webnovel

Chapter 3: The stranger

Bahagya akong gumapang palayo sa pinaghahanapan ng lalake. Doon ko nga nahanap ang kahon. Nagpatuloy ako sa pagkapa. Ramdam ko sa tuhod ko ang kiliti ng mga damo at tuyong dahon pati ang mga maliliit na bato. Pero hindi alintana sa akin iyon dahil importanteng mahanap ko ang kahon at ang cellphone ko. Gumapang pa ako ng kaunti at sa wakas ay nahanap ko na rin ang phone ko. Malapit dito ay salamin. Agad kong naisip na sa lalake iyon. Pinulot ko ito at pinagpag. Nilingon ko muli ang lalake na naghahanap parin sa mga damo at tuyong dahon. Wala akong balak na lapitan siya at iabot ang salaming iyon. Meron akong pakiramdam na hindi ko dapat siya lapitan kaya't ibinato ko ito malapit sa kanya.

"Salamin mo."

Hindi ko na pinansin pa ang sagot niya at pinagpag ko na ang kamay ko sabay tungo sa direksyon ng liwanag. Mukha tuloy akong huling survivor sa patayan sa loob ng gubat na kung saan may pakalat kalat na psychopath na nangangaso ng biktima. Tsaka ko lang napagtanto na kaya sobrang sakit ng nasaging braso ko ng sanga ay dahil sugat pala ito at hindi lang simpleng nagasgasan. At hindi rin ilaw ng party ang ilaw na sinundan ko palabas ng gubat kundi ilaw sa parking lot. Sinong nakaisip nito? Walang harang sa pagitan ng parking lot at may ka-sukalan na maliit na gubat. Paano kung totoo ngang may psychopath sa loob ng gubat?

Nahihilo man pero pinilit kong maglakad na hindi tinitigan ang unti-unting paglabas ng dugo sa pagitan ng mga daliri ko. Meron din kasi itong mga lupa-lupa. Nagpatuloy lang ako sa paglakad ng normal para hindi mahalata sa CCTV ang kakaibang lakad ko. Alam kong makikita ko rin ang itim naming van. At hindi nga ako nagkamali. Isang D-max na lang ang lalagpasan ko ay rinig ko na ang malalim ngunit malanding boses ni Makee. Halata sa saya ng tono niya ay kausap niya ang jowa niya. Ngunit naisip ko munang huminto sa harap ng D-max at silipin siya. Ang ganda ng ningning sa singkit niyang mata habang kausap niya si Hansel.

Mukhang hindi ko na kinailangan pang tawagin ang pangalan niya at agad niyang natanaw ang mata ko mula sa pagkakasilip. Hinuli niya ang isang ihip ng sigarilyong nakatago pala sa gilid niya tsaka niya ito tinapakan.

"Sige na hon, goodnight na." Muli niyang pinulot ang dulo na sigarilyo bago siya sumagot sa tawag. "I love you."

Hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya ng sambitin niya ang salitang iyon kaya't inabot niya tuloy sa akin ang dulo ng sigarilyo para itapon. Pero mabilis na kumunot ang noo niya nang makita niyang hawak ko ang braso ko. Eto na ang kinatatakutan ko. Pagagalitan na niya ako.

"What the hell… patingin nga!"

Nakatikwas ang daliri niya ng hawakan niya ang kamay kong nakatakip sa maduming sugat sa braso ko. Para hindi ko makita ang sugat, sa poste na lang nang ilaw ako tumingala. "Please sa atin nalang ito..."

"Pa-" Wala siyang nagawa kung hindi mapabuntong hininga. "Ok! ok! tara doon sa loob." Kahit galit siya, nagawa niya pa ring makinig. Ok lang yan Makee, tanggap kita pati ang sikreto mo.

Buti nalang at inalalayan niya ako sa pag akyat sa passenger seat. Nang siguradong maayos na ang upo ko ay tsaka naman niya kinuha ang maliit na medical kit sa loob ng compartment bago siya umikot sa kabilang banda para sumakay sa driver's seat. Daig niya pa ang girls scout sa pagiging handa. Inilabas niya mula sa kit ang wipes. Kumuha siya mula rito ng dalawang ply. Iniabot niya sa akin ito. "Ok, tangglin mo na yang kamay mong nakatakip."Nakuha ko nga ang inaabot niyang isang ply samantalang ang isang ply ay mabilis na pinantakip sa sugat. Ang sakit sobra. Napalingon ako sa bintana para hindi niya makitang namuo na ang luha ko dahil sa hapdi at kirot ng sugat.

