webnovel

Chapter 5: Hello... Ms. Jerrylyn...

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kaya't mas pinili kong maglakad pabalik balik. Baka sakali ay hindi na manginig ang mga kamay ko. Baka sakali ay mapreskohan ang naiinitan kong likod. Pangatlong tawag ko na sa aking numero pero hindi parin ito sumasagot. Hindi niya parin sinasagot. Konti nalang at ibabato ko na talaga sa pader ang phone ng lalakeng iyon. Konti nalang talaga. Wala namang problema kung itapon niya din phone ko dahil pwede naman akong bumili nun. Nasa back up drive ko rin naman ang laman ng memory card ko kaya ok lang.

Muli kong dinayal ang numero ko sa pag-asang may sasagot na. Ngunit biglang bumukas ang pinto ng break room. Dala ni Makee ang isang kahon ng tsokolate. Kasing tamis ng Gerero chocolate ang ngiti niya. Pasimple ko nalang isinilid sa backpack ko ang cellphone habang hindi niya pa nahahalata. Abala siya sa pag aayos ng gamit niya dahil isang oras nalang at matatapos na ang shift namin. Sa kilos niya, malamang magkikita sila ni Sir Hansel. Nakakapanghinayang lang kung minsan ang relasyon nila. They both deserve each other but there is one hindrance.

"Jerrlyn"

Si Marifeh ang bumungad saakin ng lingunin ko ang kumalabit saakin.

"Naririnig mo ba yun?"

Mahinang boses ng babaeng nagsasalita. Sa linis ng boses nito pwede na siyang maging announcer sa eroplano. Agad kong naisip yung phone. Naiwan ko itong nagdadayal kanina. Binuksan ko ang bakal na pinto ng locker ko at hindi nga ako nagkamali sa hinala.

"Hello? Ms. Gabino?"

Kinuha ko ito at tsaka isinara muli ang locker ko. Kailangan kong sagutin iyon dahil nasa kanya ang phone ko. Nakapagtataka lang dahil wala akong matandaan na naka kausap ng matagal na babaeng ganun kaganda ang boses. Iniwan ko ang dalawa sa break room dahil abala naman sila sa kani-kanilang phone. Baka nga hindi pa nila ako napansin na umalis papunta sa likod ng cafe'

"He-hello? Ms. Gabino speaking."

"Ah yes… Yes, I'm Gabby Quijano, Wonderland Beach Resort Manager. And I believe that your phone has been accidentally swapped to my boss' phone."

Kahit papaano, natanggalan ng maliit na tinik ang lalamunan ko. Pero naglalaban parin ang kaba ko at kalma na dulot ng boses ng babae. Wala talaga akong matandaan kung may nabunggo akong nakaformal na tao na maaaring boss niya. Isang sibilyan lang ang nabunggo ko.

"Ye-yes po. Actually nung linggo ko pa po tinatawagan yung phone ko para ipaalam dun po sa nakakuha ng phone ko. Pero ayos pa po ba yung phone ko?"

"Don't worry ma'am, ayos pa naman yung phone mo. Kahapon lowbat ito at kanina lang ulit kami nagkita ni boss. Galing kasi siya sa kanyang optometrist."

Lahat na yata ng mura ay lalabas sa bibig ko kung hahayaan ko lang ang bibig ko. Merong eye doctor ang boss niya. Ibig sabihin nakasalamin ang boss niya.

"Um ma'am, paano po yung palitan ulit ng phone?"

Nagsitayuan ang mga buhok ko sa batok. Lumakas ang pakiramdam ko na ang photographer na yun ang boss niya.

"Ah about that, gusto kang makausap ni boss para maayos niyang ma-settle- I'll hand the phone to him."

Pakiramdam ko tuloy ay biglang may sisigaw ng malakas sa kabilang linya. Parang sa mga horror movie.

"Hello… Ms. Jerrylyn…"

Hindi ako nakasagot kaagad. Naunahan ako ng dila kong umurong. Ang nakakairitang tinatamad niyang boses na iyon ay nagbigay sa akin ng matinding pagdaloy ng kuryente sa katawan ko. Lalo't huminto pa siya bago niya binanggit ang pangalan ko.

"Rick…"

Napatakip kaagad ako sa bibig ko ng dumulas ang dila ko. Kahit bulong lang yun, maaaring narinig niya parin yun. Hindi ko dapat binanggit ang pangalan niya. Dahil doon maaaring mag umpisa na siyang magsuspetsa. Maling-maling talaga ang ginawa ko.

"Je!"

Malalim na boses ang umalingawngaw sa likod ng cafe'. Galit na si Makee panigurado. Agad akong napalingon sa direksyong ng pinto pabalik ng cafe'. Doon nakatayo si Makee pati rin ang perpektong arko ng kilay niya.

"Tama na yan… tapos na ang break."

Nakabulsa man ang kamay ko habang papalapit ako sa pinto, patuloy parin ang daliri ko sa pagpindot ng phone para tapusin na ang tawag. Mahirap na, baka isipin na naman ni Makee na nakikipaglandian ako habang nasa work. Mahirap makipagtalo sa mababaw na dahilan.

