Gusto kong sumigaw ng tama na! Mas lalong lumala lang ang kanilang ginagawa sa akin. Noon puro masasakit na salita lang ang naririnig ko. Ngayon ganito na?

I wish I could just disappear.

Nahinto ang tawanan nila. Napalitan ito ng mahihinang bulong ng mga tao. Hindi ko na nakikita kung ano ang nangyayari dahil nakapikit ako. Ang hirap kasing ibuka ng aking mga mata ngayon dahil sa flour.

"Christian! What are you doing?!" narinig kong sigaw ni Jamaica.

Christian is here?

"Ako dapat ang magtanong niyan?! Ano ang ginagawa niyo sa kanya?" rinig ko rin sabi ni Christian.

Christian? Sinong Christian? At anong ginagawa niya rito?!

"Dapat lang sa kanya 'yan! Ang landi niyang babae na 'yan! Stay away from her!"

Akala ko pagkasabi ni Jamaica no'n ay aalis din 'tong si Christian. Dapat lang! Baka madamay pa siya.

Naramdaman ko na may mainit na mga palad na mahigpit na humawak sa aking pulsuhan.

What is happening?! I am nervous and anxious at the same time. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

"No! You should be the one staying away from her, Jamaica! Sumu-sobra ka na sa pam-bubully mo! At kayong lahat na sumali dito sa pang-bubully , umalis na rin kayo!" singhal niya.

I heard Jamaica's voice mutter curses as she probably walks away. Hinay-hinay kong naririnig na umaalis na ang mga nakapalibot sa akin. I think everyone heard him loud and clear.

Binitawan na rin ang pulsuhan ko ni Christian.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Christian.

Tumango lang ako sa kanya. Akala ko ay aalis na siya pagkatapos. Pero hindi pa pala. Inangat niya ang kamay ko at tsaka nilagay ang isang tela.

"That's my handkerchief. You can use it to wipe off the flour on your face."

"Sa-salamat" mahina kong sabi sa kanya.

"You're welcome. Pasensiya ka na kay Jamaica. Sorry na rin in behalf of her." sabi pa niya.

Magkakakilala sila ni Jamaica? Paano?

Magsisimula na sana akong magpunas ng narinig ko na tinatawag na siya ng kanyang mga kaibigan.

"Christian! Pare, tara na!"

"Teka lang pare." sabi niya sa tumatawag sa kanya.

"Tara samahan ko na muna ikaw papuntang cr. Do'n ka na magpunas."

Umiling ako. Ayaw kong maka-istorbo lalo sa kanya. Sapat na 'yong tinulungan niya ako kanina. At tsaka binigyan na rin naman niya ako ng kanyang panyo. This is too much!

"No, I insist."

Magsasalita pa sana ako ng may biglang nagsalita sa malapit sa amin.

"Anong nangyari dito Chris?"

"Napagtripan ng mga estudyante at ni Jamaica, Ad."

I am confused kung ano na ang nangyayari. Bakit kasi nasali pa ang mukha ko kanina? Hindi ko tuloy nakikita ang kung sino ang nakapalibot sa akin ngayon.

"Si Jamaica na naman?!" tanong naman 'nung Ad.

Marami ba silang nakapalibot sa akin ngayon? Pwede na ba akong umalis?

"Chris, tayo na at baka mapagalitan tayo ni coach." rinig kong sabi pa ng isang lalaki. Nandito ba ang lahat ng kaniyang mga kaibigan? Bigla akong kinabahan.

"Ihahatid lang muna natin siya sa may malapit na cr, Vincent." sabi ni Christian.

Gusto kong sabihin sa kanila na 'wag na. Pero walang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

"Ako na ang maghatid sa kanya. Mas kailangan mo ng umuna. Sigurado akong galit ngayon si coach dahil wala ka kahapon. Samahan mo na rin siya Vincent." rinig kong sabi 'nung sinabihan ni Christian ng Ad.

"Sure ka pare?"

Siguro tumango itong si Ad dahil narinig ko na lang na tumakbong umalis sina Christian at Vincent.

"Let's go." sabi niya sabay hatak sa akin. Habang kinakaladkad niya ako papunta kung saan, hinay-hinay ko na rin sinimulan ang punasan ang mukha ko. Inuna ko ang sa may malapit sa mata ko. Naramdaman ko na ang lagkit sa aking katawan. Naaamoy ko na rin ang baho sa mga itlog na tumama sa akin kanina.