"San kaba galing ha? Binalaan na kita! Sabi ko sayo hindi natin kilala itong lugar kaya hindi ka dapat nagpupunta kung saan! Pero obviously, you didn't listen!" Lalo niya pang diniinan ang pagpunas sa sugat.

"Aray! Dahan dahan naman!"

"Diba ang sakit? Ang tigas kasi ng ulo mo!"

"Alam ko itong lugar na ito! Nakapunta na kami rito… Hindi ko lang matanda kung anong taon iyon."

"Still, you didn't listen."

Nagdalawang isip na tuloy ako kung sasabihin ko sa kanya ang lalakeng nakita ko. Baka lalo pa siyang magalit dahil tama ang hinala niya sa photographer. Paano na? Paano na?

"Ok tapos na. Pwede mo nang tingnan."

Bakit kaya pinili niya ang HRM kaysa magmedicine? dahil ba sa nanay? dahil ba sa jowa niya? Yun ang hindi ko pa alam. Napaka-misteryoso mo kasi Makee…

"Pwede ka na mag doctor neto."

"Loka Loka! kasama yan sa curriculum natin yang first aiding."

"Uy! sorry na! Wag ka na masungit"

Saglit niya akong tinitigan na nakataas parin ang kilay niya. Habang ako, pangiti-ngiti sa kanya na umaasang madadala ko siya ng ganun. Pagkatapos ay inilihis niya ang tingin niya palayo saakin sabay labas ng phone niya. Hinanap niya sa contacts niya ang isang pangalan. Hindi ko masyadong maaninag ang pangalan dahil masyadong maliit yung mga letra.

"Hello? We have to go now."

Sa bintana nalang ako tumingin para hindi awkward. Pero hindi ko parin maalis sa isip ko ang lalakeng iyon. Mas lalo ko tuloy hinigpitan ang hawak ko sa bakal na box at cellphone ko. Sana nga basag ang eyeglasses niya para hindi niya ako nakitang lumabas sa parang gubat na iyon. O kaya ay nasugatan din siya para tabla lang kami na nagdurusa sa sakit. Isinuot ko nalang ang headphones ko at pinatugtog ang radyo. Baka sakali mawala ang pangamba ko. Sabay sa pagbasa ko ng bagong libro ng Since that Day. Kaya lang naman nilabas ito ay dahil sa ang daming nalungkot na fans sa ending ng book four. Mga hindi sanay sa malungkot na ending. Pero hindi kasi deserve ni Damien ang nangyari sa kanya. Dapat kay Flint nangyari iyon.

"Ang susunod namang kanta ay magpapatunay na senti talaga ang pinoy. Here's Sila by SUD. "

Matagal tagal ding nawalan ng gana

Pinagmamasdan ang dumadaan

Lagi nalang matigas ang loob

Sabik na may maramdaman

Since that Day, Book 5

Chapter 2: The Stranger

"Roses are red, violets are blue, even if you're dead, I'll still love you." Damien whispered to himself while he knotted his yellow necktie. He knew his tears would fall any minute, but he kept his smile on his lips. "I'm a strong boy now, right, Mom?" He asked himself again. And there, his tears couldn't help it anymore.

'Di ka man bago sa paningin

Palihim kang nasa yakap ko't lambing

He lowered his head and wiped the tears on his cheeks. He couldn't explain again the heavy feeling on his chest. With both of his palms, he gently slapped his cheeks. It helped him gain some confidence, yet there was still heaviness inside him. "Come on now, Damien. It is your big day. Big boys don't cry, right?"

Sa bawat pagtago

'Di mapigilan ang bigkas ng damdamin

Another voice echoed around the, but it was clean and deeper than his. "That's right." A sudden jolt traveled around his body. He knew that tone. He knew that voice. He immediately turned his head behind him. His eyes sparkled in tears. His teeth shined as his mouth widened. "Flint! You're back!" He ran towards Flint, who accepted him with open arms. He missed the warmth of his hugs. He missed this stranger who filled in the void left by his mom and his power-hungry dad.

Walang sagot sa tanong

Kung bakit ka mahalaga

Walang papantay sa'yo

"Hey! You've grown a lot taller now than last time, huh?" Flint complimented him in amazement. Seeing Damien misses his mom only made him motivated to help this lost kid. He knew how hard it was to lose a mother at a young age.

Walang sagot sa tanong

Kung bakit ka mahalaga

Walang papantay sa'yo

But he was still proud of Damien reaching the end of his middle school years. Then tapped Damien's shoulder with a smile. "We've a lot of stories to talk about. But for now, we should go." He glanced at his watch and looked back at Damien, who already grabbed his toga and cap.

"We don't want to be late for your graduation."

Damien eagerly nodded at him as they went on their way.