1 Prologue

Bago magsimula ang paglikha ng universe. Ay may nalikha nang mga anghel at magigiting na archangel ang Panginoon.

Michael

Gabriel

Raphael

Lucifer

Isa sa pinakamagandang nilikha rin ng Panginoon ay ang universe. Ngunit isang archangel ang hindi sumangayon sa nilikha niya at ito ay nagrebelde sa paraiso at ang rebeldeng yun ay si Lucifer.

Michael ang pinaka panganay sa magkakapatid ang siyang pumigil sa pag atake ng kanyang kapatid. Hindi naging matagumpay ang pag atake ni lucifer at ang mga kawal nito at ito ay napalayas ni Michael sa paraiso kung saan nahulog si lucifer sa maapoy na impyerno.

Marami na rin namang may alam ng ganitong istorya. Pero di lahat kumpleto.

Ano nga ba ang nangyari kay Michael matapos ang digmaan sa paraiso?

Nasaan ba ang panginoon nung nalalaban ang magkapatid?

Ang sagot....

Nasa God sleep ang Panginoon at habang pinoprotektahan nila Raphael at Gabriel ang paraiso at ang Panginoon mula sa mga kawal ni Lucifer. Nagtuos sa isang dwelo si Michael at Lucifer. Matindi ang naging labanan ng magkapatid at ang natamo rin nilang sugat. Matapos matalo ni Michael si Lucifer. Nanghina ito at nahulog sa Earth. At hindi ito nagising sa ilang milyong pagkawala ng malay dahil sa lason ng espada na natanggap niya kay Lucifer.

America, 1898

Isang magandang babaeng magmimina ng ginto ang nagpunta sa isang kuweba kasama ang ama para maghanap ng ginto.

Habang abala ang ama sa pagmimina ay may napansin ang babae na umiilaw ang pinakadulo ng kweba at agad itong pinuntahan. May halong tapang at kaba ang babae ngunit patuloy parin nyang pinuntahan ito. At yun ngang nadiskubre niya si Michael na ngayon lang nagising at mahina parin. Nawala ang ilaw sa kanyang katawan at hinihilom niya ang natamong sugat sa kanya. Agad nya rin nakita ang babae na tinitignan siya.

"Halika, di kita sasaktan. Humihingi po ako ng tulong sa'yo."

Agad itong tinawag ng babae ang kanyang ama para humingi ng tulong. Dinala ng mag ama ang nanghihinang si Michael sa bahay nito. At ginamot ng babae ang sugat. Tinanong ni Michael kung ano ang pangalan ng babae.

"Angelica." Sabi ng babae

Nagpasalamat ito at nanatili si Michael ng matagal sa tahanan ng mag ama.

Baon na sa utang ang ama ni Angelica at binantaan na ito ng sindikato na papatayin kapag hindi sya nakapagbayad.

Kaya buong lakas na niyang tinrabaho ang pagmimina hanggang sa hindi na ito kinaya at bumigay ang katawan. Nalulungkot at naiiyak si Angelica at di na alam ang gagawin ngunit nandyan si Michael para gawin ang lahat matulungan lang ang mag ama.

Kinabukasan ay dumating ang mga sindikato at pinasok ang bahay ni Angelica. Habang si Michael na siya munang nagmina sa kweba.

Narinig ni Michael ang sigaw ni Angelica at mabilisang inilabas ni Michael ang pakpak at napuntahan nito ang bahay ni Angelica ng ilang segundo lamang. Agad niyang napatalsik at tinakot ang mga sindikato hanggang sa tumakbo na lamang sila palayo ngunit isa sa mga sindikato ang napatay ni Michael nang hindi sinasadya. Natakot ito at napaupo sa kaba.

Nalaman ito ng lider ng sindikato na ang kapatid niya ang napatay ni Michael.

Sinugod ito at pinagbabaril nila ang bahay nito. Saktong naisalba ni Michael si Angelica ngunit.... Ang ama ni Angelica ay bigong nailigtas. Tumakas ito at may nakita si Angelica sa mga mata ni Michael na umiitim ito. Pilit nitong inaalis ni Michael pero malakas ang epekto ng itim na kapangyarihan sa kanya. Dinasalan nya ito at unti unting nawala ang itim sa kanyang mata.

