webnovel

Kabanata 2

First Night

NAALIMPUNGATAN ako dahil nahihirapan akong huminga. Parang may nakadagan sa aking katawan at nararamdaman kong may humahalik sa labi ko.

Humahalik?

Pinilit ko ang sariling magising ngunit parang may nakapiring sa aking mga mata at hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.

Napansin niya ata na gising na ako kaya tinigilan niya na ang ginagawa. Matapos ng kanyang pagtigil, naigagalaw ko na ang aking katawan.

Bumangon ako at marahas na tinanggal ang piring. Dahan dahan kong inabot ang gasera sa gilid ng aking kama at binuksan ito.

Abot langit ang kaba ko at parang nabunutan ng tinik ang aking dibdib nang wala akong taong nakita, maliban sa isang painting na nasa harapan ko.

Tintigan ko ito.

Riel, bantayan mo ako sa aking pagtulog.

Nakangiti kong pinagmasdan ang kanyang litrato.

Baliw ka talaga Fina. Paano ka babantayan, oleo lang yan. Tsaka matagal na siyang patay. Alanganamang bumangon   siya sa hukay para sa iyo.

Bitter na sabi ng kaliwang bahagi ng aking utak.

Hoy! Do you believe in spirits? Baka nandyan lang siya sa tabi-tabi. Pinagmamasdang ang kagandahan ni Fina.

Kinilabutan ako sa tinuran ng kanang bahagi ng aking utak. Hindi naman totoo ang mga multo, diba? Tsaka ano daw?

Binabantayan? Ano ako prinsesa? Asawa niya?  Swerte ng napangasawa niya. Sana all! Tss!

Napailing ako sa iniisip at pinatay ang gasera. Minabuti kong matulog na lang ngunit bago matulog ay parang may humahaplos sa aking mukha at  magaan na halik ang dumampi sa aking noo.

"Masusunod, mahal ko. Huwag ka mag-alala dahil palagi kitang babantayan at p-protektahan."

NATIGIL ito sa paghaplos dahil bahagyang nagsalita ang dalaga. Kumunot ang noo nito sa tinuran ni Fina.

"Akin lang si Riel. Kala mo kung sinong kagandahan."

Natulala ito sa tinuran ng dalaga dahil pamilyar ang linyang sinabi nito. Nang makita siya nitong may kasamang ibang babae.

"Bakit mo kasama si kuya Riel?" Nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin ng batang babae sa dalawa.

Hindi alam ng babaeng kasama ni Riel ang isasagot. Samantala, parang wala lang kay Riel ang nangyayari.

Bago pa man masagot ito, ang bata ay tumakbo papalayo habang pinipigil ang mga luha nito. Naupo siya sa gitna ng dalawang puno ng mangga at dun nilabas ang sama ng loob.

"Insan, sundan mo na siya." Naawang tiningnan ng babae si Fina. Napailing si Riel pero napatakbo siya nang makitang lumuluha ito.

"Fina." Tawag niya rito pero patuloy pa rin siya.

"Ikaw lang naman ang babae sa buhay ko maliban sa aking ina, wala nang iba."

"Ikaw lang naman ang babae sa buhay ko maliban sa aking ina, wala nang iba." Pag-uulit nito sa sinabi niya dati. At nagulat siya sa naging sagot nito.

"Sinungaling." Napasapo siya sa kanyang bibig sa gulat. Ito rin ang sagot nito sa kanyang mga alalala.

"Sinungaling." Humarap ito sa kanya na punong puno ng galit ang mata. Umiwas ito ng tingin sa kanya.

"Fina. Ikaw lang ang babae sa buhay ko." Hindi ito lumingon at kumibo. Hinawakan nito ang kamay ni Fina tsaka hinalikan. Dun lamang ito napalingon sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Serafina."

NAPAPANGITI SIYA sa mga matatamis na alalala nila sa isa't isa. Napawi agad ito dahil sa isang pagkakamali na sana hindi niya ginawa.

"Ako'y natutuwa sa iyong pagseselos noon. Mas lalo mo akong pinapahulog para sa iyo. Alam kong galit ka sa akin kaya mo ako iniwan. Alam ko ang mga kasalanan ko pero nangako ka na hindi mo ako iiwan. Paumanhin pero wala ka nang kawala dahil pagbabayaran mo ang ginawa mong pang-iiwan sa akin. Itatali na kita sa akin habambuhay."