1 Chapter 1

PLAGIARISM IS A SERIOUS CRIME....

WARNING IT IS RATED SPG....

RESERVED ALL RIGHTS BY: 2016

AUTHOR: @Janssalve Timwat

********************

Amanda's POV

"Amanda!!!" Tawag ng Majora ng mansion.

"Majora?!!" Sagot ko sa tawag.

"Ihatid mo itong pagkain kay Sir Jhin sa kwarto." Utos ng may edad na Majora.

"Majora? di po ba, bawal ang umakyat sa taas?" Pag tataka ko.

"Bakit? Saglit lang naman ah." Saad ng Majora.

"Ehh..." sabi ko na nag aalangan.

"Sige na! Marami pang gagawin. Walang tutor yun ngayon, kaya hindi yun bababa." Paliwanag nito.

"Eh... kase---

May nais sana akong sabihin pero di ko naituloy.

----- Ipatong mo lang doon at kukunin na lang nya. Dali na." Pag dudugtong ng Majora.

Kinuha ko naman. Dali dali akong umakyat sa hagdan. Wala pa akong experience sa kanya pero lahat ng mga old maids takot sa kanya batay sa mga kwento kwento ng mga ito... kaya pati ako natakot na rin sa anak ng amo namin.

Habang paakyat ako ay napapaisip ako, napansin kong iba ngayon ang sinasabi ni Majora tungkol sa pag akyat sa hagdan, dahil noon, ipinagbabawal nya to.

Ito ang unang- una nyang ipinagbawal sakin noong bagong dating palang ako dito sa mansion.

'Bakit ganun? Ni nga sya takot sa amo namin eh...'

Ipapatong ko na sana ang tray sa lamesita katabi ng pintoan ng makita ko ang paskil sa pinto.

What has many keys but can't open any doors?

Ang nakapaskil sa kanyang pinto. Napaisip ako...

Many keys? Pero di makakabukas ng pintoan? Ano kaya yun?

Walang idea- ng pumapasok sa isipan ko, para maging sagot sa nakapaskil.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang isang magandang babae sa loob ng kwarto.

Maputi, Maganda at makinis halatang mayamanin. Nakabistida syang pantulog na kulay puti.

Straight na Straight ang buhok nito at naka one side may maamo din syang mukha.

Halatang wala syang make up.... pero napaka ganda nya. Pwede syang artista o kaya ay model.

"Where's my food?" Tanong nito kaagad. Maamo din ang kanyang boses at masarap pakinggan.

Nataohan ako sa tanong nya.

"Ah! Ma- ma'am, here's your food." I said.

Magaan kaagad ang loob ko sa kanya, kaya nakalimutan ko ang takot ko sa mga kwento kwento sa labas at ng mga old maids.

"Paki patong nalang sa Study table ko." Utos nito at niluwagan ang pintoan nya.

Pumasok naman ako. Pagpasok ko napansin ko kaagad ang mga sticky notes sa wall nya. Marami at puro mga tanong ang nakalagay.

Walang design ang kwarto at ito lamang ang nag sisilbing pang pa aliwalas sa kwarto.

Walang bintana akong nakita pero may isang wall na tanging walang design na kahit ano. Kahit sa kisame may sticky notes din.

Na-strange sakin ang lugar at pinang lamigan ako.

Habang umiikot ang paningin ko sa buong kwarto narinig kong padabog na sumara ang pintoan ng kwarto at nataohan na naman ako sa pagkamangha ko.

Agad ko nang ipinatong ang tray ng pagkain nya sa study table nya.

"Ma'am, lalabas na po ako..." sabi ko sa kanya kasabay ng pagtingin ko sa kinatatayuan nya.

Matama lang syang naka tingin sakin habang nakasandal sa pintoan nya.

Tiningnan ko naman sya mula paa hanggang ulo. Maganda sya talaga pero may kabang biglang bumalot sakin ng makita ko ang matatalim nyang mga mata na nanatiling maamo kahit serious face na sya.

Masasabi kong American beauty sya kase mistisa pero kase maputi naman si Ma'am Shari.

Natutuwa ako sa straight nyang buhok na naka one side lang. Simple but beautiful.

"I'm a beautiful, right?" Magaan nyang tanong. May ngiti sa mga labi ngunit hindi banat.

"Yes Ma'am, your really beautiful!" My fast Answer.

"What the kind of gender do you expect to me?" Nakangiti nyang sabi habang palapit sa kinatatayuan ko.

Dahan dahan lumalapit sa akin.

"Ma'am, o- of course... a girl." My answer.

Natigil ang paglalakad nya. "Really?" Saad nyang may tuno.

Nag taka ako sa kanya.

"Ma'am?" Napatanong kong sabi. May kaba ako sa kanya at sa ikinikilos nya. Ewan kong bakit pero kanina hindi naman ganito.

"Mamaya na ako kakain, mag didilig muna ako ng sarili." May makahulugan nyang sabi.

Habang lumalapit sya ulit sakin. Nang nasa harapan ko na sya....

"H-ho?" Napatanong ko na naman.

"Ang sabi ko, mag didilig muna ako ng sarili!" Sabi nya at isang iglap ay nabago ang itsura nya.

Napalayo ako sa kanya habang nakikita ko kung paano sya magbago ng anyo.

Napa hawak ako sa study table nya.

Hindi naman sya naging halimaw o what so ever na monster pero...

Naging itim ang mga mata... Ang one side nyang buhok naging hati sa gitna at parang nakaharang sa mga mata nya. Style Sadako ba pero hindi nagbago ang anyo at aurang demonyo na sya.

"Ma- ma'am?" Natatakot kong sabi.

Umangat ang bibig nya... nakita kong ang mga ngipin nya parang naging ngipin ng pating.

Tumalas ang mga kuko nya. Saka ko pa lamang napansin na wala syang dibdib. Flat ang kanyang bistidang puti. Nakayapak lamang sya habang papalapit sakin.

"Ma- ma'am wa- wag po!" Napa iyak kong sabi dahil natatakot na ako sa kanya.

Dahan dahan ang paglapit nya sakin at ikinuskos nya ang palad sa study table nya.

Nanginginig na ang mga tuhod ko ngunit nilabanan ko dahil tinakbo ko kaagad ang pintoan para makalabas...

Pero naka-lock sa labas.

"Majora!!!" Malakas na tawag ko sa tabi ng pintoan.

Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko sa sobrang kaba.

Umiiyak na rin ako at mabilis ang pagpatak ng mga luha ko.

Samantala...

Dumating na ang Majora ng Masion na namalengke ng madaling araw.

"O, ayusin nyo na ito para makakain na tayo." Magaan nyang utos sa mga kasama sa bahay.

Kaagad na nagsi kilos ang mga naka rinig. 14 silang katulong ngunit ng binilang ng Majora 13 na lamang.

"Sinong kulang?" Tanong ng Majora.

Nag isip ang mga kasama sa bahay.

4 na boys at 10 dapat na mga babae pero 9 na lang ngayon.

"Wala naman po, Majora" sabi ng isa.

Ang iba nagkibit kalikat saka itinuloy ang mga ginagawa.

"Hindi! dapat sampu na kayo eh... kase nga diba may nadagdag?" Taka ng may edad na Majora.

Ngunit ang mga katulong na tinatanong ay wala nang maalala liban sa Majora.

Ngunit kahit ang Majora, hindi na nya tanda pa, kung sino sa mga kasamahan nya ang nawawala.

Isip sya ng isip dahil alam nyang 10 maids na ang kasama nya. Ngunit, hindi nya maalala kung sino at ano ang ngalan ng nawawala.

avataravatar
Next chapter