Now that I can see clearly, sa may likod na part ng building niya pala ako dinala. Hindi kasi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante dito. May cr naman kasi sa loob ng building.

Huminto na kami. Binuksan niya ang pintuan. Nanatili lang akong nakatayo sa labas. Hihintayin ko siyang umalis bago ako papasok.

I cleared my throat and looked up at him.

"Uh--ahm...I--uh thank you nga po pala sa pagsama at paghatid sa akin dito. Pakisabi na rin kay Christian na salamat din po sa pagtulong kanina." sabi ko sa kanya.

Ngayon ko lang napagtanto na ang tumulong pala sa akin kanina ay ang pinsan ni Jamaica. Si Christian Ortiz, isang senior high at basketball captain ng school. Ngayon naman ang kasama ko ay si Adriano Garcia. O mas kilala bilang Ad o Adrian ng mga kabarkada niya. 'Yung isa naman kanina ay si Vincent Blanco, kabarkada din nila.

Napatikhim ako muli. Kasi naman, he's just staring at me with his cold eyes. Parang may galit siya sa akin kung makatingin. Hindi ko kaya ang intensidad na nilalabas ng kanyang tingin.

"You can go in now. I'll wait." sabi niya sa kanyang baritonong boses.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Magsasalita pa sana ako nang tinulak niya ako papasok ng cr. Pagkatapos ay sinarado niya ang pintuan. Nakatulala akong nakaharap sa pintuan. Sure ba siya sa kanyang sinabi?

Napailing na lang ako. Hindi naman yata siya maghihintay diba?

I looked at my reflection. I looked like a total mess. Ang uniporme ko hindi na siguro ito maisasalba pa. Dumikit na kasi ang mantsa sa tela nito. Ang blouse ko ay nagkulay dilaw at puti at may parte rin na pula. Ang saya ko naman ay imbes na kulay asul naging puti rin. Ang buhok ko ay tumigas dahil sa lagkit ng itlog siguro ito.

Binasa ko ang panyo na binigay sa akin kanina ng tubig at sinimulan ko na rin ang pagpunas. Lagot ako kay Ate Nadia neto mamaya. Tatanungin niya ako kung bakit ganito ang uniporme ko. I can't just blurt and say that I was bullied. Baka sabihin niya sa parents ko at baka ano pa ang gawin ng mga magulang ko.

I don't want to think about it. Mas lalo yatang gugulo if malalaman ito ng mga magulang ko. Kailangan kong mag-isip na pwede kong idahilan mamaya.

Kahit anong punas ko, hindi talaga natatanggal ang mantsa. Mas lalong nagusot ko ang uniporme ko. At mas lalo rin kumalat ang mantsa neto. At ang baho ko na. Naaamoy ko na ang sangsang ng itlog.

Gusto ko ng magbihis pero wala naman akong pampalit. This is their first time doing this stunt on me. Kaya hindi ako nakapag-ready ng extra na damit. Paano na ito ngayon?

I tied my hair into a ponytail. I looked at my reflection one last time. I sighed then binuksan ko na ang pinto.

There outside I saw Adriano standing and waiting. Tinotoo niya nga ang sinabi niya sa akin.

He looked at me from head to foot. I know I look awful at wala akong magawa nito.

"Wala ka bang extrang damit?"

Umiling ako. Napabuntong hininga siya. He looked frustrated. Mas kumunot pa lalo ang kanyang noo. Siguro ang pangit ko talagng tingnan ngayon.

"Ah---sige alis na ako. Salamat nga po pala ulit." sabi ko sa kanya.

I was about to go ng nagsalita siya.

"Wait!"

Napatingin muli ako sa kanya. Hinuhubad niya na ngayon ang kanyang suot na hood. Lumapit siya sa akin.

"You can use this."

I smiled at him and shook my head. Sobra na ang ginawang tulong nila sa akin.

"Thank you but okay lang. Sobra na ang tulong na ginawa niyo sa akin. At baka masira pa ang hood mo."

He was just standing there and staring at me. Kumunot ang kanyang noo, like he was confused to what I said. Umiling siya at sabay abot sa akin na kanyang hood.

"Suotin mo na."

Wala akong nagawa kundi sundin ang kanyang sinabi. This will help me a lot. Matatabunan nito ang bakat ng pinagdaanan ko kanina.

"Thank you." sabi ko sa kanya pagkatapos kong suotin ang kanyang hood.

"You're welcome."