Nagkunwari akong may lilinisin pa sa C.R ng cafe' para hindi ako kasabay ni Marifeh at Makee papunta sa sakayan. Kunwari pa yung dalawang yun. Malamang sinabi ni Makee kay Marifeh na may katawagan ako kanina na inisip nilang boyfriend ko. Mahirap lusutan si Makee dahil laging tamang hinala. Kung pagkukumparahin silang dalawa ni Franco, mas strikto si Makee. Kala mo principal ng catholic school. Kakantsawan na naman ako panigurado ni Marifeh at Nick kapag talagang sinabihan sila ni Makee. Sana nga lang hindi pa siya sinabihan.

Natapos na ko at lahat sa cafe, ngunit wala pa rin ang tawag ni Rick. Malinaw naman ang sinabi niya kanina na gusto na niyang i-settle ito. Naramdaman ko na ang panglalambot ng mga hita ko kaya't nag iba ako ng direksyon na tinatahak. Hindi pauwi, hindi rin papunta sa sakayan papuntang mall. Papunta sa lugar na tinatambayan ko. Lugar kung saan ko mahahanap ang kalma ko. Kahit nasa kalayuan ako ay tanaw ko ang liwanag nitong talo ang poste ng ilaw.

Nabibilang sa daliri ang customer nito ngayong araw. Dahil siguro monday o dahil sa oras. Pero sa kantong ito, hindi nawawalan ng customer ng eleven-seven. Tuwing nastrestress ako, dito ang takbuhan ko. Lagi kong inoorder ang asado nila dito. Kahit sabihin nilang galing ito sa pusa. Kapag mahal natin ang isang bagay, magbubulagbulagan nalang tayo sa katotohanan para lang hindi sila mawala sa atin. Kung minsan pa nga, tayo na ang nagtatago ng katotohanang iyon.

Kilala na siguro ako ng cashier nila dito dahil sa laging pagtambay ko rito at parehong order. Siopao asado at apple-flavor iced tea. Tapos mauupo sa dulo ng lamesa na nakaharap sa salamin at natatanaw ang kalsada sa labas. Binibilang ang mga taong dumadaan na pauwi sa kanilang tahanan at ang iba ay papasok naman sa trabaho nila. Tila karakter sila sa music video ng musikang pinakikinggan ko. Ngunit biglang naistorbo ito ng isang tawag. Sinagot ko na agad ito ng hindi na inabala pang tingnan ang tumatawag.

"O? Pinangatawanan mo na talagang gamitin itong cellphone? Muntik ko ng tawagan kanina yung phone mo. Buti nalang-"

"Tumawag ngay siya kanina."

"Ha?"

"Tumawag si Rick. Kaso natapos na yung coffeebreak namin. Inaantay ko nga ulit na tumawag eh kaso wala pa hanggang ngayon."

"Edi alam na niyang nabuksan ko yung phone niya?"

Hindi nako nakasagot at kinagatan ko na lang ang siopao na inorder ko.

"Tang-"

"O, subukan mong ituloy yan."

Napigilan niya nga ito at napabuntong hininga nalang. Madali naman siya kausap kaya't madali kaming nagkakaintindihan. Buti pa siya, walang kung ano-anong kailangan.

"Hayyys! So ano na? Panigurado alam na niya kung anong nangyari sa mahal niyang phone."

"Nako! Quits lang kami nun no! Kilala niya na din ako kaya-"

"Kaya ginantihan mo naman? Morris naman. Kung ordinaryong phone lang yang hawak mo pwede mong gawin yan-"

Sa kalagitnaan ng usapan namin ay isang tunog ng bell ang sumingit na panandalian lang naman tumunog. Buti nalang at hindi tawag ang sumingit. Kung nagkataon delikado kaming dalawa. Hindi pwedeng malaman ni Rick na nabuksan ko na ang phone niya.

"Oy! Gets mo ba? Baka kumakain ka lang dyan."

"Nagtext na ngay siya."

Mukhang alam na ni Rick na nabuksan ko na ang phone niya. Hindi naman siya magtetext kung hindi niya alam. Nakakabahala na.

"Ano sabi?"

"I'll be going there to attend a business meeting. Just let me know where we can meet formally. There are things that we need to settle. Yun lang ang sabi sa text."

"Ayos ah, feeling ko kapag kikitain mo siya, pagkatapos niyong mag meet, magiging sikat ka na." Kung hindi lang siya smooth baritone, hindi maganda ang pagsambit niya ng pa-sarkastiko.

"Hoy! Ano anong iniisip mo."

"Ibabalita sa t.v, Isang kolehiyala, bigla na lang bumulagta sa sahig ng isang restaurant sa Center Mall. May tama ito ng 9mm na bala sa ulo. Nagtalsikan ang kanyang dugo sa mga lamesa ng mga kumakaing customers. Ayon sa mga saksi, ilang minuto pa itong nanatili sa kanyang upuan pagkatapos umalis ng lalakeng kausap nito bago ito tumayo at biglang bumulagta."

Paano kung magkatotoo ang pananakot niyang iyon. Hindi ko na lang dapat binanggit ang pangalan niya. Ano ba kasing na isipan ko at binanggit ko pa ang pangalan niya.

"Hindi mangyayari yan."