Napansin ni Michael na umiiyak si Angelica dahil sa pagkawala ng kanyang ama

"Wag kang mag alala. Nangako ako sa iyong ama na poprotektahan kita habambuhay."

Pinuntahan nya ang mga sindikato para paghigantihan ang ama ni Angelica at dahil nasa God sleep ang panginoon ay nailabas ni Michael ang misteryosong itim na kapangyarihan sa kanya at pinatay nya mga sindikato. At nang matapos ni Michael ang paghihiganti nya. Hindi alam ni Michael na siya ang may gawa nito sa pagpatay sa mga sindikato. Habang nililibot niya ang buong kuta ng sindakto ay nakita niya ang mga purong ginto na nakasilid sa kwarto ng lider ng sindikato. Alam ni Michael na masama ang magnakaw at pumatay pero ginawa nya yan para sa ama ni Angelica at kay Angelica narin mismo. Dahil ang mag ama naman talaga ang nagpakahirap na nagmina sa kweba.

At nang makabalik na siya kay Angelica dala ang mga ginto na nakuha nya sa mga sindikato.

Naging maganda ang relasyon nilang dalawa at di tumagal ay ito'y nagmahalan hanggang sa nakagawa sila ng magandang tahanan at palayan. At naging maganda ang takbo ng buhay nila. Ikinasal sila at nagsilang sila ng isang babae. Pinangalanan nilang Jennifer.

Naging masaya ang magpapamilya sa loob lang ng 8 years. Nagising ang panginoon sa kanyang God Sleep matapos niyang maramdaman na may masama sa anak ni Michael at Angelica. Pinadala ng Panginoon sina Raphael at Gabriel pero di parin nila mahanap ito dahil sa harang ng dark flame poison na nakalagay sa katawan ni Michael matapos ang dwelo nila ni Lucifer.

12 days at matagumpay na nahanap ni Raphael si Michael. Kinausap nya ito at sinabing nagkaroon ng dark flame sa kanya. Hindi ito pinaniwalaan ni Michael, agad nitong hinawakan ni Raphael si Michael at naramdamang wala na ang dark flame sa kanya. Napasa na pala sa anak niyang si Jennifer. Natakot bigla si Jennifer at nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kanyang katawan at lumitaw ang dark flame na naglilikha na ng shadow crystal.

Dumating si Gabriel para pigilan ang proseso ngunit lumalakas na ang kapangyarihan ni Jeniffer. Umatake ito at napatalsik niya lahat ng nasa loob ng bahay at aksidenteng napatay ni Jennifer ang kanyang ina. Nabigla si Michael at napaiyak ito ng sobra. Hindi na nya alam ang gagawin.

Sa huling pagkakataon, inilabas nya ang pakpak. Niyakap nya si Jennifer at sinabing lagi siyang nasa tabi niya kasama ang ina. Umiyak si Jennifer at sinakripisyo ni Michael ang buhay niya para pigilan ang paglikha ng shadow crystal sa katawan ni Jennifer. Lumitaw ang malakas na liwanag na may kasamang wave sa buong America. Nang matapos ang insidente.... Nakita nalang nila Raphael at Gabriel na wala nang buhay si Michael at naglaho ito, agad ring tinignan nila kung buhay pa si Jennifer.

Buhay ito at kalahati lang ng dark flame ang nalikha sa shadow crystal.

Desidido na sila ang mag aalaga sa bata hanggang sa pag laki nito. Makapag-aral, makapagtapos, makahanap ng trabaho, pero hindi pa tanggap nila Raphael at Gabriel na makahanap ng relasyon si Jennifer dahil nandyan parin ang kalahati ng shadow crystal sa kanya at baka maipasa ito sa magiging anak niya. 22 years old siya nang makahanap ng lalaki si Jennifer at hindi ito alam nila Raphel at Gabriel.

Nagkaroon ng pagtatalik sa dalawa.

Nabuntis si Jennifer at sa takot na mapagalitan o ipapatay ang magiging anak nya ay nagdesididong magtago at magpakalayo siya mga guardians niya. Nagpunta sila ng New York para doon manirahan at palakihin ang anak nila.

Dahil hindi makasagap ang mga kapangyarihan nila Raphael at Gabriel nang dahil sa demonic block ng shadow crystal, bigo na nilang mahanap pa si Jennifer.

Naisilang ni Jennifer ang batang lalaki sa pangalang...

Edmund Laswell.

avataravatar
Next chapter